|SPG| • |R-18|
Blurb:
Mahal ko siya. Kahit gago siya ay minahal ko siya.
Kahit nasasaktan na ako ay okay lang kasi nga mahal ko siya.
Kahit binabalewala niya ako ay okay lang kasi minamahal ko siya.
Kahit harap-harapan niya akong ipinapahiya sa mga kaibigan niya ay okay lang kasi mahal ko siya.
Kahit nahihirapan na ako sa ilang beses niyang pagbalewala sa mga sinasabi ko ay nakangiti pa rin ako kasi mahal ko siya.
Anong gagawin ko? Eh, sa mahal ko siya.
Hindi ako bumitaw at sumuko dahil pinanghawakan ko ang mga salitang binitiwan niya noong mga panahong tinanggap ko ang pag-ibig niya.
Sabi niya, mahal niya ako kaya niya ako niligiwan.
Sabi niya, ayaw niyang mawala ako sa kanya.
Sabi niya, hindi niya ako iiwan at normal lang ang ginagawa niyang pangbabalewala’t pagpapahiya sa akin.
Sabi niya, ang perpektong relasyon ay binubuo ng away, tampuhan at bangayan.
Sabi niya, papatunayan naming dalawa na ang salitang FOREVER ay nag-e exist at kaming dalawa ang isa sa magpapatunay na totoo ang kasabihang ito.
Naniwala ako.
Naniwala ako sa lahat ng sinabi niya, sa lahat ng mga pangako niya at naniwala ako sa sinabi niyang mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.
Pero lintek siya!
Hayop!
Napakalaki niya palang gago!
Pinagmukha niya akong tanga at katawa-tawa!
Nakipaghiwalay siya at iniwan ang kamay kong mag-isa at nakabitin sa ere.
Iniwan niya ako na walang kahit anong paliwanag at dahilan kung bakit.
Iniwan niya akong naguguluhan at nagtatanong kung ano bang ginawa kong mali at nagawa niya akong hiwalayan ng basta na lamang!