Share:

The Psycho's Madness

READING AGE 16+

Terry_Fide Romance

245 reads

‘‘Mabuhay ka anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Bilisan mo na!’’ sabi ng kaniyang ina na kinakalagan ngayon ng kaniyang ama at hindi na makita dahil sa kapal ng usok.
Wala nang nagawa si Kyla kundi ang tuluyang lisanin ang silid na kanilang kinahihimlayan. Buti na lang at sa labas ay hindi pa gaanong nasusunog pero may mga apoy na rin. Dala-dala ang luhang dulot nang pangamba na baka hindi na mabuhay ang kaniyang mga magulang. Naisin man niyang lumingon at bumalik, hindi niya ginawa dahil hindi niya gustong masayang ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama para mabuhay.
Habang papalapit nang papalapit si Kyla sa pintuan at sa hindi inaasahang pangyayari, may isang kahoy na may apoy ang bumulusok pababa at hindi niya ito napansin. Nabagsakan naman siya nito sa ulo at nasunog ang kaniyang mukha. Napahiyaw sa sakit si Kyla, pero hindi na siya nagtagal pa at agad na tinanggal ang kahoy. Kahit na mahapdi at masakit ang kaniyang nararamdaman ngayon, idinaan niya na lang ito sa iyak dahil kailangan niyang mabuhay.
Tuluyan namang nakalabas si Kyla ngunit ang mas ikinagulat niya nang sumabog ang building at hindi pa nakakalabas ang kaniyang magulang. Natulala naman siya sa kaniyang nasaksihan. Dahan-dahang tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa sakit na nararadaman matapos masaksihan ang pagsabog ng naturang building. She’s silently crying and she’s thinking that her world now is totally devastated. She’s nowhere to go dahil wala na ang kaniyang mga magulang at tanging pagtangis lang ang kaniyang nagawa ngayon.
‘‘Magbabayad kayo! Babalikan ko kayong lahat!’’ sigaw nito habang humahagulgol. Nanatili naman siyang nakatitig ng ilang minuto sa naturang gusali na ngayo’y gumuho na dahil sa lakas ng pagsabog.

Unfold

Tags: murderrevengekillerarrogantdominantdramatragedybxgsmall townillness
Latest Updated
Chapter 24


Seffira’s POV

‘‘Mom? Gonna excuse myself muna,’’ sabi ko kay Mommy na ngayo’y hindi pa rin tapos sa pagkain. 


‘‘Yes, Honey mukhang may lakad ka today?’’ she answered while pouring some juice on her glass. 


‘‘Yeah Mom, and I know for sure you’ll be shock later.’’ Tumayo ako at naglakad sa kaniya papalapit ……

Comment