bc

Dara Kara

book_age0+
3.2K
FOLLOW
7.6K
READ
others
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sa pagbabakasyon nina Ayanne sa San Delfin ay nakilala nila ang kambal na sina Dara at Kara. Ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa brutal at madugong p*****n! Dalawa lang ang pinagpipilian ni Ayanne na may kagagawan ng lahat-- si Dara o si Kara. Sino nga ba ang may mas matinding galit upang isa-isa silang patayin?

chap-preview
Free preview
KABANATA I
MABAGAL ang pagkilos na bumangon si Senyora Caridad Avillante mula sa pagkakahiga niya sa malambot nilang kama ng kanyang esposo na si Senyor Raymundo Avillante. Kilala silang mag-asawa sa San Sebastian dahil isa sila sa pinakamayamang mag-asawa sa lugar nila. Maraming negosyo ang kanilang pinamamahalaan at ang pinakamalaki ay ang pagbebenta nila ng mga pang-export na mangga sa iba’t-ibang bansa. Maingat siyang naglakad papunta sa nakasaradong bintana. Hindi siya maaaring kumilos ng basta-basta dahil sa maselan ang kanyang kalagayan ngayon. Buntis siya at ngayong buwan na ito ang kanyang kabuwanan. Sa loob ng mahigit sampung taong pagsasama nila ni Raymundo ay isang himala na ngang maituturing na nabuntis pa siya. Ang buong akala nga nila noon ay hindi na ito mangyayari. Bahagyang hinawi ni Caridad ang kurtinang tumatakip sa salaming bintana. Madilim na pala at napakalakas ng hangin at ulan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa kanyang asawa na kanina pang hapon hindi umuuwi. Ang paalam nito ay may kakausapin lamang itong bagong kliyente ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Mukhang may paparating pa naman na bagyo... Ibinalik na niya sa dating ayos ang kurtina. Akmang babalik na siya sa pagkakahiga nang makaramdam siya ng pananakit ng kanyang tiyan. Nagpumilit pa rin siyang maglakad ngunit napakabigat na ng kanyang mga paa at bawat pagtaas niya ng kanyang mga paa ay kapalit naman noon ang walang hanggang sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan. Hindi kaya... manganganak na siya?! “Yaya Minerva! Manang Rosario!!! Manganganak na yata ako!!!” Malakas niyang tawag sa dalawang kawaksi nila sa mansion. Sabay noon ay ang panginginig ng kanyang tuhod at pagsabog ng kanyang panubigan. Tuluyan na siyang napalugmok sa sahig dahil sa labis na sakit na lumulukob sa kanya. “MANANG Rosario! Ang senyora! Ang senyora!” Biglang napabangon si Manang Rosario mula sa pagkakahiga sa kanyang tulugan. Makakatulog na sana siya kung hindi sana siya inistorbo ni Minerva--- nag-iisa niyang kasama bilang katulong sa mansion ng mga Avillante. “Ano ka ba naman, Minerva? Maano ngang magdahan-dahan ka. Hindi mo ba nakikita na ako`y magpapahinga na?” medyo naiirita niyang sabi. “Eh, kasi po ang s-senyora!” Halata sa kilos ni Minerva ang pagkataranta. Kinabahan si Manang Rosario at tuluyang lumapit dito. “Anong nangyari kay Senyora Caridad? Bakit natataranta ka?” ang nagtataka niyang tanong. “Kailangan na po natin siyang dalhin sa ospital! M-mangananak na ang Senyora Caridad!” “Bakit hindi mo agad sinabi?!” at tinabig niya si Minerva upang makalabas siya ng kanilang kwarto. Nasa unang baitang pa lamang si Manang Rosario ng hagdan paakyat sa kwarto ng kanilang amo ay dinig na dinig na niya ang pagpalahaw ni Senyora sa sobrang sakit. Napatigil siya sa paglalakad. Babalikan niya sana si Minerva pero nasa likuran na niya ito. “Ikuha mo ako ng maligamgam na tubig, Minerva,” utos niya. “Po? Dalhin na po natin ang senyora sa ospital!” “Hindi na tayo aabot sa ospital, Minerva! At isa pa, masungit ang panahon, mapanganib ang daan!” Pinagkiskis ni Minerva ang mga palad nito. Ramdam niya ang tensiyon na bumabalot dito. “Kung ganoon, manang... a-ano ang nararapat nating gawin?” Kulang na lang ay himatayin si Minerva sa sobrang kaba. “Ako! Marunong akong magpaanak dahil isang kumadrona ang aking ina noon. Magmadali ka! Isunod mo sa kwarto ng senyora ang maligamgam na tubig!” Sunud-sunod na tumango si Minerva. “Opo! Opo!” at halos takbuhin nito ang daan papuntang kusina. Muling narinig ni Manang Rosario ang pagsigaw ni Senyora Carida. Nag-sign of a cross siya at panay ang usal ng pananlangin habang humahakbang papunta sa silid kung saan naghihirap ang kanilang senyora. “UMIRI pa po kayo, senyora! Iri pa po!” sigaw na utos ni Manang Rosario kay Senyora Caridad. Kitang-kita ni Senyora Caridad ang pagtagaktak ng pawis ni Manang Rosario sa noo nito. Wala na siyang nagawa nang sabihin nitong ito na lang ang magpapaanak sa kanya. Isa pa`y may punto naman talaga ito. Bukod sa masungit ang panahon ay wala pa silang masasakyan dahil dala ni Raymundo ang kanilang kotse. Meron pa naman silang ibang sasakyan sa garahe ngunit sino ang magmamaneho? Napakapit na siya sa headboard ng kama sa sobrang sakit. Parang binibiyak ang kanyang katawan ng mga oras na iyon. “Hindi ko na yata kaya!!!” at isang impit na sigaw ang kanyang pinakawalan. “Kaya niyo po iyan! Ire pa po! N-nakikita ko na ang ulo ng bata! Diyos ko!” Sa sinabing iyon ni Manang Rosario ay pinakawalan na niya ang kanyang pinakamatinding pag-ire. Pumunit ang kanyang pagsigaw sa kadiliman ng gabi. Sabay niyon ay ang pagkulog ng malakas na sinundan ng nakakahindik na liwanag ng kidlat na parang tumatagos sa loob ng kaniyang silid. Sana nga lang ay nasa tabi niya ang kanyang asawa na si Raymundo ng mga oras na iyon upang kahit papaano ay naiibsan ang sakit at hapdi na dinaranas niya. “Isa pang ire, senyora!” sabi ulit ni Manang Rosario. “Eeehhh!!! Raymundooo!!!” tawag niya sa kanyang asawa. Bigla siyang nakaramdam ng pagkapunit ng laman sa kanyang p********e. Matapos iyon ay may kung anong lumabas mula sa kaibuturan ng kanyang katawan. Maya-maya ay nakarinig siya ng pag-iyak ng sanggol! “Lumabas na siya, senyora! Babae po ang anak niyo!” masayang deklara ni Manang Rosario. “Ang a-anak k-ko...” nanghihina niyang sabi sabay lahad ng dalawa niyang kamay. Makalipas lang ang ilang minuto ay isang napakagandang sanggol na babae ang inilagay ni Manang Rosario sa kanyang tabi. May pumatak na luha mula sa kanyang mga mata. Matapos ang halos siyam na buwan na nasa loob niya ang batang ito, ngayon ay nasa harapan na niya ito. Nakikita, nahahawakan at naaamoy. Isa na siyang ganap na ina. Napakasaya niya! Ngunit, ilang sandali pa ay napangiwi bigla si Senyora Caridad nang makaramdam siya ng muling pagsakit ng kanyang sinapupunan. Tila may isa pang nilalang na gustong lumabas mula roon! “S-senyora, bakit po?” nag-aalalang usisa ni Manang Rosario. “Manang... S-sumasakit pa ang tiyan ko! Aray!!!” sigaw niya sa pagitan ng kanyang pamimilipit. Napa-krus si Manang Rosario. “Diyos ko po! Kambal yata ang isisilang niyo!” gulantang na bulalas nito. MAKALIPAS ang dalawampung taon... Masayang pumasok si Ayanne sa loob ng kulay puting van na sasakyan nilang anim na magkakaibigan papunta sa San Sebastian--- ang probinsiya ng kanyang lola. Sa pinakunahang row ng upuan siya pumwesto kung saan katabi niya si Winston. “Sorry, I’m late, guys...” paghingi pa ni Ayanne ng paumanhin. Nakita niya sa loob ng van sina Jeric at Winston. Si Vinz ay nasa driver’s seat. Katabi nito doon si Karen na may pagka-boyish. Tradisyon na nilang magkakaibigan na pumunta sa kung saan-saan kahit once a year lang. At ang destinasyon nga nila ngayon ay ang San Sebastian. Matagal-tagal na rin kasi ang huling beses na nakapagkita-kita sila dahil busy na sila sa kani-kanilang mga trabaho at pag-aaral. High school pa lang noon sila nang mabuo ang kanilang pagkakaibigan. Hindi na niya natatandaan kung paano pero bigla na lang silang nagkasama-sama at nag-click sila bilang magkakaibigan sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Ganoon nga siguro. Sabi nga nila: Opposite attracts. “It’s okey, Ayanne. Atleast, hindi ka katulad ni Siri na hanggang ngayon ay wala pa rin! Darating pa ba iyon? Iwanan na kaya natin siya!” ani Karen. Napailing na lang si Ayanne sa sinabi ni Karen. Sa kanilang ani, sina Karen at Siri ang hindi talaga magkasundo. May pagkamaarte kasi si Siri habang si Karen ay medyo maton dahil na rin sa isang sundalo ang tatay nito at puro lalaki ang kapatid. “Darating na rin siguro si Siri. Hintayin na lang natin...” aniya. “Ano pa nga ba ang magagawa natin kundi hintayin ang reyna!” napapalatak na pakli pa ni Karen. “Did someone mentioned my beautiful name?” Napasipol si Jeric nang bumungad sa nakabukas na pinto ng van si Siri. Nakasuot ito ng maikling shorts at blouse na hindi nakabuton ang dalawang butones sa taas kaya naman lantad ang cleavage nito. Palibhasa ay mayaman at sunod sa luho kaya siguro ganoon ito manamit. Masyadong revealing! Kaya siguro napasipol si Jeric. Mula sa side mirror ay nakita ni Ayanne ang pagtirik ng mga mata ni Karen. “Speaking of the devil brat,” bulong pa nito. Wala siyang ideya kung narinig ba iyon ni Siri. “Siri, pwede bang dito ka na lan sa tabi ko umupo?” sabi ni Jeric na mag-isa sa pangalawang row ng upuan. Ang alam niya ay nanliligaw si Jeric kay Siri pero hindi ito type ng huli. Tinaasan ito ng kilay ni Siri. “As if! In your dreams, Jeric!” sabay irap nito sa lalaki. Pumasok na si Siri sa van at umupo sa pinakahuling row ng upuan. “Kompleto na tayo kaya pwede na tayong umalis!” masaya niyang sabi. ‘Drive now, Vinz...” utos pa niya. “Yes, ma`am!” pabiro pang sang-ayon ni Vinz sabay start ng engine ng sasakyan. “San Sebastian, here we come!” sigaw pa nilang anim. “KARA... Kara? Nasaan ka ba, Kara?” Tawag ni Dara habang naglalakad siya sa papunta sa isang nakasaradong pintuan. Pintuan iyon ng kwarto ng kanyang kakambal na si Kara. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at inikot iyon. Marahan niyang itinulak ang pinto upang mabuksan iyon. Sumalubong sa kanya ang kadiliman ng kwarto ni Kara. Kahit umaga na ay nakasarado pa rin ang mga bintana doon. Pumasok na siya at binuksan ang dalawang naglalakihang mga bintana. Nang makapasok ang liwanag mula sa labas ay doon niya lang nakita si Kara. Nakaupo ito sa isang sulok habang yakap-yakap ang dalawang tuhod. Napangiti siya sa ayos nito. Beinte anyos na sila ni Kara. Hindi sila katulad ng ibang kambal na magkamukha dahil sobrang magkalayo ang kanilang mga mukha. Parang ang pagkakalayo rin ng kanilang mga ugali at personalidad. Sa kanilang dalawa, siya ang tumatayong panganay dahil sa pagiging matapang at palaban niya. Samantalang si Kara naman ay mahiyain at hindi nakikipag-usap sa mga tao maliban sa kanilang dalawa ni Yaya Minerva. Ulilang lubos na sila. Ilang taon na ang nakakalipas simula nang iwanan sila ng kanilang mga magulang. Wala rin siyang kilala na kamag-anak nila kaya naman ang nag-iisang katulong sa mansion nila na si Yaya Minerva ang tumatayong tagapag-gabay nila. High school lang ang natapos nila ni Kara. Sapat na ang matuto silang magsulat at magbasa dahil hindi na naman nila kailangan ang magtrabaho pa. Sa laki at dami ng kayamanan na naiwan sa kanila ng namatay nilang magulang ay mabubuhay na sila kahit habangbuhay pa silang hindi magtrabaho. NAGLALAKAD-LAKAD sa bakuran ng mansion nila si Kara nang isang van ang nakita niyang huminto sa harapan ng may kalakihan na bahay sa tabi ng kanilang mansion. Mula roon ay anim na tao ang lumabas. Nakaramdam agad siya ng takot kaya naman nagtatakbo siya papasok ng bahay. Sa pagtakbo niya, hindi sinasadyang nabangga ni Kara si Yaya Minerva na may dala-dalang maruruming damit. “Ano ka ba namang bata ka. Hindi ka magdahan-dahan...” sita nito sa kanya. Kuwarenta anyos na si Yaya Minerva at matagal na itong naninilbihan sa kanila. “At saka bakit parang takot na tako ka.” Hindi na niya ito sinagot. Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid. Isinara niya lahat ng bintana at sumiksik sa isang sulok. Natatakot talaga siya kapag nakakakita siya ng ibang tao. Pakiramdam niya kasi ay sasaktan lang siya ng mga iyon. Maya-maya ay narinig niya ang boses ng kanyang Ate Dara na tinatawag ang kanyang pangalan. Pumasok ito sa kanyang silid at binuksan ang mga bintana. “Kara? Anong ginagawa mo diyan? Halika... Alam kong hindi ka pa kumakain ng almusal. Saluhan mo ako sa komedor...” sabi nito sa kanya. Umiling siya. May takot sa kanyang mukha. Ngumiti sa kanya si Dara. “Natatakot ka ba?” tanong ni Dara. Tumango siya. Naglakad palapit sa kanya ang kanyang ate. Umupo ito sa harapan niya sabay ngiti. “Sabihin mo, Kara... bakit ka natatakot?” Tiningnan ni Kara sa mga mata si Dara. “A-ate, m-may mga tao sa labas. Natatakot ako, ate. Baka saktan nila ako!” Parang bata na pagsusumbong niya. Sa lahat, ito lang talaga ang sumbungan niya. Hinaplos ni Dara ang hanggang balikat na buhok ng kakambal sabay yakap. “Ssshhh... `Wag kang matakot, Kara. Hangga’t nandito ako, walang pwedeng makapanakit sa iyo. Hindi ba’t pangako ko iyan kina Mama at Papa? Na ako ang magiging tagapagtanggol mo habangbuhay...” alo sa kanya nito. “Talaga, ate?” “Oo naman. Walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa iyo. Pangako!” Biglang tumayo si Dara at sumilip sa binata. Sumunod siya rito at mula sa bintana ay kitang-kita nila ang anim na tao na nagtatawanan habang may mga inilalabas na mga gamit mula sa isang kulay puting sasakyan. “Sila ba ang kinatatakutan mo, Kara?” tanong ni Dara sa kanya. Tumango siya bilang pagsagot. “Huwag kang mag-alala... Ako ang bahala. Kakausapin ko sila mamaya para malaman ko kung masama ba silang tao o hindi...” Ngumiti pa sa kanya ang kanyang ate na sinuklian din niya ng isang ngiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.5K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook