bc

Revenge of the Cold CEO

book_age18+
81
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
brave
CEO
twisted
bxg
city
lonely
nurse
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagkamatay ng mga magulang at pagkabulag niya dahil sa aksidente, nabago ang buhay ni Crisan. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid at kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. At dahil sa nag-iisang anak, siya lang ang tanging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at mga negosyo na iniwan ng kanyang mga magulang.

Dahil na rin sa nag-iisang tagapagmana at pagiging bulag niya, ilang beses na rin siyang pinagtangkaang patayin. Dahil doon, nagsanay siyang mabuti kung paano gawing normal ang buhay kahit pa wala na siyang paningin. Nagsanay siyang tanging pandinig at pang-amoy lang ang gamit upang malaman kung ano ang mga nangyayari sa kanyang paligid.

Mapangalagaan kaya niya ang mga naiwan ng mga magulang o mapupunta lang sa mga taong gustong umagaw nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naalimpungatan si Crisanto habang sapo ang kanyang ulo. Nagpalinga-linga sa madilim na piligid, pilit na inaaninag kung saan siya naroon ngunit kadiliman lang ang kanyang nakikita at tunog lang ng kung anong aparato ang kanyang naririnig. “Nasaan ako?” tanong niya ngunit walang sumagot. “Saang lugar ako?” sigaw niya. Maya-maya ay naulinigan niyang bumukas ang pinto. “He’s awake. Call Mrs. Moran,” dinig niyang sabi ng isang boses lalaki. Ang Mrs. Moran na tinutukoy ng tinig na iyon ay ang kanyang tiyahin—kapatid ng kanyang ina. “Who are you! Where am I?” pasigaw na tanong Crisanto. Kinapa rin niya ang mga mata dahil bakit pakiramdam niya nakamulat naman iyon ngunit wala siyang makita. “You are here in the hospital,” sagot naman ng parehong tinig. “Hospital?” Nang marinig ang salitang hospital, doon lang tila nag-flashback sa utak ni Crisanto ang mga nangyari. Lulan sila ng mga magulang sa isang sasakyan pauwi sa kanilang tahanan. Nasa kahabaan sila ng highway nang may bigla na lang sumulpot na isang malaking truck mula sa isang kanto. Hindi agad naiwasan o nakapagpreno ang driver kaya sumalpok ang kanilang sinasakyang sasakyan sa unahang bahagi ng truck. Kasunod niyon ay hindi na niya alam ang mga nangyari. “Where’s my parent’s? At bakit wala akong makita?” muling tanong ni Crisanto. Ano’ng nangyari sa akin? “Oh my God! Crisan, I’m glad that your awake.” Boses ng kanyang tiyahin ang kanyang narinig. “Auntie, what’s happening? Where’s mom and dad?” Hindi agad ito sumagot. “Auntie, answer me!” pasigaw niyang sabi. “Hijo, I’m s-sorry to tell you this, but they are… gone. H-Hindi sila nakaligtas sa aksidente,” tugon ng kanyang tita Raquel. “No! Hindi totoo iyan. Sabihin mo sa akin na hindi totoo iyan!” aniya na pilit nagpupumiglas sa mga taong nakahawak sa kanya. Hindi siya naniniwala na wala na ang mga magulang niya. Dahil nagwawala at ayaw paawat ni Crisanto, napilitan ang doctor na turukan siya ng pampatulog upang kumalma. “Mrs. Moran, ngayong gising na si Crisan. Ano ang balak mo sa mga mata niya?” tanong ng doctor kay Mrs. Moran. Napasukan ng bubog galing sa salamin ng sasakyan ang mata ni Crisanto at naapektuhan ang cornea nito, sanhi ng pagkabulag niya. Pero kung makakahanap ng cornea donor ay posibleng makakakita pa ang pasyente. “Doctor Fajardo, pinag-usapan na natin iyan. Why you still need to ask me?” inis na tugon ni Mrs. Moran. Pamangkin niya si Crisanto dahil anak ito ng kapatid niya. Nag-iisang anak lang ang pamangkin at dahil interesado siyang mapasakamay ang kumpanya ng asawa ng kapatid niya, nagdesisyon siyang huwag paoperahan ang mga mata ng pamangkin ng sa gayo’n ay magtagumpay siya sa mga plano niya. “Mrs. Moran, may-“ “Enough!” putol ni Mrs. Moran sa iba pang sasabihin ng doctor. “I have to go,” dugtong nito saka lumabas na ng kuwarto.” Napapailing na lang ang doctor. Anak ng isang multi-millioner si Crisanto kaya marahil dahil sa patay na ang mga magulang nito, marami ng nagkaka-interest sa mga ari-arian at negosyo ng mga ito. Isa na roon si Mrs. Moran at ang asawa nitong tatakbo sa pagka-mayor sa isang bayan ng Cebu. May mga tao talaga na pagdating sa pera, gagawin ang lahat kahit pa mali. ****** “Papa, kumusta ang trabaho mo?” nakangiting tanong ni Caresse sa ama. Kagagaling lang niya sa trabaho niya bilang isang nurse sa isang private hospital. “Ayos lang ako anak. Kumusta naman ang kapatid mo?” “Maayos naman po, Papa. Pero palaki nang palaki ang bayarin natin sa ospital kaya kailangan ko na rin humanap ng puwede ko pag-extra-han para may pandagdag tayo sa gatusin,” tugon naman ni Caresse. Dinapuan ng isang malubhang sakit ang kapatid niya. Sakit na mayayamang tao lang may kakayahang makapagpagamot. May cancer sa dugo ang kapatid niya na kailangan ng malaking halaga para maipagpatuloy ang treatment nito. Hindi naman kasi gano’n kalaki ang sahod niya at ng papa niya para masuportahan ang lahat ng kailangan ng kapatid niya. Pasalamat na lang siya at may mga ahensya ng gobyerno siyang nahihingian ng tulong kaya hindi masyadong mabigat para sa kanila. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay makakahingi sila ng tulong kaya kailangan niyang doblehin ang pagsisikap. Ulila na sa ina si Caresse kaya sa edad na bente-uno, siya na halos ang katuwang ng kanyang ama sa paghahanap-buhay at sa pag-aalaga sa kapatid na may sakit. “Anak, hindi mo na kailangan gawin iyan. Ako na ang bahala,” ani ng ama ni Caresse. Nagtatrabaho ito bilang isang bodyguard ng isang mayaman na tao sa lugar nila at nababahala na rin siya dahil alam niyang delikado rin ang trabaho ng ama. “Papa, kaya ko ito at ginagawa ko ang lahat dahil ayoko ko ho na pati ikaw ay magkasakit. Huwag po kayo mag-alala, kaya ko po,” wika niya. Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang ama kaya naiintindihan naman niya ito. Pero para sa kanya, mas okay ng siya ang mahirapan, huwag lang ang ama niya. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya. “O siya, basta pakatandaan mo na palagi kang mag-iingat. Alagaan mo rin ang sarili mo. Huwag iyong puro kami na lang iniintindi mo, anak.” “Papa, kaya ko po,” anang Caresse saka nginitian ang ama. “O siya, aalis na ako’t pupunta pa ako ng hospital dahil tumawag sa akin si Mrs. Moran na nagising na raw si Sir Crisan,” paalaam ng ama niya. Ang Crisan na tinutukoy ng ama niya ay ang amo nito. Siyam na taon ng bodyguard ang ama niya ng pamilyang Lozada ngunit ni minsan ay hindi pa niya nakikita ang mga ito dahil busy rin kasi siya sa pag-aaral noon. Lalo na ngayong may trabaho na siya. Pero ang alam niya ay ang mga Lozada ang may-ari ng hospital na pinagtatrabahuan niya ngayon. “Mag-iingat po kayo pa.” Pagkatapos niyon ay agad nang umalis ang ama niya. Napabungtong-hininga na lang si Caresse. Sana lang ay malagpasan nila ang mga pagsubok na dumadating sa buhay nila. ****** “Hmm, mom… dad!” sigaw ni Crisan sabay balikwas ng bangon. Napanaginipan kasi niya ang mga magulang niya. Sabay na lumalakad ang dalawa papunta sa liwanag at bigla na lang ang mga ito nawala. “Mom, Dad,” sambit niya napahagulhol ng iyak. Paano na siya ngayon? “S-Sir, gising na pala kayo. Kumusta ang pakiramdam ninyo?” “Manong Raul?” tanong niya sabay lingon kung saan galing ang tinig. Ang Manong Raul na tinutukoy ni Crisan ang ay ang ama ni Caresse. “Opo, Sir. Kararating ko lang ho,” tugon naman ni Manong Raul. “Manong Raul, sabihin ninyo sa akin kung ano’ng nangyari sa mga magulang ko?” “Sir, sa palagay ko ho ay wala akong karapatan sabihin iyon. Si ma’am Raquel na ho siguro ang tanungin ninyo.” Natatakot kasi si Raul na mapagalitan ng tiyahin ni Crisan kaya mas naisin niyang manahimik na lang. “Manong, ako ang nagpapasahod na inyo, bakit hindi ninyo magawang sabihin sa akin?” nagtatakang tanong ni Crisan. “K-kasi, Sir-“ “Tell me!” Huminga nang malalim si Manong Raul na tila ba humuhugot nang lakas ng loob para sabihin sa amo ang mga nangyari sa magulang nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook