bc

The Billionaire's Wrong Stripper

book_age18+
5.1K
FOLLOW
18.7K
READ
billionaire
possessive
sex
arrogant
dominant
drama
bxg
serious
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Mabuting kaibigan si Love kaya't nang makiusap sa kaniya si Xia--ang kaibigan na itinuturing na rin niyang kapatid na siya ang sumipot sa stag party na raket nito ay kaagad siyang pumayag.

Nagkaroon kasi ng problema sa schedule ni Xia.

Sinabi nito sa kaniya na mag-a-assist lamang siya sa party na iyon at ang kikitain ay bente mil. Dahil nais niyang matulungan ang kaibigan at malaking halaga rin iyon ay pumayag siya.

Ngunit nagulat si Love nang pinaghuhubad na siya ng mga kalalakihan na naroon. A man, one of the groom's friend hold her and tried to remove her maid costume.

Sinabi ng lalake na ang isang stripper na katulad niya ay hindi dapat umaktong birhen dahil sa linya ng trabaho niya.

Ngunit hindi inaasahan ni Love ang sumunod na nangyari.

Eros Hector Lozrealle--the grandson of the woman who adore her in the orphanage came.

Hinila ni Hector ang kaibigan nito sa ibabaw niya at naglapag ito ng cheque sa lamesa pagkatapos ay nilisan nila ang stag party.

But what she didn't expect when the man took her into his penthouse and told her to strip.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
AUTHOR'S NOTE: DON’T READ. Hindi po ito for update. Thank you! "Sige na kasi, Love, isang gabi lang 'yon at 5 hours lang! Wala kang ibang gagawin kung hindi i-assist sila! saka 'di ba, partner tayo dito? ikaw iyong gagawa ng cake ng bachelor sa stag party? ang laki kasi nito, Love, 20k isang gabi lang. Sige, kahit sa 'yo na yung 15k!" Abala ako sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng mga cupcakes habang ang bestfriend kong si Xia ay nakikiusap sa akin ngayon. May raket ang gaga sa isang stag party, alam ko naman ang trabaho niya, stripper, pero ito at sinasabi niya sa akin ngayon na walang ibang gagawin kung hindi ang mag-aassist. Ang nangyari kasi, iyong naunang nagpa-book ng schedule sa kaniya nagbago ang oras, nagkamukha iyong schedule sa sinasabi niya sa akin ngayon. "Parang hindi naman tayo magkasama sa hirap at ginhawa, Love!" Sinamaan ko siya ng tingin. Magkababata kami, magkasamang lumaki sa bahay ampunan. Parehas namin hindi alam kung sino ang totoo naming mga magulang. "Huwag mo akong tiradahan ng ganiyan, Xianthelle." Ngumuso siya sa sinabi ko. Bumalik ang aking mga mata sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes. Ito kasi ang sideline ko, ang magbake at mag-pa-order ng mga cakes, cookies at cupcakes. Maayos ang kita ko dito at nasusustentuhan naman noon ang pangangailangan namin ni Xia sa apartment. "Wala ka kasing gagawin, Love, pramis! nakausap ko iyong si bossing para sa stag party, chill night lang daw at taga-assist lang ang need nila. Kumbaga, walang hubad-hubad, pero mas okay sa akin 'yong ganoon kasi may thrill--ay! ano ba 'yan, Love! ang lagkit!" Pinunasan niya iyong icing na ipinahid ko sa kaniyang pisngi. "Ikaw, ha? tigilan mo iyan," sabi ko sa kaniya. Malakas siyang tumawa. Minasahe niya ako sa likod. "Lovender, alam mo naman na nasa bahay ampunan pa lang ako maharot na ako. Ano ka ba? natural na 'to!" Proud pa siya. "Oh, sige, alas otso 'di ba? sa makalawa?" nilingon ko siya. Bumilog ang mga labi niya at pinagdikit niya ang kaniyang mga palad. Nakita ko ang malapad na ngiti niya pagkatapos ay nagtatalon siya. "Oo! oo! alas otso! hayy, I love you na talaga, Love! kasingganda mo ang pangalan mo!" Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko rin naman kasi matitiis si Xia. Simula magkaisip ako ay siya na ang kasama ko. Parehas kaming sanggol nang mapunta sa bahay ampunan. Parehas rin kami ng edad. Hindi kami nakatapos ng pag-aaral. Hanggang high school lang dahil nagsimula na kami ni Xia na umalis sa bahay ampunan at namuhay ng magkasama. Doon naghanap kami ng raket, nagbenta ng gulay sa palengke, naging taga hugas ng pinggan sa mga karinderya. Kahit kami lang noon nakaraos naman. Hindi na rin namin inisip na makapaga-aral. Pero nang magkaroon ako ng oportunidad na pumasok upang mag-aral ng pagbe-bake sa tulong ng amo namin sa palengke noon ay talagang um-oo ako. At ito ngayon ang business ko. Iyon nga lang si Xia ay iba ang trip sa buhay. Ako ay isang baker siya naman ay isang stripper. Pero kahit na ganoon ang trabaho ni Xia hindi ko siya hinuhusgahan, virgin pa rin naman ang gaga kahit na bumubuka-bukaka. "Ang sinasabi ko lang sa 'yo, Xia, mag-iingat ka lagi diyan sa trabaho mo at kung maaari sana ay bumalik ka na lang sa pagiging waiter tulad ng dati," sabi ko. Umikot siya at naupo sa upuan sa tapat ko. Naglagay siya ng mga cupcakes sa box. "Para saan pa ang magandang katawan ko na ito, Love kung wala lang makaka-appreciate? saka ano ka ba! efas ako dito. Hindi pa punit ang shield ng kepkep ko." Nang matapos ko nang lagyan ng icing at ng design ang lahat ng cupcakes ay naglagay na rin ako ng mga iyon sa box. Dadalhin ko sa bahay ampunan ang mga nagawa ko. May program kasi doon ngayon. May pa-party ang Lozrealle sa mga bata sa bahay ampunan. Ang Lozrealle ang pinakamatagal na sumusuporta sa Hope Orphanage. Sila ang hindi umalis at talagang nanatili, mula bata ako hanggang ngayon na dalamwapu at pitong taong gulang na ako. "Sige, sabi mo, eh. Pero kapag napunit iyang shield ng kepekep mo ewan ko na lang sa 'yo talaga." "Hindi ba at gusto mo ng bata, 'di magkakaroon ka ng pamangkin!" Aba ang gaga! "Hoy, Xianthelle! hindi biro ang mag-alaga ng buntis lalo at walang pera, ha? tapos pag nanganak napakalaking gastos dahil sa gatas at diapher! hindi rin puwedeng walang nakatabing pera dahil paano kung magkaroon ng emergency? kaya pakiusap ko sa 'yo, ikadena mo iyang lock ng kepkep mo. Hintayin mo akong makaipon at sige puwede na," sabi ko sa kaniya. "Oo na, Pag-ibig!" sabi niya sa akin. Nang makatapos kami sa pag-aayos ng mga cupcakes ay saka ako naligo. May isang oras pa naman bago magsimula ang program at makakaabot pa kami ni Xia. Nasasabik akong bumalik. Nami-miss ko na ang mga bata. Halos isang buwan rin nang huli kaming dumalaw doon ni Xia. Nakaka-miss ang bahay ampunan pati ang luto nila sister. Pagkatapos kong ilagay sa mga paperbag ang mga boxes ng cupcake na ginawa ko ay tumingin ako sa aking relong pambisig. Alas nuwebe na. Alas nuebe trenta ang simula. "Dalian mo, Xia! mahuhuli tayo, hindi natin makikita iyong sayaw at kanta ng mga bata!" Nang makita ko na lumabas na ng silid niya si Xia ay tinungo ko na ang labas. Nagsusuklay pa siya. "Mag-aabang na ako ng tricycle, i-lock mo iyang pinto, ha? saka pala i-check mo iyong mga appliances baka may hindi ka nahugot na saksak." "Sige-sige." Bumaba na ako. Nasa ikalawang palapag ang apartment namin ni Xia. Nang nasa highway na ako ay pumara ako ng tricycle. May huminto naman kaagad kaya't nilingon ko si Xia. Nakita ko siya na nagmamadali habang palapit sa akin. "Manong sa Hope Orphanage po," sabi ko sa tricycle driver. Nang makasakay kami sa tricycle parehas ay tinanaw ko ang labas. Parang kailan lang noong naglalaro pa kami sa bahay ampunan. Ngayon may sarili na kaming buhay ni Xia habang magkasama. Iyon naman ang mahalaga sa akin. "Love, nai-message ko na iyong boss ko, ha? okay na, wala nang atrasan. Basta alas otso ng gabi. Hindi rin kita mapupuntahan doon sa condo na paggaganapan kasi hanggang alas singko ng umaga ang schedule ko." Habang nasa tricycle ay panay ang lagay ni Xia ng makeup. Talent niya talaga ito, eh. Kahit na napakagalaw ng tricycle ayos na ayos ang paglalagay niya ng makeup. "Oo, kilala mo naman ako, hindi ako bumabali sa usapan." Kinindatan niya ako sa salamin ng tricycle. "Kaya sa 'yo ako, eh! maganda na mabait pa!" Umiling ako sa sinabi niya, nang-uto pa. Nang marating namin ang Hope Orphanage ay nakita ko kaagad ang nakangiting mukha ni Sister Lou. Pagkababa namin ng tricycle ay ibinukas niya kaagad ang mga bisig niya upang salubungin kami ni Xia ng yakap. "Mga anak..." Ibinaba ko sandali ang mga paperbag na naglalaman ng mga box ng cupcake. "Sistereret!" sigaw ni Xia. "Sister Lou, kamusta po?" Niyakap niya kami ni Xia ng mahigpit. Nang maghiwa-hiwalay kami ay hinalikan niya kami sa noo ni Xia. Napaka-sweet talaga ni Sister Lou. Siya ang nag-alaga sa amin ni Xia dito sa Hope noon. "Mabuti, halika kayo! hinihintay na kayo ng mga bata. Nasasabik sila, ang tagal ninyo kasi na hindi bumisita! narito na rin ang mga sponsors. Malapit na rin magsimula ang pagtatanghal ng mga bata, tama lang ang dating ninyo." Naglakad kami papasok. Napansin ko kaagad ang limang magagarang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa gilid. Lima? ang dami naman. Nang nakaraan ay dalawang sasakyan lang. Pumunta kami sa hall ng orphanage. May catering service, ibinaba ko sa gilid ang mga paperbag at isa-isa na kinuha ang mga box ng cupcake na ginawa ko. May bilog kasi na lamesa sa gilid, mabuti dahil doon ko balak ilagay ang mga cupcake na ginawa ko. "Ma'am, ako na po," sabi sa akin ng isang crew ng catering service. "Ay, nakakahiya po, ako na," nginitian ko ito. Pero tinulungan pa rin ako nito sa pag-aayos. Nang marinig ko ang announcement ng mc ay napatingin ako sa stage. Nakita ko na isa-isang umakyat ang mga bata. Nakasuot ang mga ito ng t-shirt na may tatak na Hope Orphanage. Napangiti ako, biglang naging emosyonal. Tandang-tanda ko pa noon na ganito rin ang aming ginagawa ni Xia. Sa tuwing bibisita ang mga sponsors ay nagpa-praktis kami ng kanta at sayaw upang magtanghal. "Love, sumasakit tiyan ko," sabi sa akin ni Xia. Nilingon ko siya at ang sama ng mukha niya. "Ha? nasi-cr ka?" "Oo, sandali lang, ha? balik ako agad pag nailabas ko na 'tong sama ng loob ng tewup ko." Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Umalis na siya at nagmamadaling tinungo ang labas ng hall. "Love, anak, sa harap ka maupo para mapanood mo ng malapitan ang mga bata, halika," sabi ni Sister Lou at kinuha niya ang kamay ko. Nahihiya ako sa totoo lang, tinanaw ko ang harapan. Ang mga nakaupo roon ay ang mga sponsors. Ang nasa likod naman ay ang mga staff ng orphanage. Medyo maraming tao ngayon kumpara noong huling punta namin. "Dito ka, 'nak, maupo," sabi sa akin ni Sister Lou. Nasa ikalawang linya ako. Malapit sa entablado. "Ate Love!" Napangiwi ako nang habang kumakanta ang mga bata ay tinawag ako ni Jin. Napatingin sa akin ang lahat ng mga bata. Naalarma ako nang kumaway silang lahat sa akin. Ang ginawa ko na lang ay kumaway ako pabalik, ngunit ang problema nahinto sila sa pagkanta. Bigla tuloy akong kinabahan dahil nasa harapan ang mga sponsors. "Ate Love! dito ka sa stage, dali! alam mo itong kanta, 'di ba?!" Tumingin ako kay Sister Lou. Ngumiti ako sa kaniya, iyong ngiting humihingi ng paumanhin. "Sabi ko sa 'yo, miss na miss ka ng mga bata." Napatingin ako sa mga sponsors na nakaupo sa harapan. Nakatingin na rin ang mga ito sa akin. Yumuko ako sa matandang Lozrealle nang magtama ang mga mata namin. Ngumiti ito sa akin at tumango na parang sinasabi niya na samahan ko ang mga bata. Si Gianna Torrealba Lozrealle. Siya ang pinakamalaki ang naibibigay sa aming Orphanage at isa siya sa nagpatayo ng bahay ampunan na ito. Malapit sa kaniya ang lahat ng mga bata, mabuti ang kalooban niya. Siya iyong mayaman na totoo ang malasakit sa kapwa. Nang mapadako ako sa tabi niya ay nakita ko ang isang lalake. Diretso lamang ang tingin nito at nakahalukipkip. "Akyat na, Love." Nang marinig ko ang sinabi ni sister ay kaagad akong tumalima. Umakyat ako sa stage at sinamahan ang mga bata sa pagkanta. "Ate Love!" sigaw ng mga ito at pinagitnaan ako. "Okay, simula sa umpisa, kakanta ulit tayo, ha?" sabi ko sa kanila. Sabay-sabay silang lahat na tumango at humarap sa mga sponsors. Nang tumingin din ako sa mga sponsors ay nakangiti ako habang kumakanta. Nang matapos ang kanta ay sabay-sabay kaming bumaba ng mga bata. "Oh, mag-iingat..." sabi ko sa kanila. "Lovender..." Nilingon ko ang tumawag sa aking pangalan. Pabalik na sana ako sa upuan ko sa likod nang marinig iyon. Nakita ko si Ma'am Gianna na nakangiti sa akin. Puti na ang lahat ng kaniyang buhok pero hindi nawawala ang magandang mukha. "Ma'am..." yumuko ako sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Kamusta ka na? ang laki mo na... ang bilis ng panahon," sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid, "Maayos po, Ma'am--" "Ma'am pa rin ang itinatawag mo sa akin kahit sinabi ko na sa iyo noon na lola na lang." Ngumiti akong muli. Kinuha ni Ma'am Gianna ang kamay ko at pinisil iyon. "Kung sana ay pumayag ka lang noon na ampunin kita ay baka hindi ka nahihiya sa pagtawag sa akin ngayon ng lola." Ito iyong naging dahilan ng unang beses namin na pagkakagalit ni Xia noon. Nalaman niya kasi na nais akong ampunin ni Ma'am Gianna. Sinabi ko na hindi ko tinanggap, hiningi rin kasi ni Sister Lou noon ang opinyon ko at kung hindi ko raw gusto ay ayos lang. Nagalit si Xia dahil pagkakataon ko na raw iyon para magkaroon ng pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

The Sex Web

read
130.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.3K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook