bc

My abusive husband + SPG ( Complete)

book_age18+
4.0K
FOLLOW
13.3K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Si Isabel ay pinilit ng inang pakasalan ang amerkanong si James. Hiningan ng bahay at lupa si James dahil birhin pa ang anak at ito ay ang kanilang traditon. Matapos ang kasal sinasaktan si Isabel ng kanyang asawa at pinilit siyang gumawa ng ponography kapalit ng perang kinuha ng ina.

Si Tristan ay isang mechanico

Kinidnap niya si Isabel para malayo sa mapanakit nitong asawa

Subalit hindi tumigil si James sa pag hahanap kay Isabel, hanggang sa mabawi ito. Sinama niya ito sa america.

Dulot ng pambaboy ni James kasama ang kaibigan nag tamo si Isabel ng trauma

On the other hand

Hindi sumuko si Tristan na mabawi si Isabel, Naisipan niyang pumasok sa groupo ng sindikato upang ma sundan si Isabel sa america

Hindi niya isinoko ang kanyang pag mamahal kay Isabel kahit na nawalan ito ng alaala.

chap-preview
Free preview
My Abusive husband Episode 1
NILAPITAN ni Isabel ang ina mag isang naka-upo sa labas ng kanilang bahay. "Nay, isang linggo niyo na po akong hindi kinikibo ang hirap naman nang ganito. Para bang hangin nalang ako dito sa bahay." "Kung gusto mo'ng maayos ang relation natin Isabel, sundin mo ang gusto ko, pakasalan mo si James." mariin nitong sabi sa kanya. Umupo siya sa tabi nito. "Nay, paano ako mag papakasal sa taong hindi ko gusto. Gusto ko nay ang magpapakasal sa taong mahal ko." "Minahal mo nga yong ex boyfriend mo pero ano ang ginawa sa iyo? Iniwan ka." Napa-iling siya sa sinabi ng ina. "Dibali na ho nay, basta importante nay mahal ko ang taong papakasalan ko." Giit niya. Bahala na kung magalit ito sa kanya, basta para sa kanya panindigan niya ang kanyang karapatan na piliin ang taong mahal niya. Kahit kapalit nito ang pagsuway sa gusto ng ina. "Mahal? Ano ang maipapakain saiyo ng pag mamahal na yan? Imulat mo nga ang mga mata mo Isabel, tignan mo ako, mula bata hanggang ngayon isang kahig isang tuka pa rin dahil sa pagmamahal ko sa itay mo." Pag diinan nito. Naawa siyang tumingin sa kanyang itay na no'y nakaupo sa gitna ng kanilang pintuan. Hindi ito umimik sa sinasabi ng ina. Siya ang nasasaktan para rito sa lagi pang e-insulto ng kanyang ina sa tuwing mag babangayan sila. "Tignan mo ang ate Rosenda mo, naka pag asawa ng mag sasaka, walang pinag ka iba sa buhay natin. Wag mong ulitin ang pagkakamali ng kapatid mo Isabel. Ikaw nalang ang inaasahan namin maka ahon sa putik na kahirapang ito. Wag kang gumaya sa kapatid mong walang silbi, sinunod niya ang pagmamahal sa mangmang niyang asawa, ano ngayon ang buhay niya? nga nga!" Inis nitong sabi. "Nay wag mo naman maliitin ang asawa ni Ate, nag sisikap naman siya para mabigyan nang magandang buhay si ate at ang mga anak nila." Pag tatanggol niya sa bayaw. "Hayaan niyo na si Ate at kuya Ron mahalaga nay nagmamahalan sila." "Sa panahon ngayon Isabel, hindi na uso ang pagmamahal." Naka ismid nitong sabi. “ Kailangan mo ng pera para ma buhay. Kailangan mong maging practical dahil kung hindi, parepareho tayong mamatay sa gutom.Kaya sundin mo ang gusto ko, magpapakasal ka kay James." matigas nitong sabi sa kanya. Hindi siya naka-imik sa sinabi nito sarado na ang utak nitong ipapakasal siya sa amerkano. “ Gusto kong gumaya ka sa pinsan ko, napaka practical niya sa buhay. Tignan mo gumanda ang buhay niya sa ibang bansa, hindi lang 'yon pati pa mga kapatid niya binilhan niya ng lupain at pinapatayuan niya ng bahay ang mga ito. Gumanda ang buhay nila pareho. Kaya wag mong sayangin ang pagkakataon na binigyan ka niya ng amercano." Pagpalatuloy ng ina. Hindi na siya kumuntra pa sa sinabi nito, walang mangyayari sa oag-uusap nila kung makipag argue pa siya rito. Tumayo siya at kinuha ang timba para mag igib ng tubig. Isang mag sasaka ang kanyang ama at nakatira sila sa probinsiya ng pagotpot kung saan ang hanap buhay ng mga tao ay mag sasaka. Nasa grade 10 siya ng naisipan niyang huminto ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Kaya minabuti niya noon mamasukan nalang bilang katulong sa kanilang bayan. Dalawa lang silang magkapatid na puro babae. Hindi nakatiis ang kanyang ate sa ugali ng ina kaya maaga itong nag asawa. Inihanap sila ng amo ng kanilang ina saka ina-advance nito ang kanilang unang sahud kaya para makaalis ang ate sa poder ng ina. Nang makilala nito si Ron ang asawa, agad itong sumama para magtanan. Ayaw ng ina niya kay Ron dahil ang gusto nito maka pag asawa silang mag kapatid ng foreigner para makaahon sila sa kahirapan. Kaya walang ibang ginawa ang ina niya, kundi makikipag chat sa pinsan nitong nasa ibang bansa at inihingi sila nito ng foreigner, na ka agad din naman binigyan. Pinakilala sa kanila ang isang Amercanong si James. “ Ayaw ko sana magsisi na siya ang naging ina ko, pero wala naman akong magagawa. Heto na ako sa mundong ito. Ang hirap lang kasi magkaroon ng ina na kagaya niya. Bakit nalang kasi hindi siya makuntento sa kung ano ang meron kami.” Sigaw ng kanyang kalooban habang naglalakad. Pauwi sa kanila bitbit ang timba. Napa simangot siya ng maabutan nag-uusap ang kanyang ina at si James, sa video. Nagsisi tuloy siyang umuwi ng maaga. "HELO Emie, how are you?" narinig niyang boses ni James. "Where is Isabel?" "Isabel, hali ka.” tawag ng ina sa kanya ng makita siya nito. Alanganin siyang lumapit rito. Nilapag niya ang timba sa ibabaw ng lababo gawa sa kawayan. "Ano ba Isabel, bilisan mo, nakakahiyang pinaghintay si James." Inis nitong sabi sa kanya. Napa-simangot siyang lumapit sa ina. "Hello Isabel, you look beautiful." masayang puri sa kanya ni James ng makita siya nito sa camera. "Bumati ka naman Isabel." Utos ng kanyang ina. "Hi!" maikli bati niya at tipid ang ngiti. "How are you guys been, doing?" Tanong nito. "Not really okay, we have no foods, no money." Mabilis na sabad ng ina. Nahihiya si Isabel sa turan ng nanay sa amercano. "Okay, I will send you money later today." "Oh James, you're our hero." masaya nitong wika sa amercano. “ Kita mo? hindi nag atubili magbigay si James ng pera." Baling nito sa kanya ng putulin nito ang pag-uusap kay James. “ Napaka swerte mo kay James hindi madamot." Napa buntong hininga na lamang siya, bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Naihiling na lang niya sa kawalan na sana ay hipuin ang puso nito at gawin ang tama. WALANG patid ang ngiti ng kanyang ina nang makauwi ito galing sa pagkuha ng pera ipinadala ni James. Madami itong pinamiling pagkain. “ Nay, hindi po ba nakakahiya kay James? Nang hingi kayo ng pera?” hindi niya napigil sabihin rito. Pakiramdam niya sakal na sakal na siya sa ginawa ng ina. Siya na ang nahihiya para rito. “ Bakit naman ako mahihiya? Hindi naman ako ng hingi. Kusa niya iyong binibigay. Sinasabi ko lang naman sa kanya ang totoo wala tayong makain dahil wala tayong pera.” nakapamaywang nitong sabi. “ May bigas pa naman tayo nay at daing.” Kuntra niya sa sinabi ng ina. “ Hay naku! Isabel, hindi ka ba nag sasawa sa daing? Bakit kaba daming angal hindi kaba masaya marami tayong ulam?” Tinalikuran na lamang niya ito. Dapat masanay na lang siya sa pag-uugali nito. " MALAMANG mag mamajong nanaman yong nanay mo.” Untag sa kanya ng itay niya ng lapitan siya nitong nag huhugas ng plato. Kakatapos lang nilang maghapunan ay agad umalis ang kanyang ina. Mabisyo ang kanyang ina, magkaroon lang ito ng kunting pera agad nitong hinatid sa madjongan ang pera hindi naman pinaghirapan. “ Ewan ko ba diyan sa nanay mo nag pakalunod sa bisyo.” naiiling na sabi ng kanyang ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.5K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook