bc

MY HUSBAND'S SECRET IDENTITY

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.6K
READ
HE
tragedy
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Kasal na kailanman ay hindi inasahan ni Roseanne. Pero kailangan niyang gawin upang manatiling buhay ang ina na kasalukuyang agaw buhay at tanging life support lang ang nagpapabuhay dito.

Subalit nagkamali siya sa pag aakala na maililigtas ng pagpapakasal niya ang buhay ng ina. Dahil hindi na niya muling nakita pa ang kanyang mama.

chap-preview
Free preview
TEASER
NAPATAYO si Roseanne mula sa kanyang ginagawang assignment ng maulinigan ang malakas na boses ni Tita Ver. "Roseanne! ano iyong naririnig ko na hindi mo susundin ang utos ko? Pwes! mamili ka, magpapakasal ka sa matandang yon o mamamatay ang mommy mo?" Malakas nitong sigaw na halos ikabasag ng kanyang eardrum. "T-Tita Ver, graduating pa lamang po ako at wala pa sa plano ko ang magpakasal sa kahit sino." mahinahon niyang sagot sa madrasta. "Wala akong pakialam kung graduating ka o hindi, isa lang ang sagot na kailangan ko, magpapakasal ka o mamamatay ang iyong ina?" nanginig ang katawan niya sa matinding galit ngunit buhay ni Mommy ang nakataya. "Naiinip ang mga tauhan ko, Roseanne!" Muli ay sumigaw ito na akala mo ay hindi niya naririnig. Kahit labag sa kalooban ay wala siyang nagawa kundi pumayag. Mas mahalaga ang buhay ng kanyang mama. "O-Opo, Tita Ver, p-payag na po akong magpakasal. Pero palalalayain mo na ang mommy ko?” Naninigurado niyang tanong sa madrasta. "Wala kang karapatan makipag-deal sa akin!" at bumiling ang kanyang mukha dahil sa binigay nitong malakas na sampal. Pagkatapos ay mabilis siyang tinalikuran. Ang buong akala ni Roseanne ay hahayaan siya nito sa mga natitirang araw ng kalayaan. Ngunit ikinulong siya sa isang silid at makakalabas lamang kapag kasal na siya sa matandang yon. - ARAW ng kasal. "Ayusin mo ang iyong sarili ayaw kong mapahiya sa mga bisita. Kung ayaw mong sa mismong araw na ito ay alisan ko ng life support ang naghihingalo mong ina!" sunod sunod siyang tumango at sinisikap pigilan ang luha. "Senyora Ver, nariyan na po si Judge." Pagbibigay alam ng isang tauhan nito. "Okay, sabihin mong palabas na ang bride." "Masusunod po, Senyora Ver." Pagkatapos muling bumaling sa kanya ang madrasta. "Go! at binabalaan kita, ayaw kong makarinig ng anumang salita mula sa mga bisita." "O-Opo, Tita Ver." saka siya humakbang palabas ng pinto. Sinikap niyang kumilos ng normal habang patungo sa harapan ng Judge. Hindi siya lumingon at diretso lang ang tingin sa unahan. "Sa palagay ko hindi na darating ang matandang groom. Sampung minuto ng late sa oras na itinakda. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo....” "Excuse me!" sa puntong yon ay lumingon si Roseanne at halos mapatulala siya sa lalaking naglalakad palapit sa kinatatayuan niya. "Roseanne Montejo, my bride, right?" tanong nito sa kanya ng nasa harapan na niya ito. "I'm your groom, Matteo Villa Samonte." "Ahm... y-yeah." halos hindi siya humihinga lalo na ng hawakan nito ang kanyang kamay. Ang dibdib niya ay parang tinatambol sa lakas ng kalabog. "Relax, hindi kita kakainin dito sa harapan ng mga tao." nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nitong yon. Pakiramdam niya ay umabot sa pandinig ng mga bisita ang salitang binitawan nito . Sa bawat minutong lumilipas ay lumilipad ang isipan ni Roseanne. Paano nangyari na halos kaedad lamang niya ang kanyang maging asawa? Samantalang ang nakalagay sa prenuptial agreement ay seventy years old ang lalaking pakakakasalan? "You may kiss the bride." ang salitang yon ang nagpabalik sa realidad niya. Akmang iiwas siya ngunit mabilis na kapasok si Matteo sa loob ng kanyang suot na veil. Pagkatapos ay mahigpit ang hawak sa magkabila niyang sintido. Siniil siya ng halik ni Matteo at napasinghap na lamang ng bahagya siya nitong bitawan. Pero muli din inangkin ang kanyang labi. Ipinanlaki ng mga mata niya ng madama ang mainit nitong dila sa loob ng kanyang bibig. Halos mangunyapit siya sa braso nito dahil para ng malulunod. Nang bigla siya nitong bitawan kaya napapikit na lamang at hinintay ang pagbagsak niya sa sahig. Ngunit agad din napadilat ng madama ang pagpulupot ng matigas na braso sa kanyang katawan. "Tama na yan pinsan, doon muna tapusin sa honeymoon!" sigaw ng isang boses at sa puntong yon ay lumakas na ang sigawan. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa sobrang kahihiyan. "Sweety, let's go!" at napatili na lang siya ng bigla nitong buhatin. "Wait! Saan kayo pupunta?" kinabahan si Roseanne ng marinig ang boses ni Tita Ver, lalo nang biglang huminto ang a-asawa sa paglalakad. Natatakot siya na baka bigla na lang silang ipapatay nito sa mga tauhan. "Tapos na ang kasal namin kaya kahit saan ko dalhin ang asawa ko ay wala kang magagawa." matigas na sagot ng kanyang asawa. Bago ipinagpatuloy ang paghakbang. "Abat bastos ka!” muling sigaw ni Tita Ver. At hindi lang basta huminto si Matteo, kundi nalakad ito pabalik sa tinatayuan ni Tita Ver. "Don't touch my mother in-law or else pagsisisihan mong nakilala ako!" nakita niya ang sandaling pagkatigagal ng madrasta pero agad din napalitan ng mabalasik na anyo. "Guard! wag nyo silang hayaan makalabas ng gate!" malakas na utos ni Tita Ver sa mga tauhan niyo. At mabilis na naglapitan ang mga armado sa kanilang tinatayuan. Ngunit parang walang narinig ang kanyang asawa. Tiningnan lang nito ang paligid bago nagpatuloy sa paglalakad. At agad siyang nakaramdam ng matinding takot. Kaya palihim na lumingon kay Tita Ver. Ngunit nagulat siya ng makitang nakatingin lamang ito sa kanilang dalawa. Ang mga tauhan nito sa paligid ay biglang nawala. - Roseann Angelica Montejo and Matteo Caleb Villa Samonte Montemayor "MY HUSBAND’S SECRET IDENTITY"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook