bc

Can't Help Falling

book_age18+
1.3K
FOLLOW
6.6K
READ
family
powerful
CEO
drama
tragedy
bxg
mystery
office/work place
betrayal
first love
like
intro-logo
Blurb

Fernandez Book 1

Si Aistrielle Shine Dela Cuesta - Fernandez ay nagmula sa parehong makapangyarihan na pamilya. Masasabing kaiingitan ng lahat dahil sa may maalwang buhay at mapagmahal na pamilya.

Si Caleb Dawson Monteverde ay isang tanyag na engineer. Wala sa vocabularyo ang pagkatalo. Kaya ng makilala ng father niya ang anak ng kumpadre nito ay lagi ng bukang bibig nito.

Hanggang sa nagkasundo na magpanggap na mag on just for show.

Paano kung ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan?

chap-preview
Free preview
Chapter One - Collision
"Shine, gising na at pinapatawag na kayo ng mga magulang n’yo.” Narinig kong pagtawag sa pangalan ko habang kumakatok ito sa pinto ng aking kwarto. Ilang saglit ay naramdaman ko na lang na tinapik ako nito sa aking braso at tinanggal ang kumot na pinagtalukbong ko. " Sige na at bumangon ka na para sabay-sabay na kayong bumaba ng mga kapatid mo." Dagdag pang sabi ni Nanay Dora. Papungas-pungas naman ako sa pagbangon mula sa aking kama at naghikab. Kahit maaga naman na ako nakatulog kagabi pero pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako. "Opo, Nanay ililigpit ko lang ang pinagtulugan ko," Tugon ko na parang lumilipad pa rin sa alapaap ang aking diwa. " Ako na muna ang gagawa n’yan, Shine. Dahil may lakad yatang maaga ang parents n’yo kaya’t bumaba na kayong lahat. Hindi pa naman 'yan sila kakain ng hindi kayo sabay-sabay," Kahit hindi ko lingunin si Nanay Dora ay alam kong nakapaskil naman ang ngiti nito sa labi. Bakas kasi ang kasiyahan ng boses n'ya. "Opo, Nanay. Thank you po! Love you!" sabay flying kiss na nagpatawa rito. Dumiretso akong pumasok sa bathroom at nang makapagsepilyo at pagkatapos ay naghilamos na rin. Saglit ko pang pinagmasdan ang sarili sa salamin at bahagyang tiningnan ang hubog ng aking katawan. In fairness, hindi pa rin nagbabago ang hugis ng katawan ko at gaya pa rin ng dati, hindi mataba pero hindi rin naman mapayat kumbaga sakto lanh.. Siguro dahil hindi rin ako palakain kaya ganun. Nang natapos ko ng gawin ang kadalasang routine ko sa umaga ay nagpasya na akong lumabas at nakita kong maayos nang nakatupi ang kumot at nakaayos na rin ang damit na susuotin ko. Napangiti ako sa aking nakita. Lagi talagang si Nanay Dora ang naghahanda ng damit ko kapag nahuhuli na ako ng gising. Hindi ko kasi pinapagawa iyan sa mga kasambahay namin dahil nasanay akong ako lang ang nag-aayos ng gamit ko maliban kay Mommy at Nanay. Lumapit ako kay Nanay at niyakap ito mula sa likuran. "Thank you, 'Nay. " tinapik lang nito ang kamay ko kaya't umalis na rin ako mula sa pagkakayakap dito. " Hayaan muna ako, hija at masaya ako sa ginagawa kong alagaan kayo. " tugon nito sa masayang tinig bago ako hinarap. "Sige na!" Tumango ako at tuluyang na akong naglakad paalis ng kuwarto. "This is the first day of my training sa kumpanya namin," bulong ko sa sarili. Palabas na ako ng kuwarto para bumaba nang tawagin ako ni Shannon na bunso naming kapatid. Actually, lima kaming magkakapatid and we are the "five Maria's", 'yan kasi ang bansag nila sa amin at dahil sa sobrang protective ng daddy kaya never pa akong nagkaroon boyfriend in my entire life. Sabagay kahit nga kaibigan wala, boyfriend pa kaya. "Ate Shine, kinakabahan ako mag junior high, at the same time, I felt so excited to study in the actual school," Shannon said while fidgeting her fingers. Lahat kasi kami ay homeschool sa elementary dahil na-trauma ang parents namin nang nakidnap ako way back in grade school. "It's a normal feeling, Shan. Kagaya mo at ng iba nating kapatid ay naranasan din namin ang maging alangan nang una pero habang tumagal naman ay naging maayos at komportable na rin at sigurado naman ako na ma-overcome mo rin iyan." Sabat ni Sam at inakbayan pa nito ang kapatid. " I agree with Sam,” sagot ko sa bunso namin. “Just be yourself, baby girl. Okay! I know that you can also make a lot of friends in school because you're pretty amazing and so kind." I assured her. "Salamat, Ate’s. You're the best!" Shan said in a pleased voice. "So, sila lang ang the best, Ate?" Nagtatampong sabi ni Scarlet nang nakanguso habang nakatingin kay Shannon at pareho ng pababa galing sa mga kanya-kanyang kuwarto. "Oo nga! kami kaya ang lagi mong kasama at lalo pa ngayon na high school ka na at palagi na tayong magkikita," sabi naman ni Snow na hahabulina pa yata ito ng suklay dahil sa nagkabuhol-buhol na buhok. Hindi man lang ito nag-abala na ayusan muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Mabuti pa si Scarlet na kahit kagigising pa lang niya ay mag ma-make up na agad. Akala mo laging may mabilisang lakad o kaya naman ay may pictorial dahil ayos na ayos ito. "Magsabi ka lang sa amin ni Ate Snow kung may mang bully sayo ng maresbakan ka namin agad," sabi ni Scarlet kay Shan. "Ate, ang violent!" react ni Shannon nang nakanguso. Ang cute ng reaction nito na parang ang sarap pisilin ng pisngi dahil sa ka cute-an nito. Subconsciously, ay pinisil ko nga ang pisngi nito kaya bahagya itong napahiyaw. "Anong resbak-resbak? Upakan mo agad Shan para walang mang-api sayo. Tingnan lang natin kung gagalawin ka pa nila ‘pag mangyari ‘yun," ani ni Sam na naka-pose pa na mananapak. " Kayo talaga!" napailing ako. " Kung ano-ano na lang ang itinuturo n’yo sa bunso natin." "Ate, mabuti nang maturuan ng mas maaga para hindi ma-bully ang mga kapatid natin. Wala pa naman tayong dalawa para mabantayan ang tatlo at mapagtanggol sa mga taong mapanakit ng damdamin," sabi ni Sam. "Basagulero naman ang labas nila ganun!" napairap ako." Naku! makukutusan talaga kita, Sam!" Sabi ko at hinahabol na ito pababa ng hagdan dahil ginalaw na naman ang buhok ko. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kapatid namin. Malapit ko na sanang maabutan si Sam kaya lang tumakbo naman ito nang mabilis sa gawi ni Daddy at Mommy para magtago. Pareho namang nagtaka ang magulang namin sa nangyayari. " Ano na naman ‘yan mga anak? Ang aga-aga niyong naghahabulan. May mga pasok pa kayo!” litanya nito habang nakapameywang itong nakatingin sa amin. " Mamaya na ‘yan dahil lahat tayo ngayon ay may mga pasok at baka mahuli tayo," sabi ni Mommy. " Mom, relax it's still early, " Swabeng komento ni Scarlet. Napapalatak naman ang Mommy sa sinabi ng anak. "Mom, new morning routine namin ito," sabay turo sa akin." Ito ang tinatawag na habulan exercise," Korning banat ni Sam. Dahilan sa biglang pagtawa ni Daddy na kani-kanina lang ay sobrang tahimik na nagkakape habang nag scroll down sa cellphone. Siguro may ni re-replyan na email early morning. "Ikaw talaga ang nagmana sa ka-kornihan ng Daddy mo Summer Eirenne!" Nakasapo ang kanang kamay ni Mommy sa noo nito na kunwaring pinoproblema ang anak sa kapilyahan. "Oo nga, Daddy!" sang-ayon naman ni Sam sa sinabi ni Mommy na mukhang proud na proud pa dahil nag thumbs up pa sa isa't isa ang dalawa. "Hay! maluluka ako sa inyong mag-ama," Kunwaring problemado tugon ni Mommy pero nagpipigil lang din ng tawa sa kalokohan nina Sam at Dad. Humalakhak naman ang tatlo kong kapatid sa reaksyon ni Mommy na sinabayan naman ni Dad at Sam. Masaya ako na sila ang naging pamilya ko. Sila talaga ang lakas ko at kahinaan ko na hindi ko kayang ipagpalit at mawala sa akin. "Magsi-upo na kayo at nandito na ang almusal n'yo mga anak." Sabi ni Nanay Dora at kasunod nito ay ang mga kasambahay na dala-dala ang pagkain at inilapag ito sa lamesa. "Kumain na kayo at baka mahuli kayo sa mga lakad n'yo," Tawag ulit ni Nanay Dora sa amin kaya dumulog na rin kami sa hapag-kainan. Ang mga nagsisilbi sa pamilyang Fernandez ay hindi na iba sa amin kaya naman kabutihan rin ang naging balik nila sa aming pamilya. Hindi kasi namin pinaparamdam sa mga kasama namin sa bahay na trabahador sila. Dahil iyon kasi ang naging turo sa amin ni Mommy sa amin. Magpasalamat pa raw kami dahil pinagsisilbihan kami ng maayos. "Naku! Nanay kumain na rin kayo at sumabay sa amin dito," pag-aya ni Mommy ngunit umiling si Nanay Dora. " Mamaya na lang ako anak at busog pa ako sa dalawang tasang nainom na kape. Alam niyo naman na kapag ako ang naghahanda ng almusal natin ay dobleng kape rin ang nauubos ko,” natatawang kwento sa amin ni Nanay. “Bakit naman po kayo ang nagluto, Nanay?” tanong ni Daddy. “Namimiss ko rin kasi kayong ipagluto lalo na ang mga batang ito," nilingon kami nito na may ngiting nakasilay sa labi. " Ang lalambing kaya gusto kong asikasuhin lagi at nakakatuwa na lumaki silang mabuting tao,” nilipat nito ang tingin sa magulang namin. “Nagmana sila ng kabutihan sa inyong mag-asawa kaya masaya ako na napalaki n’yo silang maayos," Madamdaming pahayag ni Nanay Dora sa maligayang tono ng boses. Hindi namin mapigilang matawa. Ang hilig kasi ni Nanay mag-emote, kagaya ngayon ang aga-aga pa lang. Pero masaya kami na inaalagaan n'ya kami ng maayos lalo na sa mga panahong wala ang parents namin dahil may panahon na magkasabay na may business meeting ang mga ito at walang ibang maiiwan sa amin kung hindi ang mga naiiwan sa bahay. Mabuti na lang at may mga kapatid ako kaya hindi namin ramdam ang pag-iisa. " Siyempre naman po Nanay dahil isa po kayo sa gumabay sa amin nang nagsisimula pa lang kaming bumuo ng sarili naming pamilya. Kaya nagpapasalamat po ako sa inyo na hindi n'yo kami iniwan, “ Maluha-luhang tugon din ni Mommy at ginagap ang kamay nito. " Bahagi po kayo sa aming pamilya Nanay kaya lagi kong sasabihin sa inyo na kung may problema man kayo huwag po kayong mag-atubiling magsabi amin." Singit ni Daddy sa kanila. Ngumiti ang Nanay sa parents namin at nagpasalamat sa kanila. Nagkatinginan kaming magkakapatid at sabay na napailing. " Mom, Dad, 'Nay, maaga pa po pwede mamayang gabi na lang po ang kasunod na drama." Singit ni Scarlet sa kanila. Kaya natawa kami sa komento nito. " Sige na at kumain na kayo baka mahuli pa kayo sa mga pasok niyo," Sabi ni Nanay Dora sa aming lahat habang asikasong asikasong-asikaso kami nito. Kaya kumain na kami at minsan naman ay nagkakangitian na biglang mauwi sa halakhak. I really love my family at kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko at lalong hindi ko makakaya na mawala sila sa akin. "Aalis na kami Dad, Mom!" Sambit namin ng sabay at isa-isang kaming humalik sa pisngi ng mga kapatid ko sa magulang namin. "O sige, mag-iingat kayong lahat. Wala na ba kayong nakalimutan?” Paninigurado pa ni Mommy. "We're all set, Mom. We also bring our credit cards with us. So, no worries," I told her as I kissed her checks. Lagi kasing worried ang Mommy na baka hindi na naman daw kami kumain kapag hindi gusto ang nasa lunch box. Madalas pa rin kasi kaming pinagbabaon nito at madalas din na ako ang hindi kumakain lalo na ‘pag lunch time. Nakakalimutan ko kasi lalo na ‘pag busy ako kaya ako lagi ang inaalala n’ya sa mga cards. If dala ko ba para just in case raw if di ko gusto ang baon ay may mabibili ako. Ang hindi nila alam ay mabilis akong mawalan ng gana kapag nalilipasan ng gutom at hindi dahil sa hindi ko gusto ang baon. "Tatay Jude, let's go na po! unahin po nating ihatid ang mga kapatid ko," sabi ko kay Tatay ng nakapasok na kami sa sasakyan. Tumango ito at nilingon ko ang mga kapatid ko. "Una na namin kayong ihahatid since maaga pa naman," sabi ko sa tatlo at sabay naman silang tumango. "Anong oras ba ang first subject mo, Ate?" Scarlet asked Sam while looking at her schedule. " 9:00 am Scarlet. How about yours? What's your schedule?" Sam asked her while checking her bag. " Orientation lang today Ate around 8:30 am pa naman," Scarlet answered while highlighting her schedule. " Oh yes! I almost forgot. I also have a meeting later," sagot ni Sam habang napasapo sa kanyang noo nang naalala ang gagawin. Masyado kasing active ang kapatid ko sa mga organization at sa sobrang dami ng sinalihan kaya ayun nakakalimutan minsan lalo na ‘pag sabay-sabay ang meeting nito. "Nandito na tayo," sabi ko sa kanila agad pagdating namin sa kanilang school. "Bumaba na kayo mga anak at baka mahuli pa kayo sa mga klase n’yo," sabi ni Tatay Jude sa kanila kaya nagsibabaan na din silang apat. "Scarlet huwag pabayaan ang mga kapatid mo lalo na si Shannon dahil mas malapit ang building mo kaysa kay Ate Sam mo. Dapat mong I-check ang kalagayan nya since naninibago pa ‘yan at ilag pa sa mga tao." habilin ko rito dahil alam namin pareho ang nararamdaman ng bunso namin ngayon. Halo-halong excitement at nervousness. "Yes, Ate! Ako ang bahala kay Shan hindi ko ito pababayaan," pagpapanatag ni Scarlet sa akin habang inakbayan nito si Shannon. Tumango ako. " Bye na sa inyo guys and do good in school," lumapit ako sa bunso namin. " Shan just be yourself and don't be afraid, okay!" sabi ko rito at pinagpantay ko ang aking tingin sa kanya dahil kailangan ko s’yang mapanatag. Tumango ito. "Yes, Ate. I will. Love you! Bye!" she said as she kissed my cheeks and followed by Snow, Scarlet then Sam. Pagsarado ko ng pinto sa sasakyan ay umalis na rin kami ni Tatay Jude at dumiretso na sa kompanyang pagmamay-ari ng parent's ko. Ilang saglit lang ay dumating na rin kami doon sa kumpanya. Since hindi ko kabisado ang landscape ng buong building ng hotel kaya sinundan ko na lang ang ibang empleyado kung saan ito patungo hanggang sa nakita ko ang tinutukoy ni Dad na private elevator ng pamilya. Dahil hinabol ko ang elevator ay bumangga tuloy ako sa isang bulto ng lalaki at muntikan pa akong ma-out balance. Mabuti na lang that he wrapped his arms around my waist tightly para hindi ako tuluyang matumba at mawalan ng balanse. Parang may dumaloy na kuryente sa aking kalamnan nang nahawakan ako nito. Inangat ko ang aking tingin sa lalaki at napasinghap dahil sa taglay na kagwapuhan ng estranghero. Ang ganda ng pagkakahulma ng mukha nito na hindi mo pagsasawaang titigan buong maghapon. “He is sinfully gorgeous!” nausal ko. " I'm sorry Ms. I'm just in a hurry," he said in a cold baritone voice." Next time bantayan mo ang nilalakaran mo." sabi nito sa iritadong boses. Kaya naman napanting ang tainga ko sa tono ng boses nito at napalitan ng inis ang pagkakatulala ko rito. Masyadong intense tumitig ang malalamig na mga mata nito. “Patience,” bulong ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan ito ng seryoso. "Pasensya na rin at nabangga kita!" sabi ko sa nagpapaumanhing boses. Tiningnan lang ako nito pagkatapos kong magsalita at tinalikuran na parang walang nangyari. Napailing ako at nagkibit balikat sa nangyari. Naglakad na ako papunta sa elevator at naghintay na lang ulit na magbukas ito. Hindi ko mapigilang mapangiti at bigla rin mapairap ng maalala ang asal ng lalaki. "Guwapo sana ang suplado naman." Usal ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.7K
bc

OSCAR

read
226.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook