bc

My Husband's Brother

book_age0+
8.6K
FOLLOW
71.7K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Ipinaglaban nina Ysabella at Fernan ang kanilang pagmamahalan at tila naging kapalit niyon ay ang pagkamatay ni Fernan matapos ang kanilang kasal dahil sa isang aksidente. Kasama ni Fernan sa aksidenteng iyon ang kapatid nitong si Mikael. Si Mikael na naging karamay ni Ysabella nang maulila ito ng asawa. Hanggang sa isang bagay ang ipinagtapat ni Mikael sa kanya. Isang bagay na gigimbal sa buo niyang pagkatao!

chap-preview
Free preview
KABANATA 01
“SIGE, Ysabella! Sumama ka sa lalaking iyan at kalimutan mo nang mayroon kang ina! Subukan mo lang!” Natigilan ang beinte y kwatro anyos na si Ysabella Diaz sa paglabas sa pintuan ng bahay nila habang hawak ang kamay ng nobyo niyang si Fernan dela Paz sa narinig na iyon mula sa kanyang ina na si Mila. Tigam ng luha na napatingin ang magandang dalaga sa kanyang kasintahan sabay sa kanyang ina naman. Tila hindi nagbibiro ang kanyang ina sa binitiwan nitong salita. Seryoso at may galit sa mukha nito habang nakahawak sa barandilya ng kanilang hagdan. “N-nanay naman…” ungot ni Ysabella sa pagitan ng mga hikbi. Simpleng buhay lamang ang meron si Ysabella. Meron siyang mapagmahal na ina at ama, tatlong nakakabatang kapatid na puro babae at masaya silang naninirahan sa isang bahay na bagaman at hindi marangya ay masasabi naman na maayos. Isang jeepney driver ang kanyang ama habang mananahi naman ang kanyang ina. Sa loob ng dalawampung taon, kahit isa ay hindi nagkaroon ng nobyo ang magandang si Ysabella. May prinsipyo kasi siya na hangga't hindi nakakatulong ng husto sa pamilya ay hindi siya papasok sa isang relasyon. Ngunit binago ni Fernan ang prinsipyong iyon ng dalaga. Nakilala niya si Fernan sa palengke habang namimili sila ng isda ng kanyang nanay. Agad na napukaw ng pala-ngiting binata ang pihikang puso ni Ysabella. Sino nga bang dalaga ang hindi mabibighani sa taglay na karisma at kagwapuhan ni Fernan? Kayumanggi ang balat nito na nagpadagdag pa ng appeal sa kakisigan nito. Bahagyang kulot ang buhok at may makakapal na kilay. Mga nangungusap na mata, matangos na ilong at malabing napaka pula na parang hindi man lang nasayaran ng mapanirang sigarilyo. Nalaman din ng dalaga na hindi talaga taga-dito sa Maynila si Fernan. Pinapunta lang ito ng tiyahin nito upang makatulong sa pagtitinda ng isda at karne sa palengke. Naging suki ni Fernan si Ysabella hanggang sa ligawan ng una ang huli. Matapos ang isang taon ng lihim na ligawan ay sinagot na din sa wakas ni Ysabella ang masugid na manliligaw. Naging lihim ang kanilang relasyon sa loob ng tatlong taon ngunit ng araw na iyon ay nasiwalat na ang lahat. Mas pinili nilang ilihim ang relasyon dahil ayaw ni Ysabella na sumbatan siya ng kanyang pamilya. Nasira niya kasi sa mga ito ang kanyang pangako na hindi muna magnonobyo hangga't hindi nakakatulong sa mga ito. Nang malaman ni Fernan na nais ipakasal siyang ipakasal ng nanay nito sa anak ng kumpare nito na maykaya ay pinilit siya nito na lumantad na sila sa kanilang pagtatago. Isang maling desisyon pala iyon dahil labis silang tinutulan ni Mila. “`Wag mo akong subukan, Ysabella! Pasalamat ka't nasa biyahe ang tatay mo kundi baka kinalbo ka niyon. Bumalik ka na dito!” sigaw pa ni Mila sa umiiyak na anak. Mas lalo namang hinigpitan ni Fernan ang pagkakahawak sa kamay ni Ysabella. Naalala tuloy ni Ysabella ang pangako ng binata na kahit na anong mangyari ay lalayo na sila at hindi na magkakahiwalay pa kailanman. Walang kahit na sino o ano ang makakapaghiwalay sa kanila, kahit kamatayan pa 'yan! “Pero, nanay... m-mahal ko po si Fernan. Hayaan mo na lang kami na magsama at maging masaya. Nakikiusap po ako!” Biglang sinugod ni Mila ng sampal ang anak at pinagtulakan ito palabas ng bahay. “Sige, lumayas ka na! Sumama ka na sa walang kwentang lalaking iyan, Ysabella! Sinayang mo lang ang pangarap ko para sa iyo! Lumayas ka na!” At nang nasa labas na ang dalawa ay malakas na isinara ni Mila ang pinto at agad na kinandado iyon. “Nanay! Patawarin niyo po ako!” umiiyak na samo ni Ysabella. “Simula ngayon ay wala ka nang pamilya, Ysabella! Wala kaming anak na tulad mong suwail!” At wala na ngang nakuhang sagot si Ysabella mula sa babaeng nagluwal sa kanya. Kahit anong pakiusap niya ay hindi na nito binuksan ang pinto ng bahay na naging tahanan niya ng dalawanpu't apat na taon. Mahigpit siyang niyakap ni Fernan. Masuyo siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. Doon ay nakahanap ng kapayapaan ng loob ang dalaga. Inakay na siya ni Fernan sa paglalakad at sinuong nila ang kadiliman ng daan. Sumakay sila ng tricycle at nagpahatid sa may bus terminal. Mabuti na lamang at nakahabol ang dalawa sa huling biyahe ng bus papunta ng probinsiya ng Quezon… MALAMIG ang panggabing hangin na dumadampi sa balat ni Ysabella. Naramdaman din iyon ni Fernan kaya naman isinara niya ang bintana ng bus na kanilang kinalululanan. Humilig si Ysabella sa balikat ng lalaki at tumingin sa labas ng bintana. “Hindi ka ba nagsisisi na sumama ka sa akin, Ysabella?” tanong ni Fernan. “Wala akong pagsisisi. Pero, nalulungkot ako sa pagtatakwil sa akin ng nanay. Alam mo naman kung gaano ko sila kamahal, `di ba?” “Patawarin mo ako. Nang dahil sa akin ay kinailangan mong mamili…” “Ginusto ko ito, Fernan, kasi mahal kita. At naniniwala akong matatanggap din tayo ng pamilya ko pagdating ng tamang panahon…” Naramdaman ni Ysabella ang malalim na paghinga ng binata. Inakbayan siya nito at mas lalo siyang sumiksik sa katawan nito. “Inaantok ka ba?” pag-iiba ni Fernan ng usapan. Tanging tango ang isinagot ni Ysabella. Hinalikan ni Fernan ang buhok ni Ysabella at hinayaan itong matulog sa kanyang balikat. “KUYA FERNAN?” Halos hindi makapaniwala ang kagigising lang na si Mikael nang pagbukas niya ng pintuan ay makikita niya ang panganay na kapatid na halos limang taon na niyang hindi nasisilayan. Halos katatapos pa lang niyang mag-almusal sa kaniyang simpleng bahay nang makarinig siya ng mga katok sa pinto. Nag-aasikaso na rin siya noon para mangisda sa dagat. Bahagya pang siyang natigilan nang may makita siyang magandang babae sa likod nito. Agad naman na niyakap siya ng Kuya Fernan niya. Dahil sa labis na pangungulila ay niyakap niya rin ito. “Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito, kuya? At may kasama ka pang magandang dalaga…” biro ni Mikael nang nasa loob na sila. Ulilang-lubos na sina Mikael at Fernan. Ang isa't isa na lang ang itinuturing nilang pamilya dito sa probinsiya nila sa Quezon. Kapwa nalunod ang kanilang mga magulang dahil sa lumubog ang sinasakyan na barko ng mga ito. Siya ang bunsong kapatid ni Fernan. Beinte singko anyos na siya habang si Fernan naman ay beinte siete na. “Dito na kami maninirahan ni Ysabella…” at inakbayan ng kapatid niya ang babaeng katabi nito sa upuan. Bahagya pang yumuko ang magandang dalaga na akala mo'y mahiyaing makahiya sa tabi ng pilapil. “Teka, `wag mong sabihin na... asawa mo siya, kuya?” “Hindi pa, Mikael, pero malapit na. Baka sa isang linggo ay magpapakasal na kami! May naipon na naman ako at kahit simpleng kasal ay mabibigyan ko naman itong si Ysabella…” Tumango-tango si Mikael at nang magkasalubong ang mga mata nila ay nginitian niya ito. Nahihiya naman itong gumanti ng ngiti. Hindi malaman ni Mikael ngunit nakaramdam siya ng kakaiba nang masilayan na ngumit si Ysabella. Napakaganda nito at masasabi niyang napakaswerte ng kanyang kuya dahil mapapangasawa nito ang tulad nito. “Ako nga pala si Mikael. Welcome sa bahay namin ni Kuya Fernan!” aniya sabay lahad ng kamay. Inabot naman ni Ysabella ang kanyang kamay. Medyo nahiya rin si Mikael dahil alam niyang magaspang ang kanyang kamay dahil batak siya sa pagtatrabaho bilang mangingisda. “Salamat, Mikael…” sa unang pagkakataon ay narinig din ni Mikael ang malambing na boses ni Ysabelle. “Oo nga pala, Kuya Fernan, ako'y paalis na rin at pupunta pa ako ng laot. Kayo na muna ang bahala dito sa bahay, ha. Kung nagugutom kayo, may pagkain pa doon sa kusina. Babalik din naman ako bago magtanghalian…” “Ah, ganoon ba? Hayaan mo at sa susunod na araw ay makakatulong mo na ako sa trabahong itinuro ng ating tatay…” Ngumiti si Mikael. “Iyon naman ang gusto ko, kuya, eh. Doon na lang kayo sa kwarto mo magpahinga. Lagi ko namang linilinis iyon kahit wala ka, kuya. Sige, aalis na ako,” aniya at kinuha na niya ang mga gamit sa pag-iisda at lumabas na ng bahay. MATAPOS makakain ng pandesal at pancit ay inayos na ni Ysabella ang mga gamit nila sa kwarto ng nobyo na si Fernan. Kahit walang nararamdaman na pagsisisi sa ginawang pagsama sa nobyo ay malungkot pa rin si Ysabella dahil sa pagtakwil ng kanyang ina sa kanya. Maya maya ay umupo siya sa papag na higaan at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid na iyon. Yari sa kahoy at pawid ang bahay nina Fernan. Ibang-iba sa konkretong bahay nila sa Manila. Pero wala namang problema sa kanya iyon dahil sa sanay naman siya sa hirap at handa naman siyang magtiis basta makasama lang niya ang lalaking iniibig. Napatingin si Ysabella sa nakabukas na pintuan nang mula doon ay pumasok si Fernan na ang tanging kasuotan ay ang nakabalabal na putting tuwalya sa beywang nito. Halatang bagong paligo ito dahil sa basa pa ang buhok at katawan nito. Napaawang ang bibig ni Ysabella dahil sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang makisig na katawan ni Fernan. Tunay na malaki ang masel nito sa dibdib at braso. Wala man itong abs ay flat naman ang tiyan nito. Meron din itong mumunting balahibo sa pusod nito pababa sa tiyan nito at papunta sa dako paa roon. “Oh, natulala ka yata sa macho kong katawan!” natatawang turan ni Fernan sabay upo sa tabi niya. “Ang kapal, ha! Magbihis ka na nga!” kunwa'y naiinis na utos niya dito. “Sige ba!” Impit na napatili si Ysabella nang biglang tumayo si Fernan at alisin nito ang nakabalabal na tuwalya sa beywang nito. Naitakip man niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mata ay nakita pa rin niya ang p*********i nito. Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Fernan. “Ano ba, Fernan! Ang bastos mo!” “Sabi mo, magbihis ako. Magbibihis na nga ako, `di ba? Siyempre, hindi ako makakapag-bihis kung hindi ko tatanggalin 'yong tuwalya,” pilosopong sagot nito. Napatawa na rin si Ysabella. “Pilosopo! Pero, 'wag naman dito sa harap ko. Bilisan mo na nga, magbihis ka na!” Muli niyang naramdaman na tumabi sa kanya si Fernan. Tinanggal nito ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya. Hindi napigilan ni Ysabella na tingnan ang ibabang bahagi ng katawan ng nobyo at nalaman niya na wala pa rin itong suot na kahit ano. “Magbihis ka na nga--” Mabilis na inilagay ni Fernan ang hintuturo nito sa kanyang labi. “Ssshhh... Ysabella, tatlong taon kitang iginalang. Ngayon, malapit na tayong magpakasal, siguro naman ay maaari na natin itong gawin…” “F-fernan…” Umiwas siya sa tingin nito dahil pakiramdam niya ay agad siyang bibigay sa sinasabi nito. Ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at iginiya ang mukha niya paharap muli dito. “Mahal na mahal kita, Ysabella... Higit pa sa buhay ko…” “Mahal na mahal din kita, Fernan…” At agad na sinelyuhan ni Fernan ng isang halik ang kanyang mga labi. Sa una ay dampi lamang ngunit nang lumaon ay mas naging mapaghanap iyon. Mas naging mapusok at maharot. Pumasok sa kanyang bibig ang dila ng binata at nakipasayaw sa kanyang dila. Napasinghap si Ysabella nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Parang alak ang halik ni Fernan-nakakalasing! Ang buong akala ni Ysabella ay tapos na ang lalaki ngunit hindi pa pala dahil ang leeg naman niya ang pinaliguan nito ng mumunting halik. Para itong bubuyo at isa siyang bulaklak na sinisipsipan nito ng nektar. Hanggang sa isa-isang tanggalin ni Fernan ang pagkakabutones ng kanyang blusa. Bumaba pa ang halik nito sa gitna ng kanyang mga dibdib. “F-fernan... Baka may makakita sa atin…” ani Ysabella habang ninanamnam ang ginagawa ng nobyo sa kanya. Alam ni Ysabella na sa sinabi niyang iyon ay binigyan na niya si Fernan ng signos na payag na siya sa nais nito. Walang nakuhang sagot si Ysabella mula sa lalaki. Inihiga na siya nito sa papag habang ang kanyang mga paa ay nakalaylay sa ibaba. Nang sandaling maglayo ang kanilang katawan ay doon napagmasdan ni Ysabella ang galit na galit na p*********i ni Fernan. Parang anumang oras ay handa na iyong umatake at sumabog! Namumungay ang mga mata na hinila paibaba ni Fernan ang kanyang palda at sumama na roon ang kanyang pang-ilalim. Nakaramdam naman ng hiya si Ysabella dahil tanging bra na lang ang kanyang saplot kaya naman tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanyang p********e. “`Wag, Ysabella…” tutol ni Fernan at inalis nito ang kamay niya roon. Nang pumatong sa ibabaw niya ang lalaki ay narinig niya ang pagngingit ng papag...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook