Share:

MKNA2- Bebang Pantasya (Tagalog)

Author Ajeomma Fantasy

40 reads

Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa isang dalagang ginagawang bida ang sarili habang nangangarap nang gising. Sa mundo ng pantasya, nangyayari ang lahat ng kanyang nais. Natutupad ang kanyang mga pangarap maging napaka imposible man.

Hanggang dumating ang isang pangyayaring nagpalito sa kanyang isipan. Naglalakbay siya sa kanyang pangarap. At sa tuwing magigising, ramdam niya ang pagod at matinding kaba.

Ang nakapagtataka... pare-pareho ang panaginip niya; isang mahabang daan na tila walang katapusan ang kanyang tinatahak.

Natatakot siya, subalit may bumubulong sa kanya at nagsasabing magpatuloy. Binubuyo siyang alamin ang hangganan, upang malaman kung ano ang doo'y matatagpuan.

Totoo ba ang nakita niya, o bunga lamang ng imahinasyong maaaring mauwi sa bangungot?

Halina at sama-sama nating tuklasin ang lihim ng kanyang pagkatao...


Fantasy/Romance/Comedy

Unfold

Tags: TeleportationWizardSingle MotherDramaTragedyComedyTwistedSweet
Latest Updated
FINAL CHAPTER - Diwatana

FINAL CHAPTER

Diwatana

NAKARATING sa mga I-na ang pagtanggi ni Bebang na mamalagi nang tuluyan sa Engkantasya. Nalaman nila ang pagnanais nitong bumalik sa lupa, umuwi sa kinagisnang ina. Nagkasundo silang ipatawag ang dalaga upang magsagawa ng pagpupulong panloob. Kasama ng ilang matatandang I-na, napagkasunduan……

Comment