bc

Sa Palasyo ni Rasheed

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.7K
READ
dark
forbidden
love-triangle
fated
manipulative
submissive
powerful
brave
mxm
affair
like
intro-logo
Blurb

NOTE: THIS IS A BXB (BOY AND BOY STORY/LGBT)

Upang makatulong sa pamilya at maiwasan si Gabriel kahit na mahal niya ito, nangibang-bansa si Mikoy. Ngunit doon niya nakilala si Prinsipe Rasheed, ang lalaking magpapaibig sa kanya at magpapalimot sa mga salitang binitawan niya noon kay Gabriel - na hindi siya makikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki.

At hindi lang iyon ang ginawa ni Mikoy. Nakumbinsi rin siya ng prinsipe na manirahan na kasama ito at ng pamilya nito. Ano kaya ang magiging buhay ni Mikoy sa palasyo ni Rasheed? Maipaglalaban ba nina Rasheed at Mikoy ang kanilang pag-iibigan hanggang sa wakas?

chap-preview
Free preview
Prologue: MIKOY
R18+ Busy ako sa pag-aasikaso sa isang customer nang lumapit sa akin ang manager ng department store na pinagtra-trabahuan ko. "Nasa opisina si Rasheed, kadarating lang," bulong niya sa akin. Kagyat na nag-init ang mga pisngi ko lalo na sa makahulugang tingin na ibinigay niya sa akin. "Tatapusin ko lamang po ito," sagot ko sa manager na tulad ko ay Filipino rin. "Ako na ang tatapos niyan. Puntahan mo na siya at baka mainip pa." Nakangiti siyang bumaling sa kausap ko kaya wala na akong nagawa kundi ang magbigay ng isang magalang na bow sa customer at puntahan ang taong tinutukoy ng manager ko. Habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng opisina ni Manager ay pinapagpag ko ang suot kong uniporme dahil baka may dumi ito. Inayos ko rin ang pagkakabutones ng polo shirt ko. Napakapartikular ni Rasheed sa aking pananamit. Hanggang maaari nga ay ayaw niyang may nakikitang balat ko sa aking mga isinusuot ngunit ano ang magagawa niya kung ito ang uniporme ko? Nang makarating ako sa harap ng pinto ng opisina ay nadatnan ko ang dalawang matatangkad na kalalakihan na siyang nagbabantay roon. Kaagad nilang binuksan ang pinto para papasukin ako. Naglakad ako papasok. Kaagad kong nakita ang taong naghihintay sa akin na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng pahayagan. Nang maramdaman niya ako ay kaagad niyang ibinaba iyon at tumingin sa akin. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kanya. Six footer kasi siya kumpara sa taas kong 5'6 lamang. "Mikoy," tawag niya sa pangalan ko na aking ikinangiti. Dahil sa kanyang banyagang dila ay hindi tulad ng pangkaraniwang tono ng boses ang pagkakasambit niya sa pangalan ko. "Rasheed," sagot ko sa kanya at ilang saglit pa ay magkadikit na ang mga katawan namin pati na rin ang aming mga labi. Mapag-angkin ang mga labi niya. Mapaghanap. Naging sensitibo ang buong katawan ko nang magsimulang gumala ang kanyang mga kamay habang inaangkin pa rin niya ang mga labi ko. "I hate your uniform." May asar niyang sambit habang bumababa ang kanyang mga labi sa leeg ko. Natatawang pinisil ko ang mga balikat niyang kinakapitan ko. "Let's do it here. I cannot wait any longer." Muli niyang bulong nang umakyat sa leeg ko ang mga labi niya. "No, we cannot ummm... do it here," pagpipigil ko sa mga kamay niyang kinakalas na ang sinturon ko. "I miss you so much. I can't wait anymore." Pagpupumilit niya at gaya ng dati ay wala na naman akong nagawa. Hinayaan ko siya gawin ang lahat ng nais niya sa akin. Tinanggap ko ang kanyang pagmamahal nang buong puso. Habang pareho kaming hingal na hingal na nakahiga nang magkatabi sa maluwang na sofa ay may sinabi siyang hindi ko inaasahan. "I will take you to the palace tomorrow." Labis ang gulat kong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. "Rasheed," may halong pagtanggi ang boses ko. Nanunuot ang takot sa dibdib ko habang sinasalakay ako ng kaisipang makikilala ko ang hari ng bansang kinaroroonan ko ngayon. "I've talked to my father. He said I can keep you but I can't let you be seen in public and I have to marry a wife." Hinahaplos niya ang mukha ko habang sinasabi iyon. "You know that even if I marry someone who my father wants me to marry, you're still the one that I love. We will never be away from each other, Mikoy, I will make sure of it. We will be together until we grow old," may halong galak niyang sabi na waring hindi niya nakikita ang takot sa mga mata ko. "But how about my work…? My family?" "Forget your job. Forget your family. Once you're in the palace, you cannot go out anymore," seryoso niyang saad. Tigalgal naman akong napatitig sa kanya. Matigas ang kanyang boses sa pagsasabi ng mga katagang iyon na tila ipinaparating niyang hindi niya tatanggapin ang anumang pagtanggi mula sa akin. "No! No, I can't do that. Rasheed!" Kaagad na bumaha ang labis takot ang dibdib ko. Makakasama ko nga siya ngunit makukulong naman ako sa palasyo niya. "Do you want to be hanged? You know the punishment in this country if they found out that you have a relationship with a man if you're a man. My father can save me. But how about you? I cannot ask him to save you anymore," nagbababala niyang saad. "I can't... Do something, Rasheed!" pagmamakaawa ko sa kanya. Oo, mahal ko siya. At oo, alam kong bawal ang ginagawa naming dalawa sa bansang kinaroroonan ko ngunit hindi ko yata kayang makulong habambuhay sa palasyo at tanging magpaangkin lamang kay Rasheed ang magiging trabaho ko. "That's his decision. If you do not come to the palace tomorrow, he will have you arrested." "I don't want to be imprisoned in the palace. Rasheed...!" pagmamakaawa ko sa kanya. Naroon din ang pagdaramdam dahil tila naiipit ako sa sitwasyong gusto niya para sa aming dalawa. "Be my kept lover or be imprisoned for Sodomy and be whipped in public a thousand times every week, Mikoy. You can only choose one." "I thought you love me," nanghihina kong tanong sa kanya . "Yes that’s true. And it’s the risk we took when we decided to have this relationship." matiim siyang tumitig sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. “Then, let’s break up…” nanghihina kong saad sa kanya. “NO!” gigil niyang sagot sa akin. Nanlalaki ang mga mata na nanghihilakbot akong napatitig sa kanya. Nang makita niya iyon ay kaagad na umamo ang kanyang mukha, niyakap ako at malambing na pinaghahalikan. Dala ng takot na lumukob sa akin ay hinayaan ko lang siya sa kanyang paglalambing. “I’m sorry,” nanunuyo niyang bulong sa tenga ko bago ako siniil ng halik sa mga labi. At iyon ang nagpakalma sa takot na nasa puso ko. “Listen to me, we will not break up, Mikoy, okay?” Tumango ako bilang sagot sa nagtatanong niyang mga mata. “We will face my father and I will introduce you as my lover, okay?” Isang tango ulit ang isinagot ko sa kanya na sinagot naman niya ng isang matamis na ngiti. “I love you, Mikoy.” “I love you, too.” Muli na namang natunaw ang puso ko para sa kanya habang nag-uusap ang aming mga mata at nagpapahayag ng labis na pag-ibig para sa isa’t isa. Muli na naman iyong natunaw dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Nang muli niyang malalim na hinalikan ang bibig ko ay wala na akong nagawa kundi ang mapakapit sa kanya habang pumapasok sa isipan ko ang magiging sitwasyon ko sa loob ng kanilang.... Palasyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook