bc

Hiraya

book_age12+
99
FOLLOW
1K
READ
lighthearted
city
childhood crush
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Hiraya, halos lahat ng tao may nais sa buhay. Hindi kompleto ang buhay kung wala kang ninanais na maabot at marating, sino nga naman ba ang taong walang mangarap?

Winona Bless Cayabyab, kilala siya sa tingkad nang kanyang mga ngiti at sa natatanging kislap nang kan’yang mga mata ngunit sa isang iglap ito ay napalitan ng pait at hagupit ng tadhana, sinong mag-aakala na ang batang katulad ni Bless ay dadaan sa butas ng karayom sa kan’yang murang edad.

May mga taong nais ng magpatalo sa problema ng buhay, may nais wakasan ang kanilang buhay, mga taong tinapon na lamang sa hangin ang kanilang pag-asa upang magpatuloy sa buhay ngunit ibahin natin si Bless bagaman alam na niyang hindi na magtatagal ang kan’yang hiram na buhay ay nagpatuloy siyang lumalaban at walang humpay na umasang makakaya niya pang tumagal sa mundong ibabaw.

Masasalba kaya ng pag-ibig si Bless? Makakaya kaya ng pag-ibig na magawa ang lahat ng mga sana ni Bless bago mahuli ang lahat? Hanggang saan aabot ang pag-ibig na sumiklab mula pa pala pagkabata.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKATINGALA sa kagandahan ng asul na kalangitan. May iba’t ibang hugis pa ng ulap na mas lalong nagpaganda sa paligid and the sunray is touching people’s skin which gives them natural warmth and Vitamin D, mga bagay na minsan kong naranasan pero ikakamatay ko na sa pagkakataong maulit pa. Pati ang saktong-saktong lamig at ragasa ng hangin sa dalampasigan ay lalo pang dumagdag sa kagandahan ng araw sa labas. People are going back and forth, satisfying their selves with different foods and juices. Sino ba naman ang hindi gagawin ang lahat makontento lamang ang anghang ng kani-kanilang sarili? Sabi nga nila, you only live once, one chance and one try. Sa kabilang kalye naman ay may isang maliit na radio station na nagpi-play ng napakapunong-puno ng pagmamahal na spoken poetry, nakaka-inspire lalo na sa mga magkasintahang naglalakad at ini-enjoy ang araw sa labas. “Grr! Nakaka-inggit kayo! Sana lahat katulad niyong malayang nagagawa ang lahat ng gustuhi niyo,” ani ko habang hawak-hawak ang notebook na sinusulatan ko habang ako’y nakakulong sa apat na sulok ng kuwartong ito. Story Ends by HailToThee I like you since the day we meet Where I came through my feet Starting that day, I make a move I tease you throughout the day. Isipin mo kung gaano kalaki ang mundo, kung gaano karami ang mga taong namamas’yal at naglalakad lang sa paligid sa mga oras na ito. Kung gaano karami ang mga taong kumakain ngayon at nagpakakabusog sa mga masasarap na pagkaing ninanais nilang kainin, mga taong patambay-tambay lamang habang nanonood ng telebis’yon o ‘di naman kaya ay nakikinig sa kanilang mga natitipuhang kanta. Ang laki nga talaga ng mundo. Sa mahigit kumulang 7.8 bilyong katao sa mundo, lahat tayo ay umaasa, hindi — alam nating may isa, kahit isa lang na nakatadhana para sa atin, ‘yong taong tama na para makasama sa panghabambuhay, ‘yong taong itinadhana para lang talaga sa tin. Kaya habang may pag-asa, aasa ako, aasa akong darating siya. Hindi man ngayon pero alam ko, darating din siya sa tamang oras na nilaan para sa aming dalawa. ‘Yong feeling na naglalakad ka patungong altar at nakikita mo sa malayuan ang taong naghihintay sa 'yo sa hulihan, ang lalaking nakangiti habang umiiyak kasi sa wakas, magiging may bahay ka na niya. The person we will be with in ups and down, a person whom we can trust, a person who’s ready to sacrifice for us and vice versa. Ang taong makakasama natin hanggang sa huling hininga ng ating buhay. Imagine those series of possibilities that may happen in our life, lalo na kapag natutunan nating maghintay, natutunan nating hayaang dumating ang ‘the one’ ng ating mga buhay. On the first page, it was so perfect Beyond everything and what I expected, My future seems too bright Like it’s full of you and light. Ako nga pala Winona Bless Cayabyab, Bless for short, sabi nila extrovert daw ako, pero dati ‘yon n’ong nagagawa ko pa lahat ng gusto ko. Sa mura kong edad ang dami ng bawal kasi pinagbabawal, lahat kailangang dapat in moderation, dapat ganito, dapat gan’yan. Kaya gano’n na lang ang kagustuhan kong maibalik ang dati kong buhay kahit alam kong impossible, hindi na pwede. Ilang taon na rin ang lumipas na halos hinayaan kong kontrolin lang ang buhay ko at ang notebook na hawak-hawak ko ngayon ang magiging huli kong hiling, sana mapagbigyang gawin. Mga bagay na sana nagawa ko na dati, mga bagay na impossible pero nais kong maranasan. Halos dalawang taon na rin na hinayaan kong makulong ako ng sarili kong comfort zone, na ang buhay ko hanggang dito lang sa k’warto kong halos araw–araw nililinis, ang k’warto kong kulang na lang gawing hospital room. Nagpatuloy akong nakadungaw sa aking bintana habang tinitignan-tignan ang mga taong malayang namamasyal sa dalampasigan, mga turistang enjoy na enjoy sa ganda ng palagid lalo na ng puting buhangin sa Boracay. Nakaka-miss ang makalabas kahit na anong oras mo gustuhin. Siguro kahit sino hindi gugustuhing mapunta sa sitwas’yon ko ngayon, kahit nga ako hindi ko hiningi ‘to. Pero hindi naman dahil hindi ko gusto ay magpapakalugmok na ako, kailangan kong lumaban dahil gusto ko pang mabuhay. I know I’ll survive. I’ll live. “Alin baea manami nga ubrahon hay? (Translation: Ano kaya ang magandang gawin?)” tanong ko sa aking sarili bago pumakawala ng buntong hininga. Naka-messy bun lang ako ngayon habang suot-suot pa rin ang pair ng white silk na pantulog. Maaga pa naman kaya hihilata muna ako. Maingat akong dumapa sa pastel sofa bed na nakalatag lang sa may mini-salas ng k’warto ko bago ko buksan ang cute na cute kong diary notebook at ginamit ang ballpen kong may design pang makintab na ribbon at feather sa may takip. “Ahh! Alam ko na!” ani ko at nag-umpisa nang magsulat. “Dance under the rain, eat buffet, wear heavy makeup, go on movie theater, go out for a date and learn and go on biking! Ayan! Nakaka-excite naman!” Tumigil ako sa pagsusulat at nag-isip-isip muna ng mga gusto ko pang gawin. Sana naman magawa ko. “Owww! Yes! Yes! Yes! It could be nice!” bulalas ko bago muling magsulat. “Swim in the ocean, adopt a baby, designed a house, go on mountain trekking and see the sunset at the top of the mountain. Tada! Perfect!” Nakangiti akong umayos nang higa, bumaliktad ako sa pagkakahiga at itinaas sa hangin ang diary ko, kitang-kita pa siya dahil puting-puti ang kisame ng k’warto ko. Gusto ko siyang magawa at matapos pero hindi ko lang sure kong papayagan ako nina mama at papa. For sure kasi lahat ng angkan namin mag-aalala na naman sa kin. Pagkalipas ng ilang segundo ay bigla akong nakaramdam na halos bumaliktad ang tiyan ko. Agad kong iniwanan ang aking diary sa higaan at dire-diretsong tumakbo sa palikuran para sumuka nang sumuka. Halos inuluwa ko na lahat ng kinain ko kanina, anong nangyari? Bakit bigla akong nasuka? Kinakabahan man ay tumayo ako nang mahimas-masan ako. Maingat akong humarap sa salamin at binuksan ang gripo. Habang nililinis ko ang sarili ko ay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng bubutil ng pulang likido mula sa aking ilong. Lord! “Du-dugo? Dugo! Mama! Papa! Bulig! (Translation: Tulong!)” sigaw ko. Nag-umpisa ng mangatog ang mga binti ko sa kaba at parang naramdaman ko na rin ang panghihina ng buo kong katawan. Lord, ito na naman. “Mama! Papa! Tulong!” mangiyak-ngiyak ko nang hiyaw. Natatakot akong ano mang oras ay baka mawalan na naman ako ng malay. Sa sobrang pangangatog ng buo kong katawan ay aksidente kong nahawi ang vase na malapit sa akin. Nandidilim na ang paligid ko ngunit nilalakasan ko pa rin ang loob, kailangan kong manatiling nakamulat, hindi ako pwedeng mawala sa ulirat. Matapos ang malakas na pagbagsak at pagkabasag ng vase ay naririnig ko na ang nag-uunahang hakbang mula sa labas. “Anak! Anak? Alin ing gina-ubra? Alin do nabasag? Ayos ka lang ba? (Translation: Ano ang ginagawa mo? Ano ang nabasag?)” Dinig ko pang boses ni mama pero hindi ko na siya masasagot dahil nanghihina na ang buo kong katawan. “Bless! Alin? Siin do masakit?! (Translation: Saan ang masakit?)” tanong naman ni papa. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbuhat niya sa kin. “Do saeakyan! Do saeakyan pahauma ni’yo daehon ta sa hospital si Bless dali–a! (Translation: Ang sasakyan! Ang sasakyan ihanda niyo dadalhin natin si Bless sa hospital, dali!)” malakas na sigaw ni Papa. Habang dala-dala na ako pababa ng aking k’warto. Sinusubukan ko talagang manatiling nakamulat kahit kakarampot dahil mahirap nang mawalan pa ako ng malay ngunit wala na akong nagawa pa nang nagdilim na nga ang lahat. --------------- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook