bc

Living With The Beast

book_age4+
8.0K
FOLLOW
36.2K
READ
billionaire
possessive
reincarnation/transmigration
goodgirl
aloof
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Magbabago ang buhay ni Laarni sa pagtapak ng mga paa niya sa hindi kilalang bayan para sa trabaho. Mamamasukan itong kasambahay sa mansion ng Griffin. Sa paninilbihan ng dalaga bilang katulong ay naranasan nito ang kakaibang presensya na para bang may nanonood ng kanyang ginagawa. Ano nga ba ang hiwagang bumabalot sa bahay ng isang Mafia Lord na si Sebastian Griffin? At bakit ni isang beses ay hindi pa nakikita ng dalaga ito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Laarni Castillo?" Sambit ng isang madreng nakaitim na belo. Hindi basta madre ito dahil nagtatrabaho ito sa isang sindikato. "Opo Sister Fernina." Sabi ko. "Okay kompleto na ang nasa listahan ko." Sabi nito. Pitong mga babae kaming nakahilera mismo sa harapan niya. Nasa isang liblib kaming lugar kung saan mga sindikato ang nag tatrabaho. Mga pagawaan ng droga ang mga nakaimbak dito. Isa isa kaming pinapirma sa kontrata. Labag man sa loob ko pero kailangan. Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng pera para mabuhay. Kasabay no'n ang pag abot samin ng sobre na nag lalaman ng salapi. Puro usok ang buong paligid dala ng paninigarilyo ng mga tao roon kasama na si Sister Fernina. Hindi siya totoong madre at isa lamang itong palabas. Sa ilalim mismo ng simbahang ito nagaganap ang transaksiyon ng pagawaan mismo ng mga droga. "Pumirma na kayo sa kontrata, naibigay ko na ang napag usapang pera kaya walang aatras sainyo kundi patay." Madiing sabi ni Sister Fernina. Napalunok naman ako sa kanyang binitawang salita at mahigpit kong hinawakan ang sobre dahilan para malukot ito. "Alam niyo na ang trabahong papasukin niyo sa bahay ng Lord Griffin. Kapag pumalpak kayo at nakatanggap kami ng tawag papatayin namin kayo." Pahabol pa nito. Sumang-ayon na lamang kami bago lumabas ng simbahan. Nasa harapan na mismo ang mga itim na sasakyan papunta sa nasabing mansion. Mansion na pag mamay-ari mismo ni Lord Sebastian Griffin. Makapangyarihan ngunit misteryosong tao sa bansa. Pagkaupo ko palang ay naalala ko nanaman si Aunt. Wilma hindi ko tunay na tiyahin. Ibinenta niya ako mismo sa organisasiyong ito bilang taga tulak ng droga. Ngayon naman ay isa ako sa mga napiling magiging alipores o katulong mismo sa mansion ni Lord Griffin. Malakas man ang pag kabog ng aking dibdib ay tinibayan ko na lamang ang aking loob. Isa pa ay pito naman kaming mga bagong kasambahay at alam kong 'di ako nag iisa. Inabot ng mahigit apat na oras ang biyahe dahil sa napakalayo ng nasabing lugar. Pagkadating palang ay pinababa kaming apat ngunit naiwan ang tatlo. Naging pala isipan sakin kung bakit. Pero nang malaman ko ay mas lalong nanlumo ang aking mga tuhod at nanghina. "Kung sino man ang mag tatangkang tumakas sainyong apat ay matutulad sa tatlong ito." Sabi ng isang lalaking naka itim na damit. Inihagis ang katawan nilang wala ng buhay. Napapikit ako sa aking nasaksihan. Umiiyak naman ang isa kong kasama. Hindi kami mag kakakilala dahil sobrang laki ng organisayon at ngayong araw ko lamang sila nakita. Napatuko naman ako dahil hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Kinuha na muli ang mga katawan at ipinasok sa sasakyan at umalis na. Naiwan kaming apat. Mahigit na ipinag babawal ang pag uusap kaya hindi kami nag uusap. Nagsimula na kaming kumatok sa napakalaking pintuan ng mansion. Bumukas ito at bumungad saamin ang isang kubang matandang babae. Puti na ang buhok nito at may malalaking mata. Nakakatakot ang kanyang itsura. Nilakasan ko ang aking loob para magsalita. "Kami po ang pinadalang katulong ni Sister Fernina." Sabi ko. Tumingin muli ito mula ulo hanggang paa. "Sumunod kayo." Sabi nito. Pagkapasok namin sa loob ay sadyang napakalaki nito. Ngunit bakit napakaraming kandila at nakasarado lahat ng mga makakapal na kurtina. Hindi ko alam kung susunod paba ako sa paglalakad ngunit nilakasan ko na lamang ang aking loob. Ganon din ang mga kasama ko. Huminto ang matanda at dinala kami sa kanya kanya naming mga silid. Hiwa hiwalay kami ngunit mag kakatabi lamang. Ako ang nasa pinaka dulo malapit sa hagdan papuntang 2nd floor. Inilibot ko pa ang aking mga mata sadyang nakakatakot dahil puro kandila lamang. Napag isipan kong hawiin ang makapal na kurtina ngunit nagulat ako ng biglang hinawakan ng matanda ang kamay ko at pinigilan ako. "Huwag na huwag mong pakikialaman lahat ng nakikita mo. Lalo na ang kurtina." Sabi nito. Napalunok ako muli dahil sa takot ko sakanya. Nakinig na lamang ako at tuluyan na siyang umalis. Bumalik ulit ito at nagulat nanaman ako. "6pm mag handa ng hapunan." Sabi nito at nilisan na ang kwarto. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng puso ko. Sobrang kabadong kabado ako. Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko ay naupo na lamang ako sa katre. Suot suot ko na ang pang maid na damit. Hinihintay ko na lamang mag 6pm para lumabas. Pag patak mismo ng ala sais ay nagulat nanaman ako dahil may malakas na kampana. Lagi bang ganto dito? Napailing na lamang ako. Ngunit wala akong magagawa. Wala na akong pamilya at kailangan kong mabuhay kahit magisa na lamang ako. Lumabas na ako at ganoon din ang mga kasamahan ko. "Lesly." Pakilala ng isang babae. Ngumiti naman ako at nagpakilala rin. "Ako si Laarni." Sabi ko dito. Nagkamayan kami. Dumating na ang matandang babae at masama ang tingin samin. "Bawal mag usap." Sabi nito. Napayuko nalang kaming lahat tsaka sumunod sakanya papunta ng kusina. Sa kusina ay naroon na ang mga dating maid at nagluluto na. Lahat halos ay nakasimangot at tahimik. Walang mag uusap. Pumunta na kami sa kanya kanya naming mga gagawin. "Kailangan niyong matapos yan. Kakain na ang Lord Griffin mamayang 7pm." Paalala ng matanda bago umalis. ..... Natapos ang nakakapagod na pag hahanda. Inilapag na namin isa isa ang mga iba't ibang klase ng pagkain sa lamesa. Apat kaming nadagdag sa walong mga katulong at isang dosena na kaming lahat. Yumuko kaming lahat ng marinig ang mga yapak ng tinatawag nilang Mafia Lord. Si Lord Griffin. Bawal daw itong tignan sa kanyang mga mata dahil tiyak na malalagot kami. Rinig na rinig ang yabag ng kanyang sapatos papunta sa mahabang hapag-kainan. Walang gustong magsalita. Wala din gustong mag taas ng tingin dahil lahat ay natatakot. Tahimik lamang ito. Naupo na siya at nag umpisang hawakan ang mga kurbetos at nagsimulang kumain ng tahimik. "Ihanda mo na ang red wine." Sabi sakin ng matandang babae. Malapit kasi ako sa kusina kung saan nakalagay yung ref. Sumunod naman ako at kinuha ko ang bote ng red wine duon na nasa loob. Lumapit na ako sa nasabing Lord ngunit hindi padin ako tumitingin dito. Nanginginig lamang ang aking kamay at pinag papawisan ako ng malamig dahil sa takot akong mag kamali. At dahil sa may taglay akong katangahan ay naibuhos ko ang red wine pati sa itim nitong pang ibaba. "Paumanhin po." Nasabi ko sa labis na pagkagulat. Narinig kong napahinto ito sa pagkain at binitawan ang hawak na knife and fork. Natahimik lalo ang presensiya ng buong mansion. Kaagad kong kinuha ang napkin o yung puting pamunas at idinampi sa kanyang nabasang pantalon ng bigla itong nagsalita. "Don't touch me." Sabi nito sa nanginginig at galit na galit na boses. Namamaos ang boses nito pero tinayuan agad ako ng balahibo at naginit ang buo kong katawan. Sobrang ganda ng boses nito. Sa boses palang nito ay halatang nagtitimpi na. Nag kuyom ang kanyang dalawang kamao at humihinga na ng sobrang lalim tila nag pipigil. Hindi ko naiwasang mapatingin sakanya at siyang pinag sisisihan ko ngayon. Dahil nakatitig na ito sakin at nag iigting ang panga. Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Lalaking lalaki ito. May matatapang na mga mata na hindi ko alam kung bakit ito kulay silver. Matangos na ilong at manipis na labi. Maganda din ang kilay nito na matapang din at may beard sa gilid ng pisnge. Titig na titig lamang ito sakin at tila galit na galit dahil humihinga na ito ng sobrang lalim. Nanginginig naman ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako makaalis tila na stock ako mismo. "Dammit!" Sigaw nito at balibag sa mesa ng tumayo siya. Napayuko naman ako at akala ko ay pag bubuhatan na niya ako ng kamay o katapusan ko na. Ngunit narinig ko lamang na malalim ang pag hinga nito na sobrang bagal na tila may pinipigilan lamang. At narinig ko ang mga yabag ng kanyang sapatos. Palayo na ito at ng mag taas ako ng tingin ay wala na ito. Kaagad na kinuha ng matanda ang bote ng red wine at nataranta. "Pumasok kana sa silid mo. Mamaya kana kumain kapag tulog na si Lord." Sabi nito ng may pagka inis dahil sa kapalpakan ko. Sigurado akong galit na galit sakin ngayon si Lord Griffin. At sana hindi niya ako patayin. Ayokong mapahamak. Tumakbo ako ng dali dali sa silid ko at nag kulong. Hay Laarni ano bang katangahan yan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Pearl Ring

read
12.5K
bc

Secret Baby

read
1.7M
bc

The Reluctant Luna

read
212.1K
bc

Theo

read
141.2K
bc

The Mafia Loves Me.. OMG (Book I of the Brancaccio)

read
2.4M
bc

Forgetting Axel

read
49.9K
bc

His lost love

read
93.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook