bc

Seducer Series: Theseus Montenegro

book_age18+
16.7K
FOLLOW
44.5K
READ
billionaire
possessive
sex
one-night stand
dominant
boss
city
assistant
like
intro-logo
Blurb

SPG

Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae, he didnt go to a date. Business is always his first priority. In other words hindi sya katulad ng mga kaibigan nya na puro babae ang inaatupag.

Pero hindi ibig sabihin non ay wala na syang s*x life or any regarding about s*x. Hinihiwalay lang nya ang s*x sa business.

But what if. Makilala nya ang babaeng nagpabuhay ng libido sa katawan nya. Na parang any minute or seconds gusto nya itong angkinin sa mismong oras ng trabaho. He always have a boner anytime na makikita nya yon.

And she is Ariadne Sy. His secretary who always giving him a hard time.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ariadne Sy Nagising ako sa tuloy tuloy na tubig sa aking mukha. Nagmulat ako at bumungad sa akin ang butas ng bubong na matagal ko ng pinag pa-planuhan na ipagawa o tapalan man lang ng bulcaseal. I sighed heavily, sa sobrang sapat ba naman ng perang sinusweldo ko para sa pagkain namin ng kapatid ko ay hindi ko na naisip pa.   Ang hirap maging mahirap. Iyong mga bagay na gusto mo mabili ay hindi mo makuha na kailangan mo pang kumayod ng todo para makamit ito. Life is really unfair but I won’t complain, why? Kasi kaya ko naman. Sanay ako at naniniwala ako na hindi habang buhay na hanggang dito lang ako.   Bumangon na ako at kumuha ng planggana upang pangtapat sa bubong na may butas. Pinanood ko ang tuloy tuloy na tubig na bumabagsak. Siguro papahintulutan naman ako kung mag advance payment ako sa boss ko para mapagawa ko ito.   18 years old ako at 12 years old naman ang kapatid ko na si Andrew ng iwan kami ng aming magulang. They died in a car accident. May naiwan naman silang pera at bahay ngunit syempre sa tagal na ng panahon ay naubos na. Kamag anak? Meron but I choose to distance ourself with them, It’s because I don’t trust them.   Kumatok ako sa pinto ng kapatid ko na si Andrew   “Andrew gumising ka na dyan!”   Kumatok muli ako “Gumising ka na at papasok na ako sa trabaho ko.”   Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina at nag asikaso ng umagahan namin. Lumilingon ako sa likod para malaman kung sumunod na si Andrew. Bumuntong hininga ako. Siguradong nag babad na naman ‘yon sa gadgets nya. Kumuha ako ng baso na may tubig at nag tungo sa kwarto ni Andrew.   Tama nga ako at ang sarap pa ng tulog nito.     “Andrew may pasok ka pa, gumising ka na” tinapik ko ang pisngi nya.     Lumukot ang mukha nya “Ate naman eh! Inaantok pa ako.”   Aba tinalikuran pa ako? Naningkit ang mata ko. I have no choice but to this. Ngumisi ako bago binuhusan ng tubig sa mukha.   Bumalikwas ito ng tayo at masama ang tingin saakin. Tumaas ang kilay ko sakanya ngunit sa huli ay bumunghalit na ako ng tawa sa itsura nya. Mukha syang basang sisiw na galit.   “Ate wag mo ako tawanan! Tsk!” inis nito atsaka nag walk out.   Sanay naman na ako sa kapatid ko na iyan. Kahit ganyan sya mahal na mahal ko ‘yan. Sadyang bagong gising kaya masungit!   Nauna na ako kumain dahil maaga ang pasok ko ngayon sa shop. Nag iwan na lamang ako ng notes sa ref para mabasa agad ni Andrew. Sumakay na ako sa jeep, nang makita ang shop na pinapasukan ko ay pumara na ako.     Pag pasok ko pa lang ng shop ay sinalubong na ako ni Nina, co-worker ko.     “Ariadne, pinapatawag ka ni manager sa office.” Sabi nito     May nabuong konklusyon sa isipan ko. Winaksi ko kung ano man iyon. Hindi naman siguro iyon ang dahilan diba?     “Ah sige.” Tango ko.   Ngumiti lang ng tipid si Nina bago tumalikod. Huminga ako nang malalim. Huwag naman sana ngayong kailangan ko ng pera para sa nalalapit na pag kokolehiyo ni Andrew. Bakit…bakit ang hirap maging mahirap.   - Theseus Montenegro   Nawala ang pokus  sa mga papel na binabasa ko sa lakas ng bagsak sa pinto ng opisina ko. I arched a brow and was ready to fire who’s that asshole when I saw that it was my secretary. Umiiyak sya. Why?   “What happened, Mae?” I asked her.   “S-sir gusto ko na po umalis dito. N-namatayan po kasi ako ng magulang at kailangan ko umuwi ng probinsya.”   “My deepest condolence with your family, Mae.” I said sincerely   Tumango ito atsaka suminghot “Pwede na po ako umalis, Sir?”     Kumunot ang nuo ko “Are you going to resign?”     Tumango ito. Napahinga ako nang malalim. Si Mae na kasi ang pinakamatagal ko ng naging secretary. Gusto ko sya as my secretary dahil sa lahat ng babaeng naging secretary ko ay sya ang nag bubukod tanging kapag trabaho ay trabaho lamang. She’s far from my old secretaries that was acting like a slut. Well based on her resume, she’s already a married woman that’s why.     Sumandal ako sa swivel chair atsaka tumango “Accepted. Ihuhulog ko na lang ‘yong  sweldo mo sa atm. Wait it for 2 days to process.”   “Maraming salamat po talaga, Sir Theseus!” masayang sabi nito na parang hindi humagulgol kanina, hindi ko na lamang kinuwestyon pa.     “Ay oo nga pala Sir. Hayaan nyo po, may kilala ako na pwedeng pumalit saakin dito. Mag papasa na lang ako sakanya ng resume.” Tuloy tuloy na sabi nito     Tumango na lamang ako sa mga sinasabi nya. Nag paalam na si Mae pagkatapos nya dumaldal. Bumuga ako ng hangin, ngayon dumagdag pa sa mga iisipin ko ‘yong pag hahanap ng secretary. Sana lang na iyong papalit kay Mae ay katulad nya rin.     Don’t get me wrong. Ayoko lang na hinahalo ang mga ganong bagay sa pag ta-trabaho. If you’re my worker then you’ll stay on it. That’s it. I didn’t do silly things with my people unless I met them somewhere like…bar.   Tinignan ko ang mga papel na nag kalat sa desk. Nang biglang bumukas na naman ang pintuan, hindi ko na binigyan pa ng pansin dahil ingay pa lang nila ay kilalang kilala ko na.   Guguluhin na naman ako ng mga ito.   “Hey Mr. soon-to-be-virgin-old-man! Long time no see eh?” ngising bati ni Lucas.   “Gago” sabi ko.   Tumawa naman nang malakas si Wayne.   “Ang galing talaga mang asar ni Lucas boy! Baka sya pa ang virgin. Balita ko hanggang MOMOL lang alam mo ah?” asar ni Wayne sabay bato ng piattos sa direksyon ni Lucas.     Lucas raised his middle finger at Wayne “f**k you, Monterial!     “Watch your mouth, Lucas.” Mahinahon na saway ni Alexander sabay ayos sa salamin na suot.   “Aruy si KUYA Alexander daw mabait pero balita ko nakipag-f**k kay Reian kagabi! Hahaha.” Lucas     “Ssh. You guys are so loud. Can you keep it low?”     Napatungo ako sa sinabi ni Ronnie. Umiling ako ng makita itong tutok sa pinapanood sa phone. Si Stella na naman ‘yon.   “Ronnie boy, matunaw si Stella dyan. Titig na titig ka! Kulang na lang ay dukutin mo sya at hubaran sa harapan mo eh.” Humalakhak ng napakamalakas si Lucas.     Sinamaan sya ng tingin si Ronnie at pinag patuloy ang pinapanood.     I just shook my head. Sa aming mag kakaibigan si Lucas Monteverde ang pinaka madaldal at the same time ay mabulgar ang bunganga pero ang totoo sya talaga ang hindi pa nabinyagan. You know what I mean, a man that never been touch.   Alexander Montemayor ang pinakamatanda saamin kahit sya ang  tumatayong parang kuya samin ay may kalokohan din pag dating sa babae.   Wayne Monterial ang masasabi kong matinik sa babae. A butterfly who always lands on every flowers   Si Ronnie naman ang pinakagoodboy samin walang ginagalaw na babae dahil para lang daw sya kay Stella. Stella is an actress. Good boy my ass.   “Theseus! Nasaan na pala ‘yong secretary mo na maganda rito?” si Lucas ito na lumilinga linga.   "Bakit mo hinahahanap Lucas? Mag MOMOL LANG kayo? Hina mo! Hahaha" asar ni Wayne   "f**k you Monterial!"   Kung titignan mo silang lahat dito, para silang batang ginawang playground ang office ko! Umiling na lang ako at tumutok na sa ginagawa ko nang may biglang tumawag.   "Theseus Montenegro"   - Ariadne Sy   “You’re fired, Ariadne.” Bungad agad saakin ng manager namin.   Maraming papeles ang nakakalat sa ibabaw ng desk nya. Magulo rin ang buhok at hindi pa maayos ang pag kakatali ng necktie. Mukhang sobra itong problemado.   Lumunok ako. Nanginginig ang kalamnam ko. No! Kailangan mo maging matatag, Ariadne. Sa limang taon na naging ulila kayo ng kapatid mo, ngayon ka pa ba pang hihinaan ng loob? Fight!   “B-bakit po? Ahm..may nagawa po ba akong mali?” halos bulong na iyon dahil may nakabara na sa lalamunan ko.     Umiling ang matanda “Wala naman, Ariadne. Sadyang kailangan na naming mag bawas ng tauhan dahil lumiliit na ang kita ng shop. Pasensya na.”   I bit my lip then just nodded. I understand. Tumalikod na ako at nag ligpit na ng gamit sa locker pagkatapos ay nag paalam na ako sa mga katrabaho ko. Wala ng nag tanong pa dahil halata naman saakin kung ano ang sinabi ng manager namin.   Pabagsak ako naupo sa isa sa mga bench dito sa park. Gusto ko mag reklamo, magalit at mag tanong. But I can’t…hindi ko kaya. Ang unfair, na sa lahat ng dapat tanggalin ay ako pa? Ako itong ilang taon na nag ta-trabaho sakanila.   Mama, Papa…sa totoo po gusto ko na sumuko. Ang hirap na po. Bakit po kasi iniwan nyo kami ni Andrew ng maaga.   Ang kulimlim ng langit, sumasabay ito sa lungkot at bigat ng dinadala ko. Kung madali lang ang buhay siguro walang tao ang nag hihirap ngayon. Pero kung madali lang ang lahat, walang tao ang matututo at walang tao ang magiging matatag.     Biglang tumunog ang phone ko. Sinilip ko ito. It’s Mae, my bestfriend.     “H-hello Mae?” sagot ko   “Best? Umiiyak ka ba?” nahalata nya   Tumawa ako kunyari “Hindi best. Napuwi lang.” Agad ko pinunasan ang mga luha “Bakit ka pala napatawag?”   "Kasi best ikaw na lang sana ang pumalit na maging secretary doon sa pinag tratrabuhan ko. Umalis na kasi ako doon best dahil kailangan eh. Ayoko na makita si Sir Lucas yong kaibigan ni Sir Theseus baka mamaya hindi kami makapag pigil ay nag reypan kaming dalawa" tuloy tuloy na sabi nito   "Huh? Di kita magets best. Bakit ka aalis? At sino si Lucas at Theseus?" naguguluhan na tanong ko   Sa pag kakaalam ko maganda naman ang trabaho nya doon sabi nya. At kung hindi ako nag kakamali nag drama na naman ito sa boss nya para makaalis sya.   "Nag drama ka na naman no?"   "Yeah! Alam mo namang magaling ako umacting! Anyway, basta best ikwekwento ko na lang sayo pag nakabalik na ako galing probinsya hah? Ang pangalan pala ng magiging boss mo ay THESEUS MONTENEGRO. Text ko na lang sayo yong number nya ah? Ge babush best! Labyo!" sabi nito sabay baba ng tawag   Natulala na naguguluhan ako sa mga sinabi ni Mae. Pero isa lang ang alam ko, may trabaho na ako agad! Tumingala ako sa langit na ngayon ay lumiliwanag na. I smiled. Salamat Mama at Papa. Salamat din Mae…   Kung ano man ang dahilan ni Mae ay susuportahan ko na lang sya. Hihintayin ko na lamang sya dumating para ikwento ang lahat lahat. Alam ko naman 'yang babaeng 'yan minsan may topak.   Text message!   In-open ko ito. Number nung magiging boss ko at 'yong address nito. No need na sana yong address kasi alam ko kung saan ito. Sikat kaya sa larangan ng business itong si Theseus Montenegro. Pero kahit sikat ito ay hindi ko pa nasisilayan ang itsura nito. Nag kibit balikat na lamang ako. Siguro matanda na ito.   Huminga ako nang malalim. Ang mahalaga ay may trabaho na ako. It’s true that sometimes a NO from Him is just a simple NOT YET. I can go through it, mahirap man ang buhay namin ngayon pero nararamdaman ko na mag babago ito dahan dahan…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.0K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.1K
bc

YOU'RE MINE

read
891.8K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
342.7K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
314.9K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.4K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook