bc

HALPERT TRILOGY: AQUILLES HALPERT

book_age4+
1.5K
FOLLOW
8.2K
READ
dark
powerful
prince
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isa si AQUILLES HALPERT sa tatlong kambal na pinaghiwalay ng isang trahedya dahiL sa pagiging sakim ni Prinsesa Roisa, ang nakatatandang kapatid ng kanilang ina na si Prinsesa Rebeka.

Lumaki siya sa mundo ng mga tao sa kabila ng pagiging bampira. Gayunpaman, namuhay siya gaya ng pamumuhay ng mga ito at wala siya ibang inaasam kundi ang mahanap ang dalawa niyang kambal.

Bubuuin niya ang kanilang nasirang pamilya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Sa isang malayong lugar may isang mamamayan na nasasakupan ng lahing bampira. Sa pamumuno ni Reyna Rosalia. Ang kanyang nasasakupan ay pulos mga lahing babae bampira lamang ang naninirahan roon kaya tinawag ang lugar na iyun na 'Womanland' Maaari lamang makapasok sa Womanland ang lalaki na maibibigan ng mga babaeng bampira sa kondisyon na magsisilang ang mga ito ng anak na babae bago payagan ni Reyna Rosalia ang mga ito manirahan sa kanyang nasasakupan. "May naiibigan na po aking ina na gusto ko mapakasalan," untag ni Prinsesa Roisa. Ang panganay na anak ng Reyna. "Mabuti naman kung ganun..sino,mahal kong prinsesa?" may ngiti sa labi na saad ng Reyna. "Si Hermes,ina!"maligayang sagot ng prinsesa. Isang pagbagsak ng kubyertos ang bumasag sa matiwasay na paghahapunan nila ng mga oras na iyun. Sabay na napatingin sila kay Prinsesa Rebeka. " Uh,pasensya na,dumulas lamang sa aking kamay,"pagdadahilan nito. "Si Hermes? Isang tao?" untag ng Reyna. Nanatili nakangiti si Prinsesa Roisa. "Opo,ina..alam niya ang tungkol sa tunay kong katauhan at naniniwala siya sa mga tulad natin kaya naman napaibig ako sa kanya.." magiliw saad ni Prinsesa Roisa. "Kung ganun ikaw ay umiibig hindi kita hahadlangan ngunit kailangan gawin ang aking kondisyon bago ako pumayag na ipakasal kayo at manirahan dito.." anang ng Reyna. "Opo,ina! Alam na rin po niya ang tungkol sa bagay na iyun.." Hindi mapakali si Prinsesa Rebeka pagkaraan ng kanilang hapunan at matapos marinig ang sinabi ng kanyang Ate Roisa. "Mahal na prinsesa Rebeka,kanina ka pa hindi mapalagay?" sita sa kanya ni Stella. Ang kanyang butihing at tapat na alalay. "Stella..n-nangangamba ako ng labis,"turan niya. " Bakit,mahal na prinsesa?"agad na nabahala tugon ni Stella. Marahas siya bumuga ng hangin at pabagsak na umupo sa malapad na kama. "Si..si Ate Roisa gusto niya pakasalan si Hermes," malungkot niya saad. Nanlaki ang mga mata ni Stella. Tumabi ito sa prinsesa at maingat na inakbayan ang malungkot na prinsesa. "Pero kayo ang nagmamahalan ni Hermes?" anito. "Wala ako magagawa kundi magpaubaya.." maiiyak na saad niya. Nasasaktan siya. "Kailangan niyo magpunta muli sa mundo ng mga tao para magkausap kayo.." anang ni Stella. Si Stella ang lagi niya nakakasama sa mundo ng mga tao. Hindi iyun pinagbabawal ng Reyna sa paraang iyun makakahanap sila ng magiging kabiyak nila. Ngunit hindi na nagkaroon ng pagkakataon na magkausap sila ni Hermes hanggang sa magkita na lamang sila nito sa palasyo para sa pormal na pagpapakilala rito sa kanila. "Alam kong batid mo na ang aking kondisyon,tao..hindi kayo maaari magsama at papayagan ka na manatili dito hanggat hindi magdadalang-tao ng babae ang aking anak.." maawtoridad na saad ng Reyna. Walang imik at blanko na tumango si Hermes. Ang makisig at gwapong si Hermes Halpert. Walang gabi na hindi umiyak si Prinsesa Rebeka sa kabiguan niya sa pag-ibig nasa iisa man sila lugar ni Hermes ay pilit siya umiiwas na magkita sila nito alang-alang sa respeto niya sa kanyang Ate Roisa na walang kaalam-alam na iniibig din niya ang iniibig nito. "Anong ibig mong sabihin?!" malakas na bulalas ng Reyna. Hindi makapaniwala na napatingin si Prinsesa Rebeka sa kanyang Ate Roisa na luhaan at biguan. "Inilihim mo ng ganitong katagal bago mo sinabi na hindi ka magkakaanak para lamang magkasama kayo ng matagal ng taong yan!" galit ng saad ng Reyna. "Patawad,ina.." luhaan saad ni Prinsesa Roisa. "Mahal na Reyna..may nais ako malaman ninyo.." "Ano?!" Mataman na sumulyap sa kanya si Hermes. "Si Prinsesa Rebeka talaga ang aking iniibig..at alam po iyun ni Prinsesa Roisa..pumayag lamang ako na sumama sa kanya dahil gusto ko makita ang totoong mundo ni Prinsesa Rebeka..pakiusap hayaan niyo sana kami magmahalan.." matapat na saad ni Hermes sa Reyna. "Hindi! Ayoko! Mahal kita Hermes! Akin ka lang!"pagreak ni Prinsesa Roisa. "Tumahimik ka,Roisa! Nagsinungaling ka at nagawa mong agawin ang lalaki na ito sa iyong kapatid?! Bilang parusa hahayaan ko sila magkasama at wala kang magagawa doon!" "Kailangan mo magdalang-tao,Rebeka..ng babaeng sanggol bago ko kayo hayaan mamuhay dito.." baling ng kanila ina sa kanya. "Opo,mahal na ina," lumuluhang tugon niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook