bc

Complicated Love

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
fated
second chance
drama
heavy
campus
lies
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Naranasan mo na bang mahulog sa taong malapit sa'yo?

Maling oras. Maling pag-ibig. Maling panahon. Maling tao.

'Yan ang nangyari sa dalagang si Freya noon. Nahulog siya sa kaniyang kababata at dahil sa pagmamahal na nararamdaman, hindi na nito napigilan ang sarili at inamin sa binata ang nararamdaman.

Pero ang inaasahang sagot ng dalaga ay salungat sa nararamdaman ng binata kaya iniwan siya nitong mag-isa.

Dahil doon, natakot ng makipagkaibigan ulit ang dalaga. Ngunit isang araw, kinailangan nilang lumipat ng tirahan. Wala siyang nagawa ng ienroll siya ng kaniyang mga magulang sa sikat na unibersidad sa manila.

Doon ay makakakilala siya ng isang grupo ng magkakaibigang babago sa tahimik niyang buhay. Hindi inaasahan, makakakilala rin siya ng binatang muling makakapagpatibok ng kaniyang puso.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa skwehalang din 'yon ay muling magkukrus ang landas nila ng kaniyang kababata.

Paano kung bigla itong may aminin sa dalaga na makakapagpagulo sa puso't isipan niya?

Sino ang pipiliin niya?

Ang binatang ngayo'y itinitibok na ng kaniyang puso o ang binatang minsan ng nakapagpatibok nito?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Flashback... Masayang naglalaro sa hardin ang magkaibigang sina Freya at Lucas. Nagtatawanan, nag-aasaran at nagbabatuhan ng damong napulot nila sa kanilang tabi. "Hoy! Ano ba! Masakit 'yon ah! Heto'ng sa'yo!" Sigaw ng labing tatlong taong gulang na si Freya sa kaibigan niyang si Lucas, saka binato rito ang damong hawak niya. Natamaan ang mata ng labing anim na taong gulang na si Lucas kaya napahinto ito saka marahang hinawakan ang kaniyang mata. Napansin ito ni Freya kaya kaagad siyang lumapit sa kaibigan at sinilip ito. "Huy! Hala! Masakit ba? Wala namang buhangin 'yong hinagis ko ah?" Sunod-sunod nitong pagka usap sa nakayukong si Lucas. 'Di pa rin ito sumasagot kaya mas lalong kinabahan at nag-alala ang dalagang si Freya. "Huy! Ano ba? Sorry na! 'Di ko naman sinasadya e! Saka wala namang buhangin 'yong hinagis ko sa'yo! Hmmp." Doon ay nag-angat ng tingin si Lucas ng may namumulang mata. Nang mapansin ito ni Freya, nanlaki ang kaniyang mga mata saka mas linapitan pa si Lucas upang makita ng malinaw ang kaniyang mata. "Paanong walang buhangin, e tumama nga sa mata ko! Ano 'yon imagination ko lang?" Nang-uuyam na sambit ni Lucas. Nataranta naman si Freya dahil sa pamumula ng mata ni Lucas. Kaagad itong lumapit sa gripo saka hinablot ang panyong nakatali sa kaniyang buhok saka ito dali-daling binasa. Lumapit ito kay Lucas saka pinaupo ito sa d**o malapit sa gripo. "Halika, lilinisan natin 'yang mata mo." Aniya. Tumalima naman kaagad si Lucas at umupo sa gilid kung saan siya sinabihang umupo ni Freya. Lumuhod ito saka marahang hinipan ang mata ni Lucas. Focus na focus siya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang paninitig sa kaniya ni Lucas. "Masakit pa ba? Sorry ha, 'di ko sinasadya. Ikaw kasi e, binato mo 'ko ng d**o e, gumanti lang naman ako no!" Sambit ni Freya na nakapagpatawa sa binata. Dahil dito, napababa ang tingin ng dalaga at nakita ang ginagawang paninitig sakaniya ng kaibigan. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito sa binata saka napahaplos sa mukha. Umiling lang bilang sagot ang binata saka napangiti sakaniya. "Oh e bakit ka tumititig saakin? Crush mo ko no!" Pagbibiro ng dalaga na nakapagpatahimik rito. Dahil doon, napatahimik rin ang dalaga saka napayuko, kahit na musmos pa lamang, alam niyang may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata. Naguguluhan man sa nararamdaman, alam sa sarili ni Freya na nasaktan siya sa naging reaksyon ng binata. Pero hindi niya ito ipinahalata saka tipid na ngumiti, pilit na tinatakpan ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ahm, Joke lang! Ano ka ba! I-imposible namang magkagusto ka saakin 'di ba? Jinojokie jokie lang kita!" Ani Freya habang pinipilit siglahan ang kaniyang boses. Ngunit nanatili lang ang tingin ng binata sa kaniya. Walang kibo, walang kahit anong reaksyon. Tumayo si Freya saka inabot ang panyo'ng hawak kay Lucas saka pinagpag ang damit. "Heto, pasensiya na talaga, ha? 'Di ko sinasadya.." aniya sabay abot ng panyo sa kaibigan. Naging tahimik ang paligid at walang kahit sino man ang nagtatangkang magsalita sakanilang dalawa. Nang matapos ng linisan ni Lucas ang kaniyang mata, tumayo ito saka tinignan ang dalaga. "Tara." Aniya sabay abot sa kaniyang kamay. Nakangiting inabot naman ito ni Freya saka tumayo. Pinagpagan niya ang kaniyang bistidang suot saka binalingan ang kaibigan. "Saan naman tayo pupunta?" Aniya. 'Di naman umimik ang binata saka biglaang hinablot ang kamay nito upang hawakan. Napa-iwas ng tingin si Freya saka pinipigilang h'wag ngumiti. Daretso ang tinging hawak ni Lucas ang kaniyang kamay, samantalang siya ay halos patapilok sa paninitig ng kanilang magkahawak na kamay. Dahil rito, 'di na rin niya namalayan kung saan ba siya dinala ng binata. Nang iangat ang tingin, namangha siya ng makitang nasa tabing ilog sila. Napakalinis ng tubig, napaka sariwa ng hangin, at ang ganda ng tanawin! Napangiti siya saka binalingan ang binatang nakatitig na sakaniya. "Woah! Ang ganda rito!" Sigaw niya saka excited na binabad ang kaniyang paa sa tubig. Lihim na napangiti naman rito ang binata. "Sa likod lang ito ng village, 'di ka pa ba nakakapunta rito?" Ani ng binata habang tinititigan ang dalagang enjoy na enjoy. "Hindi pa! Ni hindi ko nga alam na may ilog pala rito! Paano mo pala 'to nadiskubre?" Nakangiting lumapit ang dalaga kay Lucas saka umupo ito sa kaniyang gilid. Pumulot ng bato si Lucas saka ito hinagis sa ilog. "By accident." Tipid nitong sagot saka patuloy na pumupulot ng bato saka ito hinahagis sa ilog. Pumulot rin ng bato sa gilid si Freya saka ginaya ang ginagawa ng binata. Ang tahimik ng paligid, walang nagtangkang magsalita sakanila. Habang bumabato si Freya ng bato naalala niya ang nangyari kanina. 'Oo nga naman, sino ba naman ako para magustuhan niya?' Sa isip isip ni Freya. 'E kababata niya lang naman ako, no more, no less.' Malungkot na napangiti ang dalaga sa naiisip. Bata pa lang ay magkaibigan na ang dalawa. Walong taong gulang si Freya ng maging kaibigan si Lucas na noon ay onse anyos pa lamang. Dahil sa pagiging malapit nila sa isat-isa, 'di maiwasang isipin ni Freya na, 'Paano kung maging kami sa hinaharap?' 'May chance kaya na magustuhan ako nito?' At kung anu-ano pa. Magkasama na sila dati pa, magkasamang nagrereview bago ang exam, magkasamang kumakain noong mga bata pa sila, magkasama sa pagpasok, at paglabas nila ng skwelahan, magkasama sa lahat.. Kaya dahil doon, 'di maiwasang magkaroon ng lihim na pagtingin ang dalagang si Freya sa kababata. Lihim itong nanonood sa practice ng binata. Lihim niya rin itong sinusundan minsan sa loob ng campus. Pero, dahil sa matipuno at gwapo ang binata, sadyang maraming mga dalaga ang nagkakagusto rito. 'Kahit na gusto ko siya, 'di ko parin madidiktahan ang puso niya kung sino ang mamahalin niya.' Malungkot na napangiti ang dalaga saka inihagis ang kahuli-hulihang batong nasa kamay niya. "May sasabihin ako." Mahina ngunit sapat na upang marinig ng binata ang sinambit ni Freya. Napalingon sakaniya ang binata saka siya nito tinitigan. "Hmm?" Tanging sagot nito. Huminga ng malalim ang dalaga saka determinadong humarap sa binata. "A-ano k-kasi." Utal at kabadong ani ni Freya kay Lucas na ngayon ay nagtatakhang nakatingin sakaniya. Huminga ng malalim ang dalaga saka pilit na kinakalma ang sarili. Napagdesisyonan niyang sabihin na ang nararamdaman niya sa binata. "A-ano, 'wag kang magagalit, ha?" Ani pa nito sa nagtatakhang si Lucas. Tumango naman sakaniya ang binata. "G-gusto k-kita, lu-ucas." Nakayukong ani nito sa binata. Hindi niya magawang mag-angat ng tingin upang tignan ang reaksyon ng binata dahil sa kaba at hiyang kaniyang nararamdaman. Ilang minuto rin siyang naghintay ng sasabihin ng binata ngunit walang kahit anong salitang lumabas sa bibig nito. Dahil doon, 'di na napigilang mag angat ng tingin ang dalaga na agad niya ring pinagsisihan. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mga mata ng binata. Pinigilan naman ni Freya ang nagbabadyang mga luha sa kaniyang mga mata. "I'm sorry.." tanging nasambit lang ni Lucas sa dalaga. Tumango-tango naman ang dalaga at pinahid kaagad ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi. "O-okay l-lang. S-sorry, Lucas." Aniya sa binatang kaharap niya. Lumamlam naman ang mga mata ni Lucas saka nag-iwas ng tingin sakaniya. "I'm sorry, Frey. Pero ayaw kitang saktan." 'Pero nasaktan mo na ako, Lucas.' Ani ni Freya sa kaniyang isipan. Ngumiti ng mapakla ang dalaga saka nag-iwas ng tingin. "I'm sorry, Lucas. Hindi ko dapat ito nararamdam hindi ba? Hindi dapat ako nagkakagusto ng ganito sa'yo." Malungkot na sambit ni Freya. Nanatili naman ang tingin ng binata sa dalaga. Huminga ito ng malalim. "I'm so sorry, Frey. You deserve better, at alam kong hindi ako 'yon." Sambit ng binata kay Freya. Tumayo ito saka tinignan ang ngayoy lumuluhang si Freya. "Bata pa tayo, Freya. At alam kong makakatagpo ka ng mas higit saakin. Mas better saakin, 'yong deserve ka. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan ng dahil saakin. Please, kalimutan mo na lang ako, kalimutan mo nalang ang nararamdaman mo para saakin." Mahabang lintanya ni Lucas na nakapagpaiyak sa dalaga. 'E sira-ulo pala ito e. Hindi niya ba alam na mas lalo lang akong nasasaktan sa mga sinasabi niya?' Sa isip-isip ng dalaga. "H'wag kang mag-alala. Susundin ko ang sinabi mo, susubukan kong kalimutan lahat. Pati na itong nararamdaman ko para sa'yo." Mapaklang napangiti si Freya sa sinabi. Nahagip niya naman ang mga tingin sakaniya ni Lucas na puno ng awa, pagsusumamo, at sakit? Ngunit nag-iwas siya ng tingin rito. Linapitan ng binata si Freya saka ito hinalikan sa pisngi. Nagulat ang dalaga sa inaksyon nito kaya napalayo siya. "Bye..." huling sambit ng binata bago siya tuluyang iniwan roon... ng mag-isa. Napayakap sa tuhod ang dalaga saka tuloy-tuloy na nag-agusan ang luhang kanina niya pa pinipigilan. "Hindi na dapat ako nagkagusto sayo! Hindi na sana ako nahulog sa'yo, Lucas Sanchez!" Sigaw ng dalaga saka ibinato ang batong nahagilap niya sa kaniyang gilid. Puno ng sakit at lungkot ang puso niya kung kaya hindi niya mapigilang mapahikbi. "Sinira ko lang ang pagkakaibigan namin dahil sa pesteng nararamdaman kong 'to! Sana ay hindi ko nalang sinabi, hindi ba?" Pagkausap niya sa sarili habang humihikbing nakayakap sa kaniyang tuhod. Masakit sa dalaga ang nangyari. 'Sana ay hindi ko nalang sinabi.' 'Magiging okay parin kaya kami katapos nito?' 'Galit kaya siya?' Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ng dalaga na mas lalong nakakapagpaiyak sakaniya. Nanatili siya roon ng ilang oras, walang ibang ginagawa kundi ang umiyak at tanungin ang sarili kung magiging okay pa ba silang dalawa, o tuluyan na silang lalayo sa isa't-isa. Samantala, may isang binatang naglalakad 'di kalayuan kung nasaan ang dalaga. Napansin ng binata na umiiyak ito. Gusto niya sana itong lapitan at tanungin kung bakit ito umiiyak pero parang may 'di malamang pumipigil sakaniya. Unang tingin pa lamang niya sa dalaga ay bumilis na ang t***k ng kaniyang puso. Marami na siyang nakilalang dalaga pero iba ito, parang bang unang tingin palamang niya ay nahulog na siya rito. 'Ito ba ang tinatawag nilang 'love at first sight?' Tanong niya sa kaniyang sarili saka lumingon uli sa umiiyak na dalaga. 'Ang ganda niya pero bakit kaya siya umiiyak?' Sa isip-isip niya. Umalis sa pwesto ang binata at nagpasiyang umalis na roon bago pa niya 'di mapigilan ang sariling lapitan at kausapin ang dalaga. Ngunit hanggang sa pag-uwi ay nasa isipan niya parin ito. Para siyang nadikit sa isip niya kung kaya sa tuwing mapapapikit ang binata ay ang dalaga lamang ang kaniyang nakikita. Ang bilugan nitong mga mata, ang mapupula niyang mga pisngi at ilong dahil sa pag-iyak at ang mapupula niyang labi. Lihim siyang napangiti... Samantala... Umiiyak na umalis roon si Lucas. Ayaw niyang saktan ang dalaga ngunit wala siyang ibang maisip na paraan. 'Magbabago at magbabago ang t***k ng puso mo, Freya. Siguradong makakalimutan mo rin ako.. Sana sa muli nating pagkikita ay makita kitang masaya.. sa piling ng iba.' Sa isip-isip ni Lucas. 'Mahal kong, Freya...' Masakit ngunit pinilit na h'wag isipin ni Lucas ang lahat saka umuwi ng bahay at pumasok kaagad sa kaniyang silid. 'Ayokong masaktan at paasahin ka sa wala, Freya.. kaya kahit na masakit, mas pipiliin ko ng ganito ang mangyari, kesa sa huli ay mas lalo kang masasaktan..' Nanunubig man ang mata, pinawi ni Lucas ang nagbabadyang mga luha saka kinuha ang maleta sa kaniyang cabinet. Sakto namang kumatok ang kaniyang ina kaya pinagbuksan niya ito at pilit na ngumiti. "Oh? Bakit ganiyan ang itsura mo? Naihatid mo na ba si Freya sa bahay nila?" Tuloy-tuloy na tanong ng kaniyang ina. Tumango lang ito. "Osya, mag empake kana, maaga ang alis natin bukas, h'wag ng magpuyat, Lucas, ha?" Sambit ng ina na tinanguan lang ni Lucas. Lumabas na ito sa kaniyang silid kaya bumalik sa pag eempake ng mga gamit si Lucas. Pero kahit na marami siyang ginagawa, hindi parin niya maialis sa isipan ang dalaga. 'Kumusta na kaya siya?' 'Nakauwi na kaya siya?' Iniwan niya ang maleta saka binuksan ang pintuan niya palabas sa veranda. "Ang hiling ko lang para sa'yo, sana sa muli nating pagkikita ay masaya kana." Nakangiti ngunit may lumalandas na luha sa pisngi'ng sambit sa sarili ni Lucas. "Mas mabuti ng ganito, para sa huli ay hindi kana mas masaktan pa." "Kung bibigyan man tayo ng sapat na oras ng tadhana, babalikan kita, Freya.. Kaya sana ay mahintay mo ako.." huling ani niya saka malungkot na napangiti sa langit. Umiiyak habang naglalakad pauwi ang dalagang si Freya. "Wala akong karapatang magalit sakaniya. Wala rin akong karapatang diktahan kung sino ang magugustuhan niya." Pagkausap niya sa sarili. Natanaw niya ang bahay nina Lucas 'di kalayuan sa bahay nila kaya tumulo nanaman ang panibagong luha sa kaniyang mga mata. Napangiti siya ng mapakla saka pinunasan ang luha bago pumasok sa kanilang bahay. Kaagad na dumaretso si Freya sa kaniyang silid saka pabagsak na nahiga sa kama. Patuloy parin ang kaniyang pagluha't paghagulgol kaya tinakpan niya ng unan ang kaniyang mukha upang hindi ito marinig ng mga magulang niya. 'Siguro nga ay ganito ang mas makakabuti para saaming dalawa.' Sa isip-isip niya. 'Di niya namalayan na nakatulog siya sa sobrang pag-iyak. Kinabukasan... Nagising ang dalaga dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Kinusot niya ang kaniyang mata saka tumayo upang maligo. Nang makita ang sarili sa salamin, napangiti ito ng mapakla ng maalala ang nangyari kagabi. Mugto ang matang lumabas siya ng kaniyang silid upang mag-almusal. Nasa kusina na ang kaniyang mga magulang kaya nag dalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya sa kusina o mamaya nalang siya kakain. 'E, gutom na ako e!' Sa isip-isip niya kaya napagpasiyahan niyang dumaretso na sa kusina. Kaagad siyang kumuha ng tinapay saka pinalamanan ito ng strawberry jam habang 'di parin lumilingon sa kaniyang mga magulang. Nagkatinginan naman ang mga ito saka nagtatakhang tinignan ang kanilang anak na patuloy sa pagkuha ng pagkain. Ngunit ng makita ng ina niya ang namumugtong mga mata ng dalaga hindi na niya ito tinanong dahil sinabi na ng binata sa kaniya ang lahat ng nangyari kagabi. "Ma, pa, doon nalang po ako sa labas kakain." Ani niya sa magulang na tinanguan lang ng mga ito. Dumaretso ang dalaga sa hardin habang hawak-hawak ang isang tasang kape sa kanan niyang kamay at ang tinapay naman sa kaliwa. Umupo siya sa may silong saka napahinga ng malalim. "Ang ganda ng lugar, ngunit napaka lungkot ng mga ala-ala." Nasambit niya sa sarili. 'Siguro ay nakwento niya na rin ang nangyari kagabi, dahil 'di na ako tinanong ng aking mga magulang.' Aniya pa. Katapos mag-almusal. Napagisip isip niya na makipag-usap ng maayos sa kaibigan upang linawin ang lahat. Para wala ng sama ng loob at mailabas niya na rin ang lahat ng bigat sa kaniyang dibdib. Tanggap niya na rin na hinding-hindi ito magkakagusto sakaniya at tanging kaibigan lang ang turing nito. Kaya naman nagpaalam siya sa kaniyang magulang na bibisitahin niya si Lucas na malapit lang ang bahay sakanila. "Ma, doon lang po ako kina, Lucas." Paalam niya sa ina. Malungkot na tumango lang ito sakaniya na ikinatakha ng dalaga. Determinadong kumatok sa bahay si Freya. Nakailang katok na siya ngunit wala paring nagbubukas ng pinto. Nagtatakha man, nagpatuloy parin siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang ama ni Lucas. "Um, tito si Lucas po? Mas sasabihin lang po sana ako sakaniya." Nakangiting bungad niya sa ama ng kaniyang kaibigan. Malungkot na napangiti ito sakaniya saka ito hinawakan sa balikat. "Kaninang madaling araw pa umalis si Lucas kasama ang kaniyang ina, Hija. Hindi niya ba ito nasabi sa'yo?" Nagulat ang dalaga sa nalaman. Nagbanta nanaman ang luha sa kaniyang mga mata ngunit pinigilan niya ito saka nag-angat ng tingin. "W-wala pong n-nasabi si L-lucas e. S-saan po sila pumunta?" Aniya sa utal na boses. "Ang akala ko ay nasabi niya sa'yo kagabi dahil nagpaalam siya na pupuntahan ka raw niya." Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. "Lilipat na kami ng bahay sa manila, Hija. Pasensiya na at hindi yata nasabi sa'yo ni Lucas. Sige at mag-eempake pa ako, maiwan na kita, Hija." Huling sambit ng lalaki saka pumasok sa loob ng kanilang bahay. Wala sa sariling naglakad pauwi si Freya. Nang makarating sa bahay, sinalubong siya kaagad ng kaniyang ina at inalalayan itong pumasok sa loob. Tuluyan ng napahagulgol ang dalaga ng yakapin ito ng ina. "Ma, b-bakit 'd-di niya manlang ako kinausap? Ba't 'di manlang siya nagpaalam na aalis na pala siya? Bakit ma? Galit ba siya saakin? May nagawa ba akong mali? Ma, bakit?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa ina. Humagulgol ito kaya pati ang ina niya ay naiiyak na pinapatahan ito. "Shh, anak. Wala kang nagawang mali, at lalong hindi galit sa'yo si Lucas." Ani ng kaniyang ina. "Kagabi ay nagpunta rito si Lucas ngunit tulog ka na.. ang sabi niya ay ako nalang daw ang mag-sabi sa'yo na umalis na sila. Ayaw ka na niyang gisingin, saka kaagad rin siyang umalis." Patuloy na umiiyak ang dalaga sa bisig ng kaniyang ina habang nakikinig sa mga sinasabi nito. "Ang sabi niya pa saakin ay alagaan mo raw ang sarili mo.. gusto niya raw na sa panahon na magkita kayong muli, makita ka niyang masaya.." Mas lalong naiyak ang dalaga sa narinig. "Nakita kong umiiyak siyang nakatanaw sa kwarto mo kagabi bago siya umalis.." Napahagulgol ang dalaga saka inalala ang mukha ng kaniyang kaibigan. 'Ba't mo ako iniwan, Lucas? Ba't mo ako iniwang mag-isa?' Ilang oras ng nasa kwarto ang dalaga. Matapos ang pag-uusap nila ng ina, hindi na siya lumabas pa. Patuloy parin siya sa pag-iyak kaya naman nag-aalala na ang kaniyang mga magulang pero wala silang magawa kundi hayaan munang mapag-isa ng dalaga. Napangiti ng mapakla ang dalaga ng makita ang litrato nilang dalawa ni Lucas, magkayakap, habang malapad ang ngiting nakaharap sa camera. "Siguro nga ay itinadhana tayong magkakilala, ngunit hindi tayo itinadhana para sa isat-isa." Naramdaman niyang tumulo uli ang luha sa kaniyang pisngi kaya kaagad niya itong pinahid saka ngumiti ng mapakla. "Sa muli nating pagkikita.."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook