bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

book_age18+
66.8K
FOLLOW
1.0M
READ
billionaire
possessive
sex
dominant
powerful
CEO
drama
bxg
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Ang pulubi na inalagaan ko ay isa pa lang Bilyonaryo!"

—Warning Mature Content. Read at your own risk.

—Terrance Sancho De Costales / Youniverse Series 1

**

Maria Lizianna Dela Cruz

Napatingin ako sa lalakeng dire-diretso ang pagkain sa iniluto kong sopas. Narito kami ngayon sa apartment ko. Kanina pagkalabas ko galing sa trabaho ay nakita ko siya sa gilid sa dilim at nakatalungko. 'Pulubi' Naawa ako at nag-iwan ng pera at tinapay. Ngunit nang marinig ko ang salitang 'salamat' ay nagulat ako.

Isa pa lang kababayan kaya ito at tinulungan ko.

"Ano ang nangyari sa iyo?"

Nakatingin lang ako sa kaniya. Mahaba ang buhok na tumatakip sa mukha at mahaba rin ang balbas, marumi ang damit at may itim-itim ang pisngi at mga braso.

"Pinalayas."

Ang lalim ng boses.

"Tinanggal ka sa trabaho? wala kang kasama dito sa Italya?"

Umangat ang kaniyang mga mata at naibaba ko ang aking kamay na may hawak na tinapay. Ang kaniyang tingin ay nakakapaso!

"Nasaan ang banyo?"

Ibang klaseng pulubi ito pero kung hindi ko lang kababayan ay hindi ko basta-basta tutulungan. Itinuro ko ang banyo sa kaniya. Tumayo siya at pumasok doon. Mataas na lalake at sa pangangatawan ay kaya pa naman magtrabaho. Tatanungin ko si Tita Rechie kung may bakante pa sa bar para matulungan ito.

Nang maiwan akong mag-isa ay itinuon ko na lang ang pansin sa pagkain ng sopas. Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig ko ang boses niya.

"May malaking tshirt ka ba?"

Mabilis akong napalingon. Ang tinapay na nasa bibig ko ay nalaglag nang makita ko ang kaniyang mukha. Malinis na at walang balbas! ang guwapo pala! nasa likod ang buhok niyang may kahabaan at tumutulo pa! Napalunok rin ako nang makita ko ang malapad niyang dibdib pababa sa kaniyang tiyan.

Hala! siya ba yung pulubi kanina?

chap-preview
Free preview
Prologue
WARNING mature content. This story is specifically designed to be viewed by adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes by: Pennieee Maria Lizianna Dela Cruz “Ale, bili ka na po ng basahan oh, tatlong piraso singkwenta lang po. Hindi po ito basta-basta naghihiwa-hiwalay. Matibay ang pagkakagawa ko po dito!” Ang init. “Ito po, basahan, tatlong piraso singkwenta lang.” “Kuya, bili ka na po ng basahan!” Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha at leeg. Napabuntong hininga ako nang mapatingin sa aking mga tinda, kakaunti pa lang ang nababawas. Ang hirap makabenta. Maraming rin naman ang mga tao ngayon dito sa palengke ng Karmona. Marami ang nagdadaan sa aking harapan ngunit kahit isa sa aking mga tinawag ay hindi nag-abala na ako ay lingunin at tingnan ang aking mga tindang basahan. Bata pa lang ako ay mulat na ako sa ganitong hirap ng buhay. Kung hindi magtatrabaho upang kumita ng pera ay hindi kami makakakain. Maswerte na nga kung makakakain kami ng tatlong beses sa isang araw dahil sa hirap makabenta ng mga basahan. May sakit pa ang tatay at nahahati ang pera na aming kinikita sa pagkain at pambili ng kaniyang gamot. “Ineng, magkano ba kung ang bibilhin ko ay singkwenta piraso?” Napalingon ako sa matandang babae na nagtanong. Nakangiti ito sa akin, sa pagod na aking nararamdaman ay hindi ko na magawa pang ngumiti simula kaninang tanghali ngunit hindi ko alam kung bakit sa kaniyang ngiti ay napangiti rin ako. Sa napansin ko sa matandang babae, marami siyang alahas sa kaniyang kamay, magara din ang kaniyang kasuotan at mayroong dalawang lalake sa kaniyang likod na mga malalaki ang mga katawan. Mukhang mga bodyguards niya ang mga iyon. Mayaman siguro siya? “A-Ah... sandali lang po, bibilangin ko lang kung mayroon pong singkwenta piraso ang mga ito.” Sabi ko. Saka ko lang napagtanto ang bilang na itinatanong ng matandang babae sa akin. Singkwenta?! Mapapakyaw ang aking mga tindang basahan! “Sige lang, apo. Huwag kang magmadali, hindi rin naman ako nagmamadali. Ano ba ang pangalan mo?” tanong sa akin ng matanda. Napaluhod ako buhat sa pagkakaupo upang bilangin ang mga basahan na natira. Sandali akong tumingin sa matandang babae dahil sa kaniyang tanong sa akin. “Lizianna po, pero Lili po ang palayaw ko.” Sabi ko at muling ngumiti. Ngumiti din ang matandang babae at napansin ko ang biloy sa gilid ng pisngi nito. “Napakabata mo pa para magtinda dito sa palengke, Lili. Nasaan ang mga magulang mo?” tanong niya sa akin. Sampu... labing isa... labing dalawa... Huminto ako sa pagbibilang sa labing dalawa at saglit na tumingin muli sa matandang babae. “Nasa bahay po ang nanay, nagbabantay po kay tatay, may sakit po kasi ang tatay ko at kinakailangang may magbantay. May kapatid po ako pero ilang taon pa lang siya, kaya ako na lang po ang lumalabas upang magbenta ng mga basahan.” Sabi ko at muling bumalik sa pagbibilang. “Ganoon ba, nakakalungkot naman.” Rinig kong sabi ng matandang babae. “Lola, what are we still doing here? I can’t stand the heat. Can we go home now?” Napaangat bigla ang tingin ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ang isang lalake na sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa akin. Nakakunot ang noo nito at salubong ang makakapal na kilay. Nakatingin ito sa mga basahan na itinitinda ko. “Terrance, may binibili pa ako kay Lili, sandali lang, ha? At pagkatapos ay uuwi na tayo.” Sabi ng matandang babae at ibinalik nito ang tingin sa akin at ngumiti. Nang mahuli ako nitong nakatingin ay muli kong ibinalik ang aking mga mata sa mga basahan. Nasa kwarenta lamang ang bilang ng mga basahan na natira. “Ilang taon ka na, Lili?” “A-Ahm, walong taon po,” sagot ko naman, “kwarenta po ang lahat ng mga basahan. Kukuhanin ninyo po ba lahat?” Ngumiting muli ang matandang babae at may kinuha sa loob ng kaniyang bag pagkatapos ay tinitigan niya ang dalawang lalakeng nasa kaniyang likuran. “Kukuhanin ko na ang lahat ng mga tinda mong basahan, Lili. Ito ang bayad,” sabi ng matandang babae sa akin at pagkatapos ay inabutan ako ng isang libo. Kaagad akong humagilap ng panukli sa loob ng aking bag at nang makakita lamang ako ng iilang barya at dalawang bente at isang singkwenta ay tumayo ako. “Sandali lang po, ha? Magpapabarya lang po ako, wala po kasi akong panukli dito sa isang libo na ibinayad ninyo,” sambit ko ngunit umiling ang matandang babae. “Hayaan mo na ang sukli, Lili. Natutuwa ako sa mga batang katulad mo na nagsisikap sa murang edad upang matulungan ang kaniyang mga magulang. Saan ka ba nakatira? Gusto mo ay ihatid ka na namin?” tanong ng matandang babae sa akin. Napaawang ang mga labi ko at hindi kaagad nakapagsalita. “N-Nakakahiya po, kahit po hindi na,” sagot ko. Nakita kong isa-isang inilagay ng mga lalake ang mga basahan sa supot at agad akong tumalima upang tulungan ang mga ito. “Naku, huwag ka nang mahiya. Mayroon kaming sasakyan, nandyan sa dulo ng palengke. Ihahatid ka na namin para ligtas kang makauwi, isa pa ay napakatindi ng init,” tugon ng matanda sa akin. Saglit ko itong tinitigan. Hindi ako makapaniwala na may mabubuti pa pala ang puso na katulad niya. “Nakakahiya naman po pero, hindi na po ako tatanggi pa. Pero m-maaari po ba muna akong bumili ng mga pagkain para sa aking pamilya?” tanong ko. “Oo naman! Kung gusto mo ay sasamahan pa kita," sabi nito sa akin. “Lola, we are wasting our time here.” Muli akong napatingin sa lalake na sa tingin ko ay apo niya dahil sa pagtawag nito ng ‘lola’. “Terrance, pagkatapos na pagkatapos ay uuwi din tayo kaagad. Ipinagpaalam naman kita sa Daddy at Mama mo, hindi ba? Saka akala ko ba ay gusto mong mamasyal?” tanong ng matanda sa apo nito. “Yes, I did want to go out but not in this kind of place.” Napasimangot ako. Nakakaintindi ako ng ingles, mahilig akong magbasa ng dictionary at nagbabasa rin ako ng mga libro na nakasulat sa ingles kaya’t naintindihan ko ang sinabi ng batang lalake na ito. Nakita kong napabuntong hininga ang matandang babae ngunit nang lumingon ito sa akin ay nginitian ako. “Pagpasensiyahan mo na ang inasal ng apo ko, ha? mabait naman ito. Oo nga pala, ako nga pala si Sancha, puwede mo akong tawagin na Lola Sancha." Sayang hindi nagmana dito kay lola ng ugali ang apo niya. “Hey, kid, hurry up because I want to go home.” Napatingin akong muli sa batang lalake. Gwapo sana ito kaso ang suplado at sungit! Salubong ang kaniyang makakapal na kilay at nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Ako ba ang tinawag niya? “Terrance! Be nice!” Napangiwi ako nang umirap ang lalake at pagkatapos ay naglakad na ito na kaagad namang sinundan ng isang bodyguard. “Pasensiya ka na talaga sa apo ko, Lili. Hindi kasi madalas nakakalabas iyan, hindi niya ata inaasahan na dito ko siya dadalhin sa palengke ng Karmona.” Ngumiti na lamang ako habang ang mga mata ay nakatingin sa batang lalake. Hindi siya katulad ng ugali ng kaniyang lola. Iba ang batang lalakeng iyon. Matapobre.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
397.6K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
80.4K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
429.4K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

Broken Angel

read
3.7K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook