bc

Beautiful Soul

book_age16+
6.2K
FOLLOW
35.7K
READ
possessive
second chance
drama
comedy
disappearance
secrets
affair
friends with benefits
naive
seductive
like
intro-logo
Blurb

THIS STORY IS 20% OFF

Lahat ay gagawin ni Aileen para sa kanyang pamilya. Pangarap niyang makatapos ang mga kapatid niya at maipagamot ang pinakamamahal na ina kahit na kapalit pa noon ay kapahamakan ng buhay niya ay haharapin niya. Ngunit di lingid sa kaalaman ng dalaga na hindi lang luha, pagod at pasakit ang makakamtan niya sa pagluwas sa Maynila. Doon niya rin makikilala ang magpapagulo at magpapasirko ng kanyang puso at pagkatao.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Ate, Kuya, bili na kayo ng baboy. Siksik sa laman hindi puro taba tulad ng bilbil n’yo!" Iyan ang palagi kong sigaw sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa edad na kinse ay natutunan ko agad na magbanat ng buto. Hindi na nabago 'yon hanggang sa umabot na ako sa edad kong bente dos. Nairaos ko ang edukasyon hanggang sa makatapos ng high school. Nakapasa akong scholar sa isa sa kolehiyo sa bayan namin ngunit hindi pa rin kaya ang gastusin dahil mahina na si Nanay para siya pang kumayod para sa aming tatlong magkakapatid. Ilang taon na rin kasi siyang may iniinda sa kanyang puso. Kung pipilitin kong mag-aral pa ay baka wala na siyang maipambili ng maintenance niyang gamot. Ako na lang ang katuwang niya sa paghahanapbuhay. Maaga kasi kaming iniwan ni Tatay. Isang araw ay bigla na lang siyang nawalang parang bula. Walang kahit anong away akong narinig mula sa kanila ni Nanay bago siya umalis. Sabi ng mga mahaderang tsismosa sa kanto namin ay nakita raw nila ito na may kasamang ibang pamilya, nabalitang nakulong at nabalita pang namatay na pero wala naman silang bangkay na maipakita. Hindi ako naniniwala dahil nagmula rin naman kay Nanay na buhay pa ang tatay ko. Hindi na ako nagtanong dahil sa tuwing sinusubukan ko ay nagtatalo lamang kami. Parati niya lang sagot ay nasa malayo ito. "Inday, lalo ka yatang gumaganda ngayon ha," bati ng baklang si Nonito. Natigil ako sa pag-aayos ng mga karne sa styro at tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy, Nonito huwag mo akong ma echos -echos d'yan! Bayaran mo na iyong kinuha mo sa akin na sandals. Nakapag hashtag sandals goals ka na sa f******k hindi mo pa naman 'yon nababayaran." Lintyak na baklang ito gogoyoin pa ako. "Ikaw naman masyado kang atat, oo babayaran ko mamaya. Dumaan ka na lang sa parlor, and it's not Nonito it's Niña," ingos niya habang namimili ng parte ng karne na tinda ko. Ambisyosa. "Ay ambot, kahit ano namang ipalit mo sa pangalan mo may lawit ka pa rin basta magbayad ka!" Pagsapit ng ala una ay nakikipagpalit si nanay sa pagtitinda. Paubos na rin naman kaya hindi na siya gaanong mapapagod. Uuwi na ako no'n para magpahinga at kumain, tapos ay aalis ulit para maningil ng mga pa order kong cheche bureche. Mga bag, tsinelas at damit ang madalas kong paninda, bitbit ko iyon sa bayan. Bawat establishment ay binabaybay ko upang maningil. Mahirap at nakakapagod. Minsan gusto ko na lamang sumuko pero hindi naman maari iyon dahil magugutom kami. Madalas na init at ulan ang kalaban ko. Buti na nga lang at kahit babad ako sa araw malakas ang aking resistensiya. "Ate, anyare sa mukha mo?" kunot noong tanong ng kapatid kong si Mikkie. "Hindi na naman kasi nakabayad 'yong iba. Sumasakit na ang ulo ko. Pandagdag 'yon sa pambayad ng kuryente natin eh," sagot ko habang hinihilot hilot ang sentido. "Nautakan na naman ako ng mga taga parlor. Sila 'yong laging hindi nakakapagbayad. Hindi ko na talaga sila papautangin sa susunod," napapalatak kong sambit. "Okay lang yan 'te. Gusto mo ba pasingil natin kay Engr. Julian? Naku siguradong magbabayad ang mga iyon. Baka matuwa pa ang mga hitad dahil may gwapong maniningil," kinikilig niyang wika. Si Engr. Julian ang engineer ng ginagawang tulay sa bayan. Gwapo at makisig nga ito. "Naku magtigil ka nga riyan, dinamay mo pa 'yong taong walang kamalay malay. Magsalang ka na ng maglagkit at ako na lamang ang maghahalo ng ibibiko mamaya, magpapahinga lamang ako." Nagtitinda rin ako ng biko sa harap ng bahay namin. Gabi pa lang ay iniluluto ko na ito para sa umaga ay ibebenta na lang. Hay, kailan kaya kami yayaman? Siguro maaga akong magkaka osteoporosis pag tanda ko at maaga ring rarampa sa balat ko ang mga varecos veins dahil sa dami ng ginagawa ko araw-araw. Nakakapagod ring maging Inday raketera. Bawal magreklamo, bawal magkasakit dahil kung hindi ay nganga kami panigurado. "Ate, uso magpahinga. Alam kong maganda ka, pero maganda ka lang hindi ka imortal. ‘Wag kang feeling wonder woman. Pwede naman kasing magtrabaho ako habang nag-aaral eh, ayaw mo naman," sambit ni Mikkie habang nagsasaing. Hindi ko na lamang pinansin dahil paniguradong magiging mahabang diskusyon na naman. Ayoko na magtrabaho siya dahil baka hindi niya mabigyan ng atensyon ang pagaaral niya. Tama nang ako na lang. Gusto ko silang makatapos. Tapos na akong maghalo nang dumating ang bunso kong kapatid na si Morty na hahangos hangos. "Oh bakit ka ba tumatakbo?" "Ate, si Nanay nasa ospital sinugod ni Aling Babsy, este Bassy," hinihingal niyang sabi. Hindi ko na inalintana ang tagaktak kong pawis at sumugod agad sa ospital. Naabutan ko roon si nanay na nakangiwi. "Nanay ano pong nangyari, 'Nay?" naluluha tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lamang siya sa akin. "Aileen, sabi ng doctor ay na stroke raw ang nanay mo," sagot ni Aling Bassy na nasa likod ko pala. Napahagulhol na talaga ako ng iyak sa sinabi niya. Nakausap ko ang doctor na tumingin kay Nanay. Maraming iniresetang gamot at kinakailangan ng therapy. Ang therapy ay pintong daan kada session. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pitong daan araw-araw. Kahit pitong daang biko ang ibenta ko araw araw ay kulang iyon. Sa pambaon pa lang ng mga kapatid ko at pagkain namin ay kulang na. Masisiraan na yata ako ng ulo. Dumalaw si Engr. Julian kinabukasan sa ospital. Napalapit na rin siya sa pamilya namin dahil siya ang madalas mamakyaw ng biko at bumili ng paninda ko. "Naku, Engineer, huwag na nakakahiya naman. Ikaw na nga ang nagbayad ng bill ng ospital pati ba naman pang therapy." Siya kasi ang nagprisintang magbayad ng bill ni nanay. Bago pa man ako tumanggi ay nabayaran na pala niya kaya wala na akong nagawa. Masyado siyang gwapo at bata para maging sugar daddy ko. Minsan nga ay binibigyan din niya ng baon ang mga kapatid ko. "I told you I'll do anything and everything for you, Aileen. If you just let me," makahulugan niyang saad. Tipid ko lamang siyang nginitian. Alam ko kung anong ibig sabihin niya roon. Minsan na siyang umamin na gusto niya ako ngunit wala pa sa isip ko na mag nobyo sa dami ng responsibilidad na naka atang sa akin. Hindi naman siya nagtagal sa ospital at umalis rin agad. "Aling Bassy, salamat nga po pala sa paghatid sa nanay ko sa ospital. Bakit ho nga pala naparito kayo ulit?" magalang kong tanong. Kahit naman saksakan ng sugapa sa pera itong si Babsy eh, may puso rin pala. Siya ang nagpapautang sa mga tindera sa palengke. Kumbaga 5'6 kung sa bumbay, kaso hindi naman siya bumbay. Singkit siya at mataba na maputi at kumikilay goals ang kilay na parang pentel pen ang ipinang guhit. Medyo may pagkakahawig sila ni Majin boo. "Aalukin sana kita kung gusto mong mag waitress sa Maynila. Trenta mil kada buwan, bukod pa ang tip," pagmamalaking alok niya habang nakataas ang kilay. Wow! Si Aling Babsy ba talaga ito? Nagshe-share ng blessings. Malaki ang trenta mil sa isang buwan. Paniguradong matutustusan ko ang pang therapy ni nanay. Kaso paano ang pwesto sa palengke? Ah basta. Bahala na. "Sige ho, gusto ko hong mag waitress. Kailan ho ba magsisimula?" Hindi na akong nag atubili pang tanggapin ang alok niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Sexytary |SPG|

read
536.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook