bc

For the Love of Luna

book_age16+
2.6K
FOLLOW
29.9K
READ
contract marriage
age gap
goodgirl
student
drama
sweet
bxg
nymph
small town
virgin
like
intro-logo
Blurb

Dala nang kawalan ng pag-asa matapos ma-suspinde sa trabaho, napilitang mag-labandera si Luna para sa dalawang kapatid at may sakit na ama. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral mula nang maisanla at maibenta ng tuluyan ang lupa nila, dahil sa matagal na gamutan noon ng kanyang ina na kalaunan ay namatay din. Ngunit tila naman nagbiro ang tadhana nang kalaunan ay may mag-rekomenda sa kanyang maglaba sa taong nakabili ng lupa nila. Pero sa pagkagulat niya, ang taong ipinaglalaba pala niya at nakabili ng lupa nila ay walang iba kung hindi si Reagan De Alba. Ang taong walang pakundangang sumuspinde sa kanya sa trabaho nang hindi muna inaalam ang puno't dulo ng lahat.

Pero ano't sa isang iglap ay inalok siya ng kasal ng binata?

Tunghayan kung paano magagawang yakapin ni Luna ang makisama sa isang Reagan De Alba na bukod sa mayaman ay mala-Adonis pa sa

chap-preview
Free preview
Prologue
"NAIINTINDIHAN ko naman po, Papa." Kanina ko pa pinipilit pigilin ang luhang nagbabantang mamalisbis sa aking mga mata. Sinabi na kasi ni Papa ang isang linggo ko ng pinangangambahan. Ang huminto sa pag-aaral. Ga-graduate na sana ako ng high school sa edad kong disinwebe pero sa malas ay mukhang hindi pa matutuloy. Iniilit na kasi ng pinagsanlaan ni papa ang lupa namin. Ani pa naman sana doon ang magiging pantustos namin sa pagkokolehiyo ko. Siguro'y talagang hanggang dito na lang ako. Walang pag-asang umunlad at umasenso. Elunamira Guevarra ang pangalan ko. Nagmula sa pinaghalong pangalan ng lolo't lola ko na Elunesto at Miradiles. Luna naman ang palayaw ko. Ang totoo? Pangarap kong makapag-opisina sa Maynila. Maging Manila girl kumbaga. Baka sakaling pumuti ang sunog kong balat, o kahit hindi na, basta pumusyaw lang ng bahagya. 'Yung tipong naka-business attire ako kagaya ng mga napapanood ko sa telenobela. Blusang maganda, maikling palda saka mataas na takong ng sapatos---'yun ang pangarap kong isuot. Pero ngayon ay nakadilat na sa harapan ko ang katotohanan. Lahat ng 'yon ay hindi ko mararanasan. "Maraming salamat sa unawa mo, anak. Kung ako ang masusunod ay ayaw ko namang maghinto ka, kahit sana isa man lang sa inyo ay mapagtapos ko. Pero ngayon ay mukhang malabo na. Patawad anak..." Nakita kong nanubig ang mata ni Papa. Batid kong ayaw niyang maremata ang bukid namin pero wala naman kaming pagpipilian. Tapos na kasi ang huling palugit na ibinigay ni Mang Damian, ang napagsanlaan  ng lupa. "Kaparis  na halaga ho ba talaga nang sinasabi ni Mang Damian ang halaga ng lupa, Papa? Baka naman ho nanggugulang na naman siya?" naiinis ako nang maalala kung gaano kagahaman si Mang Damian. Mapera na ay lalo pang nagpapayaman. Tanging ito lang kasi ang utangan ng mga tao dito sa amin. Kaya naman madalas ay doble o triple pa ang ipinapatong niyang tubo---alam na walang pagpipilian ang mga tao.  Nag-alis muna ng balanggot si Papa bago umupo sa tabi ko. Kinuha ang gawing leeg ng kamiseta niyang puti na maraming putik para punasan ang pawis sa ilong pababa sa nguso nito. "Nang ma-ospital ang ima mo ay si Damian lang ang naging takbuhan natin, anak. Hindi rin naman biro ang naging gastusin natin. Kaya ang halagang naging usapan namin ay dumoble na ng dumoble hanggang sa hindi ko na nabayaran," Iiling iling na sabi ni Papa. Bakas sa pagod nitong mukha ang kabiguan. Kung gayon ay wala na pala kaming pagpipilian. Tuluyan ng mawawala ang bukid namin na minana lang ni Papa sa Lolo't Lola ko. Wala akong magawa kung hindi maawa kay Papa. Kung sana'y hindi na lang nagkasakit si ima ng Lukemia. Isang malalang sakit na nang malaman namin ay huli na. "Hindi na ho ako mag-aaral, Papa. Maghahanap na ho ako ng trabaho sa bayan. Sigurado naman ho na tatanggapin ako dahil hindi na ako menor de edad." Tumayo ako at kinarga ang bunso kong kapatid na si Konor---edad dalawang taon. Nakita ko kasi na nanunutong na naman ang putik sa binti nito. Pihadong naglunoy na naman sa paliguan ng mga itik ni Papa. "Gustuhin ko mang pigilan ka sa gusto mo, anak, hindi ko naman alam kung paano na tayo gayung wala na talaga akong maisip na paraan. Hindi naman pwedeng pati itong bahay ay isanla na rin natin, kawawa ang mga kapatid mo," ani Papa kasabay ng isang buntonghininga. Kinuha sa akin si Konor at ginulo ang buhok ng paslit. "Gagawa ako ng paraan, Papa," buo ang loob na sabi ko. Sa isip ay hindi ko hahayaang magdusa pati ang mga kapatid ko. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Batid kong wala na talagang magagawang paraan si Papa. Baka gawan pa siya ng masama ni Mang Damian kapag ipinagpilitan pa ang hinihingi naming palugit. Katwiran nito'y ilang pagkakataon na ang ibinigay niya sa pobre kong ama. Kung sana'y hindi na lamang nagkasakit si ima ng malala. Okay naman kasi kami noon. Nakakapag-aral ako, nakakakain kami ng tatlong beses at nakakapag-gatas si Konor. Hanggang sa bigla na lang idinaing ni ima ang palagiang p*******t ng likod. Akala namin noong una ay dahil lang sa paglalabandera niya. Noon pala, pati gilagid nito ay madalas na rin magdugo bagay na inilihim niya. Iyon na pala ang sintomas ng Lukemia niya. Isang napakahirap na sitwasyon 'yon para sa aming pamilya. Tuwing i-a-admit si ima ay kailangan ng malaking pera. Pinaka-mabilis na kasi ang dalawang linggo kung makauwi sila. Minsan ay inaabot ng buwan bago makalabas si ima. Natatandaan ko pa no'n na lagi akong balda sa klase. Hindi ko na nga mabilang ang pagliban ko, e. Kung minsan, kapag may mga eksamen ako isinasama ko ang bunsong si Konor. Si Nene naman na limang taon ay iniiwan ko sa kapitbahay namin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa papag naming kawayan. Dahan-dahan dahil lumilikha ng ingay ang langitngit ng marahil ay maluluwag ng pamakuan. Mula sa malamlam na liwanag ng ilaw naming pa-pundi na, tinanaw ko ang mga kapatid kong katabi ko kung matulog. Isa-isa kong hinaplos ang mga inosente nilang mukha na bahagya lang maaaninag sa bahagyang liwanag. Pagkatapos ay dumako ang paningin ko kay Papa na nasa sahig, sa ibaba ng papag namin. "Gagawa ng paraan si ate, Konor, Nene. Pangako, hindi kayo lalaking kaparis ko. Iaahon ko kayo rito. Kayo nila Papa, iaalis ko kayo rito." Napaiyak na ako at hindi na napigil ang damdaming bulong ko sa mga kapatid ko. Maingat na umalis ako sa tabi nila at tumayo para dumungaw sa bintana naming de-aldaba. Tinanaw ang bukiring nakapaligid sa bahay namin na tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw. Buong buhay ko, nandito na ako. Noong paslit ako, palayan ang palaruan ko. Ginagawa ko pa nga na kama ang mga dayami noon, pagdating ng gabi, sobrang kati ng katawan ko. Wala akong ginawa kung hindi kumamot at kapag nakita ni ima, palo ang katapat. Mapait na napangiti ako sa bahaging iyon ng alaala. Kung sana'y kagaya na lang ng dati. Walang hirap, walang lungkot at pangamba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook