bc

KIM JASON (The One Who Won My Heart)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
13.9K
READ
age gap
fated
opposites attract
confident
comedy
sweet
bxg
lighthearted
witty
sassy
like
intro-logo
Blurb

Sa Hotel Trevino nag-ojt si Celestine noong fourth year college siya. On her first day, bago sila magsimula ay ipinatawag muna sila ng HR Manager na si Kim Jason Morales para sa isang briefing. Unang kita niya pa lang dito ay nagka-crush agad siya rito.

Pero sa halip na makinig at mag-concentrate sa mga sinasabi ng poging HR Manager ay ayon siya at nangangarap ng gising.

He caught her at agad na sinita siya. Nagalit ito sa kanya.

Lumipas ang isang taon.

Nagkaroon ng hiring at hindi siya nagdalawang-isip na mag-apply. Na-excite siyang muling makita ito at lalo pa nang malaman niyang ito ang mag-iinterview.

Laking tuwa niya ng sa muli nilang paghaharap ay naalala siya nito --- hindi dahil sa magandang performance niya kundi sa kanyang mga kapalpakan no'ng nag-ojt siya.

Nge! Paktay na!

Mukhang hindi yata ito madaling makalimot. Paano na? May pag-asa ba siyang maging malapit sa tinatangi ng kanyang puso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CELESTINE Kakagaling ko lang ng registrar office para mag-enroll ng natitirang subject ko. Nag-iisa na lamang iyong subject at 'yon ay ang aking OJT o On-The Job Training. Isa iyon sa mga requirements para maka-graduate ako sa kurso kong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Kasalukuyan na akong nasa fourth year college at ilang buwan na lang din ay sa wakas ga-graduate na rin ako. Konting-konting pagtitiis na lang talaga at matatapos na rin ang paghihirap ko. Sa kilala at sikat na Hotel Trevino kasi ako mag-o-ojt. Isa iyong city hotel at five star rate. Isa rin iyon sa mga premiere at kilalang hotel sa Pilipinas. Mga bigatin at mga kilalang mga tao ang naka-check in doon. Kaya medyo kabado ako. Ibig sabihin ay hindi lang basta-basta ang mga guest na naroon. Maging ang mga procedure na sinusunod ay kailangang standard o higit pa. Medyo nalulungkot lang ako dahil mag-isa lang ako na mag-o-ojt doon. Hindi ko makakasama ang mga classmate ko sapagkat sa ibang establishment sila. Okay sana at magiging panatag ang loob ko kung may makakasama man lang ako sa kanila kahit ni isa kaso wala at hindi pwede. Saklap! Pinaki-usapan lang kasi ng Tito Arman ko na kung pwede ay doon ako mag-ojt. Sa Hotel Trevino kasi ito nagtatrabaho bilang maintenance. Kaya no choice ako. Pumayag na lang din ako. Iniisip ko na lang na advantage naman iyon sa akin sapagkat pandagdag credentials na rin iyon pag nag-apply ako ng trabaho dahil sa kilalang hotel ako nag-ojt. Magandang establishment ang naging training ground ko. At isa pa ay magkikita rin naman kami ng mga kaklase ko after two months kapag natapos namin ang kanya-kanya naming ojt. Six hundred hours lang naman ang bubunuin namin para matapos kaya yakang-yaka na 'yon. "Oh? Ba't ganyan 'yang mukha mo?" tanong ko sa kaklase at isa sa mga bestfriend ko na si Alexa. Umupo ito sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa hilera ng mga bench na paborito naming tinatambayan sa may university grounds. Apat kaming nandoon. "Eh, paano dapat tapos na sanang i-print ang mga forms na kailangan ko kung 'di lang sana nasira ang printer. Buwesit talaga!" pangigigil nito. "Ano ka ba? Relax lang, Girl. 'Wag mainit ang ulo. Remember the poise," singit naman ng isa pa naming kaklase at bestfriend na si Devon. "Oo nga, Girl. Maayos rin iyon mamaya," sabad rin ng isa pa na si Banina na kanina pang nakatingin sa salamin at nagki-kilay. Hindi man lang ito nawala sa focus sa ginagawa nito. Napabuntong-hininga si Alexa. "Hay! Sana nga lang nang matapos na 'tong problema ko," nasabi na lang nito. "Oo nga pala, Tin kailan ka magsa-start do'n sa Hotel Trevino?" pag-iiba nito. "Ah, 'yon ba? This monday na," medyo wala kong ganang sagot. "Ba't ang bilis naman?" Si Devon. "Ewan ko. Basta pinapa-report na ako sa lunes. Si Tito Arman kasi ang nag-aasikaso ng application ko do'n kaya gano'n," sabi ko. "Hay! Nakaka-inggit ka naman. Mabilis ka na niyang matatapos." Si Alexa ulit. "At sure ako marami ka pang artista na makikita do'n. Ikumusta mo na lang ako kay Baby James kapag nagkita kayo." Si Banina na tumigil na sa ginagawa. Mukhang na-perfect na nito ang kilay niya. Na ang tinutukoy na Baby James ay ang aktor na si James Reid. Fan na fan kasi siya nito. "Sira! Para namang close kami no'n," sabi ko saka tumawa. "Malay mo naman. Hindi pa natin masasabi. Saka pagnakita lang kayo or makita mo siya. Ah, basta atleast alam mo na," anito na parang kinikilig. "Mas okay sana kung kasama ko kayo pero 'di talaga pwede." Sabay nanulis ang nguso ko. Hindi ko lang kasi mapigilan ang makadama ng lungkot. "Okay lang 'yan, Girl. Magkikita pa naman tayo bago mag-graduation, eh. Pm-pm na lang o 'di kaya video call para makita pa rin natin ang isat-isa." Si Devon. "Ano pa nga ba? Goodluck na lang sa atin." At nag-group hug na kaming apat. Ito na kasi ang huli naming pagsasama na buo kaming apat bago magsimula ang ojt ko sa Hotel Trevino. Kaya sa halip na maging malungkot kami sa nalalapit naming paghihiwalay ay sinulit na lang namin ang ang buong maghapon sa paglalakwatsa. Pumunta kami ng mall pagkatapos ay kumain na rin. Parang ayaw pa nga naming maghiwalay kaya halos gabi na kami umuwi lahat. Mabilis na lumipas ang mga araw. Magsisimula na ang araw ng ojt ko. Medyo excited at kinakabahan ang pakiramdam ko. Ngayon ko na kasi mai-a-apply ang lahat ng mga natutunan at nalalaman ko sa mga task na pwede akong mai-assign sa ibat-ibang areas at department ng hotel. Though hindi naman ito ang kauna-unahan kong ojt. I already had my first ojt no'ng first year college ako. Pero hindi naman gano'n ka-komplikado katulad nito. Dito na kasi masusubok ang kakayahan ko. Nakasalalay din dito ang kapalaran ko. Gano'n din kung makaka-graduate ako o hindi. So, I need to do my best. My one hundred and one percent best. "Gawin mo ang lahat nang i-uutos nila. Palagi kang makikinig. Sundin mo ang mga sinasabi nila. Pahabain ang pasensya. Focus lang palagi sa ginagawa at ang importante sa lahat ay ngiti lang. Alam kong kaya mo 'yan," paalala pa sa akin ni Tito Arman. Kasalukuyan na kaming nasa employees entrance. Maya-maya ay papasok na kasi ito para mag-time in. "Opo, Tito. Tatandaan ko po lahat 'yang sinabi mo. Don't worry po gagawin ko lahat ng makakaya ko. At titiyakin kong 'di kayo mapapahiya na pinasok niyo ako rito para mag-ojt. Promise po 'yan. Aja!" masigla kong sabi saka ngumiti. "Aasahan ko 'yan, ha?" anito na nakangiti d rin. "Sige duty muna ako. Alam mo na, ha?" Tumango ako. "Tara na," aya ni Tito Arman sa akin. Sabay na kaming pumasok sa loob. Nag-time in muna ito saka ako inihatid ni Tito sa holding room kung saan ako maghihintay. Finally this is it. This is really is it. Pumasok na ako sa loob ng holding room. Nagulat pa ako ng may madatnan akong ilang mga estudyante na naka-upo at naghihintay din doon. Mukhang ito yata ang mga sinasabi ni Tito Arman na mga makakasabay ko sa ojt na galing sa ibang eskwelahan. Confident akong lumapit sa mga ito at ipinaskil ko ang napaka-ganda kong ngiti. "Hi!" bati ko sa mga ito ng makalapit ako. Anim ang mga itong nandoon. Tatlong babae at tatlong lalaki. At base sa mga itsura ng mga ito ay masasabi kong mukhang mababait naman ang mga ito. Ngumiti din kasi ang mga ito sa akin. "Hello," bati ng isa sa tatlong babae na medyo chubby. Halatang mukhang masayahin ito. Nakapaskil din ang magandang ngiti nito sa labi. "Ojt ka rin?" tanong pa nito sa akin. Nakangiting tumango ako. Feeling ko makakasundo ko siya. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. "Upo ka," alok niya pa sa akin. "Ako pala si Tonet," pakilala niya sa sarili saka umisod ito para makaupo ako. Maingat akong umupo sa tabi niya. "Celestine but you can call me Tin for short," pakilala ko naman sa sarili ko. "Nice meeting you, Tin," anito saka ipinakilala rin nito ang mga kasama sa akin na sina Cheng, Louvel, Zaira, Donna at Patrice. Nakangiting bumati ang mga ito sa akin pero may nahalata agad ako. Halatang peke at napipilitan lang ang ngiti nina Cheng at Louvel na pinakita sa akin. Mukhang 'di yata sila masayang makilala ako. Ayoko sanang pansinin pa iyon at gawing big deal pa pero since makakasama ko sila ay gusto ko sanang maging okay at komportable kami sa isat-isa. 'Yong tipong kasundo ko ang lahat since pareho naman kaming mga ojt. Gusto ko rin kasing maging kaibigan ang mga ito. Ngunit mali yata ang first impression ko sa dalawang babae. Hindi yata nila ako bet na maging friend. Pero sa halip na intindihin pa iyon ay binalewala ko na lamang iyon. Mahaba pa ang pagsasamahan namin. First day pa lang naman baka sakaling maging close ko rin sila kapag matagal na kaming magkakasama. Pero kung ayaw nila akong makasama, eh, 'di 'wag. Okay lang naman sa akin. Hindi naman iyon problema. 'Wag lang siguro na sila ang maka-grupo ko if ever man magkaroon ng groupings. Ilang sandali pa ay nagsidatingan pa ang iba. Hanggang sa umabot na kami sa labing dalawa. Nakadama ako ng konting inggit sa mga ito ng malaman kong magkakakilala at magka-kaklase ang ilan sa mga ito. Tanging ako lang ang walang kakilala roon. Solo mode ang lola niyo. Para tuloy akong naligaw lang doon at naging saling-pusa sa mga ito. Halatang masayang-masaya ang mga ito. Panay pa ang kwentuhan at tawanan nila. Feeling ko ay na-out of place tuloy ako. Kung sana may kasama rin akong kaklase ko sigurado hindi ako makadarama ng ganito. "Okay ka lang?" pansin sa akin ni Tonet. "Oo, naman," pagsisinungaling ko at pinasigla ang boses. "Bakit?" "Bigla ka kasing tumahimik at naging seryoso diyan. Mukhang malalim yata ang iniisip mo," aniya. "Naku, wala. May naalala lang ako. Okay lang talaga ako. 'Wag mo ako alalahanin," pagsisinungaling ko pa rin saka ngumiti. "Tara!" aya ni Tonet sa akin sabay hila. "Ipapakilala kita sa kanila," dugtong pa niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ipinakilala nga niya ako sa mga bago pang mga dumating. Agad kong nakagaanan ng loob ang mga ito. Ibang-iba do'n nang mag-ngitian kami nina Cheng at Louvel. Walang bahid na kaplastikan at genuine ang mga ngiti nito. Nakipag-kwentuhan at nakipagtawanan na ako sa mga ito. Mabilis ko silang nakasundo. Laking pasalamat ko kay Tonet kung hindi dahil dito ay baka kanina pa akong nakatunganga doon sa isang tabi at may sariling mundo na parang tanga. Umabot pa sa labing lima kaming lahat. Kanya-kanya nang kumpulan at tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Tumigil lamang kami ng may biglang dumating na isang unipormadong babae at agad kaming tinipon. "Are you all here?" tanong nito. Alanganin kaming sumagot ng yes at ang ilan naman ay tumango lamang. Hindi kami sigurado kung kumpleto na ba kami. Wala naman nang dumating pang iba. "Get ready in a few minutes we will start our orientation," anito at saka tumalikod para lumabas muli. After ng five minutes ay bumalik ito. Nagpakilala itong si Ma'am Michelle at ito ang tumatayong HR Training Coordinator. Ito ang magtuturo, mag-e-explain at mag-o-orient sa amin tungkol sa hotel. Kasama na ang mga policies, standard procedures, rules and regulations, dont's and do's pati na rin ang groomings sa loob ng tatlong araw. Kailangan daw naming malaman at matutunan iyon lahat habang dumu-duty kami sa hotel. Hindi kasi basta-bastang hotel lang ang Hotel Trevino. Medyo strikto rin daw ang mga boss pagdating sa mga empleyado. Ayaw daw ng mga ito ng mga kapalpakan. Gusto ng mga ito ng maayos na trabaho. Saka pa may image na iniingatan at pinapangalagaan ang hotel kaya hangga't maaari ay excellent service ang mai-provide nila sa mga guest nilang naka-check in doon. Only excellent at great experience para sa lahat ng guest nila. Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Marami akong natutunan dahil do'n sa orientation. Maraming kailangan kabisaduhin at tatandaan pero ayos lang naman sa akin. Sisiw lang sa akin ang lahat ng 'yon. Mabilis naman akong magkabisa. Matalas din ang memorya ko. Dahil do'n ay napilitan na rin akong mag-ayos ng sarili ko. Kailangan kasing always presentable kami dahil may mga pagkakataong haharap kami sa guest. Dapat maganda at pogi kami sa paningin ng mga ito. Sa huling araw ng training namin ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-tour sa buong hotel. Ipinasyal kami sa ibat-ibang department na pwedeng naming pagdutyhan at ma-assign. Una kaming dinala sa lobby kung saan naroon ang lounge para sa mga naghihintay na mga guest. At kung saan pumapasok ang mga ito.Nalula ako sa laki no'n. First time kong makapasok sa gano'n ka-sikat at ka-sosyal na hotel. Iba talaga ang feeling at ambience. Ramdam na ramdam ang pagiging VIP. Gano'n din ang reaksyon ng mga kasamahan ko. Amaze na amaze din at nalulula ang mga ito. Umikot pa ang mga mata ko habang nakasunod sa coordinator na nagto-tour sa amin. Maging mga nakasabit na chandelier ay hindi ko pinalampas. Halatang mamahalin talaga ang mga iyon. Napansin ko rin ang ilang naka-uniform na mga empleyado ng hotel na paroon at parito at may kanya-kanyang ina-assist na mga guest. At siyempre ang front desk na nasa harap kung saan naroon ang mga receptionist ng front office department. Grabe ang gaganda nila. Ang po-pogi rin ng mga lalaki na naroon sa front desk. Para silang mga manika sa kanilang uniform. Nainggit ako bigla sa mga ito. Para tuloy nakaka-inspired ding magtrabaho doon. So, kailangan ko talagang pagbutihan at ayusin ang performance ko. After doon ay sumunod naman kaming inikot sa housekeeping department. Ipinakita sa amin ang mga iba't-ibang klase ng kwarto mula economy rooms hanggang sa presidential suite kung saan mga kilala at mayayamang tao lang ang umuukopa no'n. Ang gagara talaga at parang ang sarap mahiga roon kaso hindi naman basta-basta ang halaga ng per night doon. Sobrang mahal at hindi talaga afford.Kaya hanggang pangarap na lamang ako. Matapos makita ang mga rooms ay tinungo naman namin ang kitchen kung saan naman nagaganap ang mga pagluluto at preparation ng mga pagkain na isene-serve ng hotel. Hindi na kami pinapasok doon sapagkat hindi kami naka-apron at hairnet. Iniiwasan lang din nila ang magkaroon ng food contamination. After no'n ay nagpunta pa kami ng conceirge, laundry tapos sa tatlong restaurant ng hotel na may ibat-ibang cuisine na ino-offer, pati sa bar at cafe, souvenir shop, gano'n din sa spa at gym. Maging sa skydeck kung saan tanaw na tanaw ang buong Manila Bay. Magandang manood doon kapag sunset. At ang pinakahuli ay ang basement. Itinuro rin sa amin kung saan kami dadaan at lalabas para hindi kami pakalat-kalat kung sakaling maligaw kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.5K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.4K
bc

Sexytary |SPG|

read
537.0K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.2K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook