bc

He's Watching

book_age0+
871
FOLLOW
4.3K
READ
dark
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Mahilig ka bang mag-LIVE sa f******k? Paano kung ito pala ang magiging mitsa ng buhay mo? Mag-la-LIVE ka pa ba?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“BYE, guys! I need to go. Medyo late na rin, e. See you tomorrow! Bye!!!” Nakangiting kumaway si Sanya sa halos two hundred viewers niya sa kaniyang Live sa f******k. Nag-flying kiss pa siya bago niya tuluyang in-end ang live streaming niya. Halos isang oras din siyang nag-Live at nakipagkwentuhan sa mga followers niya. Nasa kwarto lang niya siya at nakaupo sa ibabaw ng kama. Ten o’clock ng gabi siya nagsimula mag-Live tapos ngayon lang siya natapos. Sanya Ortega. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa kaniya? Malamang iyong mga taong walang social media lang ang hindi pa naririnig ang pangalan niya. Facebook. Friend’s full. Two hundred thousand followers. Facebook official page. Five hundred thousand likes. Instagram. Two hundred fifty thousand followers. Youtube. One hundred thousand subscribers. Paano nga ba sumikat ng ganito si Sanya sa socila media? Noong una ay normal na user lang siya ng f******k at **. Nang mauso ang dubsmash at mga dance challenge ay nakiuso rin siya. Wala, e. Uso. Ginaya niya. Nag-video siya at in-upload sa kaniyang f******k account. Hanggang sa shi-nare iyon ng mga kaibigan niya. Nagustuhan ng ilang admin ng sikat na f******k pages at shi-nare ng mga iyon ang videos niya hanggang sa na-curious ang mga tao sa kaniya. In-add siya, finollow at mukhang naaliw naman ang mga ito sa videos niya. Aminado si Sanya na kaya dumami ang followers niya sa social media ay dahil na rin sa maganda siya. Marami ang nagsasabi niyon. Mestisa siya na namana niya sa father niya na isang half Spanish. Sinamahan pa iyon ng ganda ng mother niya na pure Filipina. Bilugan ang mata niya na tinernuhan ng mahaba at malantik na pilik-mata. Matangos ang ilong niya at maganda ang hugis ng manipis niyang labi. “Hey!” turan ni Sanya nang may umagaw bigla sa cellphone na hawak niya. Dumampot siya ng unan at ibinato iyon sa babaeng umagaw ng kaniyang cellphone. Si Maxine. Ang bestfriend niya. Nag-iisang kaibigan na meron siya sa real life. Kung sa social media ay marami siyang kaibigan, sa totoong buhay ay isa lang. Aagawin niya sana kay Maxine ang phone niya pero inilayo nito iyon sa kaniya na may kasamang pag-iling at pilyang ngiti. “Give me that, Max! Alam mo naman na kasama na sa paghinga ko ang cellphone ko. I can’t live without that!” ungot niya habang naka-stretch ang kamay. Umiling si Maxine. “No. Minsan na nga lang tayong magkasama tapos magiging kaagaw ko pa sa oras mo ang cellphone mo? I mean, followers and fans pala. I am your only bestfriend, Sanya, pero it seems na mas importante pa sila kesa sa akin…” At umarteng umiiyak si Maxine. Natawa naman siya sa fake na iyak ng kaibigan niya. “`Di bagay sa iyo! Tama na nga. Okay, fine. You win. No social media for tonight.” “Good!” In-off nito ang cellphone niya saka nito iyon ibinalik. “Last sleep over ko na ito dito sa inyo dahil sa makalawa ay uuwi muna ako sa Cavite.” Ipinatong niya ang kaniyang cellphone sa side table. Sumimangot si Sanya. Ngunit kahit nakasimangot siya ay maganda pa rin siya. “`Wag mo na ngang ipaalala sa akin iyang pag-alis mo. Nalulungkot lang ako lalo. Pwede bang ibahin na lang natin ang topic?” Ipinaypay niya ang dalawang kamay sa gilid ng mga mata at nagkunwaring naiiyak. Start na kasi ng bakasyon nila ngayon sa school kaya wala na silang pasok. Magandang chance sana iyon para makapag-bonding sila ni Maxine pero uuwi naman pala ito sa Cavite. Paniguradong wala siyang gagawin sa buong bakasyon niya kundi ang mag-Live at makipag-usap sa mga followers niya. Ang hirap naman kasi na mag-isang anak ka lang tapos palagi pang busy ang mga magulang mo sa negosyo nila. Madalas na nakakasama ni Sanya sa malaki nilang bahay ay ang tatlo nilang kasambahay. “Maka-drama ka naman diyan! Babalik din naman ako after ng bakasyon. Magkikita ulit tayo sa school. At hindi ako papayag na hindi tayo magka-klase kapag Grade 12 na tayo.” “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Don’t worry, mag-video call na lang tayo palagi kapag nasa Cavite ka na.” “Asa! As if naman na makakapag-video call tayo palagi. Twenty four hours ka kayang nag-la-Live sa f******k! Paano naman kaya ako makakasingit para maka-video call ka?” “OA naman ng twenty four hours! Basta, ako ang bahala. Saka nakakapagtampo ka, ha. Birthday ko na next, next week tapos wala ka.” “E, wala naman akong magagawa kaya sorry na. Kung may choice lang naman ako, hindi na ako sasama kina mama at papa sa Cavite. Kaya lang, mahina na kasi si lola at sabi ng doktor na tumingin sa kaniya ay hindi na siya magtatagal. Gusto ko sana na nasa tabi niya ako bago man lang siya mawala.” Naramdaman ni Sanya ang lungkot na bumalot kay Maxine nang mabanggit nito ang lola nito. “Joke lang. Naiintindihan ko naman. Mas importante naman talaga ang lola mo kesa sa birthday ko. Ang birthday ko, madami pa iyan pero ang buhay ng lola mo ay iisa lang…” sincere na sabi niya. “Thank you, Sanya! Ang understanding talaga ng bestfriend ko. Famous pa!” Umusog si Maxine sa kaniya at niyakap siya nito. Matapos ang yakapan nilang iyon ay inilabas ni Maxine ang cellphone nito. “Akala ko ba bawal ang phone tonight?” nakairap na tanong niya sa kaibigan. “Ikaw lang. Ikaw lang naman maraming followers diyan, e!” “Bakit kasi ayaw mong ipa-follow kita sa mga followers ko?” “Hmp! Ayoko ng ganoon. Ipa-follow nila ako dahil kaibigan mo ako? `Wag na lang. Kung magkakaroon ako ng followers gusto ko `yong tunay. Hindi dahil sa may kaibigan lang akong famous!” “Ikaw ang bahala. Gusto ko lang naman na makatulong!” aniya. “BYE, guys! I need to go. Medyo late na rin, e. See you tomorrow! Bye!!!” Nabahala si Vincent nang magpaalam na si Sanya sa Live video nito sa f******k. Simula nang magsimula ang Live ni Sanya kanina ay nakatutok na siya. Panay ang send niya dito ng message pero dahil sa dami ng nagme-message sa Live nito ay hindi siya nito napapansin. Nagpa-flood na nga siya ng message pero wala pa rin. Mabilis na nag-type si Vincent ng message para pigilan si Sanya sa pag-alis pero hindi pa man niya nai-si-send ang message niya ay nag-end na ang Live nito. “W-wala na siya…” Malungkot niyang sabi habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Labis ang lungkot na lumukob sa kaniya. Parang dinurog ang puso niya at buong pagkatao dahil sa hindi na niya nakikita ng live si Sanya. Matagal na siyang followers ni Sanya. Simula nang kumalat sa social media ang mga video nito na sumasayaw ay nakuha na nito ang kaniyang atensyon. Napakaganda kasi nito at mukhang mabait. Natagpuan na lang niya ang sarili na palaging pinapanood ang mga video ni Sanya. Hindi pa niya alam ang pangalan nito noon pero nag-research siya nang husto at nalaman niya na Sanya Ortega pala ang pangalan ng babaeng bumihag sa puso niya. Oo. Binihag na ni Sanya ang puso niya. Kahit hindi pa niya ito nakikita sa personal ay umiibig na siya dito. Mas lalo pa siyang humanga kay Sanya nang manatili itong mabait kahit na marami na itong followers at maingay na ang pangalan nito online. Lumaki man ang fan base nito ay magiliw pa rin ito sa mga fans. Sa sobrang pagmamahal at paghanga ni Vincent kay Sanya ay dina-download niya lahat ng picture at videos nito. Pini-print pa niya ang mga litrato ni Sanya at idinidikit niya sa dingding ng kaniyang silid-tulugan. Punung-puno ng picture nito ang buong kwarto niya pati sa kisame at likod ng pinto. Gusto niya na kahit siya tumingin ay nakikita niya ang mukha ni Sanya. Naka-follow siya sa lahat ng social media accounts nito. Very active din siya sa fan group nito na “Sanya Nation”. Iyon nga lang sa kabila ng malaking paghanga at pagsuporta niya kay Sanya, kahit isang beses ay hindi pa siya nito napapansin. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Umaasa siya na isang araw ay mapapansin din siya ni Sanya. Nangangarap din siya na magkikita rin sila sa personal at ipagmamalaki niya dito kung gaano niya ito hinahangaan. Tapos liligawan niya ito at sasagutin siya nito. Magiging magkasintahan sila at magpapakasal hanggang sa bubuo na sila ni Sanya ng kanilang pamilya. Isang malaki at masayang pamilya na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Kabit ang nanay niya ng isang sundalo. GRO kasi ang nanay niya sa isang club noon. Nagustuhan ito ng tatay at nagsiping ang dalawa. Siya ang naging bunga. Napansin niya noong bata siya na parang itinatago ng nanay at tatay niya ang relasyon ng mga ito. Hanggang sa nalaman niya ang dahilan. May asawa ang tatay niya, may pamilya na ito at kabit nito ang nanay niya. Ngunit hindi iyon ang gumimbal sa kaniya noon kundi ang katotohanan na magpinsang buo ang nanay at tatay niya. Dumating ang araw na namatay ang tatay niya. Pinatay ito ng tunay nitong asawa dahil sa sobrang galit. Nalaman kasi nito na marami itong babae bukod pa sa nanay niya. Lumabas na hindi normal si Vincent. Sa ngayon ay thirty years old na siya at minsan ay nag-iisip bata siya. Nagagalit siya kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ayaw niyang pinapagalitan siya dahil nagtatanim siya ng galit sa taong iyon. Hindi alam ni Vincent ngunit ganoon ang ugali niya. Dahil sa ugali niyang iyon ay palagi siyang may nakakaaway noong nag-aaral siya. Kaya naman upang makaiwas sa mga ganoong pangyayari, pinahinto na siya ng nanay niya sa pag-aaral noong first year high school pa lang siya. Tutal naman ay marunong na daw siyang magbilang, magbasa at magsulat. Tama na daw iyon. Simula niyon ay nasa bahay na lang siya at madalas na walang kasama dahil buong maghapon na nagtatrabaho ang nanay niya. Sa ngayon ay ang nanay na lang niya ang kasama niya sa bahay. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagtitinda ng karne ng baboy at manok ng nanay niya sa palengke. Kaya naman ganoon na lang ang tuwa ni Vincent nang matagpuan niya sa online world si Sanya. Nagkaroon ng kulay ang buhay niya. Ang mga videos at pictures nito ang nagbibigay ng ngiti sa kaniyang labi. Bumaba si Vincent sa kama. Kinuha niya ang pinagawang standee ni Sanya na halos kasing-taas niya at dinala iyon sa harapan ng malaki ring salamin. Itinabi niya ang standee sa kaniya at tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti si Vincent. Lumitaw ang sungki-sungki at malalaki niyang ngipin na naninilaw. “Bagay talaga tayo, Sanya. Bagay na bagay… Maganda ka tapos…” Sandali siyang tumigil at tiningnan ang hitsura sa salamin. “M-maganda ka at p-pangit ako?” Malungkot niyang sabi. Medyo mataba si Vincent. Matangkad siya sa taas niyang limang talampakan at sampung pulagad. Magaspang din ang balat niya at medyo may kaitiman. Ang mata niya ay malalaki at medyo nakaalsa. Malaki ang kaniyang ilong at makapal ang labi niya. Matigas ang buhok niya at manipis. Kita na ang anit niya. Kapag kasi nalulungkot siya ay binubunot niya ang buhok niya nang paisa-isa at kinakain. “P-pangit ako?” ulit ni Vincent. “Pangit ako? Pangit ako! Pangit ako!” Palakas nang palakas ang pagsasalita niya hanggang sa sumisigaw na siya. Hindi niya matanggap na pangit siya. Sinuntok niya ang salamin at nabasag iyon. Hindi pa siya nakuntento at binuhat niya iyon at itinapon sa isang sulok. Nagsisigaw siya at lahat ng gamit na kaniyang mahawakan ay ibinabato niya. Maganda si Sanya. Pangit siya! Hindi sila bagay! “Ayokong pangit ako! Ayoko!!!” Patuloy na pagsigaw at pagwawala ni Vincent. Tumigil lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at pumasok ang nanay niya. Walang habas na binato siya nito ng baso na yari sa plastik. Sapol siya sa ulo at nasaktan siya. Napayuko na lang siya nang tingnan siya ng nanay niya ng ubod ng talim. Ang nanay lang niya ang nakakapagpatiklop sa kaniya. Kapag sumigaw na ito at nagalit ay tumitigil na siya dahil kahit matanda na siya ay pinapalo pa rin siya nito na parang isang batang paslit. “Anong putang ina ka at nagwawala ka na naman diyan?! Ha?!” galit na sigaw nito sa kaniya. “Putang ina ka! Ang ingay mo na naman!” “S-si S-sanya kasi--” “Sanya na naman?! Tigilan mo na ang pagpapantasya sa Sanya na iyan dahil kapag ako nabwisit sa iyo, kukunin ko na `yang cellphone mo! Naiintindihan mo ba?!” “O-oo…” sagot niya habang nakayuko. “Tumigil ka diyan, Vincent! Sinasabi ko kung gusto mong bugbugin pa kita. Nagluluto ako ng ipapalamon ko sa iyo tapos ang ingay mo. Nagkalat ka pang tarantado ka!” “P-pasensiya na po, nanay--” “Bakit kasi nakakulong ka na naman ditong tarantado ka?! Doon ka na lang sa shop at baka may customer para may pakinabang kang animal ka!” turan pa nito bago ito umalis. Malakas nitong isinara ang pinto ng silid niya. Ang shop na tinutukoy ng nanay niya ay ang computer repair shop na nasa harapan lang ng bahay nila. Iyon ang kakayahan niya na minsan ay pinagkakakitaan nila. Marunong siyang mag-ayos ng mga computer at laptop dahil sa tambay siya noon sa isang repair shop din ng mga computer. Naaaliw kasi siyang manood ng mga inaayos na computer. Pero madalang lang ang nagpapagawa sa kanila dahil medyo tago ang kinaroroonan ng kanilang bahay. Nang wala na ang nanay niya ay sumiksik sa isang sulok si Vincent at doon ay tahimik siyang umiyak. “Pangit ako. `Di kami bagay ni Sanya. Pangit ako! Ayokong pangit ako!” paulit-ulit niyang nguyngoy. Mula sa pag-iyak ay tumigas ang mukha ni Vincent. Isinusumpa niya, kahit pangit siya ay makukuha niya rin si Sanya. Darating ang araw na magkakasama rin silang dalawa at hindi na sila magkakahiwalay pa. Ngunit paano naman iyon mangyayari kung hindi siya nito napapansin at sa social media niya lang ito nakikita? Mukhang kailangan na niyang kumilos upang magkaroon ng katuparan ang pangarap niya na iyon! Walang mangyayari kung magmumukmok lang siya dito sa kwarto niya. Kulang kasi siya kilos. “Siguro ay kulang pa ang pagpapapansin na ginagawa ko kay Sanya! Dapat siguro ay galingan ko pa para kapag napansin na niya ako ay pwede ko na siyang ligawan!” Tumawa pa siya at puno ng pag-asa na kinuha niya ang kaniyang cellphone. LABIS ang lungkot na naramdaman ni Sanya nang magpaalam na sa kaniya si Maxine sa pamamagitan ng isang video call. Tumawag ito sa Viber niya habang bumabyahe ito kasama ang mga magulang nito. Kalahating oras din silang nagkwentuhan bago nila iyon tinapos dahil medyo inaantok daw si Maxine. Ganoon talaga ang kaibigan niya. Palagi itong inaantok kapag bumabyahe. Nakadapa lang si Sanya sa kaniyang malambot na kama habang nakaharap sa kaniyang laptop. Nag-e-edit siya ng video blog niya na ia-upload niya mamaya sa Youtube kapag natapos na niya. Nasa tabi niya ang kaniyang cellphone. Ang gagawin na lang niya ay magba-vlog at magiging abala na lang siya online para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan niya dahil sa hindi niya makakasama sa buong bakasyon si Maxine. Abala siya sa kaniyang ginagawa nang sunud-sunod na tumunog ang kaniyang cellphone. Huminto muna siya sa pag-e-edit upang tingnan ang cellphone. Mga notifications lang pala sa kaniyang ** account. Chi-neck niya iyon at medyo na-weirduhan siya nang makita niyang may nag-flood likes sa post niya sa **. Ang nakakapagtaka lang ay mga old post niya ang pinusuan ng user na iyon na may username na “VVVincentLovesSanya”. Ang display picture nito ay picture niya. Super fan siya siguro. Nagpapapansin lang kaya nila-like ang old post niya. “Weird…” turan niya sabay kibit ng balikat. Binalikan niya ang pag-e-edit. Kailangan na niya itong matapos ngayon dahil marami na ang nagre-request na magpost na ulit siya ng bago niyang vlog sa Youtube dahil last month pa `yong huli niyang post. Kumikita rin naman siya kahit papaano sa Youtube dahil sa mga advertisement sa videos niya. Marami na rin naman siyang subscribers at viewers doon. Tumunog na naman ang cellphone niya. This time ay mga notifications naman sa f******k ang natanggap niya. Puro heart reactions sa post niya mula sa user na si Vincent Loves Sanya. Ito rin iyong sa ** dahil parehas lang ng pangalan. May comment pa ito sa sampung post niya na puro “Hello, Sanya. Notice me, please…”. Sanay na naman si Sanya sa nagpa-flood reactions or likes sa post niya kaya hinayaan na lang niya iyon. Hindi na lang niya binigyan ng pansin dahil mas gusto niyang matapos ang ine-edit niya. Naantala na naman ang ginagawa ni Sanya nang may kumatok sa pintuan. Ayaw sana niyang tumigil sa ginagawa ay napilitan siyang tumayo muna at buksan ang pinto. “Mommy, bakit po?” tanong niya nang mabungaran ang ina. “Gusto ko lang kitang iinform na next week ay pupunta kami ng daddy mo sa Taiwan for a business meeting. Three weeks kami doon dahil isasabay na rin namin ang vacation after. Gusto mo bang sumama?” Kumibit-balikat siya. “No. Mas gusto ko po dito na lang ako sa bahay. Saka sanay naman po ako na palagi kayong wala dito.” Hindi niya napigilan na magtampo dito. Malungkot na kinuha ng mommy niya ang isa niyang kamay at masuyo iyong pinisil. “Alam namin ng daddy mo na nagtatampo ka sa amin dahil palagi kaming wala. Alam din namin na wala na kaming time sa iyo. Don’t worry, starting next month ay tapos na ang business trips na ito. Ikaw naman ang bibigyan namin ng time. Babawi kami sa iyo, Sanya. We promise! Sana maintindihan mo na ginagawa namin ito for you… only for you. Para magkaroon ka ng maginhawang buhay…” sincere na wika nito. “I know that naman po kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan na magtampo sa inyo. Pero it’s okay. Basta, `yong pomise ninyo, ha.” “Oo naman, anak. Tutuparin namin ng daddy mo iyon. Kahit saan mo gustong pumunta, pupunta tayo.” “Nah… Wala naman po akong gustong puntahan. Kahit dito lang sa bahay. Mag-bonding tayo. Okay na po iyon sa akin.” Isang matamis na ngiti ang isinukli ng mommy niya sa kaniya. Mahigpit siya nitong niyakap. “Basta, be careful kapag wala na kami dito. Kasama mo naman dito sina yaya mo…” “I will, mom. Thank you!” sagot naman niya. Matapos ang maikling usapan nila ay umalis na ang mommy niya. Siya naman ay bumalik sa ginagawa. Itinuon na lang niya sa pag-e-edit ng video ang kaniyang atensyon para hindi niya masyadong maramdaman ang lungkot na aalis na naman ang parents niya next week. Maiiwan na naman siya dito sa malaki nilang bahay kasama ang mga kasambahay. Mabuti pa talaga ang mga online friends niya at mga followers, palaging nandiyan para sa kaniya. Hindi siya nakakalimutan na kumustahin. Walang palya ang mga ito sa pag-like sa mga post niya, sa panonood ng Live videos niya at pagsuporta sa kaniya sa online world. Sa pamamagitan ng mga iyon, kahit papaano ay nararamdaman niya na importante siya at hindi balewala. Kaya naman minsan, iniisip niya na sana naman ay maramdaman din niya sa totoong buhay na importante siya lalong-lalo na sa mga taong mahalaga para sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married By Mistake

read
170.1K
bc

SILENCE

read
379.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

CLOSER

read
138.6K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook