bc

My Lord Ace

book_age0+
978
FOLLOW
4.6K
READ
comedy
like
intro-logo
Blurb

Natalo sa pustahan nilang magkakaibigan si Prix. At ang hiniling sa kanya bilang bayad sa pagkatalo niya, exclusive pictures ng reclusive millionaire na nagtatago daw somewhere out there. Natunton naman ni Prix ang pakay sa isang pribadong isla na pag-aari ng lalaki. But the moment he saw her, he kicked her out of his cabin. Good thing fate was on her side, Ace had no choice but to accept her again or she would drown with the heavy typhoon ravishing the island at that time. Now that they were forced to be together, would they be able to make peace and finally found each other to love?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
TATLONG steel chairs ang lumikha ng ingay sa computer shop na iyon dala ng pagkakatalisod ni Prix sa mga iyon. “O, Prix, dahan-dahan lang. Hindi lalaban ang mga iyan,” nakangising tanong ni Leila sa kanya. Masamang tingin ang ibinigay ni Prix sa kaibigan. “Ang bait mo, ‘no?” “May kaibigan ka bang hindi?” Pero tinulungan na rin siya nitong makatayo. “Huwag mo kasing agawan si Paris sa pagiging dakilang disgrasyada.” Leila was talking about their other friend. “Saang bundok ka na naman ba galing ng lagay na iyan, ha?” “Sa bundok Tralala.” “Hulaan ko. Joke iyon, ‘no?” “You’re late,” singit ni Blu kasunod ang dalawa pa nilang kaibigan. Napansin nito ang nagkagulong mga silya. “Late ka na nga, balak mo pang sirain itong computer shop ko.” “Sorry na. Naligaw ako, eh.” Maingat na ipinatong ni Prix sa mesa ang nakasukbit na camera sa kanyang leeg matapos masigurong walang gasgas ang gadget. Mahal pa naman ‘to. “Sabi sa iyo, magpakabit ka na ng tracking device sa katawan at nang madali ka nang mahanap sa tuwing naliligaw ka ng landas,” wika ni Jereth. “May kilala akong dealer.” “Ng drugs?” pang-aasar ni Paris. “Hindi. Ng lalaki.” “Ay, pa-order ng pito! Para meron ako everyday of the week. Ako na lang ang magsu-supply ng tracking device kay Prix. Murang-mura na, made in China pa.” “Tigilan nyo nga ako. Lalo ka na, tsekwa,” tukoy ni Prix sa tsinita nilang kaibigan na si Paris. “`Di bale nang tsekwa, maganda naman.” Nagkakantiyawan pa rin sila nang magtungo sila sa isang pribadong silid ng computer shop na iyon. Wala nang costumer si Blu na siyang may-ari ng shop kaya maaari na silang maglibang. Their friend Blu’s computer shop was the biggest computer shop in the university belt area. Patok na patok sa mga estudyanteng laging takbuhan ang internet sa kani-kanilang mga school projects at paglalaro ng online games. Kahit may mga easy access na sa internet ang mga estudyante dahil sa kani-kanilang mga cellphones at tablets, most of them still prefer to go to a computer shop. Mas madali nga naman kasi gumawa ng mga term papers at projects gamit ang computer kaysa cellphone o tablet. Naglagay din si Blu ng kanugnog na coffeeshop para makuha rin niya ang market ng mga estudyanteng may mga laptop pero wala naman maayos na lugar kung saan sila puwedeng gumawa ng mga projects, assignments at review-han. Kaya pati ang mga customer nito sa computer shop ay nagiging suki na rin sa coffeeshop dahil doon na umo-order ang mga ito ng pagkain kapag inaabot ng ilang oras ang mga ginagawa ng mga ito sa computer. Kaya habang ang karamihan sa mga computer shops ay nagsasara na dahil sa cellphone data internet, Blu’s internet shop was booming. Tinanggap ni Prix ang baso ng champagne mula kay Leila nang pare-pareho na silang nakaupo sa harap ng nag-iisang mesa sa pribadong silid na iyon. “Nice ring, Prix,” puna ni Leila. “Suot mo pa rin pala `yan hanggang ngayon.” Sinulyapan niya ang suot niyang singsing. Iyon ang kauna-unahang regalo niya sa kanyang sarili nang magsimula siyang magtrabaho. Wala siyang asawa at lalong hindi siya nagpakasal. Props lang niya ang wedding ring na iyon para hindi siya nilalapitan ng mga lalaki na nagpapahiwatig ng panliligaw sa kanya. Ayaw niya nang naiistorbo sa kanyang trabaho. “Malaki ang utang-na-loob ko sa singsing na ito, Leila.” “Dahil hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend?” “Kaloka ka, friend. Ang daming langaw at alikabok na puwede mong itaboy, bakit mga lalaki pa? Mortal sin kaya iyon,” wika ni Paris. “Ikaw lang ang may ganyang paniniwala. Na ang mga lalaki ay puwedeng ikumpara sa mga langaw alibok.” “You’re twisting my words again, Prix. Idedemanda na talaga kita.” “For what? Illegal possession of a wonderful life?” “Huwag mo kasing itulad sa iyo si Prix, Paris,” singit ni Blu. “Wala sa bokabularyo niyan ang manlalaki. Iyang mga camera lang niya ang pinakaguwapo sa paningin niyan.” “Korek,” sang-ayon agad ni Prix. “Mabuhay ang mga walang pake!” “Ang sabihin nyo, mga takot lang kayo sa lalaki. Which is really weird, by the way.” Binalingan pa sila ni Paris. “You, two, are weird, I mean.” “Excuse me. Hindi ako ‘afraid’, ‘no? Hindi ko lang talaga sila ‘feel’ dahil kampon sila ng mga sira-ulo sa mundong ito,” katwiran ni Blu. Sumingit na rin si Prix. “Tama na iyan. Lalaki lang pinag-aawayan pa natin. Kayo lang pala.” “Ang bait mo rin, ano?” Inilapag na ni Jereth ang isang set ng mga baraha sa gitna ng table nila. “Ikaw na magbalasa, Leila. Nami-miss ko na kadayaan mo, eh.” “Sus! Nagsalita ang hindi nandadaya.” “O, sige. Nami-miss ko na ang kadayaan ng mas madaya sa akin.” “Kapal nito.” “‘Love you, friend.” “‘Love you, too.” Binalasa na nga ni Leila ang mga baraha. Habang wala pa rin silang tigil sa pang-aasar sa isa’t isa. College buddies sila sa unibersidad na kanilang pinasukan. Hindi sila magkaka-edad at hindi rin sila pare-pareho ng kursong kinuha sa kolehiyo, pero naging malapit sila sa isa’t isa dahil sa lagi sila noong nagkakasabay-sabay sa pag-uwi mula sa paborito nilang tambayan na computer shop. Hindi pa masyadong uso ang mga computer shops at internet nang mga panahong nag-aaral pa sila. Kaya pahirapan ang makakuha ng mga puwesto sa internet shops. Bukod kasi sa mga kapwa nila ‘studious’ students, kalaban pa nila sa mga internet shops ang mga adik sa online games. Mga istorbo sa kanilang pagpapagal sa pag-aaral. Kaya nagkaroon sila ng strategy kung paano malulusutan ang mga kaagaw nila sa mga computer shops. At doon na nga nabuo ang pagkakaibigan nila. Minsan din silang nangarap noon na magkaroon ng sariling computer shop para i-accommodate ang mga estudyanteng gustong mag-aral nang maayos gamit ang mga computers. So when Blu she was planning to put up a computer cafe business, they all chipped in and helped their friend out to fulfill her business. Nag-finance sila kay Blu hanggang sa unti-unting makabawi ang negosyo nito at, eventually, Blu managed to pay them all back. Nag-offer din ito ng isang private room sa cafe nito para sa kanilang magkakaibigan kung saan puwede silang magtipon-tipon once in a while para lang mag-tsikahan, just like the old times. Hindi na nga lang iyon madalas dahil sa demand ng kani-kanilang mga trabaho. pero pinipilit pa rin nilang magkaroon ng oras, paraan na rin nila para kahit paano ay makapagpahinga sa mga hectic schedules nila. At ito nga ang lagi nilang napagti-trip-ang gawin sa tuwing may get-together sila. In the middle of the night, they would play down a dirty poker game in the dim-lighted room between sips of champagne and margarita. “Leila, alam kong mandurugas ka sa isip, sa salita pero hindi sa gawa,” wika ni Jereth na may pasak ng fake na sigarilyo sa bibig. “Pero huwag mo naman masyadong panggigilan ang mga baraha. Konting ingat, binili ko pa iyan sa Japan.” “Peste. Kaya pala hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dito.” “Basta may number at symbols, puwede na iyan.” “Hindi ako makakapandaya nito!” “Para namang may makakapigil sa masama mong gawain.” “Tama nang satsat. Laro na tayo. Gusto ko nang manalo!” udyok ni Prix sa mga kaibigan. “May nangangarap nang gising dito.” Sinimangutan lang ni Prix ang mga kaibigan na nakangisi lang sa kanya. Paano, pagdating kasi sa sugal, kahit gaano pa iyon ka-inosente, kahit kailan ay hindi pa siya nananalo. Especially when she was up against these heartless, cunning women she lovingly calls her friends. Walang kai-kaibigan daw pagdating sa paborito nilang past time na iyon, sabi ng mga bruha. Pero sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ni Prix na siya ang mananalo. O isa siya sa mga mananalo. Dahil laging interesting ang mga pinagpupustahan nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
612.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

SILENCE

read
379.4K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
342.8K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
579.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook