bc

Game Error

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
sex
curse
student
tragedy
mystery
betrayal
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

WARNING: THIS STORY CONTAINS VIOLENCE AND MATURE CONTENTS. READER DISCRETION IS ADVISED.

A-12: Amethyst

45 Graduating students, who will be stuck in a horrific situation because of their curiosity.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Leandro's P.O.V Maaga akong pumasok kasabay si Gavreel na matagal ko ng kaibigan simula no'ng elementary pa lamang kami. Pumasok kami nang maaga para asikasuhin ang papers ng mga sasali sa Sportfest na gaganapin bukas. Si Gavreel ang President sa section namin at may kasikatan din siya sa buong eskwelahan pero kahit ganoon 'di naapektuhan ang pag kakaibigan namin. "Guys, settle down. Kailangan na nating ma-finalize 'yung mga players sa iba't-ibang games para bukas at saka, ‘yung cheer squad si Sachi ang cheerleader," sabi ni Gavreel Nagsiilapitan naman ang mga sasali sa games para sa sportfest at kanya-kanyang fill up ng forms, may mga iba ring hindi sumali dahil bilang lang ang players sa bawat palaro. "Goodmorning class! I'm just here to tell you, na mamayang 3:00 o'clock ay kinakailangan na ang mga forms. Wala rin tayong klase for today para maasikaso n'yo ang mga dapat asikasuhin. 'Yon lang goodluck and thank you."sabi ng adviser namin bago umalis ng room. Pagkatapos ay na-upo ako sa upuan pero si Gavreel ay nag-stay pa rin sa unahan para tulungan ang iba na mag-fill up ng form. Katulong naman n'ya si Reiz na kasalukuyang nag-aassists. "Oo nga pala, classmates. Pag nanalo tayo bukas, as in over all champion kinagabihan may party tayo pero... 'yon ay kung tayo ang mananalo," sabi ni Gavreel kaya naman nag sigawan ang mga kaklase namin. Maya-maya lang ay naging busy na ang bawat isa sa room. Nagmeeting ang cheer squad namin at ang iba naman ay tumulong sa paggawa ng props para di masayang ang oras. Umupo naman ako sa upuan ko at pinagmasdan ang field sa labas at ini-imagine ang mga pwedeng mangyari bukas at alam ko rin na manalo o matalo may party na magaganap bale bonus nalang kung kami ang mag-champion. "Hello, Love! Tulala ka nalang d'yan galingan mo bukas ha, mag-cheer ako nang malakas para sayo," sabi ni Sachi. "Oo naman, ako pa ba. At saka kayo rin, dapat tayo ang manalo sa grade level cheering competition mag-cheer din ako para sa'yo para astig HAHAHA at saka tapos na ba kayo mag usap-usap?"sabi ko "Yes, nag-usap lang kami about line ups and blockings," pagsagot niya sa'kin. "At ano namang pinag-uusapan ng dalawa kong kaibigan at love birds ng grade 12 Amethyst," singit ni Gavreel. "Tungkol lang sa sportfest bukas, nga pala nakapagpasa kana ba ng form. Mag-aalasingko na," sabi ko sa kaniya. "Actually, kaya ako lumapit sa inyo eh, para magpasama kaya tara na at tumayo na kayo," sabi niya sabay ngiti. "Napakatamad mo talaga kanina pa dapat 'yan eh," sabi ko. Sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papuntang principal office para magpasa ng forms, gaya ng inaasahan ay marami paring nagpapasa dahil mula junior high to senior high school ang kasali sa sportfest. Si Gavreel ang pumila para magpasa at mag-aantay naman kami ni Sachi sa labas. Inabot naman ng 10 minutes sa tagal nang pagpapasa at pag-fill up don ng last form at saka pa lamang nakalabas si Gavreel, agad namang lumapit si Sachi sa kaniya para punasan ang pawis niya. "SACHI! Ano bang ginagawa mo? May kamay naman s'yang kanya," bigla kong nasabi. "Naks! nagseselos ang aming lover boy! Alam mo namang 'di ko gusto si Sachi at isa pa, bestfriend ko kayong dalawa," sabi ni Gavreel. "Sorry na, Mr. Gonzales," sabi ni Sachi. "Mga baliw, tara na nga! Uwian na kailangan ko pang-asikasuhin ang mga gagamitin ko bukas," sabi ko. Naglakad na kami pabalik sa room para kunin ang bag namin at saka sabay-sabay kaming naglakad pauwi, since malapit lang naman mga bahay namin dito sa school na pina pasukan namin ay nakasanayan na naming lakarin ito. Inihatid muna namin si Sachi sa kanila bago kami naglakad pabalik ni Gavreel pauwi sa kanya-kanyang bahay. "Oy, bukas ha! Sabay-sabay tayo nila Sachi, agahan mo bawal ang late," sabi ni Gavreel. "Wow, at sayo pa nang galing 'yan ha! Sige na, bukas nalang ulet, ingat pauwi," sabi ko bago nagpaalam sa kan'ya. Pumasok na 'ko sa loob ng bahay, nakita ko naman si Mama na nagluluto sa kusina at si Papa na nanonood ng television sa may sala. "Ano namang niluluto ng mama kong maganda," sabi ko bago nagmano sa kan'ya. "Syempre, ang paborito mong Caldereta para ganahan ka bukas," sabi ni mama. "Oh sya, paluto na 'to magbihis kana para makakain na tayo mayamaya," dagdag pa n'ya. Ngumiti naman ako sa kaniya at saka ako lumapit kay Papa para magmano bago ako dumeretso sa kwarto ko para magbihis. Nagbihis agad ako para makatulong kay mama sa paghahain ng pagkain, pero pagkababa ko sa kusina ay ako nalang pala ang inaantay nila ni papa kaya naman agad akong umupo sa pwesto ko. Nagsimula na si Mama magdasal para i-bless ang pagkain namin ngayong gabi at saka naman kami nagsimula sa pagkain. "Oh nak, galingan mo sa sportfest n'yo bukas ha," sabi ni Mama. "Dapat manalo ka kasi manonood kami bukas," biglang sabi ni Papa. "Eh? Totoo po? Akala ko busy po kayo bukas?" paglilinaw ko. "Syempre, dapat kahit papaano may oras pa rin kami para sa'yo at saka minsan lang 'to, 'di ba last year mo na rin sa school n'yo," sabi ni Papa. Nakangiti akong kumakain dahil sa balitang nalaman ko at pagkatapos naman namin kumain ay nagsabi ni mama na sya na magliligpit, kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. KINABUKASAN Maaga akong nagising dahil sa pagtunog ng alarm ko, kaya naman agad akong kumilos at naghanda para sa sportfest ngayong araw, pagkatapos kong maihanda lahat ng dadalhin ko ay agad akong bumaba para kumain ng mabilis dahil baka mag-antay ng matagal yung dalawa sa'kin. Pagkakain ko, ay agad akong nagpaalam kina mama at lumabas ng bahay, sinabi naman nila na susunod nalang sila sa school at pumayag naman ako. "S-sachi? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Gavreel? Kanina ka pa ba?" Sunod-sunod kong tanong. "Ahh hindi, kararating ko lang din and about kay Gavreel, I don't know kilala mo naman 'yon," sabi ni Sach.i "Ano namang pinag-uusapan n'yo at narinig ko ang gwapo kong pangalan?" Sabat naman ni Gavreel na kalalabas lang ng pintuan nila. "Ang angas mo ah! 'Di ba sabi ko sayo agahan mo," Sagot ko sa kan'ya. "Aba, ang angas mo rin, nakita ko kakalabas mo lang ng bahay n'yo," sabi n'ya. "Jusko, hindi na ba kayo magbabago? Para kayong mga sira," sabi ni sachi at saka nag simula ng maglakad. "Sachi, saglit lang," sabi ko sa kan'ya. "Ako na magdadala nito,"dagdag ko pa. "Ako na, magaan lang naman 'to at saka kaya ko namang dalhin" sabi n'ya. "Sige, tara na para maaga tayo sa pwesto," sabi ko. "Wow, mahal na mahal mo talaga ako no," sabi n'ya. "Akala ko ba kayang-kaya mo? Ako na magdadala nito," natatawa kong sabi sabay kuha sa box na dala-dala niya. "Ang kakapal ng mukha niyo magharutan sa harap ko! Grabe, parang 'di ko kayo kaibigan sige na, iwan n'yo na 'ko dito," sabi ni Gavreel. Nagkatinginan naman kami ni Sachi bago nagsimulang maglakad papalayo sa kan'ya. "Hoy, teka lang! nag bibiro lang ako," sabi n'ya sabay buhat sa mga gamit n'ya. "Talagang iiwan n'yo ko ha!" dagdag pa n'ya. "Sinunod ka lang naman namin," sagot ni Sachi. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa eskwelahan. Nakita ko naman ang maraming estudyante at mga manonood ang patuloy sa pagpasok dahil kalahating oras nalang ay magsisimula na ang inaantay naming lahat, ang Sportfest. "LEANDRO!" Pag tawag sa'kin ng kung sino dahilan para mapatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko naman si Reiz na mabilisang naglakad papalapit sa kinatatayuan namin nila Sachi. "May problema ba?" agad kong tanong. "Kasi ganito, 'di ba nag-order tayo ng mineral water sa Music Club tapos 'di ko naman alam na nag-order din si Desiree sa Writer's Club 'di ko alam gagawin since sakto lang ang bugdet natin para sa mga needs 'di ba," paliwanag ni Reiz. "Kunin n'yo na parehas, ako na bahala sa bayad," sabi ko sa kan'ya. "S-sure ka? 1k lahat 'yon," sabi ni Reiz. "Oo, sure ako! At saka and'yan naman si Gavreel kahit triple pa bayad n'yan," mayabang kong sagot. "Tara na, para makapag-ayos na tayo" dagdag ko pa. Nang makarating kami sa pwesto namin ay nakita ko ang dami ng taong manonood at ang mga kaklase ko na nagsisimula nang magpalit ng damit. "MAGANDANG UMAGA! SA INYONG LAHAT MGA ESTUDYANTE, GURO AT MAGULANG O MAGING KAIBIGAN. MAG SISIMULA NA ANG ATING SPORTFEST 2K21, NGAYON ANG BAWAT MANGLALARO AY KINAKAILANGAN NANG MAGHANDA AT PUMUNTA SA BAWAT AREA KUNG SAAN MAGAGANAP ANG LARONG SINALIHAN NILA. MARAMING SALAMAT AT GOODLUCK SA ATING LAHAT" Isang paalala mula sa speaker ng school. "Magkakahiwalay na tayong tatlo," Sabi ni Gavreel. "Baliw, saglit lang naman yung sa'kin tapos papanoorin ka namin ni Sachi hahabol kami sa laro mo kahit bulok ka maglaro, " sabi ko sa kan'ya. "Anong bulok? Baka, tagabuhat 'to," sabi n'ya. "Sige, tignan natin mamaya," sabi ko. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil kailangan na namin pumunta sa kan'ya kaniyang area kung saan magaganap ang mga laro. "MAGANDANG UMAGA, MAG SISIMULA NA TAYONG IPAKILALA ANG CHEERING SQUAD SA BAWAT BAITANG AT IPAPAKITA NILA ANG GINAWA NILANG PAGHAHANDA MAGSISIMULA TAYO SA GRADE 7 CHEERING SQUAD, PLEASE BE READY IN 5 MINUTES " muling paalala mula sa speaker. Maya-maya pa'y naglapitan na ang ibang kasali sa Cheering squad mula sa ibang section ng Grade 12 dahil mauunang panoorin ang kanilang performance bago ang iba't ibang palaro Nagsimula na ang Grade 7 students cheering squad sa kanilang performance at nag simula na ring umingay ang area, masaya ang lahat sa nangyayari ngayon sa school Sunod-sunod namang nag perform ang bawat Grade level hangang sina Sachi na ang susunod na magpapakita ng performance. "Kinakabahan kaba? Kaya n'yo yan nandito lang kami para mag cheer! Ang angas 'di ba yung cheering squad may taga-cheer," natatawa kong sabi sa kan'ya. "Ba't naman ako kakabahan eh ang ganda ganda ko hys," mayabang niyang sabi. "TALAGA NAMANG NAPAKA GALING NG BAWAT NAUNANG PERFORMER AT NGAYON MASASAKSIHAN NATIN ANG PERFORMANCE NG ATING GRADUATING STUDENTS, ANG GRADE 12 CHEERING SQUAD! SALUBUNGIN NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN AT SIGAWAN!" pag papakilala ng speaker. "Jok lang, kinakabahan ako pero ang ganda ganda ko pa rin kaya naman gagalingan namin," sabi ni Sachi bago nagsimulang maglakad papunta sa gitna. Nagsimula nang magperform sina Sachi at ito palang ang kauna-unahang Cheering Performance na sigurado akong magugustuhan ko. Masaya akong pinapanood ang bawat galaw na ginagawa niya at hindi ko maipagkakaila na ang ganda niya talaga kahit anong gawin niya. Natapos ang performance nila at nagsigawan namang muli ang mga tao at agad namang umalis ang Cheering squad at bumalik sa kaniya kaniyang pwesto. Agad kong nilapitan si Sachi at inabutan ng tubig at tuwalya kita ko sa kan'ya ang pagod at saya. "Love! Ang ganda mo ro'n kanina," pag bati ko. "Ano ka ba? Palagi akong maganda," mayabang niyang sabi. "MAG SISIMULA NA ANG BAWAT LARO NA KUNG SAAN ANG LABAN AY INTER-SECTION AT ANG FINAL GAME AY ANG INTER-YEAR AT DOON MALALAMAN KUNG SINO ANG CHAMPION, GOODLUCK STUDENTS" muling paalala mula sa speaker. "Awit, mag sisimula na kami Sachi, panoorin mo pa'no ako manakbo," sabi ko. "Oo naman, dapat kayo ang manalo ha," sabi n'ya. Matapos 'yon, ay agad akong dumiretso sa Sprint medley relay area, kasama ang team mates ko at ganon din naman ang ibang players, nakita ko naman sina mama malapit sa area namin kaya mas lalo akong kinabahan at the same time ginaganahan. "Galingan mo ah! Dapat kayo manalo dito pati sa inter year," sabi ni Sachi. Nagsimula nang magsipuwesto ang bawat kalahok at ako ang nasa huli dahil ako ang pinakamabilis sa aming apat at magsisimula ang laro sa oras na pumutok ang gun signal. "IN 3....2..1! GO!," sabi ng lalaki sabay pagputok ng gun signal ay ang pagtakbo ng mga kalahok. Nang maka-alis ang mga nasa unahan ay kami na ang pumwesto at aantayin ang pag-abot baton sa amin ng nasa ikatlong pwesto. Kasalukuyan kaming nangunguna at habang pinapanood ko ang pagtakbo ng mga kalahok ay mas na-eexcite ako sa pagtakbo. Ilang minuto na ang nakalipas at nasa ikatlo na ang baton at kasalukuyang tuma-takbo si Reiz papunta sa akin. Iba rin yung bilis ng takbo n'ya kung tutuusin mas mabilis pa ata s'ya sa akin pero ayaw n'ya sa last lane dahil nakaka pressure raw at do'n naka salalay ang pag ka panalo ng team. Ilang minuto rin ang nakalipas, malapit na sila sa amin at s'ya ang nangunguna sa pagtakbo agad kong inilahad ang kamay ko para madali kong maabot ang baton. Nagulat naman ako ng malapit na s'ya sa akin ay bigla s'yang napatigil at naunahan s'ya ng B-Scarlet. "REIZ!" Sigaw ko sa kan'ya at agad naman n'yang naiabot sa akin ang baton. Sinubukan kong humabol sa B-Scarlet at malapit na ako sa kan'ya kaya pinilit kong pantayan pa s'ya ng konti at ngayon ay halos magkadikit na kami sa unang pwesto. Ilang minuto na kaming tumatakbo at malapit na kami sa finish line napapagod na rin ako at 'di ko sigurado kung mananalo kami. Sobrang layo naman sa amin ng pitong section at kami naman ay malapit na sa finish line. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari biglang napatigil ang katapat ko kaya napatigil din ako sa pagtakbo, nakita ko naman na parang nakirot yung binti n'ya kaya agad ko s'yang binalikan. "A-anong p-problema?," Hinihingal kong tanong sa kan'ya. "Hindi ko alam, hindi ko magalaw ng ayos ang kaliwa kong binti," paliwanag n'ya Hindi ako nagdalawang isip at agad ko s'yang inakay at nagsigawan ang mga manonood at malapit na rin kami sa finish line at nakita ko naman ang mga kalaban na malapit na rin sa amin. "Iwanan mo na 'ko dito kailangan n'yong manalo," sabi n'ya. Nalilito na 'ko sa dapat kong gawin konti nalang ay maabutan na kami ng ibang section pero malapit na rin kami sa finish line. "Kaya natin 'to malapit na tayo," sabi ko at sinubukang akayin s'ya ng mabilisan. Narating namin ang finish line at at lalong nag sigawan ang mga tao na para akong nabibingi, habang tumatagal ay parang umiikot na ang paligid ko at humihina naman ang ingay sa paligid at magdilim ang lahat. Sachi's P.O.V Lumaking matulungin si Leandro, kaya 'di na 'ko nagulat sa ginawa niya sa laro kanina, natuwa naman ako dahil kahit ganon ay kami pa rin ang nanalo sa intersection pero halos lahat ng tao ay napatayo at nagulat ng bigla siyang bumagsak sa lupa. Agad namang sumugod ang medic team para puntahan si Leandro at pati na rin 'yong babae na 'di makatayo. Lumapit ako sa medic team at tinanong kung kumusta ang kalagayan ni Leandro at sinabi naman nilang nawalan lang ito ng malay dahil sa sobrang pag kapagod at dehydration at magiging ayos din mayamaya pag nakakuha ng sapat na pahinga. Dumating din ang magulang ni Leandro at sinabi sa kanila ang kalagayan ng anak nila. Naki-usap akong, ako nalang ang mag babantay kay Leandro dahil wala naman na akong gagawin. Nagpaalam naman ang magulang ni Leandro dahil may bussiness silang dapat asikasuhin at nag-text naman ako kay Gavreel na 'di kami makakanood ng laro n'ya dahil sa nangyari. Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman si Gavreel sa kinaroroonan namin ni Leandro at agad na nag tanong sa nangyari. "Anong nangyari kay Leandro?" agad nitong tanong. "Nawalan s'ya ng malay pag tapos ng laro," sagot ko. "Kumusta ba laban nila?," tanong n'ya. "Syempre, panalo! Baka Leandro yan," Pag sagot ko. "Nagsisimula na ang inter-year ah! Ba't andito ka pa?," Tanong ko. "May sinabi ba 'kong panalo kami?" Pag sagot n'ya. "Hoy, bakit kayo natalo? Anong nangyari?" Tanong ko. "Nag-alala ako masyado kay Leandro, pero ayos lang naman 'yon may pag-asa tayong mag-champion dahil may credit points tayo sa Tag of war tapos nanalo si Reiz kanina sa 100m dash kailangan nalang natin ng isa o dalawa pang puntos sa inter year para mag-champion," mahaba n'yang paliwanag. Ilang oras lang ay natapos na ang Inter-Year at nagsimula naman ang awarding at nagkaroon na ng malay si Leandro, kasalukuyan naman kaming naka-upo at inaantay ang mga awardees sa pagpunta sa unahan para tanggapin ang kanilang mga parangal para sa kanilang paghihirap. "AT PARA SA ATING OVERALL CHAMPION... BINABATI KO ANG... GRADE 12 A-AMETHYST," nakangiting sabi ng principal. Nagsigawan ang mga kaklase ko at pumunta naman si Gavreel sa unahan para kunin ang Certificate at makipagkamay sa mga teachers. Natapos ang pamimigay ng mga award sa mga nanalo at sinabihan naman ang bawat isa na kinakailangan linisin ang bawat kalat sa kaniya kaniyang puwesto. Agad naman kaming bumalik sa area namin at pinulot ang bawat piraso ng mga basura na maaaring maiwan. "Classmates, ready na ba kayo mamaya?" Tanong ni Gavreel. "Oo naman! Naghirap tayong lahat kaya dapat lang na mag enjoy tayo ulit," Sagot ni Reiz. "Ako nga, kahapon pa ready eh," natatawang sabi ni lei. "Sa Asuncion's House and Resort tayo," Sabi ni Gavreel. Leandro's P.O.V Nang makatapos kami sa paglilinis ay pinayagan na kaming makauwi sa kaniya kaniyang bahay. Pagkarating ko sa bahay nakatanggap ako ng chat mula sa gc at sinabing 5:30 ng hapon ay dapat nasa House Resort na. May isang oras pa 'ko para maghanda kaya naman dumiretso na 'ko sa kwarto para magbihis at asikasuhin ang mga gamit ko. Natapos ako sa paghahanda eksaktong ala-singko kaya naman agad akong bumaba para lumabas ng bahay. Nakita ko naman si Gavreel kasama si Sachi na nag-aantay sa labas, agad kong ni-lock ang pinto at lumakad papalapit sa kanila. "Nagpaalam ka na ba kina Tita?" Tanong ni Gavreel. "Nagsabi na 'ko sa kanila nung isang araw pa," sabi ko. Hindi na sila muling nag tanong at tinulungan nila akong ikarga ang mga gamit ko sa sasakyan at saka naman kami isa-isang sumakay sa loob. Habang nasa byahe ay tahamik lang akong nakikinig sa music habang nakapatong ang aking ulo sa balikat ni Sachi dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagkahilo dahil sa nangyari kanina. Nang makarating kami sa resort ay kararating lang din ng iba at mayroon na rin sa loob na mukhang kanina pa ata nag-aantay. "Aba, mukhang excited kayo ah," Bungad ni Gavreel ng makababa kami sa sasakyan. "Syempre naman, last na nating party 'to," Sabi ni Ayesha. "Grabe ka naman sa last 'di pa naman tayo mamatay," sabi ni rafael. "Baliw! Wag ka nga magsalita ng ganiyan at saka wala naman akong sinabing ganon," sabi Ayesha. "Tama na yan! Tara na sa loob para maasikaso na natin ang mga gamit," sabi ni Gavreel. "Lima tayo kada kwarto, isa pa bawal magsama babae at lalake pero kami nina Sachi magkakasama kasi magkakaibigan kami," sabi ni Gavreel. "Magkaibigan ba 'yan si Sachi at Leandro ," natatawang sabi ni faith. "Parang unfair kasi lahat naman tayo dito magkakaibigan 'diba?" sabi ni ayesha. "Oo nga pero ayos na rin ideya ni Gavreel para mas komportable tayong makakapagpahinga hindi ba?" sabi ni Faith. "Tiwala naman ako sa dalawa at saka lima naman kami do'n kasama namin si Reiz at Kate," sabi ni Gavreel. Sinabi ko kay Gavreel na isama sa amin si Kate dahil 'di s'ya friendly gaya ng ibang girls sa room namin, ang tanging kaibigan n'ya lang ay si Reiz at Sachi. "Pagkatapos n'yo mag-ayos ng mga gamit n'yo pwede na kayo mag-enjoy, nakahanda na rin ang mga pagkain malapit sa pool," sabi ni Gavreel. Nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit, nakita ko naman sina Kate at Gavreel na lumabas na ng kwarto. "Ahm Leandro, lalabas na 'ko sunod ka na lang pagtapos mo," sabi ni Sachi. Tumango ako at ngumiti sa kan'ya bilang sagot sa sinabi n'ya at ngumiti rin naman s'ya sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Reiz sa loob ng kwarto at 'di ko alam ba't 'di pa rin s'ya nalabas eh kanina pa s'ya tapos sa ginagawa n'ya. "Ahhh Leandro?" pagtawag n'ya sa akin. Tumingin naman ako sa kan'ya at napa-iwas naman s'ya ng tingin. "Pasensya nga pala ron sa nangyari kanina," sabi n'ya. "Ah... wala yun, at saka ayos na naman ako at nanalo naman tayo," sabi ko. "Yung nangyari sa Race kanina sorry," sabi n'ya ulit. "Ayos na yon Reiz, at saka nandito tayo para mag-enjoy dahil nanalo tayo 'di ba kaya wag kana mag-alala," sabi ko sa kan'ya bago tinapik ang likod n'ya at lumabas ng kwarto. Nagulat naman ako ng makita ko si Gavreel sa labas ng kwarto na nag-aantay. "Nakakagulat ka naman! Anong bang gingawa mo diyan?" Pag-uusisa ko. Hindi niya na 'ko sinagot at niyakag na akong pumunta kung saan naka set ang party at ng makarating kami rito ay nakikita ko ang bawat na nag-eenjoy. Hinanap ko naman agad si Sachi at nakita ko s'yang naka-upo sa tabi ng pagkain at masayang kumakain mag-isa habang pinapanood ang mga kaklase namin. "Bakit nandito ka lang, ayaw mo bang maglangoy?" tanong ko sa kan'ya. 'Di n'ya ko pinapansin kaya naman hinawakan ko siya sa kamay niya at hinila siya papunta sa pool na pambata dahil walang taong nandoon. "Leandro, ano ba! Alam mo namang 'di ako maalam lumangoy pa'no pagnalunod ako?," sabi n'ya sa akin na tila ba galit. "Luh! Ang grabe ka naman mag-isip tignan mo naman kung gaano kababaw itong tubig, malulunod kaba n'yan?" natatawa kong sabi. "Leandro, 'di mo naman ako niloloko 'di ba?," tanong n'ya sa akin. "Anong niloloko, eh tignan mo ang tubig hanggang bewang mo lang," sagot ko. "I mean sa relationship natin?" sabi n'ya sabay tingin sa tubig. Hinawakan ko s'ya sa magkabila n'yang kamay at hinalikan ko ito. "'Di ba sinabi ko sayo, life is about choices kaya mas pipiliin kong maging tapat sayo kesa lokohin ka," sagot ko sa kan'ya. "Bakit mo ba naisip na niloloko kita?" tanong ko. "Si Reiz, sa tingin ko gusto ka n'ya," sabi n'ya. "Paano nga kung gusto n'ya 'ko? Ang tanong gusto ko ba s'ya? 'Di ba hindi, kaya mag tiwala ka lang," sagot ko. "Oo naman, malaki naman tiwala ko sa'yo, bigla lang talaga akong napa-isip about do'n," sabi n'ya. "Wag ka masyado mag-isip ng mga ganiyang bagay," sabi ko sa kan'ya. Nagsimula na kaming mag-enjoy at ang bawat isa ay kan'ya kan'yang estilo sa pag sasaya at mas nakadagdag pa ng kasiyahan ang pagpapatugtog ni Gavreel ng kanta Halos tatlong oras din kaming nababad sa tubig at umahon na rin ang iba, kaya naisipan din naming umahon na para magpalit ng damit. Nagsabi naman si Gavreel na mag-movie marathon kami hanggang sa antukin, kaya naman agad na nagbihis ang bawat isa, 9:23 palang ng gabi at masyado pang maaga para matulog. Pagkabihis namin ay agad kaming dumiretso sa sala kung saan kami manonood. "Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Gavreel. "Si kate nalang ang wala rito," sabi ni Ayesha. "Ako na tatawag sa kan'ya, saglit lang," sabi ni Sachi. Agad s'yang lumakad papunta sa kwarto namin at mayamaya lang ay bumalik na s'ya kasama si Kate at na-upo sa tabi namin. Una naming pinanood ang Scary Stories To Tell In The Dark. Natapos namin ang palabas at 11:34 na ng gabi pero nakaka isang palabas palang kami. "Classmate, gusto n'yo ba ng something real and dark?" tanong ni Gavreel. Nagbulungan naman ang mga kaklase namin at ang iba ay sumagot agad ng Oo. "Guys, alam n'yo naman 'yong site na Deep Inside 'di ba?," tanong ni Gavreel "Hoyy, nakakatakot kaya! real videos nandoon 'di ba?," Sabi ni Ruth. "Ano? try natin mag-dive?," Tanong ni Gavreel. Nagkasundo naman ang mga kaklase namin at napagdesisyunan na subukan dahil wala naman daw mawawala. Nagsimula na si Gavreel sa pagpasok sa site, marami s'yang files na dinownload at mga apps na ininstall, pagkatapos ay may nag-loading sa Television at ng maka-abot ito ng 100% ay may lumabas na text sa screen. "Every one of you should open the link and tap "YES" for confirmation." "Anong link sinasabi n'yan?" tanong ko. May pinindot si Gavreel na link at nagulat kami ng biglang natunugan ang mga cellphones namin. May link na nasend sa Gc naming magkakaklase. "Baka ito yung link na sinasabi, na open ko na eh, nag Yes na rin ako," sabi ni Ayesha. Nakita ko naman sa screen na may nakalagay na 2/45 "Baka nga, teka try ko pag ito nag 3 yan nga 'yon," sabi ko. Sinubukan ko nang i-open yung link at i-tap ang YES at nag 3/45 ang nasa screen, kaya naman agad na nagayahan ang mga kaklase namin hanggang sa isang student nalang ang 'di pa nag co-confirm. "Isa nalang, sino pang 'di nag oopen?" tanong ko. "Baka si Kate, kasi 'di ko pa s'ya nakikitang humahawak ng cellphone," sabi ni Lance. "Kailangan ko rin bang makipag-cooperate?," tanong n'ya. "Oo naman, we're friends naman here 'di ba," sabi ni Ayesha. Kinuha ni Kate yung cellphones n'ya at agad na nag YES sa link na nasend sa gc namin. Pagkatapos ay muling nag-loading ang television at biglang nag black and white ang screen, nagsimula rin itong maglabas ng nakaririnding ingay, pagkatapos ay may mukhang lumabas sa screen pero 'di kita ng ayos dahil sa black and white na lines. "Everyone of you in the class are now part of the game. You'll be given a certain task to do in 24 hours and if you failed you'll face the punishment. You can't tell anyone about the game except the co-players." Pagkatapos ng mensahe na 'yon mula sa Screen ay namatay ang television at binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwartong kinalalagyan namin. "Ano 'yon? Sobrang creepy, baka 'di ako makatulog nito," sabi ni Ruth. Nagbukas ulit ang television at wala na ang black and white na lines, nawala rin ang mga files at apps na dinownload ni Gavreel. Muli kaming nagulat ng tumunog ang mga cellphones namin at halos lahat kami ay tulalang nakatingin sa cellphones namin na tila ba 'di makapaniwala. "Guys, ano' to? Natatakot na ko ah," sabi ni Ayesha. Binuksan ko yung text message na natanggap ko mula sa Master's Game, habang nag l-l-loading ang message ay nag g-glitch ang screen ko hanggang sa magbukas ito. From: Master To: Leandro Gonzales Mission: Ignore your parents until 12:00 am or face the punishment once you failed. "I can't stand this anymore, tutulog na 'ko," sabi ni Ayesha. "Classmates, I think tama si Ayesha maybe we should sleep na since madaling araw na rin oh," sabi ni Reiz. Nagsitayuan naman ang bawat isa at pumasok na sa kan'ya kan'yang kwarto, ramdam ko ang takot at pagtataka sa bawat isa. At kahit ako, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina na para bang imagination ko lang ang lahat ng nangyari. Nakita ko naman si Sachi na nanginginig pa rin habang hawak ang kamay ko. "Anong mission natanggap mo?," Tanong ko sa kan'ya. "S-slap someone you love," sagot n'ya. Humarap naman ako sa kan'ya at inilagay yung kamay n'ya sa pisngi ko. "Sampalin mo na 'ko dali," sabi ko. "Ha? Natatanga kana ba?" natatawa n'yang sabi. "May gusto lang akong patunayan," sabi ko. Sinampal n'ya 'ko, ngunit gaya ng inaasahan ko mahina lang yung sampal n'ya. "So, ano na leandro?," tanong ni Sachi. "M-may sasabihin ako sayo, alam mo ba nung oras na naiwan kami ni Reiz sa kwarto kanina hinalikan n'ya ko wala ako nagawa kas---," sabi ko kay Sachi. Nagulat ako ng sampalin n'ya ko ng malakas bago s'ya nag lakad papasok sa loob ng kwarto. Sinundan ko s'ya agad at saka pinigilan para kausapin at linawin ang lahat ng bagay na kahit ako ay gulong gulo na kakaisip. "Ano ba leandro?" tanong n'ya. "Yung mga sinabi ko kanina lang hindi 'yon totoo, may gusto lang akong patunayan," sabi ko. "ANONG BANG GUSTO MONG PATUNAYAN? NILOLOKO MO BA KO?" sabi n'ya. "Yung cellphone mo, wala kabang natatanggap na text?," Tanong ko. "ANO BA LEANDRO? NABABALIW KANA BA? NABAGOK BA YANG ULO MO KANINA KAYA KA NAG KAKAGANYAN?" sigaw n'ya sa akin. "Please, Sachi makinig ka sa akin kumalma ka," sabi ko sa kan'ya habang hinahawakan ang dalawa n'yang kamay. "Ano bang gusto mong patunayan? Ano bang trip mo? Nababaliw kana ba?," sunod sunod n'yang tanong sa kalmadong boses. "Please, just check your phone right now tapos sasabihin ko lahat lahat, bakit ako nag kaka ganito," paki-usap ko sa kan'ya. Kinuha niya ang cp niya sa kaniyang bulsa at agad niyang binuksan ito at kumunot ang noo niya habang may binabasa sa kaniyang cellphone. "A-anong ibig sabihin nito? teka naguguluhan ako," tanong ni Sachi. "Tingin ko yung missions na nag-send sa bawat isa ay kailangan nating gawin gaya ng sinabi kanina do'n sa mysterious video na nag-play," paliwanag ko sa kan'ya. "Pffftt... baliw kana talaga kailangan mo ng matulog," sabi n'ya. "Sachi, sabihin na nating nababaliw ako para maniwala do'n pero iba talaga ang pakiramdam ko," sabi ko sa kan'ya. "Okay, since kilala kita maniniwala ako sayo pero hindi gaya ko makukumbinsi mo ang iba na maniwala" sabi n'ya sa akin. "Naiintindihan ko ang tungkol sa iba pero dahil naniniwala ka sa akin, that's enough," sabi ko. "Pero... yung about sa sinabi mo kanina... hindi 'yon totoo 'di ba? Yung kay ano... reiz," sabi ni Sachi. "Oo naman, pagkatapos ko magbihis nag-usap lang kami saglit humingi lang s'ya ng sorry tapos lumabas na rin ako agad," sagot ko. "May tiwala ako sayo at naniniwala ako sayo," sabi niya sa akin. Niyakap niya ko bago ako niyakag pumasok sa loob para matulog. Sumunod naman ako sa kaniya, nagpahinga na kami dahil talaga namang nakakapagod 'tong araw na 'to. Habang nakahiga ay ini-isip ko pa rin at sinusubukang i-sink in sa utak ko ang mga nangyari kanina. Naguguluhan ako, para akong binabangungot habang gising, hindi ko rin alam kung anong inisip ng iba sa nangari kanina, basta ako pakiramdam ko may mali sa mga nangyayari at hindi ako matatahimik hanggat hindi ko 'yon nalalaman. Sa sobrang dami ng nangyari buong araw ay 'di ko rin alam kung paniniwalaan ko 'tong mga nangyayari o dapat nga ba akong maniwala at mangamba dahil dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook