bc

Soon I'll Find You

book_age12+
2.3K
FOLLOW
15.5K
READ
fated
arrogant
aloof
boss
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

“You are my fate, Mariolle. Dinala ka ng kapalaran sa akin.”

“Of course not. In fact, desidido akong patunayan sa iyo.”

“Na ano?” tanong niyang agad na kinabahan.

“You know what. Patutunayan ko sa iyong hindi ako bakla,” William said in the gentlest and most seductive tone.

“No,” she said meekly.

The next thing she knew, his lips was moving against her. It was magical, mysterious, incredible.

“Hindi ako bakla, di ba?” pabulong na sabi nito pagkatapos ng nakakatulalang halik.

Nanlaki ang mga mata niya. At noon lang din niya napansin ang pag-uusyoso sa kanila ng ibang taong nasa paligid. Naningkit ang mga mata niya at sinampal ito.

She made a deep breath. Isang matalim na irap ang ginawa niya dito bago nagpasyang lumayo. Subalit hinaltak siya ni William sa braso.

“I’ll find you, sweetheart. And that will be very, very soon.” He whispered against her ear.

chap-preview
Free preview
Part 1
  “KUMUSTA na ang mama ko, Doc?” tanong ni Mariolle sa family doctor nila. Dinatnan na niya ito sa silid ng kanyang mama. Tulog na ang kanyang mama at tapos na rin ang pagsusuri nito. Inaya siya ng doktor sa labas upang hindi na makagambala sa pasyente ang kanilang pag-uusap.             “Walang pagbabago, hija. Maghahanda ako ng panibagong set ng gamot para ipainom sa kanya. Ayaw tanggapin ng katawan niya ang mga gamot na inireseta ko. Lalo pa siyang nanghihina.”             Parang gustong malaglag ng balikat niya. “Bakit hindi na lang natin siya ipasok sa ospital? Mas maaalagaan siya doon.”             “Iyan na nga rin ang ipinayo ko kay Alicia. Pero ayaw niya. lalo lang daw siyang manghihina kapag nasa ospital.” Napailing ito. “Let’s hope na magkakaroon ng magandang pagbabago sa katawan niya sa mga bagong gamot na ibibigay ko. Kapag wala pa ring nangyari, then mapipilitan siyang pumasok na sa ospital.”             “Doc, ano ba talaga ang sakit niya?” Apat na taon siyang nakapirmi sa Maynila. Doon siya pinagkolehiyo ng ina at dalawang beses pa lang siyang nauwi sa San Sebastian buhat noon. Ang huli ay dalawang taon na ang lumipas. Si Alicia ang sa tuwina ay lumuluwas ng Maynila upang magkita sila. At kung ikukumpara ang kalusugan ng ina noong nagkita sila noong graduation niya three months ago at ngayon, tila labinlimang taon ang nadagdag sa edad ng ni Alicia.             “Well, nagsimula lang iyon sa panghihina. Ang payo ko nga sa kanya, mamahinga nang husto dahil over fatigue na siya. Alam mo naman iyang mama mo, napakasipag. May mga katulong namang puwedeng utusan kung bakit siya pa ang nagpipilit na gumawa. Sumunod naman siya. Sabi niya, nakaramdam siya ng lakas ng mamahinga. Then, isang kaibigan niya na galing sa China ang nagbigay sa kanya ng herbal tea. Nang inumin niya iyon, bumalik na naman ang panghihina niya.”             “Baka naman lason na iyong tsaa na iyon!” kunot-noong wika niya. “Baka may SARS iyon.”             “Itinigil naman niya agad ang pag-inom. Iyon nga lang, naging ganyan na ang katawan niya. Hintayin natin ang resulta ng lab tests. Sa makalawa ay malalaman na natin kung saan nanggagaling ang sakit na umaatake sa mama mo.” Tinapik nito ang balikat niya. “Mahihimbing na ang mama mo, hija. Pero sigurado ako, kapag nakita ka niya ay sisigla na siya. Aalis na ako. Ipasundo ninyo na lang ako kung kailangan.”             “Salamat, Doc. Rosing! Pakihatid na si Dr. Romulo.” Nagkawayan pa sila ng doktor bago siya nagpasyang bumalik sa silid ng ina.             May pagtataka sa isip niya habang pinagmamasdan ang natutulog na si Alicia.  Mahirap sa kanyang maniwala na hindi matukoy ang sakit nito. Napakaunlad na ng siyensya para ang simpleng panghihina ay hindi agad malaman. Mabilis siyang nagpasya. Sa sandaling malaman ang lab results at walang magagawa ang mga doktor sa Cebu ay iluluwas niya agad ng Maynila ang ina.             Kaisa-isa na lang niyang magulang si Alicia. Siyam na taon lang siya nang maulila sa ama. Si Alicia ang tumayong ama at ina sa kanya. At nagampanan naman iyong mabuti ni Alicia habang inaasikaso rin ang kabuhayang naiwan sa kanila ng kanyang papa.             Isang malaking bakahan ang naiwan ng kanyang papa. Nasa Bantayan Island ang mga baka at kada ikalawang araw ay sakay ng ferryboat si Alicia upang tingnan ang mga iyon. Sa San Sebastian ay malawak din ang lupaing minana ni Alicia. Ang bahay-Kastilang nakatirik doon ang kinalakhan niya. Hanggang ngayon ay isinasalba ni Alicia ang bahay na iyon. Sa halip na magpagawa ng bago ay ang lumang bahay ang mine-maintain.             Noong isang taon ay nag-asawa uli si Alicia. Ikinabigla niya ang balitang iyon subalit hindi siya nagsalita ng bagay na makakasakit sa ina. Ang akala niya ay habampanahon na lang na biyuda si Alicia pero nang makita niyang tila masaya naman ito ay nanahimik na lang siya.             Hindi pa niya nakikilala ng personal si Lamberto. Ang alam lang niya ay isa ito sa namimili ng mga baka sa rancho nila. Kung tauhan lang ito o talagang negosyante ay hindi niya alam. Hindi na niya iyon nagawang itanong kay Alicia sapagkat pinangunahan na siya ng ina na hindi naman pera ang dahilan ng lalaki kaya pinakasalan ito.             She was holding a grudge against the man. Hindi niya alam kung natural lang iyon sapagkat sa pakiramdam niya ay isang intruder ang lalaki sa buhay nilang mag-ina. Ilang beses din naman niyang sinabi sa sarili na unfair humusga sa isang taong hindi pa ganap na kilala pero hindi pa rin niya maalis ang resentment sa madrasto. Hindi nga niya magawang tawagin man lang si Lamberto na Tiyo. At hinayaan naman siya ni Alicia sa bagay na iyon.             Right after graduation ay isinasama siya ni Alicia na umuwi sa San Sebastian. Ang gusto nito ay magbakasyon muna siya bago siya maghanap ng trabaho. Inalok din siya nito na pag-aralan ang pagpapatakbo ng rancho dahil siya rin ang mamamahala niyon balang-araw.             Pero tumanggi siya. Naranasan na niya ang buhay sa Maynila at mas gusto na niya ang ganoong takbo kaysa bumalik sa probinsya. Isa pa ay hindi siya interesadong makita ang asawang-kauli ni Alicia.             Ngunit nang mabalitaan niya ang pagkakasakit ng ina ay hindi siya nagdalawang-isip na kumuha ng plane ticket upang mapuntahan agad ito. Bago mananghali ay dumating siya sa San Sebastian. Si Lamberto ay hindi niya inabutan at ayon kay Rosing ay ito ang nag-aasikaso ng mga baka. Buhat nang napangasawa ito ni Alicia ay katuwang na rin ito sa pamamalakad ng negosyong iyon.   “MARIOLLE, mamahinga ka na muna. Ang tagal ng naging biyahe mo at hindi ka pa nakakapamahinga,” lapit sa kanya ni Rosing. Anak ito ng kanilang katiwala dati sa rancho pero nagkaroon ng sakit at namatay na. Bata pa ay ulila na ito sa ina kaya pinili na lang na magsilbi sa kanila. Dalawang taon lang yata ang tanda nito sa kanya. “Ni hindi ka pa nanananghalian.”             Ngumiti siya. “Nag-almusal ako sa Maynila. Nasanay na ako sa heavy breakfast ang kainin kaya tingnan mo naman busog pa ako hanggang ngayon.”             “Kumusta ka na ba? Lalo kang gumanda. Alam mo bang kasama dapat ako ni Manang Alicia noong graduation mo? Nangangarap pa nga ako na manonood ng sine. Alam mo naman, hilig ko iyong mga Hollywood-Hollywood. Kaso nagkaroon ng nakawan dito sa San Sebastian. Nag-alala siya na mabiktima tayo kung mawawalan dito ng tao. Minsan kasi, sa Bantayan na natutulog si Manong Lamberto. Nanghihinayang nga ako dahil minsan isang taon na lang kitang makita, naunsyami pa.”             “Nandito naman na ako ngayon. Ang balak ko’y dito muna ako hangga’t hindi umiige ang mama. Nakakapagtaka naman ang sakit niya, bakit hindi matukoy ni Doktor?”             Iginala muna ni Rosing ang tingin sa paligid bago pabulong na nagsalita sa kanya. “May pag-asa pa ang mama mo, Mariolle. Mabuti nga ay dumating ka agad. Ang alam ko, sa iyo gustong sabihin ni Doktor ang resulta ng lab test kaysa kay Manong.”             Kumunot ang noo niya. May hinalang agad na bumangon sa isip niya at nagdulot iyon ng galit sa kanyang dibdib. “Huwag mong sabihing may kinalaman si Lamberto sa pagkakasakit ng mama?”             “Mariolle, mahirap magbintang kapag walang ebidensya. Basta ang sinabi lang sa akin ni Doktor kahapong kinuhanan niya ng dugo ang mama mo, mas komportable siyang ikaw ang makausap tungkol sa kalagayan ng mama mo. Huwag kang mag-alala. Ang alam ko’y ipinadala na sa Cebu ang blood sample ni Alicia. Sa oras na makuha ni Doc ang resulta, itatawag niya iyon agad sa iyo.”             “At kapag napatunayan kong may kinalaman ang Lamberto na iyon sa pagkakasakit ng mama, palalayasin ko siya sa pamamahay na ito!” galit agad na wika niya.             “Huminahon ka. Doon na tayo sa labas at mabuti pang ipaghanda kita ng makakain. Hayaan na lang natin na makapagpahinga ang mama mo. Kapag nagising siya mamaya, tiyak na matutuwa siya na naririto ka na.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook