bc

The Closet Gay (CHINITO Book 4)

book_age0+
437
FOLLOW
1.5K
READ
revenge
love-triangle
sensitive
CEO
boss
drama
tragedy
bxg
bxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Sa huling yugto ng buhay nina Jeff (Jose) at Riley (Nathan) at sa kanilang mga anak, may bagong istorya na naman ang mabubunyag. Ang totoong pagkatao ni Mike at ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag nalaman na nila ang totoong pagkatao nito.

Sa paglipas ng panahon, masasabi pa kaya na happy ending ang mga tauhan sa kuwentong ito?

Tunghayan muli ang kanilang kuwento at hayaan pumasok sa kanilang mundo.

Paalala: Ang mga pangalan, karakter, lugar at mga pangyayari sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi nagpapakita o kumakatawan sa mga totoong tao, organisasyon o kaganapan sa mga naturang lugar.

Anumang pagkakatugma sa mga totoong tao, lugar at sa mga pangyayari ay maaaring nagkataon at hindi sinasadya ng may akda.

chap-preview
Free preview
Prologue
Bakla. Bading. Bayot. Shokla. Meme. Serena. Beki. Momshie. Pogay. Bi. Sila ang mga taong ipinanganak na lalaki pero karaniwang naaakit sa kapwa ring lalaki o miyembro sila ng l***q. Meron sa kanila ay may tinatawag na mga 'ladlad', sila ang mga bakla na halata sa galaw at pananamit o mas kilala sa tawag na crossdressers, Meron din na 'halata', sila naman ang klase na bakla, na lalaki pa rin manamit pero malamya ang kilos. May mga bakla din na hindi mo malalaman na bakla sila dahil makisig at lalaking-lalaki silang kumilos o mas kilala sa tawag na 'discreet' o 'paminta'. Isa pang tawag sa kanila ay 'closet gay' o isang tao na nagpapanatili sa kanyang pagiging bakla na isang lihim sa mga tao, kahit alam na ng kanyang pinakamalapit na mga kaibigan. Pero meron din, na siya lamang ang nakakaalam ng kanyang sekswalidad at ni isa ay hindi alam tungkol dito. Isa sa mga taong kumukulong sa loob ng kanyang pagkatao ay si Michael Teng. Isang Chinese-Filipino na negosyante na may-ari ng Teng Prime Holdings. Isang grupo ng mga negosyo na pinagmamay-arian ng mga Teng na nasa sa iba't-ibang industriya. Matagal nang patay ang mga magulang ni Mike dahil sa mga nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya at kamag-anak. Pero natuwid naman iyon at naging maayos na din ang kanilang pamumuhay. Nag-trigger ang kanyang nararamdaman sa kapwa lalaki nung napag-tripan nilang magbarkada na gumahasa ng isang bakla na nakilala nila sa sa isang bar. Hindi niya pala namalayan na nagiging masaya siya sa kanyang nararamdaman nung gabing iyon kasama ang kanyang barkada at parang hinahanap niya ito kapag mag-isa lamang siya. Sa kasalukuyan ay may karelasyon si Mike na isang lalaki at halos tatlong taon na silang magkasama sa iisang bahay. "Good morning, Babe" bati ng kanyang partner na si Anthony habang nasa kama sila at hinhalikan ito sa pisngi "Gising na. Male-late ka na sa work mo" "Good morning din, Babe" sabay hikab ni Mike "Antok pa ako" "Ano ka ba, Babe. Bumangon ka na kaya diyan" saway niya kay Mike "Alas-diyes na kaya ng umaga" "Ikaw kasi eh. Pinagod mo ako kagabi" sabay ngiti niya kay Anthony. "Sorry Babe. Ang sarap mo kasi eh" ngiti din niya at hinalikan niya si Mike sa labi. "Sarap naman ng halik" kagat-labi niya at tila nilalasap ang paghalik ng kanyang mahal "Gusto mo, isa pa tayo?" "Isa pa? Huwag na Babe" sabay pagbangon ni Anthony sa kama "Male-late ka na sa trabaho" "Sige na. Kahit isang putok lang" kalabit niya kay Anthony sa braso. Napangiti na lamang si Anthony sa ginagawang paglalandi sa kanya ni Mike. Walang sabi-sabi ay bumalik muli siya sa kama at hinalikan ito sa labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Curvy Mate

read
199.0K
bc

Resisting My Billionaire Husband

read
9.0M
bc

Hold Me

read
77.2K
bc

Love In The Moonlight (BXB)

read
30.1K
bc

The Gay Nerd Who Stole His Heart

read
132.5K
bc

Billionaire's Best Friend

read
283.5K
bc

His Spoiled Reborn Bride

read
123.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook