bc

In my dream

book_age12+
2.3K
FOLLOW
8.6K
READ
like
intro-logo
Blurb

"Ang tagal kung naghintay para makita at mahawakan ka,pero ngayon nandito kana hindi na ako malaya." Punong puno ng lungkot at panghihinayang ang boses ni Ron.

Magkakaroon pa kaya ng katuparan ang kanilang pag-iibigan?

O, hanggang sa panaginip nalang?

chap-preview
Free preview
Hiking
***Ron*** "Walang 'ya. Dalian nyong maglakad!" Mapang iinis na sigaw ni Ron sa kanyang mga kaibigan. Ngisi hanggang taynga ang ngiti nya dahil sa nakikitang itsura ng mga ito. Kasalukuyan sila ngayon umaakyat amsa bundok kung saan napili nilang magbakasyon. 'A.Napili lng pala nya dahil hindi alam ng mga ito kung saan sila pupunta.' Kanina pa nagrereklamo ang mga ito dahil kanina pa sila naglalakad. Paniguradong pagod na ang mga ito. "F**k! Saan ba tayo pupunta?" Inis na pasigaw na tanong ni Jef na noon ay halos ibalibag na ang dala nitong maleta. Napatawa sya ng mahina "Kala ko ba gusto mo ng something extreme na bakasyon?" Nakangisi parin nyang tanong at umupo sa may batong malapit sa kinatatayoan nya saka humarap sya kung saan sila galing. Mataas na ang narating nila at Malapit na din sila sa tuktok ng bundok. Naglakad pa ang mga ito para marating nila kung asaan siya nakapwesto. Para paring walang pakialam ang mga ito sa paligid dahil abala sa pagrereklamo. Pinipigil nya ang mapabunghalit ng tawa dahil sa itsura ng mga ito. Nakahila kasi sila ng maletang umaakyat sa bundok. Hahaha. Di kasi nya sinabi na sa bundok sila pupunta. "Next time bag nalang dalhin nyo para di kayo mahirapan." Buska nya at pinakita pang nag ienjoy sya sa paghihirap ng mga ito. Parang nanlalambot si Jhon na tumingin sa kanya pero halata ang pagkairita. "There's no next time for you asshole!" Singhal nito saka binato sa kanya ang dala nitong bimpo na pinangpupunas ng pawis nito. Knowing them, pagsinabi nyang aakyat sila sa bundok parang naririnig na nya ang tumataginting na NO!!! Ang sagot ng mga kaibigan. Kaya hindi na nya sinabi. Binaliwala lang nya ang reklamo ng mga ito. "Let's go. Konti nalang, mararating na natin ang tuktok." Pagyaya nya kahit alam nyang hindi pa halos nakakapagpahinga ang mga ito. Ang sarap nilang asarin e. Pero bigla ay hindi na siya pinapansin ng mga ito dahil nakamasid na ang mga ito sa paligid. "Wowww..." mahina parang bulong lang na anas ni Alex na parang pinuno pa ng hangin ang baga. Si Jhon naman ay panay na ang kuha nya ng picture parang nakalimutan bigla ang pagod. Hilig kasi nito ang photography. Punong puno ng paghanga ang mga mata ng mga ito. Hindi na sya magtataka dahil ganon din ang reaction nya noong una siyang umapak sa lugar na ito. Napangisi sya. "Tara na guys. Appetizer palang yan. Wait until we get there." Turo nya sa tuktok ng ng bundok. Sabay sabay namang napaungol ang mga ito na wari'y nanghihina uli. "Malayo pa ba?" Macky's ask. Bumalik sa boses nito ang pagkainis.Si Macky ay kapatid nya. Ito ang kanyang best buddy. Kasangga nya sa lahat ng bagay. "Malapit na. Mga one hour nalang." Natatawa nya biro. One hour na kasi sila naglalakad pero hindi parin sila nakakarating sa pupuntahan nila. E pano parang pagong ang mga ito. Idagdag pang may maletang hila hila ang mga ito. "Ok let's go." Sabi ni Alex na ito lang ata ang di nagrereklamo. Binuhat na nito ang kanyang maleta na parang wala lang ang bigat. Good for one week kasi ang plano nila kaya maleta ang dala ng mga ito. Sabi kasi nya ay sya ang bahala, Siguro ang inaasahan ng mga ito ay kagaya ng nakasanayan nilang bakasyon grande. Kagaya ng sa beach resort, pangingibang bansa. Pambabae. Kaya maleta ang dala ng mga ito. "Siguraduhin mo lang na masusulit ang bakasyon natin Ron, dahil kung hindi. Ipapagulong ka namin sa bundok na to pababa." Banta ni Tim na ikinatawa naman nya. Hindi alam ng mga ito na ang lupang inaapakan nila ay pag-aari nya. 3 years ago ay nabili nya ang lupa. Malawak ang lupain na ito, halos isang daang ektarya. Gusto nyang maayos muna ang mga dapat nyang ayusin bago niya sabihin sa mga ito ang tungkol dito. Kagragraduate lang nila ng college noon ng malaman nya ang tungkol dito. Dahil may sapat na syang ipon ay kinuha na nya. Since second year college palang sila ay nagbibusiness na sila. Nagsimula sila sa buy and sell ng mga sports car, mga pang race na motor. Big bike at puro mga kilalang tao ang mga nakakadeal nila. hanggang sa lumago ng lumago ang negosyo nila kaya pagkagraduate nila ng college ay millionaryo na silang anim. At ngayon ay matatag na ang negosyo nila na menamanage nila Tim at Alex. Pinaubaya na nila sa dalawa ang pagmamanage dahil Silang apat nila Jef, Jhon at ang kapatid nya ay may mas mabibigat n responsibilities ang nakaatang sa mga balikat nila. Kilala sa lipunan ang pamilya nila lalo na sa business world. Kaya naman sa sariling negosyo ng kanilang pamilya sila ngayon nakatutok. Si Tim ay anak ng family attorney nila. Hindi ito kasing angat nila pero hindi din naman ito mahirap. Si Alex ang may pinaka mahirap ang pinagdaanan sa buhay dahil naranasan nitong magpalaboy laboy sa kalsada, nagutom, nagkakal ng basura para makakain. Pero nagsumikap ito para makaahon. Ngayon nga ay millionaryo na ito. Utak lang talaga ang naiambag nito sa negosyo nila dahil kahit piso ay wala itong naiambag, pero sulit naman dahil mautak at matuso ito pagdating sa negosyo. Ilang minuto pa ay narating na nila ang ibabaw ng bundok. "Wuaaaah... what a breathtaking view." Anang mga ito ng sa wakas ay narating nila ang tuktuk. Sa taas ng bundok ay makikita ang green na green na paligid at matatanaw ang napakalawak na taniman ng palay na parang carpet na nakalatag. Napakapresko ng hangin at napakatahimik. Huni ng ibon lang ang naririnig at ang tunog ng tubig na nanggagaling sa falls na natatakpan ito ng mayayabong na puno kaya hindi ito nakikita. "F**k. Pano mo narating ang lugar na ito?" Tanong ni Jef. Nginisihan lang nya ito. Mamaya na nya sasabihin pag nakarating na sila sa resthouse na pinagawa nya. Ilang saglit pa sila doon ng may marinig silang mga boses na nagtatawanan. Hula ni Ron ay mga estudyante ito 'ang aga naman nila' aniya pero sa isip lang nya nasabi dahil Alas dose palang ng hapon. Hindi nga sya nagkamali dahil bumungad sa kanila ang limang babae at dalawang lalaki na naka uniform. Namukhaan sya ng isa sa mga ito. "Kayo pala boss" bati nito ng makalapit na ang mga ito sa kanila. "Ang aga nyo yata?" Nakangiti naman nyang tanong at bahagyan pang tinaas ang kanyang kamay sa mga kasama nito tanda ng kanyang pagbati. Kimi namang ngumiti ang mga dalagita sa kanila pero halatang kinikilig ang mga ito dahil lihim pang nagsikuhan. Nasa kilos ng mga ito ang pagiging mahiyain. Nakayuko ang mga ito na lumagpas sa kanila na ikinangisi naman ng kanyang mga kasama kaya napailing sya. Alam nyang naaaliw ang mga ito. Mga bata pa ang mga kasama ni Balong nasa fourth year high school siguro. Tinapunan nya ng tingin ang mga ito na tila may hinahanap ang kanyang mga mata. May naramdaman syang pagkadismaya dahil alam nyang wala ito dito. "Diba kaklase mo si Elling?" Baling nya uli sa kausap. "Balong ang pangalan mo diba?" . "Oo boss." Sagot naman nito at lalong lumawak ang ngiti nito "Pumunta po sya sa maynila mayroon po yatang interview para po sa inaaplayan po nyang scholarship." 'So, hindi na naman pala kita makikita.' Aniya na sa isip na hindi mapigilang hindi makaramdam ng lungkot. "Pero ngayon din po yata ang uwi nya kasi graduation ceremony po namin bukas." Anito ng nabasa siguro nito ang nasa isip nya. "Who's Elling?" Tanong naman ni Alex na nakikinig pala sa usapan nila. "Kapatid po ni kuya Bryan at kaklase ko po." Si Balong ang sumaagot kay Alex. "Kahit sabihin mo sa mga yan di din nila kilala." Naiiling nyang wika kay Balong. "Anyway. Congrats!" Tinapik nya ito sa balikat. " sa wakas ay makakagraduate na kayo" pang iiba nya sa usapan pero hindi nya tinago ang tuwa sa boses. "You mean bro,araw araw kayong naglalakad ng ganito kalayo para pumasok sa school?" Tanong pa ni Macky kay Balong. "Opo boss, wala e. Wala namang ibang masasakyan kasi di makakapasok ang sasakyan" sagot naman nito na halatang nahihiya. Sabay sabay na nanlaki ang mata ng mga kaibigan na parang hindi makapaniwala "Wuaaah.." halos sabay sabay pang react ng mga ito. "Wow! Salute kami sa inyo tol." Bati ni Alex na kinamayan ito. "Salamat po." Kiming sagot ni Balong. "Sa Manila ba mag-aaral si Elling?" Tanong uli nya patungkol sa dalagang hindi pa nakikita ang mukha. "Opo ata e." "Anong school ba?" Tanong uli nya. Hindi nya mapigilang ang sariling magtanong ng magtanong ng tungkol dito. "Sa Ateneo po yata hindi ko lang po sure e." "Sino ba yong Elling na yan at kanina kapa tanong ng tanong." Takang tanong ni Tim na napansin yata nitong interested sya dito. "Don't tell me na siya ang binilha natin kahapon ng necklace?" Kunot noong tanong din ni Macky. Sinamahan kasi sya nito na pumunta sa isang mall sa manila para bumili ng pangregalo dahil alam nyang graduation na ng dalaga. "Wuaaah. Anak ng tipaklong tol. Pumapag-ibig ka na yata pero wala pa kaming nalalaman" ani Jhon na inakbayan sya at tinapik ang tiyan Halos mapauklo sya. "Damn!" Mura nya dahil napalakas kasi ang pagtapik nito sa tiyan nya. Nakita nyang nagbubulungan ang mga kasama ni Balong na parang kinikilig dahil naririnig ng mga ito ang pinag-uusapan nila. "Magtigil nga kayo," saway nya sa mga ito. "Binilhan ko sya ng regalo dahil malaki ang naitutulong nya sa farm ko." Paliwanag nya. "Wait. Anong farm?" Tanong Jef na nakataas ang kilay. Napaungol nalang sya dahil nadulas syang mabanggit ang tungkol sa farm. "I will tell you about it later okey." Sagot niya na tinaas pa ang dalawang palad para patigilin ang mga ito sa pagtatanong. Nagkatinginan naman ang mga ito. "Tara na para naman makarating na tayo." Yaya nya sa mga kasama na ikinaungol na naman ng mga ito. Halatang nagpipigil naman ng tawa ang mga estudyante na kasama nila dahil sumabay na din ang mga ito sa pagbaba nila sa bundok. "Wag na ninyong pigilan ang tawa nyo girls." Wika nya sa mga ito. Kahit nga siya natatawa sa mga itsura ng mga kasama nya na nakamaleta. "F**k you! Kung sinabi mo lang na maghahiking tayo di sana aparador ang dinala namin." Mura naman ni Tim sa kanya na lalong ikinahagikhik naman ng mga kasama nilang babae. Napailing nalang siya sa mga ito. Habang naglalakad sila ay di nya maiwasang isipin ang dalagang ilang araw na niyang naiisip. Sa loob ng tatlong taon at ilang balik na sya sa lugar na to ay likod lng ang nakita nya dito. Asa 5'5 siguro ang taas nito na sa batang edad nito ay halata na ang kurba ng katawan na may napakagang puwet.Tuwid na tuwid ang makapal at mahaba nyang buhok. Noong ay di naman nya ito masyadong naiisip, pero nitong nakaraan kasi ay nakausap nya ito sa cellphone at mula noon ay di na ito mawagli waglit sa kanyang isipan. Di niya mapigilang alalahanin kung pano nya ito nakilala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
46.2K
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.8K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.5K
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook