bc

Unexpected Subject

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.5K
READ
forced
brave
drama
twisted
gxg
bisexual
office/work place
betrayal
photographer
like
intro-logo
Blurb

“Is it possible to fall in love on someone that totally stranger to you? And take note, she's just my unexpected subject because I accidentally pictured her. Impossible right? But I can't help it. Nawala kasi siya bigla pagkatapos ko siyang makunan nang hindi sinasadya. Natawa nga ako nang may sabihin ang aking best friend. She said, hindi raw iyon love at first sight, kundi love at first shot. But, for me? Indeed, it's a love, no doubt for that, but it’s a love that I found in my unexpected subject.”

Ngunit, hindi aakalain ni Breanna na ang tadhana na mismo ang maglalapit sa kanilang dalawa ng unexpected subject niya. Ang unexpected subject na magbibigay kakaibang pakiramdam at magpapaalala sa nakalimutang nakaraan. Ang inaakalang unexpected subject lang ay siya pala ang taong kaniyang nakalimutan at nabaon sa nakaraan. Kakayanin pa ba, kung malalaman ni Breanna ang kinahinatnan ng paglimot niya sa babae? Kakayanin pa ba ni Breanna na ang pinakaiingatan niyang tao at pinakamamahal niya noon ay may masaklap na palang karanasan sa mga panahon na kaniyang kinalimutan niya ito ng hindi sinasadya? Kakayanin ba niya pagmalaman ang pinakatago-tagong sekreto ng babae na isa rin siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon? Maipagpapatuloy pa ba ang minsanan ng naudlot na pag-iibigan nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
FULL OF DREAMS: Isang pasikat na kakaibang bar kung saan magsisimula ang estorya ng pag-ibig ni Breanna. Ang lugar na siyang maging saksi sa lahat ng mangyayari sa buhay niya at bibihag sa pihikan niyang puso na hindi mag-aakalang iibig na lang bigla. Isang misteryosong babaeng nakita niya lamang sa hindi sinasadyang pagkakataon. Ang kauna-unahang unexpected subject na magiging dahilan kung bakit titibok na lang bigla ang pihikan niyang puso.   --------------------   Kaka-graduate ko lang talaga last month, ngayon ko lang din naisip kung ano talaga ang gagawin ko sa aking buhay. I’m just walking on the hallway ngayon habang hawak-hawak ang aking DSLR na binigay ni daddy sa akin noong debut ko. I’m Breanna Y. Gabriel by the way, a 20 years old freelance photographer and soon to be CEO of Gabriel Airline na ipapamana ni daddy sa akin after 1-year na kasunduan namin, right after kong matapos sa college. I’m just a simple girl na ginagawa kung ano ang gusto ko na mangyari sa buhay ko na magpapasaya sa akin. At the same, I know what to do with my responsibilities as a daughter to my parents kaya mas lalong masaya gawin ang mga gusto kong gawin ko sa aking buhay. Though, hindi naman masasayang ang pinag-aralan ko about business dahil ang gusto kong gawin sa aking buhay ay konektado naman doon.   Art gallery kasi ang balak kong ipatayo na business for myself. At least kikita naman ako roon. I'm just planning to make my own art gallery. Alam ko naman na hindi habang buhay na magiging freelance photographer ako kasi alam kong sooner or later ay magbabago rin ang gusto ko sa buhay. Sapagkat napag-usapan naman din namin ng aking best friend regarding about my plans. Nag-suggest siya na why not magpatayo na lang ako ng art gallery kaya pumayag naman ako sa si-nuggest niya sa akin. At least, hindi masasayang lahat ng achievements ko at may mapaglalagyan man lang ng mga pinaka-importanteng kuha ko, which is a great idea para sa akin.   Ayaw kong sayangin ang oras ko dahil sinusunod ko talaga ang golden rule na 'Time is gold'. Kahit na may kaya naman kami, I just don’t like the idea of wasting my time and money for something na hindi naman dapat. I should cherish what God gave me to me. After all, everything in this world are just temporary. It might change in a snap kaya iniiwasan ko na magkaroon nang rason para mawala lahat ng pinaghirapan ko, lalo na ang pinaghirapan ng pamilya namin.   Pero hindi ko aakalain na sa aking pagiging freelance photographer ay may makikita akong isang taong bibihag sa aking puso. Hindi ko alam na sa bagong yugto ng buhay ko ay siya ang magiging dahlian para magbago ang takbo ng aking buhay. Bakit ko nasabi? Dahil sa larawan niya na nasa aking DSLR which is I didn't expect it also. Bigla-bigla na lang kasing kumabog ang puso ko na waring gustong lumabas nito sa aking rib cage.   Is it possible to fall in love with someone that total stranger to you? And take note she's your unexpected subject because you accidentally pictured her. Impossible, right? But you can't help it. I can’t help it. Pero isa lang ang nasa isip ko. Isama ko talaga siya sa art gallery na plano kong buksan and maybe she will be my lucky charm to start my business.   Ang maamo niyang mukha, ang nakakatunaw niyang mga titig at ang katawan niya. Damn! Demigod ba siya? Pero may mangyayari ba kung hanggang picture ko lang siya makikita? Nawala kasi siya bigla pagkatapos ko siyang makunan nang hindi sinasadya. Natawa nga ako nang may sabihin ang aking best friend sa akin. She said, hindi raw iyon love at first sight kundi love at first shot. But, for me? Indeed, it's a love, no doubt for that, but it’s a love that I found in my unexpected subject.   Habang iniisip ko kung sino ang taong iyon ay 'di ko napansin na may taong bigla-bigla na lang akong hinila sa gitna ng dance floor. Nasa Full of Dreams ako ngayon, hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko kaya narito ako. I’m still thinking about that girl. Hindi masyadong kita ang features niya dahil gabi na rin, masyadong dim din iyong lugar kung saan siya nakunan. Aalis na sana ako ng bigla akong hinila ng babae sa gitna ng dance floor ulit. Magrereklamo sana ako ngunit bigla na lang niyang ipulupot ang kaniyang mga braso sa aking leeg habang nagsisimula na siyang sumayaw sa harap ko. Napatitig ako bigla sa kaniya nang makita ko ang emosyon sa mga mata niya. Bigla-bigla na lang kumabog nang malakas ang aking puso sa hindi malamang dahilan.   ***   Dahil masyadong mapaglaro ang tadhana, hindi aakalain ni Breanna na mismo ang nagpapagulo ng buhay niya ang lalapit sa kaniya para maging girlfriend siya. Pumayag naman kalaunan si Breanna sa alok ni Dianne sa kaniya dahil nga sa gusto niya ring matulungan ang babae at dahil din sa kakaiba niyang nararamdaman towards sa babae. Habang nagpapanggap ang dalawa ay hindi namamalayan ni Brea na nahuhulog na siya nang tuluyan sa babaeng may mahal ng iba. Sa tagal na nakakasama niya ito unti-unti niyang namamalayan na hindi niya pala lubusang kilala ang babaeng minamahal. Hindi na niya alam kung sino nga ba ito. Akala niya’y kilalang-kilala na niya si Dianne ngunit hindi pa pala kumakalahati sa kalingkingan niya ang nalalaman niya tungkol sa babae, o worse ang pinapakita ni Dianne ay ang pekeng pagkatao niya. Dahil sa pighati na nararamdaman ni Brea matapos isang gabing malaman na mahal pa rin ni Dianne ang dating kasintahan ay naisipan niyang huwag magpakita at magparamdam muna. Gusto niyang mag-isip isip at timbangin ang nararamdaman niya ngunit huli na ang lahat, hulog na hulog na siya sa babaeng nag-alok sa kaniya na maging fake-girlfriend niya. Sa pagpapanggap na siyang magiging dahilan para unti-unti na niyang mapasok ang madilim na mundong pilit na itinatago ng babae at pilit tinatakasan. Ang madilim na mundo na siyang puno’t dulo ng lahat nang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon. Ang mundong minsan na niyang naging mundo ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sa kaniya ay nakalimutan niya rin ito.   Ang mundong kinalimutan na siyang naging dahilan para mabuhay ang dalawang katauhan sa buhay ni Dianne. Dalawang katauhan na naging dahilan bakit nanatili pa si Dianne na buhay sa masalimuot na mundong ginagalawan. Dalawang pagkatao na tumutulong kay Dianne matapos lahat ng paghihirap na pinagdadaanan. Dahil sa pangyayaring iyon ay pinaalam ni Jam ang katotohanan kay Brea. Ang katotohanang siya ay isa sa split personality ni Dianne na matagal ng pilit itinatago ng babae sa kaniya. Split personality na hindi niya akalain na siya rin ang magiging dahilan ng pagkaroon ng ganoong kondisyon ang kaniyang mahal. Hindi niya alam kung kaya ba niyang tanggapin ang lahat dahil sa nalaman niya. Kaya ba niyang tanggapin ang kakaibang emosyon na nagsusumiksik sa kaniyang puso at isipan na isa siya sa naging dahilan ba’t nangyari ang mga bagay na iyon sa kanilang dalawa.   Sa gulo ng nangyayari sa buhay niya at buhay pag-ibig ay bigla na lang nagising sa isang araw na naalala na niya ang mga kahapong hindi sinasadya niyang kalimutan. Isang alaala na nakalimutan dahil sa isang aksidente. Aksidenteng naging dahilan bakit naging miserably ng tuluyan ang buhay ng kaniyang mahal. Sa kaniyang pagiging mahina at careless ay nawalay siya nang tuluyan hindi lang sa kaniyang mahal na si Dianne kundi pati na rin ang isang importanteng tao sa buhay nilang dalawa. Hindi niya aakalain na kaya pala ganoon na lang ang pakikitungo ni Dianne ay dahil siya pala ang mahal niya simula pa lamang. Ang mahal ni Dianne na kaniyang pinagseselosan at siya ay iisa lang pala. Hindi niya alam ang tungkol doon kung hindi lang biglang rumagasa ang mga alaalang pilit na pinapaala sa kaniya. She felt hopeless dahil sa natuklasan. Dahil sa mga nangyayari sa kanila naapektuhan hindi lang ang pamilya nila kundi rin ang mga kaibigan nila na naging parte na ng pinagdaanang hirap ng pag-iibigan nilang dalawa.   Habang nagkakagulo pa ang lahat dahil sa mga rebelasyon na nalaman ng bawat isa ay siya ring pagkilos ni Jia, isang babaeng tuso na gustong ma-angkin nang buo si Dianne. Isang kontrabidang gagawin ang lahat para sa pansariling kagustuhan kahit alam niyang makakasira siya ng buhay ng iba ay wala siyang pakialam. Ang nasa isip niya lang ay ang ligayang mararamdaman sa piling ng kaniyang iniibig. Simula pa lang ng nangyari sa buhay nina Brea at Dianne ay naging balakid na si Jia sa pagmamahalan ng dalawa hanggang sa umabot na sa puntong nabago niya ng tuluyan si Dianne. Hindi niya namalayan na sa pagiging ganid at tuso niya ay siya rin mismo ang humuhukay sa kaniyang sariling libingan.   Matapos maisipang kunin nang tuluyan ni Jia si Dianne dahil sapat na ang nangyari sa mga ito para maipakita na sa kaniya pa rin ang bagsak ng babae. Sa kaniya lang at wala ng iba. Hindi niya aakalain na sa araw na rin iyon ay matutudlukan lahat ng paghihirap nina Dianne at Brea sa kamay ni Jia. Magigising na lang si Dianne isang araw na kailangan niyang labanan lahat hindi para sa sarili niya kundi sa mag-ina niya. Gusto niyang matapos lahat at umuwi sa bisig ng kaniyang mahal. Umuwi at magkaroon ng masayang wakas ang pag-iibigang naudlot na minsan ngunit sinisigurado niyang magkakaroon ng magandang wakas sa kasalukuyan. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi inasahan ni Dianne ang kaniyang masasaksihan. Kitang-kita nang kaniyang dalawang mata kung paano barilin ni Jia si Brea na siyang magiging dahilan para tangayin ng ihip ng hangin ang pinapangarap niyang masayang wakas kasama si Brea.   Magwawagi ba ang pag-iibigan nina Breanna at Dianne sa huli? O na kay Jia pa rin ang huling halakhak? Ano kaya ang magiging takbo nang estorya ng dalawa? Tuluyan na nga bang matutudlukan ng masamang wakas ang estorya ng dalawang pinaglaruan ng tadhana sa pangalawang pagkakataon?   Subaybayan ang kwento nina Breanna and Dianne sa kwentong Unexpected Subject.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

A Night With My Professor

read
495.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook