bc

Nobody Gotta Know (Legal Management Series 1)

book_age18+
24
FOLLOW
1K
READ
second chance
powerful
independent
confident
drama
sweet
Girl Power Counterattack
Writing Challenge
bxg
self discover
like
intro-logo
Blurb

Rheekshienne, Mackenzie, Kamila and Claudett are bestfriends since they were still kids. When they're senior high school, they enrolled in different schools but same school and same course in college-well except for Mackenzie. As bestfriends, they have this girl rules and one of those rules is don't fall in love with a same man. When Rheekshienne went to college, she met the guy named Maxence and she fell in love with him. While Rheekshienne's feeling's started to grow and get deeper, she found out that Claudett and Maxence had a thing during senior high school.

What will Rheekshienne do if Claudett finds out about her feelings for him? Whill Rheekshienne still obey their rules and left Maxence or break those rulea to be with Maxence?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "OH. MY. GOD. PASADO AKO! s**t, SHIENNE! LAWYER NA AKO? I CAN'T BELIEVE THIS!" Tumili ng malakas si Kamila habang hawak ‘yung laptop niya. Halos mahulog pa ito ng bigla siyang tumalon talon. Nandito siya sa condo ko at inaabangan namin ‘yung result ng BAR examination. Kabadong-kabado ako sa results nung sa’kin at halos ayaw kong pumasok sa portal para makita ‘yung results. "Ano? Pasado ka rin ba?" masayang-masayang sabi ni Kamila. s**t, ‘buti pa siya pasado na, habang ako ay kabadong-kabado. Parang ayaw ko yatang tignan ‘yung result ng sa’kin. "Hindi ko pa tinitignan e," I bit my lower lip and looked away. Ayaw ko na talaga tignan ‘yung results! "Sige ako nang titingin," pag prisinta ni Kamila. I slowly nodded and went to the kitchen to get some water. Feeling ko nadehydrate na ako. s**t lang? Paano kapag hindi ako pumasa? Ayaw kong madelay! Bumalik ako sa sala kung nasaan si Kamila na abala sa pag-titipa ng kung ano sa laptop ko. I looked at her nervously hoping that she will give a good news when she suddenly stopped. My heart is beating so fast at nararamdaman ko na rin na pinag-papawisan ako. What the heck is happening to me? Oh Lord, kung hindi po mataas ang scores ko please lang, ako na lang po ang itaas niyo. "Shienne," mahinang bulong ni Kamila na siyang mas lalong nagpakaba sa’kin. "W-what's the result?" I nervously asked her. Unti-unti niyang binitawan ‘yung laptop ko at dahan-dahang lumapit sa’kin. "OH MY GOD! PASADO KA RIN!" nagulat ako sa tili nya. Nakatunganga lang ako sa harapan nya at parang hindi pa rin nag s-sink in sa akin ‘yung mga sinabi nya. I grabbed my laptop from her and looked at the result and there! I saw my name. Halos mangiyak-ngiyak pa ako kasi sulit ‘yung paghihirap at pag susunog ko ng kilay nung nakaraang mga buwan dahil pasado nga talaga ako. Sobrang nagpapasalamat din ako dahil hindi lang basta nakapasa! Top 2 pa! 2. NAVARRO, Rheekshienne Artemis M. 91.0490% -España de Manila University I browse my Laptop at tinignan pa ‘yung mga napakasa and I saw some familiar names who passed too! Some are my block mates from pre-law and some are my block mates from Law School. Napatigil ako sa pag scroll ng mga pangalan ng biglang tumili na naman si Kamila. "s**t! WHAT THE HECK SHIENNE! TOP NOTCHER ANG BABY MO! NICE," tumawa pa siya nang malakas habang titig na titig sa screen ng laptop nya. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nya kaya tinignan kong muli kung sino ‘yung nag top. Nagbasa basa ako ng news sa naganap na BAR exam. Ang bilis kumalat ng balita at napakaraming news at articles na napost na agad kahit ilang minuto pa lang naman ang nakakalipas nung nailabas ‘yung Bar Exam Results. Habang nag s-scroll ay napahinto ako nung nakita ko kung sino ‘yung nag top. DELA CUESTA, Maxence Benedict V. of San Jose de Manila University topped the Bar exams with a score of 92.0306%. Shit, Top notcher nga siya! Bakit ba’t hindi ko agad ‘yon napansin kahit na ako naman ang Top 2? Ilang ulit tumunog ‘yung phone ko at nabasa ‘yung mga congratulation greetings mula sa pamilya ko. Isa-isa akong nagpasalamat bago nag online at tinignan ‘yung mga message sa f******k, twitter, ** at messenger. Ang dami ring nag congratulate sa’kin kaya naman nagpasalamat ako sa kanila. Nagulat ako nung may nag pop up sa notification bar ko at nakita ko ‘yung group chat namin nung college na active na ulit. Ang iba ay nagbabatian at ‘yung iba ay malungkot dahil hindi nakapasa. Ang daming bumati kay Benedict at pinuri puri pa siya nung mga kaklase namin dati. Nagpasalamat din ako sa mga bumati sa akin sa group chat naming ‘yon. I was so shock when I saw that Benedict is typing for a message. Halos dumugo pa ‘yung labi ko dahil sa kakakagat ko rito. Ilang sandali ay nabasa ko na ‘yung message nya. Tumulo ‘yung luha ako habang paulit-ulit na binabasa ‘yon. Maxence: Congratulations @Claudett Gamboa! You really did a great job. Ang daming nagreact ng puso sa message ni Benedict at ‘yung iba ay niloko pa sila. Claudett didn’t even enter the Top 10 at ako ‘tong Top 2 tapos siya ‘yung babatiin niya? Nawalan na ako ng gana na mag online kaya pinatay ko na lang ‘yung phone ko at tumitig sa kawalan habang patuloy na bumubuhos ‘yung mga luha ko. I stiffed when Kamila hugged me kaya mas lalo lamang akong umiyak. Siguro nabasa nya rin ‘yung nasa group chat. Tahimik lang siya habang umiiyak ako at marami akong mga bagay na iniisip na hindi pa rin ma absorb ng utak ko, parang ayaw mag sink in. ‘di ba ito naman ang gusto ko? Bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ko matanggap? Nakapasa naman ako sa BAR Exam and in fact, Top 2 pa, pero bakit ang lungkot at ang sakit-sakit pa rin? Nakatulog ako nung gabing ‘yon habang kayakap si Kamila, at nagising na lang ako na nasa kama na. Kinusot ko ‘yung mga mata ko dahil sobrang hapdi. Ang dami ko ring iniyak kagabi. I went to the bathroom and saw my face in the mirror. Damn! I look like s**t. Bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko? Attorney na ako! Dapat hindi ako mag mukha losyang! Naghilamos ako ng mukha bago lumabas ng kwarto. Hindi na rin ako nag abalang mag suklay dahil ang plano ko naman ngayong araw ay mag stay lang sa condo buong araw. I went to the kitchen when I saw Kamila, Cagin and Terrence eating. Agad lumingon sa’kin si Kamila ng mapansin nya ang presensya ko. Cagin gave me a glance and smiled at me, I only give him a nod. I looked at Terrence and to my surprise, he is staring at me while playing his spoon and fork. I looked away and cleared my throat before I went to the dining table and get something to eat. I wonder why they are here? This is my condo and why the heck Cagin and Terrence are here in this early time of the morning? Katabi ko si Kamila habang katapat ko si Terrence, si Cagin at Kamila naman ang magkatapat. Tahimik lang ako habang nginunguya ‘yung pagkain ko. Nagulat ako nang biglang padabog na binitawan ni Terrence ‘yung kutsara't tinidor nya. Nanliit ang mata ko habang tinititigan siya. Napatigil din sa pagkain ‘yung dalawa. "Are you... okay?" Terrence asked me na parang kanina nya pa gustong sabihin ngunit pinipigilan nya lang magtanong pero nagtanong parin siya. Nag aalala ba siya sa akin? Tinitigan ko siya. "Of course I’m alright, Terrence! I just passed and Topped the BAR Exam! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Magluluksa?" I rolled my eyes at him. Natawa ng mahina si Cagin at napansin kong siniko siya ni Terrence kaya natahimik ito. "Uhm, good to hear then. So, we'll going to party later?" he asked again. This time kumunot ‘yung noo ko kasi hindi ko alam ‘yung party na sinasabi nya. "What party?" I asked frowning while playing with my food. "Ah, e, Shienne, they are throwing a party tonight e, ‘yung batch nating mga LegMa nung college. You want to come?" she asked. Nag alanganin pa siyang tumingin sa’kin. "Yes of course we'll come, bakit hindi? We deserved to party after all we've been through since Pre-Law to BAR Examination!" sabi ko sa kanila at pumalpak pa para makumbinsi silang okay lang talaga ako at maayos ‘yung kalagayan ko. "But, Maxence will be-" sabi ni Cagin pero binato siya ni Kamila ng kutsara kaya hindi niya natapos ‘yung sasabihin nya pero naintindihan ko naman ‘yung point nya. "Who cares if he's there? Huh? He also deserves to party after all this shits!" sabi ko pa at tumango tango bago tumayo para ilagay sa sink ‘yung pinagkainan ko. Naglakad ako pabalik sa kwarto ko, ngunit bago ko pa masara ‘yung pinto ay narinig ko ‘yung huling sinabi ni Terrence. "Alright then, we'll come," he said at wala na akong narinig mula sa kanilang tatlo dahil hindi na ako lumabas ng kwarto pagkatapos non. I just text Kamila na kung aalis sila ay isarado na lang ‘yung pintuan ng condo ko because I need to get ready for the party later, kahit pa mahaba pa ‘yung oras ko ay kailangan kong mag handa. I need to look good in that party! Ayaw kong makita niya na apektado parin ako sa nangyari sa’min. Ilang oras din akong naghanap ng maayos na dress, pero wala akong mahanap. Nag text din naman si Kamila na umalis na din daw sila after nilang kumain kaya pinabayaan ko na lang, sinabi nya rin naman na walang theme ‘yung party kasi sa isang Bar lang naman kami sa Katipunan pupunta kaya okay na ‘yung casual na suot pero wala parin akong mapiling isusuot! 11:30 am nung nag decide ako na pumunta na lang sa mall para bumili ng isusuot mamaya. I need shoes too! Naisip ko na rin na magpaspa and salon since 7 pm pa naman daw mag sisimula ‘yung party according to Kamila. I went to a signature boutique and got a black dress and a vintage boots. I went to the spa and do some manicure and pedicure. I also went to salon and dyed my brown hair to black na mas bumagay sa maputi kong balat. After that I drove home, back to my condo. 4 am nung nakarating ako sa condo ko and I decided to take a bath. Halos isang oras din akong nagbabad sa bathtub bago ko naisip na mag ayos na because it's almost 6 pm. Terrence texted me that he will pick me up later so we can go to the venue together. I didn't argue and just let him do whatever he wanted to do with his life. I just replied a simple text message To Terrence Gatchalian: K. After that, I went to my vanity and I did my make up with dark brown eyeshadow at pinatungan ko ‘yon ng gloss eyeshadow na may glitters para mas matingkad ‘yung eye shadow ko sa gabi and I also put some white eyeshadow na may glitters rin on the side of my eyes para mas lalong ma-highlight ‘yung almond eyes ko. Naglagay din ako ng mascara at kaunting blush and the last thing I did is to put a nude matte lipstick para simple lang ‘yung make up ko. Kinulot ko rin ang dulo ng mahaba at wavy kong buhok para mas maganda ‘tong tignan. Hindi ko ito tinali at hinahaan lang ‘yon na bumagsak. I wore the black dress that I got a while ago. It is a silk spaghetti strap dress na kitang kita ang buong likod ko at may pa ekis na design sa likod, fit na fit ito sa katawan ko and above the knee, may slit din ito sa right side and for my shoes is also the one that I got a while ago and it is a black above the ankle vintage boots with 3 inches’ wedge. Nagdala rin ako ng maliit na purse for my cards and phone. I received another text from Terrence na naroon na siya sa parking lot ng condo at hindi na ako nag abalang mag reply pa dahil pababa na rin naman ako. Nakita ko siyang nakasandal sa BMW nya na nakaparada sa parking ng condo at agad siyang umayos ng tayo ‘nung nakita nya akong papalapit. He's wearing a black polo na nakatupi hanggang siko and a black pants and a black shoe. Tumawa ako kasi pareho kaming nakaitim dalawa kahit hindi naman namin pinag-usapan. Ngunit nakakunot ang uno nya at halos magsalubong ‘yung kilay nya ng makita ang suot ko. I rolled my eyes at him at tinalikuran siya para pumasok sa shotgun seat pero bago pa ako makapasok ay hinigit na nya ang braso ko para mapaharap sa kanya. Parang mas lalong galit ‘yung mukha niya ngayon. "What?" I asked innocently. Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa kaya sinapak ko siya ng mahina. "Damn, Rheekshienne! What are you wearing?" he asked na parang na f-frustrate na, dahil sa suot ko. Pinasadahan nya ng daliri ‘yung buhok nya at mas lalong umayos ‘yon. Ang gwapo naman nito! Sayang talaga at hindi ko na siya crush, pero hindi ako papatalo sa kanya kahit gwapo pa siya! "A dress, of course! Ano bas a tingin mo?" depensa ko pa. "Are you..." pahinto-hintong sabi nya na parang hindi siya makabuo ng mga salita o hindi nya mahanap ‘yung tamang salita na sasabihin niya sa akin. "What are you saying? Hindi pa ba tayo aalis? Baka malate tayo! Hello!" saad ko at kinurot ‘yung braso niyang matigas. "Are you... wearing a bra?" he finally said it. Natawa ako kasi namula ‘yung pisngi nya. I saw him swallow hard kaya gumalaw ‘yung adams apple niya. Punyeta naman! Pagod na akong tumingala! Nakakangawit kayang tumingin sa kanya kasi hanggang dibdib niya lang ako! "Of course not! E ‘di ang pangit na tignan ng dress ko kapag ako gumamit ako ng normal na bra? Syempre silicon lang ang gamit ko ngayon!" sabi ko sa kanya at tinalikuran siya para pumasok na sa sasakyan nya. Nangangawit na kasi ang batok at leeg ko kakatingala sa kanya. Nakatulala lamang siya doon ng ilang minuto na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi rin naan nagtagal ay pumasok na siya sa kotse nya. He looked at me with disbelief pero wala naman siyang magagawa at siguro naisip nya ‘yon kaya umiling na lang siya at pinaandar ‘yung kotse nya. Tumawa ako nung bumulong pa siya ng 'Stubborn' saka umiling muli. Habang papunta kaming Katipunan ay kinalikot ko ‘yung speaker ng kotse nya para magpatugtog. Nag play ‘yung isang familiar na kanta ng Why Don't We kaya nagulat ako ng mapagtanto kung ano ‘yung kanta. "Nobody Gotta Know," bulong ko at agad umiling saka ko pinatay ‘yung speaker. Hindi pwedeng masira ‘yung mood ko ngayon. Sumandal ako sa upuan ko at tumingin na lang ako sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ‘yung mga nakakasabayan naming mga sasakyan at ‘yung mga maiilaw na gusaling nadadaanan namin. Tamihik lang si Terrence kaya tahimik din ako buong biyahe. Nakarating kami sa isang high end bar sa Katipunan. Medyo maingay na sa loob kaya alam kong nagsimula na sila. Halos 30 minutes’ din kasi kami late ni Terrence. Pagkatapos niyang maiparada ‘yung sasakyan nya sa parking lot ay bumaba na rin ako at hindi siya hinintay. Naglakad ako papasok sa loob ng bar ngunit nagulat ako ng may dumausdos na braso sa baywang ko. I looked at Terrence with annoyance pero iginaya niya lang ako papasok sa loob. Sobrang ingay ng paligid at ang daming pamilyar na mukha ‘yung sumalubong sa amin mayroon namang mga hindi ko kakilala na feeling ko ay nag-gate crash lang dahil sa pagkakaalam ko ay nirentahan ‘yung buong bar para sa batch namin ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang ‘yon. Some greeted me and Terrence for passing the BAR Examination and some are teasing us because they saw Terrence’s hand on my waist. Hindi ko pinansin ‘yung panunuya nila sa amin at umakyat na lang kami sa may VIP area. Sinalubong kami ni Kamila at Cagin. I saw Melik talking to Levi and I saw Claudett too! I scanned all of them sitting on the big retangular table and saw some of the familiar faces na matagal ko na ring hindi nakikita at ‘yung iba na kablock ko parin hanggang law school. Hinanap ng mga mata ko ang isang taong ilang taon ko na ring hindi nakikita ngunit bigo ako dahil wala siya sa table namin. "Wow Attorney Rheekshienne Artemis Navarro! You look stunning!" naagaw ni Cagin ang atensyon ko kaya tinaasan ko siya ng kilay! "b***h! Why did you dye your hair to black? Parang kanina lang brown pa ‘yung buhok mo ah! Hindi tuloy kita nakilala! And look at your` dress! Halos kita na ang kaluluwa mo!" sinabunutan ako ni Kamila kaya nagtawanan ‘yung ibang nasa table. Si Claudett ay pasilip silip lang sa amin habang sumisimsim sa hawak nyang baso na may lamang alak. I smirked. "Exactly what I told her!" nag 'yiee' ‘yung iba kaya mas lalo kaming inasar. Sinakyan ko naman ‘yung pang aasar nila. "Who cares? Nandiyan naman si Terrence para ipagtanggol ako kapag may bumastos sa akin no! Tsaka kahit ano pa ang isuot ng isang babae, walang kahit sinong pwedeng mambastos sa kanila!" I smirked. Nagulat ako kasi mas humigpit ‘yung hawak ni Terrence sa baywang ko. "Yown! Landi naman ni Attorney!" narinig kong sigaw ni Demi kaya tumawa kami lahat, napansin nya siguro ‘yung kamay ni Terrence sa baywang ko. Ngunit parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marining ko ang boses ng isang lalaking matagal ko ng hindi nakikita. "Excuse me Miss, you're blocking my way," he said coldly. Nagulat ako kasi bigla akong hinila ni Terrence para makadaan iyong best friend nya. Dere-deretso siyang naglakad papunta sa tabi ni Claudett at hindi man lang nag abalang lingunin ako. Natahimik ‘yung buong table na parang may dumaang anghel. Buti na lamang at nagyayang mag shot itong si Melik kaya umingay ulit iyong table. Umupo ako sa tabi ni Kamila at tumabi naman sa’kin si Terrence. Ang nakakainis pa ay katapat ko si Benedict at Claudett na nagbubulungan na para bang may sariling mundo. Tahimik ko silang tinitigan bago ako naglagay ng vodka sa baso at minsanang nilagok ’yon. Damn! Bakit ba ako affected? Nakita kong umangat ang labi ni Benedict ‘nung nakita ang ginawa ko. Laking gulat siguro nya na umiinom na ako. Mas lalong umingay ang table namin dahil napalitan ng rock music ‘yung tugtog sa loob ng Bar. Nag kwentuhan lang sila at nag kamustahan habang ako ay tinira ‘yung mga alak at hindi nakikinig sa mga pinag uusapan nila. Kinilabutan ako nung biglang inilapit ni Terrence ‘yung mukha niya sa mukha ko para pagalitan ako kasi pang anim na shot ko na ‘yon pero hindi ako nakinig sa kanya at tumawa lang saka ko siya hinalikan sa labi ng mabilis. Nakita ni Demi at Bench ‘yon at sabay pa silang tumiling dalawa saka kami itinuro kaya naagaw na naman ‘yung atensyon nilang lahat! "b***h! Go get some room na! Bawal PDA dito! Kawawa kaming mga single, ‘di ba Melik?" sabi ni Bench kaya sinapak siya ni Mel. Nagtawanan ulit kami dahil sa nasaksihan. Kumuha ulit ako ng shot at nilagok ’yon, nagulat ako kasi bigla na namang bumulong sa akin si Terrence para patigilin ako sa pag inom. Tumawa ako. "Why, you want another kiss?" sabi ko sa kanya at saktong tumigil ‘yung tugtog kaya narinig nila sa table namin ‘yung sinabi ko. "Ay kopkop!" sigaw ni Demi kaya tumawa silang muli. Bakit ba feeling ko clown ang tingin sa’kin ng mga pashnea na ‘to? Nakita ko namang umiling lang si Terrence sa pang aasar nila sa’min. Tumawa naman ako ngunit natigil ‘yon ng makita ang galit na mukha ni Benedict. Hindi siya nakatingin sa‘kin dahil nakatitig lang siya sa hawak niyang basong may lamang Jack Daniels at may kung anong ibinubulong si Claudett sa kanya. What the heck? E ‘di sila na! Hindi ko siya pinansin at natuwa ako ng abutan ako ni Melik ng panibagong baso ng alak ngunit nagulat kami ng unahan ako ni Benedict para kunin ‘yung baso sa kamay ni Mel at nilagok agad ‘yung laman. I raised my brows at him. What the heck is his problems? Kanina ko pa siya napapansin na parang inaasar ako ha! "Too much drink for you Miss Navarro, hindi naman ikaw ‘yung bumili ng mga alak," sabi nya at iniwas ang tingin sa’kin. Kumulo iyong dugo ko sa sinabi nya kaya agad akong tumayo at mas lalong tumaas ‘yung kilay ko. Anong gusto niyang palabasin ngayon? "Correction Mr. Dela Cuesta! It's Attorney Navarro, and besides! I can pay for my drinks!" matapang na sabi ko sa harap nya. "Correction too, Attorney Navarro but, It's Attorney Dela Cuesta Not Mister Dela Cuesta," mas lalo nya diniinan at ini-emphasize ‘yung Attorney sa unahan ng pangalan nya. I rolled my eyes at him. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Melik. "Itong mag ex na ‘to! Masyadong bitter sa isa't isa! Just kiss already!" sabi ni Melik. Tawang tawa ito at makikita mo na sobrang lasing na nya. Damn. Wasted. Pero naiirita ako sa mga sinabi nya. "SHUT UP!" sabay na sabi namin ni Atty. Dela Cuesta kaya umirap ako. Melik just shrugged his shoulders. Agad kong kinuha iyong mga purse ko at lumabas ng Bar nang hindi sila nililingon man lang. Nag tipa ako ng text message para kay Terrence na wag niya akong susundan ngunit bago ko pa ma send ‘yon ay may pangahas na humawak sa braso ko at ipinaharap ako sa kanya. "What the heck is your problem, Attorney Dela Cuesta!" binigyang diin at ini-emphasize ko rin ‘yung Attorney Dela Cuesta niya dahil ‘yon naman ang gusto niya. "You are my problem Rheekshienne! Nananadya ka ba?" sigaw nya kaya kumunot ‘yung noo ko. "Pinagsasabi mo ha? Hindi nga kita pinapansin diyan! Tapos bigla-bigla kang magagalit sa’kin!" sigaw ko rin pabalik, aba't hindi pwedeng sigaw sigawan niya lang ako ng basta-basta no. Natauhan yata siya sa sinabi ko dahil bigla siyang natahimik at unti-unting binitawan iyong kamay ko. Huminga siya ng malalim bago ako tinalikuran at pumasok sa loob ng Bar. What the heck just happened? Anong problema ng talipandas na ‘yon? Tinitigan ko lang iyong likod nya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Damn! Ang labo-labo mo Dela Cuesta!!! Huminga ako ng malalim at naglakad lakad. And now, paano ako uuwi nito? s**t? Parang maling desisyon na hindi ako nagdala ng kotse! Naiinis kong kinuha iyong phone ko sa purse para mag book ng grab. Ayaw ko namang abalahin si Terrence kasi alam kong mag eenjoy siya doon. Ilang sandali ay nasa harapan ko na iyong grab. Muli akong lumingon sa bar kung saan pumasok si Benedict. I rolled my eyes because of irritation. Ang labo talaga ng lalaking ‘yon! s**t lang!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.8K
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook