bc

Missing Identity

book_age18+
510
FOLLOW
2.8K
READ
murder
revenge
kickass heroine
mafia
twisted
bxg
mystery
city
crime
reckless
like
intro-logo
Blurb

Ang kanyang tunay na pagkatao ay nabura sa kanyang isipan, nagkamalay siyang walang anumang maalala tungkol sa kanyang tunay na pangalan at pinagmulan.

Ngunit sa tulong ng isang Police Detective na si Toberto 'Toby' Ibarra ay mabibigyan siya nito ng bagong pangalan at pagkakakilanlan sa katauhan ni Kai Ibarra. Pansamantala itong mamumuhay bilang si Kai Ibarra, habang ipinagpapatuloy niya ang pagtuklas at paghahanap sa tila nawawala nitong pagkatao...

Subalit, magawa niya kayang tanggapin ang katotohanan sa likod ng kanyang tunay na pagkakakilanlan at pinagmulan, sa sandaling ito ay kanya nang matagpuan?..

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naalimpungatan ako at marahan kong iminulat ang mga mata ko dahilan upang bumungad sa akin ang puting kisame, nangunot ang noo ko bago ko ilibot ang paningin ko sa paligid. "Nasaan ako?" nasabi ko sa isip ko, no'ng makita kong nasa loob ako ng isang kwarto, kulay puti ang pintura ng pader at kulay berde naman ang mga kurtina sa may bintana. Nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama at no'ng sipatin ko ang kabuuan ko ay lalo pang nangunot ang noo ko no'ng makita kong nakasuot sa akin ang isang kulay light blue na dress at para bang isa itong hospital gown. Sinubukan kong bumangon mula sa aking pagkakahiga ngunit natigilan ako no'ng makita ko ang isang hose at tila may karayom ito na nakatusok sa aking kaliwang kamay. Sinundan ko ng tingin ang hose at nakita kong hose ito ng isang dextrose, nakita ko rin ang iba pang machine at tank ng oxygen sa tabi nito. "Nasa hospital ako? Pero bakit?" Pagtatakha ko sa aking isip dahil hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko no'ng pilit kong inalis sa kaliwang kamay ko ang nakatusok na karayom dito at pagkatapos ay nagmadali akong umalis sa kamang hinigaan ko. No'ng tumayo ako ay nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo at kaunting pagsakit ng aking ulo kung kaya't napahawak agad ako rito. Natigilan ako no'ng makapa ko ang tila isang tela na nakapulupot sa aking noo hanggang ulo. Aalisin ko na sana ito no'ng mabaling ang atensiyon ko sa may pinto ng kwarto dahil may nagbukas nito. Nakita kong pumasok sa loob ng kwarto ang isang babaeng nakasuot ng kulay puting dress at may hawak itong tray ng mga gamot. Sa kanyang itsura ay masasabi kong isa siyang nurse. No'ng makita niya akong nakatayo ay agad niyang inilapag ang tray na hawak niya at nagsabing, "Naku! Miss hindi ka pa dapat bumangon," pagkasabi niya no'n ay binalak niya akong lapitan. Nagdadalawang-isip pa ako kung hahayaan ko ba siyang makalapit sa akin o hindi dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ginagawa ko rito sa hospital na ito. "L-Lumayo ka sa akin! Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko rito?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahilan upang matigilan siya sa paglapit sa akin. "Miss naaksidente ho kayo, kaya naman dinala kayo rito, huminahon lang kayo," sabi nito na siyang nagpahinahon sa akin. "Aksidente?" nausal ko, na siya namang tinanguan niya lamang bago niya ako tuluyang mahawakan at alalayang maupo sa kama. "P-Pero wala naman akong maalalang aksidente," sabi ko, dahilan upang mangunot ang noo ng nurse na kausap ko. "Dinala ho kayo rito ng isang lalaki at sinabi niyang nasagasaan niya raw kayo, sa katunayan ay ilang araw na rin kayong naka-confine rito, pero hindi namin alam kung paano i-cocontact ang pamilya niyo, ano ho bang pangalan niyo at address para matawagan na po natin sila?" Ang mahabang paliwanag nito na nagpatigil sa akin sandali na para bang pilit kong inaalala ang mga pangyayaring sinasabi niya. "Ano ho ang pangalan niyo?" tanong niya, na siyang nagpaawang ng bibig ko, humahapdi na rin ang mga mata ko dahil tila gustong kumawala ng mga luha rito dahil, "H-Hindi ko alam, hindi ko maalala, hindi ko alam kung sino ako." Kasabay ng paglunok ko ay ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. "S-Sino ako? Bakit hindi ko alam! Bakit hindi ko maalala!" pagsusumigaw ko sa isip ko bago ko matampal ang noo ko. __________ Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama habang kausap ang isang doctor na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Dahil sa natamo mong head injury mula sa aksidente ay nagkaroon ka ng amnesia, sa ngayon hindi pa malinaw sa atin kung babalik pa ba ang lahat ng memorya mo o di kaya'y hindi na." Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya, para bang sinasabi niyang maliit ang chance na makaalala ako ulit. "Sa ngayon ay wala kaming ibang magagawa kundi ang hintayin na lamang ang taong nagdala sa'yo rito, upang mabayaran ang lahat ng bills mo rito sa hospital ng sa gano'n ay maayos na rin ang discharge slip mo," sabi nito, bago ito tumungo at tuluyang lumabas ng kwarto. "Ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ako pupunta? Paano kung hindi na bumalik pa 'yong taong nagdala raw sa'kin dito, hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang mga bills ko rito sa hospital," sunod-sunod na sabi ko sa isip ko. Gusto kong umiyak pero pinipigil ko ito, dahil kailangan kong maging matatag, kailangan kong umisip ng paraan para makaalis dito.Hahanapin ko kung sino ako at kung ano ang pagkatao ko. Umalis ako sa kama at naglakad palapit sa pinto ng kwarto, pagkatapos ay marahan kong pinihit ang doorknob upang buksan ang pinto, no'ng mabuksan ko ito ay sumilip ako sa labas at nakita kong wala masyadong tao. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa pintuan ng kwarto at patakbo kong tinungo ang right hallway kung saan may mga iilang tao rin ang naglalakad. Liliko na sana ako sa left hallway no'ng makita ko ang dalawang nurse na papalapit, kaya naman agad na lang akong nakisabay sa paglakad sa mga taong dumaraan upang makapagtago. No'ng makalampas na kami sa kanila ay tinanong ko ang isang ginang kung, "Alam niyo ho ba kung nasaan ang main door nitong hospital?" Sinipat niya muna ang hospital gown na suot ko bago ito sumagot ng alanganin, "Ah, eh, doon, dumeretso ka lang doon at pagkatapos ay kumanan ka, makikita mo na roon ang main door," sabi nito, ngumiti ako sa kanya at nagsabing, "Salamat". Sinunod ko ang direksyon na itinuro niya sa akin at hindi nagtagal ay nakahinga ako ng maluwag no'ng makita ko nga roon ang main door ng hospital. Agad na akong tumakbo papunta roon at makakalabas na sana ako no'ng bigla akong harangin ng isang security guard at nagsabing, "Miss, saan ka pupunta? Na-discharge ka na ba o tatakas ka?!" Napalunok nalang ako sa mga sinabi niya at hindi nakapagsalita kung kaya't hinawakan niya ako ng mahigpit sa kanang braso at binalak akong kaladkarin pabalik sa loob ng hospital. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng matinding pagnanais na labanan siya at kumawala sa pagkakahawak niya sa akin, kung kaya't hinawakan ko ng mahigit ang kamay niyang nakahawak sa akin at pwersahang hinatak ito upang pilipitin, na naging dahilan ng pagdaing nito sa sakit. Nagulat at nagtaka ako sa nagawa ko rito kaya mabilis ko ring binitawan ang kamay nito, sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang mabilis na tumakbo at tumakas palayo sa hospital.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

Dangerous Spy

read
296.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
11.9K
bc

EASY MONEY

read
173.8K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook