bc

My Husband's Secret

book_age18+
66
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Maganda ang buhay ni Mikasa. Lahat ng gusto at kailangan nya ay binibigay ng mga magulang nya. Yes, she's a spoiled girl. Kailanman ay hindi sya nakaranas ng hirap hanggang sa nangyari ang trahedya na hindi nya inaasahan.

At the age of 15, she already have a husband. Hindi pa nga nya nararanasan ng buo ang pagiging teenager ay kasal na sya sa taong ayaw nya. She want to escape the marriage and don't want to be HIS wife because she knows that she will be only a puppet for him. Ngunit paano sya makakatakas kung may hawak ito na mahalagang bagay mula sakanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Do not worry, baby. Hindi tayo mauubusan ng pera kaya bilhin mo kung anong gusto mo." Mommy said with her sweet voice. "Yes, anak. Tama ang mommy mo kaya wag ka maniwala sa sinasabi ng kuya mo dahil pinipikon ka lang nya." Daddy said then she hugged me. "We love you, Mikasa." Pareho nila ko hinalikan sa noo bago ako magpaalam sakanila. Iyon ang huling ala-ala ko sa mga magulang ko. Bumuhos ang luha sa aking pisngi nang makita sila na parehong duguan sa sahig. Lumabas na rin mula sa bibig ko ang boses ng iyak at hagulhol. Sana hindi nalang ako umalis kanina. Sana hindi ko sila iniwan dito sa bahay. Nakatakip pa ang isang kamay ko sa bibig dahil sa gulat at hindi makapaniwala sa nakita. Dahan dahan ako lumapit sakanila at nang makalapit ay tuluyan na bumigay ang mga tuhod ko. Doon ko mas lalo nakita ang mukha ng mga magulang ko. Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ko sa aking pisngi. "Mom, Dad... W-wake up." Hindi ko pinansin ang dugo na nakakalat sa kanila. "Mom, I'm here. M-marami ako nabili. I have... I have also buy the gifts for you and Dad..." Kwento ko, umaasa na magigising sila. "D-daddy, gising..." Bakas sa boses ko ang sakit. Akmang hahawakan ko na ang kamay ni Mommy nang may pumigil sakin at inilayo sa katawan nila. Naguguluhan ko tiningnan si Kuya. Bakit nya ko nilalayo? Hindi ba nya nakikita na nasa sahig ang mga magulang namin? "Ku-kuya, bakit mo ko pinipigilan? Gusto... Gusto ko sila hawakan!" Garalgal kong saad dahil sa takot na mawala sila sakin. "Listen, Kasa, our parents were already dead. Wala na sila." Umiling ako. Hindi. Hindi ako naniniwala! Pilit ako kumakawala sa braso ng Kuya ko pero mahigpit ang pagkakahawak nya sakin. Nagmamakaawa ko sya tiningnan. "Pwe-pwede pa natin sila dalhin sa ospital, Kuya. Please, please, iligtas natin sila." Desperado ko na saad. "Kasa, sorry. Wala ako magagawa." Bumahid ang sakit sa boses nya. Alam ko pareho kami nahihirapan. Katulad ko ay may luha din sa pisngi nya. "Bakit kuya? Nasaan ang mga kasama natin dito? Sino... Sino ang gumawa nito kila Mommy at Daddy!? They... They are good person." Inalis ko ang tingin ko kay Kuya hanggang sa napunta ang mga mata ko sa isang lalaki na nakaupo sa madalas na inuupan ni Daddy. Malamig ang mga mata nya na nakatingin samin habang nakadekwarto ang dalawang tuhod nya. Umusbong ang galit sakin dahil sa baril na hawak nya. Nakawala ako sa hawak ng kapatid ko at walang takot na naglakad papalapit sa lalaki. "Kasa!" Malakas na tawag sakin ni Kuya. Malapit ko na sana saktan ang lalaki kung hindi ako hinarangan ni Kuya. Napunta ang galit ko sakanya. "Kuya! Bakit mo ba ko pinipigilan!? Halata naman na sya ang pumatay kila Mommy at Daddy!" Bulyaw ko. Hinawakan nya ang dalawang braso ko at pinaharap sakanya. Napapikit sya saglit at lumabas sa bibig nya ang mga salita na di ko masikmura. "He will be your husband, Kasa. Pigilan mo ang galit mo sakanya." * * * IBINUGA ko ang usok ng sigarilyo mula sa aking bibig. Tamad ko tiningnan ang papel na nasa harapan ko. Marriage Certificate. Napaismid ako nang mabasa ko iyon. "It's been a years since you two were married, Kasa. Oras na siguro para magpakasal kayo sa simbahan." Kinuha ni Kuya ang papel at pinasok sa loob ng envelope. Gusto ko man punitin ang papel na hawak nya ay hindi ko magawa dahil lagi iyon nakatago sakanya. Ngayon ay pinapakita nya sakin para ipaalala na may asawa ako. "Iyan ba ang dahilan kaya mo ko tinawag dito?" Tinaasan ko sya ng kilay ngunit di nya iyon pinansin. "Stop seeing other man especially Dyson. Ayaw kita mapahamak." Tumalim ang tingin ko sakanya. "Did you think that my work right now is not dangerous?" Malungkot nya ko tiningan at bumahid ang pagsisi sa mukha nya. Iniwas ko ang mga mata ko sakanya at tumayo na. "Don't look at me like that, Kuya Trevor. Hindi mo naman ako pinilit na ikasal sa lalaki na di ko gusto." Binitawan ko na ang natitirang upos ng sigarilyo sa ashtray. Inabot ko ang aking bag para kunin ang perfume ko sa loob. I need to prepare myself. Ngayon lang ako nakapag sigarilyo kaya kailangan ko itago ang amoy nito. "Sasabihin ko sa asawa mo na bawasan ang trabaho mo." Napatigil ako sa pag spray ng pabango sa aking leeg. "Hindi na. Sanay na ko sa trabaho ko kaya wag na wag mo sya kausapin." Ayoko mag-usap silang dalawa. Binalik ko na ang perfume sa bag pagkatapos ko ito gamitin. Inayos ko rin ang sarili ko. Kahit labag sa kalooban ko na gawin ito ay kailangan ko pa rin gawin. Napadiin ang pagkagat ko sa aking labi nang marinig ko ang katok galing sa pinto ng opisina ni Kuya. Huminga ako ng malalim at sinuot na ang aking sling bag sa balikat. "Tawagin mo ko ulit kapag may nahanap ka na ng babae na magiging asawa mo, Kuya." Mapait ko sya nginitian at niyakap saglit. May mga sinabi pa sya sakin pero labas na iyon sa tenga ko. My older brother is really workaholic and because of that he forgot to find a wife. Wala rin akong naririnig na nagkaroon sya ng girlfriend. Kung meron man at ayaw lang nya sabihin ay ayos lang din sakin. Pagkalabas ko sa opisina ni Kuya ay bumungad sakin ang isang lalaki na naka-asul na uniporme. Marami sila nakasunod sakin pero sya ang lagi nakakaharap ko kaya hindi na ko nagulat pa kung makita ko sya agad. "Nasa baba na ba ang sasakyan, Carlo?" Sa madalas na makita ko ang mukha nya ay alam ko na ang pangalan nya. I think Carlo is already in his 40s. "Yes, Ma'am." Nauna na ko naglakad at sya naman ay sumunod sakin mula sa likuran. I have own car but I'm lazy to use it. Hindi lang din naman ako magtatagal sa ospital na pupuntahan ko. Pagkarating ko sa parking area ay dumiretso na ko sa itim na sedan. Ito ang lagi ko sinasakyan sa tuwing sinusundo ako. Pinaandar na ni Carlo ang sasakyan nang makita na maayos ako nakaupo sa back seat. Pinikit ko ang aking mata para ipahinga ang sarili. Makikita ko na naman ang lalaki na ayaw ko makita. Nagkita pa lang kami last month at ngayon ay gusto nya ko na puntahan sya. Kapal ng mukha. Tumagal ng isang oras ang byahe at pagdating ko rito sa opisina nya ay wala sya. Ang sabi ng assistant nya ay nasa emergency room pa sya at may pasyente. Napailing ako. Yes, he's a doctor but behind of his job, there's a dirty secret of him. Nakakasuka. Mag-isa ako rito sa loob. Gusto ko sana umalis nalang pero may gwardya na nakabantay sakin. Hindi nila ko hahayaan na lumayo hangga't hindi dumadating dito ang doctor. Sa kakatingin ko sa mga bagay dito ay nahagip ng mga mata ko ang glass name plate sa ibabaw ng mesa. Dumilim ang aking mga mata sa naukit na pangalan doon. "Dr. Dyer Kaleid M. Falaguerra." Yes, tha's my fvcking husband's name. Ayoko talaga na tawagin ko sya na asawa ko at marinig iyon sa iba pero pagkatapos ng maraming taon ay nasanay na ko. Bilang manika para sakanya ay wala talaga ko magagawa dahil kasal kami at hindi iyon peke.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook