bc

He's with Him (BoysLove)

book_age16+
726
FOLLOW
4.2K
READ
love-triangle
sweet
Writing Challenge
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bisexual
betrayal
cheating
self discover
like
intro-logo
Blurb

Sabi nga nila, pag mahal mo talaga pipiliin mo. Ngayon ko napatunayan na hindi lang para sa babae ang mga lalaki, a prince can also be with another prince!

Matapos namin magsumpaan sa seremonyang walang papel, heto kami  namumuhay magkasama.

Pero kakayanin ba namin ang set up na ganito? Kakayanin ba naming mabuhay magkasama sa mundong puno ng diskriminasyon?

Kaya bang ipaglaban ng pag-ibig namin ang lahat? O mauuwi lang din kami sa tagpong paghihiwalayan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LAUREN'S POVS "Joshua, wake up," tinapik tapik ko ang braso si Jade Joshua na mahimbing na natutulog. "Kiss babe, kiss," nginuso niya ang mga labi niya. The always malandi kong mister. Hay. "Pagkiniss kita, bangon ka na ha? Baka malate ka sa trabaho mo. Nakaluto na rin ako ng almusal," saka ko dinikit ang labi ko sa labi niya at ng akma ko ng ihihiwalay ang labi ko ay payakap niyang hinawakan ang batok ko para di maghiwalay ang mga labi namin. "I love you," nakangiti niyang sabi matapos ng mahaba naming paghahalikan. Kissing monster. "I love you too. Bangon na." Sabay kaming lumabas ng kwarto't nagtungo sa may kusina para kumain. "May mga bago kaming pasok na OJT sa kumpanya, babe. Tatlo ang mapupunta sa team ko," kwento niya habang kumakain. Nagtratrabaho siya sa isang recovery company at sa loob ng isang taon niyang pagtratrabaho doon, isa na siya sa mga team leader ng kumpanya. "May babae?" Tanong ko na ikinakibit balikat niya. "Pagmeron, wag haharot, ha?" "Bakit naman ako haharot eh kasal na ako sayo," sabay pakita niya ng wedding ring namin sa daliri niya. "Siguraduhin mo lang, Joshua, dahil kakagatin kita sa ano paghumarot ka," may himig pagbibirong sabi ko. "Opo, misis. Di haharot. Pero pag-uwi ko ha? Mag-ready ka kasi sayo ako haharot," nakangisi niyang sabi. "Push yan," saka kami sabay na natawa. "Aalis na ako. Mag-ingat ka pagpasok mo sa school," hinalkan niya ako sa labi saka kumaripas ng lakad dahil mahuhuli na daw siya sa trabaho. ISA'T KALAHATING TAON na kaming nagsasama ni Jade Joshua. Pareho kaming bihis lalaki pero ako ang tumatayong babae sa amin. Nag-aaral kami pareho sa SU, ako bilang BSBA, samantalang IT naman si Jade Joshua. Hindi siya regular student. Every Saturday lang ang pasok niya sa school di katulad ng schedule kong Wednesday at Sunday lang walang pasok. "Bakla, nagawa mo yung assignment?" Bungad sa akin ni Celes na busy sa pagsusulat sa kanyang notebook. "Oo, nagawa ko kagabi habang iniintay ko si Joshua. Bakit?" Tumingin siya sakin at bahagyang umiling. "May problema ba? Ang laki ng eyebags mo." "Gigil kasi ako sa kapatid ko baks, nagpabuntis ba naman sa syota niyang shombay lang? Ayun, para kaming nag star hunt kagabi makita lang iyong siraulong syota niya na tinakasan daw siya nung nalaman na nabunstis siya," hinilot hilot niya ang magkabila niyang sentido. (A/N: shombay means tambay) "Yan ang hirap pagmaharot eh, nabubuntis agad," umiiling iling kong kumento. "Coming from karaterang tulad mo, wala ka lang matres pero kung meron, matagal ka na ring buntis no," tugon niya. "Pasalamat ka talaga bakla dahil pinagpala ka maging babaeng may lawit." (A/N: Sa mga hindi po nakakaalam ng word na karatera. Isa po yang balbal na ginagamit upang idescribe ang mga taong mahilig makipagtalik.) "Kala mo naman, ikaw hindi pinagpala. Isa ka ring babaeng may lawit.. pa," bigla siyang natawa ng idagdag ko ang salitang pa dahil pareho naming alam na balak niyang magpapalit ng kasarian. Hanggang matapos ang oras namin sa eskwela ay namomoblema si Celes sa kapatid niyang nabuntis. "Ampunin mo na lang kaya yung bata, kawawa naman kung ipapaampon ninyo pa sa iba," suhestyon ko. "Ayoko nga. Mukhang chonggo yung tatay ng anak niya eh," hinampas ko siya sa braso. Grabe talaga to manlait. "Hoy, true details yun. Nakita mo na yun diba? Sabi mo nga kamukha ni kingkong eh." "Ay oo nga pala no. Yun nga pala yun," napakamot ako ng batok ko ng wala sa oras. "Pano yan? Paano yung bata?" "Pagcute yung bata saka ko pag-iisipan," napailing ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ito. "Kuya, napadalaw ka." Bungad ni Eyli pagkapasok ko sa bahay nila mama. Nandito na sila ni Jash tumira matapos namin magsama ni Jade Joshua. Di rin kalayuan ang tinitirahan naming mag-asawa sa bahay nila kaya madalas silang nakakadalaw. "Nagdala ako ng pagkain. Nagtext kasi ang kuya Joshua nyo na late siya makakauwi kaya dito muna ako," tumango tango si Eyli sa sinabi ko na tila sinasabi niyang gets na niya saka kinuha't inayos sa lamesa ang dala kong pagkain. "Anak, kamusta ang pagsasama nyo ng asawa mo?" Tanong ni mama habang kumain. "Akin yan, mama si July oh," sumbong ng isa sa mga kapatid ko. "Maghati na lang kayo," saway ko saka hinati ang chicken na pinag-aagawan nila. "Ok naman kami ma, nagkakasundo kami, naaawa nga ako minsan sa kanya ma eh. Siya lang nagtratrabaho para sa amin" "Ganun ka niya kamahal anak kaya biglang ikaw ang tumatayong babae sa inyo, gawin mo yung role mo. Pasayahin mo siya," tumango tango ako. Yun lang talaga ang magagawa ko sa asawa ko. Ang ibigay ang gusto niya. JADE'S POVS "Sir Jade, uuwi na po kami," paalam sa akin ni Jackie kasama ang kambal na sila Glenda at Glenn. Sila ang napuntang OJT sa team ko. "Mag-ingat kayo," tugon ko. "Bye sir. See you tomorrow," paalam din ni Glenda. Kinawayan ko na lang sila saka muling bumalik sa ginagawa ko sa computer. "Close mo na agad ang mga hawak mo ah. May type ka ba dun?" Napatingin ako sa kapwa ko empleyadong si Willie na kakapasok lang ng IT department. "Pinagsasabi mo pre, may asawa na ako," tugon ko. "Pero hindi kayo kasal. Single pa rin ang nakasulat sa documents mo." Napabuntong hininga ako. Kasal kami pero walang bisa. "Mahal ko pa rin ang asawa ko kahit hindi kami kasal," tinapik ko siya sa balikat. "Saka di naman ako womanizer gaya mo" "Hahaha, tama yan, stay good boy Jade," singit ni Raquel na kasabay pumasok ni Willie sa IT department kanina. Siya ang team leader ni Willie. "Ikaw naman Willie, tigilan mo na yang pagiging playboy mo, maawa ka sa mga babae." "TL, nag-eenjoy lang naman ako habang binata pa ako," sagot niya sa team leader niya. "Sabagay pero wag mo sobrahan. Mahirap magsisi," saka siya tumingin sa akin. "Matagal na tayong magkakasama dito, hindi mo pa pinakikilala sa amin ang live-in partner mo. Siguro sobrang ganda niya kaya patay na patay ka." "Oo nga, kita mo naman, mas bata pa siya sa akin pero may asawa na siya. Lakas ni kupido," may pagbibirong singit ni Willie. "Sobrang ganda niya, mabait at never akong pinagpalit," sagot ko na nagpa-wow kay Raquel. "Swerte mo ha," kumento niya. "Konti na lang ang matinong babae ngayon." "Konti nga, di ka nga kasama TL eh." Nagtawanan kami ni Willie ng hampas hampasin siya ni Raquel. Tahimik akong pumasok sa loob ng kwarto namin pagkauwi ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni Lauren na mahimbing ng natutulog. Hindi ko pagsisisihang ikaw yung minahal ko. Hinalkan ko siya sa noo't nagpalit na ng pantulog. Tumabi ako sa kanya't niyakap siya. "I love you, Joshua." Napatingin ako sa mukha niya at bahagyang napatawa ng makita kong tulog na tulog pa rin siya. Pinapanaginipan ako ng asawa ko. "Mahal din kita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

NINONG III

read
363.1K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook