bc

Unplanned Love (Tagalog) LS Series #2

book_age16+
1.2K
FOLLOW
4.5K
READ
spy/agent
possessive
fated
second chance
drama
comedy
sweet
bxg
lighthearted
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Lumaking hindi naramdaman ni Xandra Vivian Jones ang pagmamahal ng isang magulang sakanya, na parang iba siya sa pamilyang nilakihan niya. Sa pagnanais na maranasan ito ay sinunod niya lahat ang mga iniutos sakanya pati ang pagpapakasal sa isang lalakeng hindi pa niya nakikilala. Dahil sa kagustuhan niyang makalaya sa puder ng kanyang magulang ay hiningi niya itong kondisyon kapalit ng pagpapakasal niya. Sa pagtratrabahong makuha ang lalake at mapapayag niyang magpakasal sakanya ay ang pinsan ng lalake ang laging umeeksena sa plano niya, si Leo Oliver Villa Fuerte na unti unting nagpapahulog ng loob niya.

Itutuloy pa ba niya ang planong sinimulan o magpapatangay siya sa taong mas nagparamdam sakanya ng totoong pagmamahal na hindi pa niya nararanasan buong buhay niya?

Leo Oliver Villa Fuerte and Xandra Vivian Jones

chap-preview
Free preview
Prologue
Sydney, Australia Sa murang edad ni Xandra Vivian ay nagisnan na niya ang magulong tahanan. Sigawan, murahan at minsan ay mga kalabog at batuhan sa sala, kusina o sa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa edad na anim taong gulang ay naranasan niyang hindi siputin ng magulang sa graduation niya kahit may medalyang abot ito sa mga magulang. Palaging busy sa trabaho ang mga magulang at minsan ay hindi narin ito umuuwi sa bahay nila. Ang Nanny niya ang laging karamay sa lahat ng activities na ginaganap sa school. Hindi rin maipagkakaila ng batang si Xandra ang mainggit sa mga kaklase. Gustuhin man niyang makasama ang mga magulang ngunit parang ang mga magulang din niya ang hindi gustuhin na dumalo kasama siya. "Nanny! Nanny Bell!" Iyak ni Xandra ng makita at marinig ang magulang niyang nag-aaway at nagsisigawan sa sala. Nagkulong sa kwarto at halos ayaw lumabas dahil sa natagpuang kaganapan sa pagitan ng ama at ina. "Xandra! Xandra where are you?" Hanap ng kanyang nanny habang tarantang patuloy parin sa paghahanap sa alaga. "Nanny Bell!" Iyak ni Xandra habang tawag parin ang kanyang Nanny Bell. Nang mahanap ni Bell ang kanyang alaga na nakaupong yakap ang dalawang tuhod sa sahig at nasa sulok na pagitan ng kabinet at pader ay agad niyang tinakbong pinuntahan ang alaga at kinuha at niyakap ito. "I'm here baby. Don't cry, okay? Don't cry. Shhhh." Pagpapakalma niya sa alaga habang yakap yakap na siya nito. Naging trauma na kay Xandra ang eksenang nakikita sa magulang kaya hindi rin maitatanggi ni Bell na ganito na ang epekto sa alaga. "Nanny!" Hagulgol niya na halos hindi mapigilan ang pag-iyak. Pinuwesto niya ang sarili at umupo. Sinandal ang likod sa pader at umupo ito habang alo alo parin si Xandra na hindi matigil tigil sa pag-iyak. Hinaplos niya ang likod nito at pinunasan ang pawis na noo nito. "Would you like me to sing a song?" tanong ni Bell sa alaga habang umiiyak parin ito. Paraan niya lagi ito para pakalmahin ang alaga na yakap yakap siya habang nakaupo na silang dalawa ngayon sa sahig. (Close to you by Carpenters) Why do birds suddenly appear Every time you are near? Just like me, they long to be Close to you At hinaplos niya ang buhok ni Xandra habang inaawit ang kantang laging nagpapatahan sa alaga sa tuwing umiiyak ito. Why do stars fall down from the sky Every time you walk by? Just like me, they long to be Close to you At naramdaman niya ang paghina ng pag-iyak ng bata habang nasa pagitan ng braso niya parin ito. On the day that you were born the angels got together And decided to create a dream come true So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue At hinalikan ang ulo ng alaga ng mapansin napapakalma na niya ito. That is why all the girls in town Follow you all around Just like me, they long to be Close to you Just like me, they long to be Close to you Waa-a-a, close to you Waa-a-a, close to you At naramdaman na niya ang lumuluwag na pagyakap nito sakanya at tuluyan ng nakatulog ang alaga. "I love you baby." Bell whispered to Xandra. 15 years after "Xandra! Gising! Tumatawag ang daddy mo!" Sigaw ni Chloe at tinatanggal ang kumot na nakatakip sakanya. "Would you mind to lower your voice? I can't sleep because of you." She said mad. "Edi matulog ka pagkatapos." At aalis na sana nang tumigil at hinarap ulit si Xandra. "Aba! Makapagsabi ka parang bahay mo to ah. Bahay kaya namin ito, remember?" Then, she rolled her eyes and shut the door after. Sinilip ni Xandra ang cellphone ni Chloe na kanina pang tumutunog. Napabuntong hininga ito at inabot saka sinagot. "Hello dad." Bumangon siya sa pagkakahiga. "You didn't inform me that you're there already and yet you keep us waiting for your update." Sermon nitong binungad sakanya. "I'm sorry dad. I'm just tired." She explained but her father keep on ranting her. Sanay na si Xandra sa ganong ugali ng ama kaya hinahayaan nalang niya ito. Pasok sa tenga, labas sa kabila. Matigas na ang puso niya. Sumusunod nalang ito dahil sa hininging kondisyon kapalit ng pagpapakasal sa lalakeng hindi naman niya gusto. "Ok dad." Sagot niya saka pinatay ang tawag. Binagsak muli ang katawan sa kama. Pinikit ang mata at maya maya ay may luhang kusang kumawala sa mga mata niya. Hindi mapigilan ni Xandra ang maawa sa sarili niya bukod sa kinagisnan ay nakikita niya ang sariling gutom sa pagmamahal ng iba lalo na sa magulang. "Nanny!" tawag niya saka itinalukbong ang kumot sa ulo at umiyak. Parang batang humahagulgol na hinahanap ang kalinga ng kanyang Nanny Bell sa oras na pinapagalitan siya ng kanyang ama. Sa mga pagkakataong iyon ay tanging ang Nanny Bell niya ang laging kasama at nagpapatahan sa mga nararamdaman niya. Alam niyang naging suwail at naging matigas ang ulo sa mga taon na nakalipas pero inintindi lang siya ng kanyang Nanny. Minsan ay nangarap siyang ang Nanny niya nalang sana ang ina niya at nagluwal sakanya. Naging palaaway at halos napapabayaan ang pag-aaral. Ang tanging gusto lang ni Xandra ay mapansin siya ng magulang kaya siguro maski ang mga bawal na gawain ay ginawa na niya. Pasalamat nalang siya at menor de edad pa siya at di pa siya pwedeng makulong. Instead na awa at pagtuturo ang ginawa sakanya ng magulang ay sinaktan pa siya at kinulong sa sariling kwarto. Tanging ang Nanny Bell niya lang ang laging nandiyan para kamustahin at laging pangaralan siya. Mas ramdam niya ang pagiging ina ng kanyang Nanny kesa sa totoong ina niya na halos hindi naman niya ito naramdaman na tinuring siyang sariling anak. Lumabas siya ng kwarto na bihis na bihis. Sinilip ang buong bahay at halos mga katulong ang nanditong natira. Hapon na pero gusto niyang pukawin ang mga nararamdaman. Gusto niyang uminom at magsaya para makalimutan ang kaninang naramdaman niya. Bumaba siya sa hakdanan habang suot ang black skinny jacket with black sando sa panloob at black skirt with boots. Hinawakan niya ang shoulder bag at sinabit sa balikat nito. Nakataas ang buhok na pinaresan sa makapal na maskara, red lipstick at medyo mild na black eyeshadow. Hindi siya nagpaalam sa mga katulong na nadaanan niya at tuloy tuloy lang itong na parang walang nakita. Nagpara ng taxi at nagpadala na siya sa pinakamalapit na club. This is not her first time entering this kind of place. She was used to it anyway. Wild siyang masasabi but in other meaning. Never in her life na nagpapaakit siya sa mga lalakeng nakikita like the other girls or sa mga nakakasalubong niya. Bukod sa walang tiwala sa magulang ay wala naring siyang tiwala sa mga taong nasa paligid niya. She went to the counter and ordered the wine she was used to drink. Habang lumilipad ang isip ni Xandra ay may isang lalakeng lumapit at tumabi sa stool na inupuan niya. Umorder ito gaya ng inorder rin ni Xandra. He smelled it and drink it after. "Your taste is good." And he sipped it again. Napalingon si Xandra sa lalakeng kumausap sakanya. In her entire life ay ngayon lang siya nakaramdam ng pakacomportable sa isang lalake. Ang iba ay tinataboy o kaya naman inaaway niya but this guy is different. Hindi niya naramdaman ang pagkairita sa presensiya niya. She examined the guy who sat beside her. Bukod sa suot dahil sa madilim ang paligid ay sa mukha siya ng lalake tumingin. Nakabrush up ang buhok at may kauting stubbles na tumutubo sa baba niya. Sa iba ay nakakatanda at haggard tingnan pero sakanya ay bumagay at ang manly niyang titigan. "Who are you?" Mataray niyang tanong dito. "Oh, I forgot to introduce myself." At hinarap siya ng lalake. "I'm Leo, Leo Oliver Villafuerte." And she saw a small grin slipped on his lips.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook