bc

Ang Boss Kong Byudo

book_age16+
18.5K
FOLLOW
77.2K
READ
family
second chance
sensitive
drama
tragedy
twisted
bxb
mxb
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sa hindi inaasahang pagkakataon, mapapalapit si Jayvee sa kanyang Boss na si Xander at ang dahilan nito ay ang kagustuhan ng anak ng huli na maging tagapag-alaga siya nito.

chap-preview
Free preview
Prologue
Kamuntikan na akong madapa dahil sa pagmamadali kong makahabol sa tamang oras sa trabaho. Kapag nahuli ako, paniguradong may magaganap na namang awarding ceremony mamaya sa opisina. Pahamak talaga sa buhay ng isang empleyado ang traffic dito sa Pilipinas. Malaking oras ang nasasayang na dapat sana ay nagagamit sa ibang mga importanteng bagay. Malapit na ako sa entrance ng building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko nang tumigil doon ang isang itim na SUV. Napatigil ako sa pagtakbo nang maging pamilyar sa akin ang sasakyan. At tama nga ang sapantaha ko nang bumukas ang pinto nito at bumaba roon ang isang lalaking naka-three piece suit. Si Xander. Wala kangiti-ngiti ang kanyang mukha. Boss na boss talaga ang datingan at kahit sa malayuan, ramdam na ramdam pa rin ang ibayong intimidasyon na naidudulot niya. Pero hindi pa rin maikakaila kung paano siya mang-agaw ng atensyon. Maliban sa CEO ng sariling kompanya, isa rin siya sa lalaking pinapantasya ng karamihan lalo pa't may pag-asa na ngayon ang mga kababaihan dahil byudo na siya. Namatay ang kanyang asawa isang taon na ang nakakalipas dahil sa isang car accident. Naiwan sa kanyang kalinga ang limang taong gulang nilang anak. Nakita ko na ito sa isang magasin pero nasa dalawang taong gulang pa lang ito. Pribado ang buhay-pamilya ni Xander kaya limitado lang din ang kaalaman ko tungkol sa kanila. Derederetso siyang naglakad papasok sa building. Pumagilid lahat ng nakakasalubong niyang empleyado. Binabati siya ng mga ito ngunit hindi niya binibigyang-pansin. Suplado nga talaga siya at may pagkaarogante gaya ng mga naririnig ko. Marahil dulot ito ng pagkawala ng kanyang asawa. Kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya at ayos na sa akin na makita siya kahit na ganito lang. Buo na ang araw ko. Nang mawala na siya sa paningin ko, doon ko lang napagtanto na kailangan ko na rin palang magmadali. Mayroon na lang akong limang minuto para makapag-time in at dapat bago matapos ang oras nandoon na ako sa department ko. Sakto namang hindi ginagamit ang isang elevator kaya mabilis akong nakasakay. Bago sumara ang pinto, may humarang na kamay dito at hindi ko inaasahan na ang taong iyon ay si Xander. Ang boss ko! "Tenth floor." Hindi ko alam ang gagawin nang magsalita siya. Unang beses kong marinig ang boses niya nang ganito kalapit. Nagdulot iyon ng pagwawala ng sistema ko. Nataranta tuloy ako sa pagpindot ng mga button. "G-Good morning Sir." Nauutal na bati ko sa kanya. Halos kumawala ang puso ko nang tingnan din niya ako. Salung-salo ko ang kanyang malaasul na mata. Matangkad si Xander na nasa 6'2 ang taas. Malaki ang pangangatawan at halatang nagbubuhat. Maliban dito, maihahalintulad ang kanyang mukha sa mga modelo sa Europa. Sandali lamang siyang tumingin sa akin at muling ibinalik ang tingin sa harap. Nakakadismaya mang hindi siya bumati pabalik, naging masaya pa rin ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makita siya sa malapitan. Ilang sandali pa'y narating na namin ang 10th floor. Mabilis na lumabas si Xander pagkabukas ng elevator. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa sumara ang pinto nito. Napahawak ako sa dibdib. Pinakalma ko ang sarili pero lalo lamang nagwala ang sistema ko. Kahit wala na siya, ramdam ko pa rin ang kanyang presensya. HAPON na pero hindi parin ako nakakapagkonsentreyt sa trabaho. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin ang mukha niya lalo na ang asul niyang mga mata. Paano pa kaya ako nito matatapos kung puro si Xander na lang ang naiisip ko? Kahit anong pagbabalewala ang gawin ko, hindi pa rin siya mawala-wala sa isipan ko. "Hoy, Jayvee! Kanina ka pa wala sa sarili. Anong problema?" Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita ang kaibigan kong si Jordan na nasa tabi ko na. "Ha? W-Wala akong problema. Bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay na ang ibig-sabihin ay 'di siya naniniwala sa sagot ko. Kilala talaga niya ako. Sa sampung taon ba naming magkaibigan at halos magkabuhol-buhol na ang mga bituka namin. "Asus! Lokohin mo lelang mo! Tell me, 'Yong kanina na naman ba iyang iniisip mo?" Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari kanina sa elevator. Alam niya ang lahat kung gaano ko kagusto si Xander. Katulad ko rin kasi itong si Jordan, may pagkalambot. Kaya siguro naging magbestfriend kami dahil naiintindihan namin ang isa't-isa. "Nakasabay mo lang si Boss sa elevator nagiging suplado ka na." Panunukso niya. "Tumigil ka nga! Baka may makarinig sayo at kung ano pa ang isipin." Mariing saway ko sa kanya. Nilibot ko ang tingin at mukhang kami lang ang nakakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa. "Ilang beses ko na ba kasing sinasabi sayo na sagutin mo na lang si Dylan para hindi ka na mabaliw diyan sa kakaisip sa boss natin. Alam mong matagal nang may gusto sayo 'yong tao. Panahon na siguro na magkaboyfriend ka para makalimutan mo na 'yang pagpapantasya kag Sir Montenegro." Pinadilatan ko siya ng mata dahil tumaas na naman ang boses niya. "Ano ka ba Jord! Baka may makarinig sayo at kung ano pa ang isipin." Muli kong saway sa kanya nang lumakas ang boses niya. "Jordan, ilang beses ko na bang sinasabi sayo na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. At isa pa, wala naman akong nararamdamang pagmamahal para kay Dylan. Bilang isang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Magiging unfair sa kanya kung sasagutin ko siya na wala man lang akong nararamdaman 'di ba? Ilang beses ko na rin naman siyang pinagsabihan na itigil na na niya ang panliligaw dahil wala siyang mapapala sa akin at masasaktan lang siya sa huli." "Ewan ko sayo! Haba ng buhok mo! Naku, kung hindi lang kita bestfriend, matagal na kitang inumpog sa pader nang matauhan ka. Jayvee, ang pag-ibig natuturuan at natutunan 'yan. Naiintindihan mo ba?" "Alam kong marami tayong pagkakatulad Jord pero pagdating sa aspetong 'yan, magkaiba tayo. Kung gusto mo ikaw na lang ang sumagot diyan kay Dylan. Mukhang ikaw naman ang may gusto sa kanya e." "Ngek! Paano ko naman siya sasagutin e ikaw 'yong nililigawan? Saka hindi ko siya gusto nu! Meron na akong Levy na mahal na mahal ako. Kuntento na ako sa kanya. Hindi ko pa nga naiisubo ang lahat ng kahabahan niya at hindi pa rin iyon nakakapasok ng buo s---" bago pa niya matapos ang sasabihin at bago pa may makarinig sa kanya, pinasok ko sa bunganga niya ang nilukot kong papel kanina. Nanghilakbot ako sa narinig. Walang pakundangan talaga kung magsalita kahit kailan. Tiningnan niya ako ng masama habang tinatanggal ang papel sa bibig niya. Buti nga at iyon lang ang ginawa ko. Pasalamat siya at kaibigan ko siya dahil kung hindi, baka kamao na ang kakainin niya dahil sa kahalayan ng bunganga niya. "Bumalik ka na nga doon sa table mo. Kapag talaga nahuli tayo ni sir Arnel itong basurahan na ang ipapakain ko sayo." Sabi ko sa kanya na may pagbabanta. "Oo na, oo na. Kung makasubo ka ng papel akala mo tapunan ng basura ang bibig ko. At may balak ka pa talagang ipasubo sa akin ang basurahan nu. Mabuti sana kung---" hindi na niya ulit natapos ang sasabihin dahil sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan na lamang niya ako at bumalik sa table niya. Kahit kailan talaga napakahalay ng bibig niya. Sarap tahiin at lagyan ng zipper. Itinuon ko na lang ang pansin sa pagtatrabaho kahit na ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip ko. Pinipilit kong iwaglit subalit patuloy pa ring bumabalik. Matapos ang trabaho ay sabay na kaming bumaba ni Jordan. Nang nasa lobby na kami, may nakita kaming batang lalaki na tansya namin ay nasa lima hanggang anim na taong gulang. Lumapit ito sa amin ni Jordan na ipinagtaka naming pareho. Sino ang batang ito at anong ginagawa nito rito sa kompanya? Sino at nasa'n ang mga magulang nito? Nang makalapit sa amin ang bata, tiningan nito ako ng seryoso na tila bang sinusuri ako, ang buong pagkatao ko. Nakaka-intimidate ang titig ng bata. Parang matanda na kung umasta. "Accompany me to my dad's office." Saad nito sa akin. Tiningnan ko si Jordan na nagkibit-balikat lamang. Bumaling ako ulit ng tingin sa bata at magsasalita na sana nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. "Mabuti pa Jay, ihatid mo na lang 'yang bata sa kung sino man ang magulang niyan dito. Ikaw na ang bahala ha. Mauuna na ako. Nandyan na kasi si Levy sa labas at naghihintay." Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin kay Jordan dahil sa mabilis na siyang nakaalis. Tinignan ko ulit ang bata na hinihila na ang aking kamay. Nagdesisyon akong samahan na lang ito. Hindi ba ito hinarang ng guard? Marahil isa ito sa anak ng mga matataas na empleyado rito sa kompanya kaya hinayaan na lang na nagpakalat-kalat sa loob ng building. Sinamahan ko ang bata hanggang sa nakasakay kami ng elevator. Sinabi nito na nasa tenth floor ang office ng daddy nito at hindi ko inaasahan na sa paglabas namin ng elevator dinala ako nito sa harap ng office ni Boss Xander. Literal na nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Nandito na po tayo." Ibig sabihin... ang batang ito ay ang anak ni Boss Xander? ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
362.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.1K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook