bc

FORCED BY A BILLIONAIRE DAVE MONTEMAYOR ( TAGALOG )

book_age18+
32.5K
FOLLOW
188.6K
READ
billionaire
revenge
forced
second chance
arranged marriage
manipulative
drama
twisted
punishment
hostages
like
intro-logo
Blurb

Kahit masakit ang sampal at kalmot na pinalasap sa kaniya ng dalaga ay hindi niya iyon ininda. Bagkus ay nakaramdam siya ng awa para dito habang tinitingnan niya itong luhaan. Bigla ang pitik na may kasamang kirot sa kaniyang dibdib ay mahigpit niya itong niyakap.

"Sinira mo ang buhay ko, wala akong alam na kasalanan sa'yo. Hindi nga kita kilala bakit mo nagawa sa akin ito? Dalawampu't dalawang taon kung iningatan ang sarili ko. Hindi ako nakipag relasyon sa kahit sino. Dahil gusto kung humarap at ialay ang sarili ko ng malinis sa lalaking nakatakda kong pakasalan. Ngunit winasak mo lang, I hate you, sana pinatay mo na lang ako!"

At habang tumatangis at nagsisisgaw ang dalaga ay bigla niyang nabitawan at mabilis na lumabas nang kwarto. Tumulo ang luha niya sa kirot na nararamdaman, ang malamang mayro'ng ibang lalaking nakatakda para dito ay tila isang patalim na tumarak sa kaniyang puso. Kaya iniwan niya ang dalaga at tumuloy sa bar upang magpakalunod sa alak. Baka sakaling mabawasan ang sakit sa kaniyang dibdib.

chap-preview
Free preview
chapter- 1
SALUBONG ang makapal na kilay, naningkit ang mga mata at kuyom ang kamao sa matinding galit na nararamdaman. "Boss Dave, nasa email mo ang confirmation at buong detalye ng taong responsable sa buong pangyayari. At ito naman ang clear photos na kailangan mo." "Ibigay mo sa akin at siguraduhin mong walang papalpak sa inyong lahat. Bring her to my island and make sure na malinis at walang sabit ang trabaho niyo, maliwanag ba?" "Yes, Boss Dave." Dinampot ang intercom at tinawag ang kanyang secretary, "In my office now!" Segundo lang ang lumipas ay pumasok ang secretary niya. "Sir, kagaya ng utos mo, kenasela ko na ang tatlong meeting mo sa Manila Pen, ang lunch date mo sa Hyatt Hotel with Ms. Evangeline Cruz at nag isyu na ako ng warning notice sa buong departamento tungkol sa kumalat na balita, ang nangyari kay Boss Dale." "Good! And one more thing, mawawala ako ng ilang araw. Bawal ang sinumang magtatangkang pumasok sa opisina ko." "Yes, Boss Dave." Paglabas ng secretary niya ay tinawagan ang kanyang mga bodyguard. "Maghanda kayo at aalis tayo." Call ended. Dinampot ang coat at tuloy tuloy na lumabas ng opisina. Pagdating sa pinaka baba ng building ay sumaludo at nagyukuan ang lahat ng mga empleyado kasama na ang mga bodyguard niya. "Gonzalgo VIP Private Hospital…" natigilan siya sa pagsasalita ng mamukhaan ang taong papasok sa entrance. Lalapitan sana niya ito ngunit mabilis ang lakad at parang hindi siya nakita. Kaya suminyas siya sa isang tauhan upang sundan ang taong iyon kung saang floor pupunta. Pagkatapos ay tuloy tuloy na lumabas, kasama ang sampung bodyguard. Tatlong SUV ang naghihintay sa mismong tapat ng entrance, ipinagbukas siya ng kanyang personal bodyguard at pagsakay niya ay agad na unusad ang sasakyan. - Dave Montemayor, the eldest billionaire triplets, hinahangaan at tinitingala ng kahit sino. Makisig, gwapo, matangkad, may mga mata na kung tumitig ay nang-aakit. Inaasam at pinapangarap ng kahit sinong babae ang isang tulad ni Dave, ngunit walang isa man ang binigyan ng atensyon sapagkat nakatakdang ikasal sa kababata nito. Kasalukuyang patungo sa ospital upang silipin ang kapatid, the youngest triplets Dale Montemayor, sa mga oras na iyon ay agaw buhay dahil sa kagagawan ng isang babae. At dahil sa pangyayaring iyon ang dating mabait, mahinahon at mapagmahal na si Dave, ay napalitan ang puso ng galit, poot at paghihiganti. "Tumawag na ba si Mr. Pilot?" "Yes, Boss Dave, ready na raw ang lahat." "Good! At tungkol sa investigation, walang kahit isa man sa inyo ang maaaring magsalita, maliwanag ba? "Yes, Boss Dave." Pagdating sa ospital, "maiwan kayong lahat dito maliban sa'yo Bart, come with me." Pagpasok sa VIP Room, naabutan niya ang isang nurse na pinupunasan ang braso ng kapatid na si Dale. "Ms. Villegas, right?" "Yes, Sir, ako po ang ipinadala dito bilang private nurse ng kapatid mo. Cathy Villegas ang inyong lingkod." "Nice to meet you, Ms. Villegas, by the way hindi ako magtatagal. Kung sakaling may pulis na pupunta dito ay huwag mong papasukin kahit sino sa kanila." “Yes, Sir Dave.” Lumapit sa kaniya si Bart, “Boss Dave, narito na po ang hinihintay mo na tawag, sasagutin ko ba sir?” “Yes, go ahead.” May ilang bagay pa siyang pinagbilin kay Ms. Villegas bago tuluyang lumabas ng ospital. “Bart, anong sabi?” “Confirm, Sir Dave, nakita na nila ang target.” “Good! Tell them I'm on my way.” “Yes, Sir Dave.” Pagdating sa sasakyan ay agad na pingbuksan si Dave, ng mga bodyguard. “Sa airport tayo.” “Copy, Boss Dave.” - SAMANTALA, “sino kayo at anong kailangan ninyo?” kahit natatakot ay ayaw niyang magpahalata. Kailangan niyang lakasan ang loob at huwag mag panic upang makapag-isip ng mabuti. “Dalhin siya!” “NO! Please maawa kayo, ano bang kailangan niyo sa akin?” “Hindi kami ang may kailangan sayo, Miss, kundi si Big Boss.” “P-Pero bakit kailangan sumama ako sa inyo?” “Huwag ka ng maraming tanong kung ayaw mong masaktan ay sumama ka ng maayos sa amin.” “Litong lito siya sa mga nangyayari, sana hindi na lang siya lumabas ng bahay. Kung bakit naman bigla siyang natakam kumain ng siopao, kaya kahit madilim na ay nagpunta pa rin siya ng Seven Eleven. At ngayon may mga taong hindi niya kilala ang sapilitan na isinasama siya. “Baka naman po maaari nating pag-usapan, ano po ba ang totoo bakit kailangan ako ng Boss niyo?” “Hindi ka namin masasagot sa mga tinatanong mo kaya sumakay ka ng maayos at huwag ng tangkain manlaban.” Nang bumukas ang itim na SUV, ay sinagilahan na siya ng takot. Lalo pa at mga nakasuot ng mask na itim ang mga lalaking naglalakihan ang mga katawan. Kaya kahit subukan niyang tumakas ay wala siyang chance. Baka isang hablot lang sa kaniya ay tumiklop na ang mga tuhod niya. “P-Pakiusap, huwag po niyo akong sasaktan, sasama na lang ako ng maayos.” pagmamakaawa niya sa anim na lalaki. “Mabuti naman dahil kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ka rin makakawala sa amin.” “Sinisikap na kumalma ngunit habang ginagawa iyon ay lalo lang siyang nanginginig sa takot. At hindi na rin napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha. Sa kawalang pag-asa ay nagyuko na lang ng ulo at itinakip ang dalawang palad sa mukha habang sinisikap na huwag mapahikbi. “Malapit na tayo sa airport, huwag kang gagawa ng hindi kanais nais dahil kahit doon mismo ay bubutasin ko ang tagiliran mo.” “O-Opo,” sunod sunod niyang tango sa lalaking may malaking katawan. Kaya paghinto ng sasakyan ay wala siyang nagawa ng umakay sa kaniya ang kamay ng isa. “Maglakad ka ng maayos at diretso lang ang tingin.” tumango naman agad siya at pagdating sa boarding area ay tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Ramdam niya ang madiin na hawak nito sa kaniyang braso habang bumubulong ng pagbabanta. Hanggang naipasok siya ng mga lalaki sa loob ng eroplano. At nang sumara na ang pintuan ay saka lang siya pinakawalan ng lalaking may hawak sa kaniya.. “Pumasok ka sa pintuan na ’yon at manatili ka doon hanggang hindi tayo dumarating sa destinasyon, naiintindihan mo?” “O-Opo,” sa sobrang takot ay napabilis ang lakad niya at agad na pinihit ang seradura. Sumalubong sa kaniyang ilong ang mabangong amoy ng paligid. At ngayon lang din siya nakakita ng eroplano na mayroong kwarto. Hinawi niya ang kurtina at tumambad ang labas, ngunit nagsisimula na silang tumaas. Napaupo na lang siya at tuluyang napahagulgol ng iyak. “M-Mommy ko…. Daddy…. Please help me…” tumatangis habang paulit ulit na tinatawag ang mga magulang. - Trisha Briones, Inosente, matangkad, sexy at kaakit-akit ang taglay nitong kagandahan. Nag-iisang anak kaya lumaking busog sa pagmamahal. Hindi mayaman ang pamilyang pinagmulan ngunit na ibibigay naman ng mga magulang ang lahat ng kailangan niya. Kahit simple lang ang pamumuhay ay mahal na mahal siya ng ama at ina. Samantalang ngayon ay nag-iisa siya at walang kakampi, wala ring makakatulong upang makaligtas siya sa taong nagpa dukot sa kanya. At ano ang kailangan ng Boss na ‘yon, bakit kailangan dalhin siya sa malayong lugar? One hour later… “Open the door,” narinig niya ang malakas na boses ng lalaki sa labas ng pintuan. Sa tingin niya ay palanding na sila dahil pababa na ang lipad ng eroplano. Kaya nagmamadaling sumilip sa bintana. Natanawan niya ang hindi naman kalakihan na airport. At maya maya lang ay tuluyan nang huminto ang eroplano. Minsan pang narinig ang malakas na katok kaya’t napilitang buksa iyon. “Naririto na tayo, again binabalaan kita huwag kang gagalaw ng mali. Maglakad ka lang ng diretso hanggang nakalabas tayo ng arrival area. Pagkatapos ay sasakay tayo ng speed boat, at huwag mong subukan kumuha ng atensyon sa ibang tao. Final warning ‘yan, or mamamatay ka diyan sa gitna ng dagat.” Panay ang tango niya habang malakas ang kalabog ng kanyang dibdib. At nang makasakay na sila sa speed boat ay tahimik na lang siyang umiyak. Agaw antok na siya ng maramdamang nakahinto ang sinasakyan. At nang magumulat ay tila nakalimutan ang tunay na sitwasyon dahil sa mga tanawin na nakikita. Subalit bumalik din agad sa realidad ng may lalaking biglang nagtakip sa kanyang mata. Pagkatapos ay walang pakundangan na basta siya binuhat. “Huwag mong subukan alisin ang tali sa iyong mata o dito pa lamang ay may mangyayari ng masama sa’yo!” "Sino ka bakit mo ako pina kidnap sa mga tauhan mo anong kasalanan ko sa iyo?” lakas loob niyang sigaw dito ngunit balewala naman sa lalaki at tuloy lang sa mabilis na paglalakad. “Nasan ako, ano ba bitawan mo ako!” pinagsusuntok niya ang katawan ng lalaki pero wala pa rin itong tinag. Hanggang mapagod ang kaniyang mga kamay at nanakit iyon. “Please m-maawa ka sa akin at kung pera ang kailangan mo ay ibibigay ng aking mga magulang.” “Pag hindi ka tumahimik ay tatakpan ko ng packing tape ang bibig mo!” “Ano ba kasi ang kasalanan ko sa’yo bakit mo ako dinala dito? Hindi kita kilala at wala akong alam na ginawang mali mister kaya pakiusap pakawalan mo na ako?” wala siyang narinig sa sagot mula sa lalaki ngunit naramdaman niyang ibinaba siya nito sa isang malambot na upuan. Inalisan din siya nito ng tali sa mga mata. Pagmulat niya ay likuran na lang ng lalaki ang nakita niya. At kahit na ganun siyang sitwasyon ay hindi pa rin maiiwasan humanga sa kakisigan ng lalaki. Kahit likuran lang nito ang nakikita ay kakaiba ang dating sa kaniya. Akmang lalabas na ang lalaki ng bigla niya itong habulin, at nagpilit na makalabas ng pintuan. Subalit mahigpit siyang nahawakan nito at napangiwi siya sa kirot na nararamdaman ng bumaun ang daliri nito sa kaniyang braso. “Let me go! Nasasaktan ako ano ba!” "Shut up!" biglang sigaw nito kasabay ng pagharap sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay natulala siya. Hindi lang pala katawan nito ang kaakit-akit kundi mas pa ang mukha nito. Ang makapal na kilay at kulay gray na mga mata pati na ang labi na mapula ay nakakapag palimot sa kanyang tunay na sitwasyon. “Huwag mo akong pilitin na saktan ka! Kaya itikom mo ang iyong bibig dahil pag hindi ka tumigil ay bubusalan kita!” Napaatras siya sa takot na naramdaman, hanggang narinig na lang niya ang pagsara ng pinto. Sinubukan na pihitin ang seradura ngunit naka lock iyon. Ganun pa man sa kabila ng takot ay hindi pa rin maiwasang isipin kung sino ang lalaking iyon. Bakit siya dinala nito sa lugar na iyon samantalang mukha namang hindi ito kidnaper. Kung titingnan at mamasdan ay parang galing sa mayamang pamilya. Napa iling siya ng ulo, hindi iyon ang oras upang humanga siya sa lalaki na siyang dahilan kung bakit naroon siya sa lugar na iyon. “Narito ang pagkain mo, kumain ka raw bilin ni Boss, upang may lakas ka mamaya.” sasagot pa sana siya nang sumara na ang pinto. Sa palagay niya ay almost nine in the evening. Maliwanag lang dahil sa mga nakabukas na ilaw. Lumapit siya sa may pinto at sinubukan na pihitin iyon ngunit naka locked. Kaya nagpasyang mahiga na lang habang nag isip kung paano makakatakas. Kahit kumakalam na ang sikmura sa gutom ay tiniis at ipinikit na lang mga mata. - SAMANTALA, past ten in the evening ng pumasok sa kabahayan si Dave. Tahimik na ang paligid marahil ay tulog na ang babae at ganun din ang kanyang mga bodyguard. Naisipan kunin ang master key para buksan ang kinaroroonan ng babae. At napahinto siya sa gagawing pagpasok ng bumungad sa mga mata ang kakaibang tagpo. “F*ck!” hindi napigilan napamura dahil biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Parang nananadya ang babaeng ito, talagang tumihaya pa ng higa. “Hey! Woman?” sinubukan niyang tawagin upang malaman kung gising o talagang tulog na ito. Ngunit hindi man lang gumalaw, ang pwesto sa pagkaka higa. Gusto na niyang humakbang palabas ng room ngunit tila na magnet ang kanyang paa sa pagkaka tayo. Ang mga mata ay hindi rin magawang alisin sa katawang nakatihaya. At unti-unting nabubuhay ang init ng pagnanasa at kung hindi pa siya hahakbang paalis ay baka sa mga oras na iyon ay maangkin niya ang babae. Subalit nang maalala ang sitwasyon ng kakambal na kasalukuyang nasa ospital ay biglang nanariwa ang galit niya. Kaya nagmamadaling lumabas at iniwan ang babae. Naligo muna siya at nagtuloy sa maliit na bar, habang umiinom ay pumasok sa isipan kung anong susunod niyang hakbang. Napangiti siya ng mapait sa naisip. "I will destroy you! Kagaya ng ginawa mo sa kapatid ko!" Pangako niya sa sarili bago inisang lagot ang laman ng baso at mabilis na pumasok sa master bedroom. Kinabukasan sa kabilang kwarto ay nagising si Trisha, pasadong alas singko ng umaga. Pinilit na makatayo kahit sobrang sakit ng kanyang buong katawan. Lalo na ang mga kamay at paa, pero kailangan makatakas siya sa lalaking iyon. Pinihit ang seradura at bukas iyon at nagdumali sa patalon talong hakbang dahil may tali ang paa. Hindi na namalayan ang paglipas ng oras, kahit halos sumuko na sa pagod ay sinisikap pa rin magpatuloy sa pagtakas hanggang nakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Kaya kahit nanghihina dahil sa pagod at gutom ay tiniis niya. Nakarating siya sa isang falls at luminga-linga hanggang nakakita ng maliit na daan. Subalit malakas ang daloy ng tubig at kung tatawid siya ay posibleng madala sa ibabang falls at napakataas ng lugar. SA resort ay kanina pa galit na galit si Dave, dahil tinakasan silang lahat ng isang babaeng lang na may tali pa sa paa. “Hanapin ninyo, bakit kayo natakasan ng isang babae lang?” “Pasensya na Boss Dave.” “Huwag kayong babalik ng hindi siya kasama, maliwanag ba?” “Yes, Boss Dave.” Nang wala na ang mga tauhan ay mabilis ang lakad niya, siguradong sa Falls dadaan ang babaeng ‘yon. At humanda lang sa kanya kapag nahuli niya huh! Malayo-layo pa siya sa pupuntahan nang makarinig ng sigaw. At nakakasiguro na boses iyon ng babaeng gustong takasan siya. Naabutan niya ang paglubog litaw ng ulo nito sa malalim na tubig habang mabilis na dinadala ng malakas na silig pababa. “Sh*t!” mabilis na nag dive at hinagilap agad ang babae. Nang mahawakan ay dinala sa pangpang at hiniga sa malapad na bato. Ngunit hindi gumagalaw ang katawan at nanatiling nakapikit. Kinabahan siya kaya sinusubukan imasahe ang dibdib. Subalit wala itong reaction kaya mouth to mouth na ang ginawa niya. Nangingitim na ang labi at wala na siyang maramdaman kung may pulso pa ito. Kaya nilukuban na siya ng matinding takot at sa kawalang pag asa ay tumulo ang kaniyang luha. "Please wake up! Please, God help me. I want to get her back, pakiusap ibalik mo siya!" Sa kawalang magawa ay niyakap na lang ng mahigpit ang katawan ng dalaga. Pinalaki sila ng ama at ina na isang mabuting tao, may respeto at pagmamahal sa kapwa. Bakit niya nakalimutan ang magandang asal na itinuro sa kaniya ng mga magulang? “Boss Dave, gising na po siya.” “What?” habang nananatiling nakayakap sa babae. “Sabi ko gising na siya, Sir Dave.” “Oh, thank God, she’s awake now.” nagmamadaling dinala sa resort, saka ipinasok sa kuwarto at diretso sa loob ng banyo. Pinaliguan niya ito ngunit habang ginagawa iyon ay unti-unting nag iinit ang kanyang pakiramdam. Ang halos hubad na nitong katawan ay gumigising sa kaniyang p*********i.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook