bc

BEST FRIEND WITH BENEFITS

book_age18+
5.1K
FOLLOW
32.4K
READ
love-triangle
friends to lovers
pregnant
powerful
popstar
drama
bxg
office/work place
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Si Nicole Montenegro ay meron siyang lihim na pagtingin sa kanyang best friend na si Nick Monteverde. Si Nick ay isang sikat na artista at ang girlfriend nito na si Katrina Suarez. Magkasama si Nicole at Nick sa bahay madalas magkatabi silang natutulog, hindi alam ni Nick na mayroong lihim na pagtingin sa kaniya si Nicole. Isang gabi habang natutulog si Nicole ay biglang pumasok sa kaniyang kuwarto si Nick lasing na lasing ito at tumabi sa kaniyang Pagtulog. Nagising sila na pareho’ng hubo't hubad, pero walang maalala si Nick na nagtatalik silang dalawa, at ang masakit ay nagbunga ang kanilang pagtatalik nang gabing 'yon. Dahil isang sikat na artista si Nick ay ayaw niyang malaman nito na buntis siya, ayaw niyang masira ang career nito. Mas pinili niya na lang ang lumayo, lumipas ang dalawang taon nagtagpo ang  landas nilang dalawa magkasama si Nicole at ang anak nila ni Nick sa isang mall. Kaya bang sabihin ni Nicole, ang katotohanan na si Nick ang ama ng kaniyang anak? samahan ninyo akong alamin kung paano nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Pagkatapos ng pictorial ni Nick ay nagmadali na akong magligpit ng kanyang mga gamit at naaasar na ako sa lalaking ito dahil hinahayaan niya lang akong mag-isang abala sa pagligpit. Nilapitan ko siya at inutusan na kung puwede lang ay tulungan niya ako. Pero dedma niya lang kahit nakikita niyang nahihirapan na ako. “Nick, ang mga gamit mo, pakikuha mo naman. Marami na akong dala,” utos ko sa kanya pero wala pa rin siyang pakialam. Busy siya sa kanyang cellphone at hindi man lang niya ako inisip, mas inuuna pa niya ang kanyang girlfriend. Kung hindi ko lang mahal ang lalaking ito ay matagal ko na itong iniwan at sumunod na sa mga parents ko sa America. Kung hindi lang matigas ang ulo ko ay hindi ko sana nararanasan ang mga ganitong paghihirap ko. Ay naku, ang pag-ibig nga naman mahirap pakisamahan. “Nicole, ikaw na, please. Tumawag si Katrina, nagpapasundo siya sa akin,” saad ni Nick at nagmadali na itong umalis. Mag-isa na naman akong uuwi ng bahay. “Ano, hindi ka pa uuwi? Kakatapos lang ng practice ninyo, magpahinga ka muna saka na ‘yang si Katrina,” saad ko habang nakanguso. “Nicole, hindi ka pa nasanay sa akin. Hindi ako marunong mapagod, tsaka kailangan ako ng girlfriend ko,” seryosong turan ni Nick sa akin at hindi niya rin naisip na kailangan ko rin siya. “Oo. Sige na, umalis ka na! Baka kung ano-ano na naman ang ipapakain sa ‘yo ni Katrina, ha! Masisira ang diet mo!” singhal ko sa kanya. Masakit na naman ang dibdib ko dahil pupuntahan na naman niya ang babaeng nagbibigay sa kanya ng aliw at saya. Sino ba naman ako para bigyan niya ng halaga? Best friend niya lang naman ako. Ang sakit lang kasi nasa harapan niya na ako pero naghanap pa siya ng iba. Pinisil ni Nick ang aking mukha at hinalikan niya ako sa noo sabay umalis na siya agad. Habit na niya iyan sa tuwing may lakad siya or dumating siya sa bahay, mayroon akong kiss galing sa kanya. Ang hindi niya lang alam ay gustong-gusto ko ang halik na iyon at sana mas higit pa diyan ang gagawin niya sa akin, kahit buong katawan ko pa ang halikan niya. Hindi ako magrereklamo. Ako na mismo ang maghuhubad ng panty ko. Katulad nang ginawa nilang dalawa ni Katrina. Isang sikat na dancer si Nick at sikat na artista, ako ang kanyang personal assistant. Mula pa noong nasa high school palang kami ay matalik na kaming magkaibigan, at magkasama sa lahat ng kalokohan. Nasa ibang bansa ang aking mga magulang, pero mas pinili kong manatili sa Pilipinas dahil ayaw kong iwanan ang lalaking aking pinakamamahal at sa kanya lang umiikot ang aking mundo. Araw-araw din akong nasasaktan lalo na sa tuwing magkasama silang dalawa ni Katrina. Nagseselos ako at palihim akong umiiyak. Ulila na sa parents si Nick at mag-isa na lang siya sa buhay kaya mas pinili kong alagaan siya habambuhay. Umuwi na ako sa bahay at mag-isa na naman akong kumain, kasi nasa condo siya ngayon ni Katrina. At alam kong pati ang tahong ni Katrina ay kinakain niya na ngayon. Hindi pa rin umuuwi si Nick. Hinihintay ko pa rin siya dahil ayaw kong matulog na wala pa siya sa bahay. Gusto kong safe siya bago ako magpahinga. Nanonood lang ako ng TV sa sala habang hinihintay ko ang pag-uwi niya. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising ako at wala pa rin si Nick, kaya pumasok na ako sa aking kuwarto upang matulog nang may marinig akong dumating na sasakyan at alam kong si Nick na iyon pero hindi na ako lumabas mas pinilit ko na lang matulog. Nagtataka ako dahil pumasok si Nick sa aking kuwarto at tumabi siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. Pumikit ako at nagkunwaring tulog. “Nicole, I’m sorry. Late na naman ako, nag-inarte kasi si Katrina kaya hindi ako nakauwi agad. Hindi mo naman ako nakasabay mag-dinner, hinayaan na naman kitang mag-isa. Tumulo ang aking mga luha pero pinigilan kong humikbi dahil ayaw kong malaman niya ang totoo na nasasaktan ako, dahil ayaw kong masira ang halos sampung taon naming pagkakaibigan. Niyakap niya ako at kinuha niya ang aking kumot at tumabi siya sa akin. Inangat niya ang aking ulo at pinahiga niya ako sa kanyang braso. Mas nagulat pa ako nang niyakap niya ako nang mahigpit, hanggang sa narinig ko ang kanyang mga hilik. Ibinuka ko ang aking mga mata at tinititigan ko ang maamo niyang mukha. Ang guwapo niya, ang sarap niyang halikan. Ano kaya ang lasa ng kanyang dila. Pinagnanasaan ko na ang aking best friend. Nakaramdam na rin ako ng antok kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil alam ko naman na hindi ako gugustuhin ni Nick, si Katrina lang talaga ang gusto niya. Nagising ako na nakaunan pa rin sa kanyang mga braso. Nagkadikit ang aming mga mukha at naamoy ko ang mabango niyang hininga. Pinagmasdan ko ang kanyang makinis na mukha, hinawakan ko ang kanyang mga labi at nagtaka ako dahil mas hinigpitan pa niya ang pagyakap niya sa akin. At naramdaman ko na may matigas na bagay ang tumusok sa aking tagiliran. Nag-iinit ang aking katawan at ilang ulit akong napalunok ng aking laway. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog pa. Naramdaman ko na hinalikan niya ang aking noo at bumulong siya sa akin. “I’m sorry, Nicole.” Pagkatapos ng salitang binigkas niya ay biglang umiinit ang aking mga mata at tumulo ang aking mga luha nang hindi ko sinasadya. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay. Binuksan ko ang aking mga mata at kitang-kita ko ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Walang salita na lumabas sa aking bibig dahil nasasaktan ako. Masikip ang aking dibdib at patuloy sa pagtulo ang aking mga luha kaya niyakap ako ni Nick nang sobrang higpit sabay halik sa aking noo. “Nicole, I’m sorry. Salamat dahil hindi mo ako iniwan. Patawarin mo ako kung wala akong oras sa ‘yo. Gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita at ikaw na lang ang pamilya ko. Pero hindi ko puwedeng balewalain si Katrina. Mahal na mahal ko siya kaya sana naiintindihan mo ako kung palagi kitang iniiwan mag-isa.” Paliwanag ni Nick sa akin. Tumango lang ako at walang salita na lumabas sa aking bibig. Tumayo si Nick at lumabas sa aking kuwarto. Agad naman akong bumangon at pumasok ako sa shower para maligo. Pinaandar ko ang shower at ni-lock ko ang pinto. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa nawala ang sakit sa aking dibdib. Sana maubos na ang aking mga luha para bukas at sa susunod na mga araw, ay wala na akong mailuluha pa, kasi sobrang masakit na. At halos isang oras na akong nagbababad sa shower. Paglabas ko ay nagbihis ako agad at lumabas na sa aking kuwarto para magluto ng breakfast namin ni Nick. Pero paglabas ko ay wala na si Nick at may nakadikit na papel sa fridge at may nakasulat, “I’m sorry, best. Urgent. May lakad kami ng tropa, hindi na kita isasama para makapagpahinga ka. Don’t forget to eat your breakfast, bye.” Nawalan na ako ng gana magluto kasi ako lang naman ang kakain mag-isa. Nagbihis ako at gumawa ako ng resume kailangan kong magtrabaho para hindi ako nagmumukmok dito sa bahay kapag wala si Nick.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook