bc

Book 1: A Best Friend's Rule

book_age16+
202
FOLLOW
1.3K
READ
playboy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
highschool
coming of age
enimies to lovers
school
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Jessica Louisse Domingo, also known as Jessy, was caught in a lifetime chaotic everyday life since the moment that she met Karl Miko Jimenez and her brother formed a band named, The Plugged In. She was very sure that she hated him to death and the only thing that makes her get along with him is because he is her brother's best friend.

But one day, Jessy suddenly found herself being comforted with Miko after a major heartbreak in her life with her ex-boyfriend and the truth about her life. he was the only one that stick with her through all those times. And suddenly, she knew that she never really hated him in the first place.

She loved him . . . and hating him is the only thing that can hide her feelings.

But even though the feeling is mutual, Miko is bound to obey a promise--a rule--that he and the rest of the band members made years ago with Dexter--Jessy's brother.

A rule that will challenge how strong their friendship is.

A rule that says, never date your best friend's sister.

chap-preview
Free preview
Introduction
Nagising ako sa ingay ng mga kabarkada ng kuya ko. Dios mio naman! Ang laki na nitong bahay pero napupuno pa rin nila ng ingay! Nangingibabaw pa yung ingay ng buraot na best friend ni Kuya! Kaaga-aga, eh. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Kukuha pa kasi ako ng grades sa school namin. Sa pasukan, junior na ako at sila Kuya naman at mga kabarkada niya ay senior na. Haaay, salamat! Buti naman! Pagka-graduate nila, wala nang magbabantay sa lahat ng kilos ko. Ubod ng higpit kasi ni Kuya sa akin. Pagkaligo at pagkabihis ko ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita ko sa wall clock ng kwarto ko na 7:30 AM pa lang. Mabuti na yung maaga para konti pa lang ang tao sa pilahan. Pagbaba ko, nakita kong punung-puno ng lalaki sa living room! Okay, hindi naman sa punung-puno. Nandoon lang naman ang mga kabarkada na kabanda ni Kuya kasama yung best friend niyang buraot na nga, pangit pa! Walang iba kundi si Karl Miko Jimenez. “Hoy, Engot! Bilisan mo nga dyan! Kanina ka pa namin hinihintay. Napakabagal mo talagang kumilos!” bulyaw sa akin ni Buraot nang makita niya ako sa hagdan. Umirap ako sa kan’ya. “Tss! At sa tingin mo naman sasama ako sa kung saan kayo pupunta? Ha! Kaya kong mag-isa!” bulyaw ko sa kan’ya pabalik. “Nagsisimula na naman yung dalawang to,” naiiritang sabi ng isang kabanda nila na si Kuya Henry. “Paki mo?” sabay naming bulyaw ni Buraot kay Kuya Henry. Nagtawanan naman ang lahat sa inasta naming dalawa ni Buraot. Nakita ko ang busangot na mukha ng kuya kong bugnutin na si Dexter Angelo Domingo. Tss! “Tsk! Jess, ano ba naman yung suot mo?” sabi niya bago ipinalo nang mahina sa hita ko ang maliit na patpat na pampalo niya talaga sa akin. “Ouch!” “Hindi beach ang pupuntahan mo! Nakita mo namang puro lalaki dito tapos magsusuot ka ng gan’yan kaikling shorts! Umakyat ka nga at magpalit. Naaalibadbaran ako sa suot mo.,” sabi ni Kuya, saka ako pinalo ulit. “Aray! Mommy, oh!” “Dexter, masyado ka naman yatang mahigpit sa kapatid mo? Hayaan mo siyang magsuot niyan. Okay lang naman, ah? Gusto mo bang maging manang ‘yang kapatid mo?” sabi ni Mommy kay Kuya. “Mom, iniingatan ko lang yung nag-iisang prinsesa mo. Eh kung nandito si Kuya Trey at Dad, baka hindi makalabas nang hindi nakabalot ng kumot yan. Maluwag pa nga ako sa kan’ya, eh,” paliwanag ni Kuya. Wow, ha?! Anong maluwag pinagsasabi nito? Eh halos bigyan na nga niya ako ng bodyguard o lagyan ng tracking device para alam kung saan ako pumupunta at anong ginagawa ko, eh. Tss! Speaking of Kuya Trey Lawrence, nasa States yun kasama ni Dad. Nagtatrabaho para sa business naming na gawaan ng mga furnitures. Totoo naman yung sinabi ni Kuya Dexter na mas mahigpit yun kaysa sa kan’ya. Nung Christmas kasi, umuwi siya dito. Tapos sabi ko, pupuntahan ko lang yung kaibigan ko at bibigyan ko ng regalo. Pumayag naman siya pero pinagsuot niya ako ng t-shirt, pinag-pants tapos sumama pa siya sa akin. Driver na, instant bodyguard pa! Eh nagkataon na ang pinuntahan ko no’n ay ang kapatid ni Buraot na si Charisse. Tapos nakita ako ni Buraot na kasama si Kuya Trey kaya pinag-tatawanan niya ako! Kapag rin nandito yung mga kabanda ni Kuya Dexter, hindi ako pinalalabas ng kwarto. Kaya laking pasasalamat ko no’ng after New Year ay bumalik na sila ng States dahil may business pa sila. “Hay, nako Jessy. Sige na nga. Magpalit ka na. Hayaan mo na at nagmana yung dalawang Kuya mo sa Dad mo,” sabi ni Mommy. Umirap na lang ako sa lahat ng nasa living room bago umakyat ulit. Nakita ko pa na dumila si Buraot sa akin bago ko sila tinalikuran. Naghanap ako ng fitted pants at ipinalit yun sa maong shorts na suot ko bago ako bumaba at kumain na. Kasabay kong kumain si Mommy at Kuya. Siyempre pati ang matatapang na hiya na kabanda niyang sarap na sarap sa luto ni Manang Rosie. “Jess, wala ka bang ibang damit bukod d’yan sa suot mo?” Kunot-noong tanong ni Kuya sa akin. Seriously?!?! Anong problema sa hanging blouse na suot ko? Hindi naman ako makikitaan dito! “Aish! Kuya naman! Lahat na lang napansin mo!” bulyaw ko sa kan’ya. “Iniingatan ka lang.” “Iniingatan? Baka pinapakialaman? Tss.” Naiinis na talaga ako. Araw-araw na lang. Tss. Nakita ko yung mga kabanda ni Kuya na nakangisi at yung Buraot naman na yun ay nagpipigil ng tawa. Inirapan ko lang siya. “Haaay. Tumigil na nga kayong magkapatid. Dexter, hayaan mo na nga muna ang kapatid mo,” sabi ni Mommy. Pagkatapos naming kumain, sumakay na ako sa van sa tabi ng driver. Si Kuya magdi-drive eh. Day-off ni Mang Pablo ngayon. Marunong din naman siyang mag-drive. Pero hindi ako na-inform kanina na kasama ko pala sila na kukuha ng grades sa school. Anak ng putakte naman! Kailan ba ako patatahimikin ng mga pangit na ‘to? “Ayusin mo nga mukha mo. Naiirita ako sa simangot mo. Iniingatan lang naman kita, Jessica Louisse. Wag mo namang masamain ang ginagawa ko para sa ‘yo. Hindi naman ako kasing higpit ni Kuya Trey kaya wag ka nang magalit sa akin.” Paliwanag niya habang nagdi-drive. Napa-irap na lang ako sa kawalan. ** Sa kalagitnaan ng byahe, kumanta ang apat na lalaki na kabanda ni Kuya. Nagpatugtog kasi si Kuya Ian kaya sinabayan nila. Seriously? Paano sila naging banda kung ganyan kapangit ang boses nila?! At talagang bumirit si Kuya Red, ah?! Napabuntonghininga na lang ako at kinuha ang earphone ko sa bag. Isinaksak ko yon sa IPhone ko at ipinasak sa tainga tsaka nagpatugtog. Blank Space by Taylor Swift pa ang tugtog kaya napakanta ako. Napapa-headbang pa ako nang bahagya habang kinakanta ang bawat lyrics ng kanta. Masyado naman talaga akong nag-e-enjoy sa kanta ni Taylor Swift at hindi napansin na napapalakas na pala ang pagkanta ko. Ang ganda ng kanta! Itinuloy-tuloy ko ang pagkanta na parang ako lang ang tao sa mundo. Na-feel ko masyado yung kanta kaya ginawa kong mic yung iPhone ko at pumikit saka kumanta nang kumanta. Napatigil ako sa pagkanta nang pagdilat ko ay nakita kong hindi na kami umaandar. Nakita ko si Kuya na nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at tumingin sa likod. Lahat sila ay nagpipigil ng tawa. Nakatakip ang bibig nila tapos bumaba na ng sasakyan. Narinig ko si Kuya na tawa nang tawa pagkababa niya sa van. Nakipag-apir pa sa kan’ya si Buraot at nakita kong tawa sila nang tawa sa akin! Naramdaman kong namula ako sa inis at napatili na lang nang malakas sa loob ng sasakyan. Mga bwisit talaga ‘yong mga ‘yon sa buhay ko!!! ** Nasa pilahan na ako sa kuhanan ng grades at kasama ko ang best friend kong kapatid ni Buraot na si Charisse. “Pareho talaga kayo ng Kuya mo. Bugnutin,” komento ni Charisse sa akin habang kumakain ng Mr. Chips. Ako naman, kinuha ko ang Mr. Chips niya at ako ang kumain noon. “Nakakainis kasi yung kapatid mong buraot. Argh! Nakakainis talaga! Buset!” “Alam mo, ewan ko sa inyo ng kapatid ko, ah? Palagi na lang kayong nag-aaway.” Umirap ako. “Paepal kasi. Tapos si Kuya, sinita pa yung damit ko. Pinalo na naman ako sa hita kasi maikli daw yung suot ko. Pareho sila ng Kuya mong paepal. Bagay nga silang mag-best friend! Nakakainis dahil ang higpit ng mga tao sa bahay. Ikaw ba, hindi ka pinaghihigpitan ni Buraot?” sunud-sunod na reklamo ko. Kumunot ang noo niya. “Ha? Hindi ah. Cool kami ng Kuya ko. Wala namang pakialam yun sa ginagawa ko, eh,” paliwanag niya. Magsasalita na sana ulit ako nang magulat ako dahil may kumuha ng Mr. Chips sa kamay ko. “Akin na ‘to, ah? Salamat, Engot!” sabi ni Buraot tapos naglakad na kasunod yung mga kabanda niya. “Buraot ka talaga! Akin na nga yan!” malakas na sabi ko pero hindi niya ibinigay. Itinaas niya pa kaya di ko na siya maabot dahil ang tangkad niya! “Kuya, oh. Ayaw ibigay!” sumbong ko. “Hindi naman iyo ‘to eh. Sa kapatid ko to. Kinuha mo lang. Nakita ko kaya! Engot ka talaga.” sabi niya bago itinaktak ang Mr. Chips sa bibig niya. “Tsk. Jess, dalaga ka na, tumigil ka na nga. Tss.” Epal talaga ‘tong kapatid ko! Kainis! May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sa akin. “Oh ayan. 200 pesos. Bumili ka ng apat na malaking Mr. Chips. Kung gusto mo, sa ‘yo lang. May sukli pa yan. 1Wag kang naglalapit sa mga ‘to, ah?” sabi pa ni Kuya saka umalis. “Epal talaga kayong Plugged In band! Epal! Epal!” Sigaw ko sa kanila habang naglalakad sila palayo sa amin ni Charisse. Lumingon naman sa akin si Buraot at saka dumila. Pinakyuhan ko nga! Sana hindi ako isumbong kay Kuya. Bumalik na ako sa pilahan namin. Siyempre bumalik ako sa dating pwesto ko. Inasar na naman kasi ako ng banda na yun kaya umalis ako sa pila. Inilagay ko sa bag ko yung pera na ibinigay sa akin ni Kuya. “Wala na ba talaga kayong pag-asa ng kapatid ko na magkasundo?” Umirap na lang ako sa kawalan bilang tugon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
94.6K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
231.7K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook