bc

This Man My Enemy

book_age16+
1.1K
FOLLOW
7.2K
READ
one-night stand
opposites attract
pregnant
arrogant
drama
like
intro-logo
Blurb

Patawid na si Rachel nang magulat sa mabilis na sasakyang dumaan sa harapan niya. Na-off balance siya nang umatras. Sa kamalas-malasan, bumagsak siya sa mismong dumi ng aso.

Galit na galit siya, siyempre pa. At diring-diri.

Natural na ang pagbuntunan niya ng galit ay ang driver ng sasakyang iyon.

First impression lasts. Kaya naman kahit nanghingi na ng paumanhin sa kanya ang lalakign nagpakilalang James, hindi siya nagpahinunod. PInaulanan niya ito ng katarayan niya.

Pero hanggang kailan magiging effective ang katarayan niya dito kung palagi naman itong nanunuyo sa kanya?

chap-preview
Free preview
Part 1
“RACHEL, gumising ka na’t baka mahuli ka na sa duty mo,” wika ng mommy niya habang bahagya siyang niyuyugyog.       May ngiti sa mga labing nag-inat siya. Maganda  ang gising niya nang araw na iyon sapagkat maganda rin ang napanaginipan niya. Si Doctor Matthew Hernandez.       “Bumangon ka na’t napakabagal mong kumilos.” Iyon lamang at lumabas na ito ng kanyang silid.       Ngunit hindi pa rin siya bumangon. Sa halip ay niyakap niyang muli ang pahabang unan na tila iyon ang taong pinapangarap niya. Magtutuluy-tuloy pa sana ang pagde-daydreaming niya nang maalala niyang kailangan nga pala niyang pumasok nang maaga sa ospital. Magkasabay sila ng duty ni Doctor Matthew. Tatlo ang pasyente nito sa ward kung saan siya naka-assign.       Apat na taon na siyang nagtatrabaho bilang nurse sa ospital na iyon sa kanilang lugar. Kahit maliit ang kinikita niya ay masaya siyang naglilingkod doon. Nagbalak din siyang magtrabaho sa ibang bansa ngunit hindi rin naman siya nagpupursige sa pag-a-apply.       Kung ang mga magulang niya ang masusunod ay mas gusto ng mga ito na tumigil na lamang siya sa pagtatrabaho bilang nurse. Malakas kasi ang kita ng video rental na negosyo nila at mayroon pa silang ilang commercial spaces na pinapaupahan.       Sa edad na beinte-singko ay single pa rin siya.  Binigyan na siya ng go-signal ng mga magulang niya para mag-asawa dahil siya na lamang ang nahuhuli. Panganay siya sa apat na magkakapatid at ang dalawa na sumunod sa kanya ay pawang may mga pamilya na. Siya at ang bunso na lamang nila ang single.       Pagkatapos ng nakaraang dalawang pakikipag-relasyon niya na hindi nag-work out ay ayaw muna niyang sumuong sa kahit anong relasyon. Maliban na lamang siguro kung talagang mai-in love siya at makikita niya ang lalaking sa tingin niya ay karapat-dapat sa pagmamahal niya. Trabaho muna ang pinagkakaabalahan niya. Ang mga nagpapalipad-hangin ay hindi niya gaanong pinapansin. Marahil ay dahil na rin sa sobrang pagkakatuon ng pansin niya kay Matthew na crush niya. Ang bata at guwapong manggagamot na galing ng Manila.       Sa una pa lamang ay nakuha na nito ang kanyang atensiyon. Ang dating routine at boring niyang buhay na bahay-ospital lamang ay nagkaroon ng kulay. Sa tuwina ay may excitement siyang nadarama bago pumasok sa trabaho dahil alam niyang makikita niya ito.       Nang makapagbihis ng uniporme ay minasdan niya nang mabuti ang sarili sa salamin. Marami ang nagsasabi na may hitsura siya. Cute daw siya, lalo na kapag ngumingiti sapagkat lumalabas daw ang dimples sa magkabila niyang pisngi.       Naniniwala rin siya na talagang may appeal ang taglay niyang ganda dahil kahit kailan ay hindi naman siya nawawalan ng manliligaw. Iyon nga lang, talagang nagiging mapili siya at naghihintay ng lalaking mamahalin niya.       Muling sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang guwapong doktor. Malakas ang palagay niyang dumating na ang pagkakataong hinihintay niya.       Inabutan niyang nag-aalmusal na ang kanyang mommy at daddy. Naupo siya at hinigop ang kapeng iniabot ng kanyang mommy.  Abala naman sa pagbabasa ng diyaryo ang daddy niya.       “Dad, sasabay na ako sa inyo,” aniya rito nang maibaba ang tasa ng kape at sinimulang kainin ang tinapay.       Bahagya naman nitong ibinaba ang binabasang diyaryo at napatingin sa kanya. “Bakit ang aga mo naman yatang nakagayak ngayon?” nagtatakang tanong nito. Karaniwan kasi ay nauuna ito sa kanya dahil maaga itong nag-iinspeksiyon sa mga puwestong pinapaupahan nila. Ito na rin ang nagbubukas ng video rentals nila at bandang tanghali pa pumupunta ang mommy niya para makasama itong tumao roon.       “Wala lang. Gusto ko lang makisabay sa inyo ngayon para libre sa pamasahe,” biro niya sa kanyang daddy.       “O, siya, bilisan na ninyong mag-ama. May tuberong mag-aayos ng CR doon sa dulong puwesto. Isu-supervise pa iyon ng daddy mo,” singit naman ng mommy niya. “ANG AGA mo yata, Rachel,” nakangiting puna ni Ellie sa kanya. Nurse din ito sa ospital na pinapasukan niya at isa sa malalapit niyang kaibigan. Ito ang papalitan niya ng duty. Eleven to seven ito. Siya naman ay pang-umaga.       “Bakit? Kailan ba ako na-late kapag ikaw ang papalitan ko?” tugon naman niya. Inilapag niya ang kanyang shoulder bag pagpasok sa nurses’ station. Pagkatapos ay binuksan niya ang ibabang drawer upang kunin ang kanyang white cap. Kahit wala sa harap ng salamin ay maayos niya iyong naikakabit sa kanyang ulo.       “Oo nga, kaso, hindi naman ganito kaaga,”  anito habang inaayos ang mga chart ng pasyente sa rack. “At blooming ka, ha?” Sumulyap ito sa kanya. Sa hitsura nito ay alam niyang may nais itong tumbukin.       “Dati naman na. Hindi mo nga lang napapansin,” pabirong sagot naman niya habang inaayos ang name plate sa kaliwang dibdib. “Na-discharge na ba si Mr. Reyes?” sa halip ay tanong niya upang mailayo sa kanya ang usapan.       “Kagabi pa,” sagot nito. “Ano, puwede na akong mag-endorse ng mga pasyente?” Binuksan nito ang cardex kung saan nakalagay ang mga listahan ng ieendorso na pasyente.       “Sige, nang makapagpahinga ka naman. Naibigay mo na ba ang mga gamot?” Kumuha siya ng papel at sumunod na rito palabas ng nurses’ station.       “Oo. Kaya lang itong si Mr. Cardona, naubos na ang gamot. Paresetahan mo na lang kay Doctor Matthew.”       Napangiti siya nang marinig ang sinabi nito.       Ngunit sa pagkagulat niya ay hindi yata nalihim dito ang ginawa niyang iyon. “Hay naku, in love na nga yata ang friend ko,” tukso nito. “Narinig lang ang pangalan, nagniningning na ang mga mata.”       “Ikaw talaga. Halika na nga.” Nauna  na siyang maglakad papasok sa unang kuwarto ng pasyente upang umpisahan na nila ang pag-e-endorse.       Katatapos lamang niyang ibigay ang mga gamot ng pasyente nang dumating ang taong kanina pa niya hinihintay. Nakatalikod siya at abala sa pag-aayos ng mga gamot sa medicine rack nang marinig niya ang magandang tinig ng hinahangaang doktor.       “Good morning, Rachel,” nakangiting bati sa kanya ni Matthew. Kapansin-pansin ang friendliness sa tono nito kaya naman hindi kataka-takang maging crush ito ng halos buong populasyon ng mga nurses sa ospital na iyon.       “Good morning din, Doc,” bati rin niya.       “Magpapalit ako ng dressing ni Mr. Cardona,” anito at tinungo na ang silid ng pasyente.       Mabilis na siyang kumilos. Mabuti na lamang at naihanda na niya ang mga kakailanganin bago pa ito dumating. Dala ang chart at dressing tray ay sinundan na niya ito.       Buong liksi at sigla siyang nag-assist dito. Lihim na lihim ang kilig na nararamdaman niya sa pagkakalapit nilang iyon. Lalo pa nang naamoy niya ang panlalaking cologne na gamit nito.       Pagkatapos nilang magpalit ng dressing ng sugat ng pasyente nito ay kasunod pa rin siya nitong nag-rounds sa iba pa nitong pasyente. Lihim niya itong tinititigan habang abala ito sa pagsusulat ng mga orders sa chart.       Guwapo talaga ito. Makakapal ang kilay nito na binagayan ng matangos na ilong. Bumagay rin dito ang manipis na bigote. Lalo at kapag ngumingiti ito ay nakikita ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin.       Nagulat pa siya nang tawagin nito ang pangalan niya. Tila siya nagising sa pagkakatulog.       “Rachel, are you okay?” nagtatakang tanong nito. Saglit kasi siyang nawala sa kasalukuyan habang lihim na hinahangaan ang hitsura nito.       “Y-yes, Doc.” Nahihiya man, pilit pa rin siyang ngumiti.       “Pakibigay mo na lang ang mga reseta,” instruction nito, bago nakangiting nagpaalam na sa kanya.       Walang kibong napasunod na lamang siya rito ng tingin kasabay ng pagbuntong-hininga. PAGOD na ibinagsak ni Rachel ang kanyang katawan sa malambot nilang sofa nang makauwi sa kanilang bahay. Kapag talaga pang-umaga ang duty niya ay pagod na pagod siya dahil sa dami ng gawain sa ospital. Masakit pa ang mga binti niya dahil halos hindi siya nakaupo sa dami ng dapat asikasuhin.       Mabuti na lamang at madalas ang pagdalaw ni Matthew sa ward nila. Kahit pagod ay ginaganahan siyang magtrabaho.       “Ate, baka naman may pera ka riyan,” anang bunso niyang kapatid na si Aji.       Kunot-noong tumingin siya rito. “Bakit? Nagastos mo na naman ang allowance mo?” Karaniwan na ay sa kanya ito nanghihingi ng pera kapag nauubos nito ang allowance na ibinigay rito ng mommy nila. Twenty years old na ito at graduating sa college.       “Hindi naman, kaya lang ay may party kasi akong pupuntahan. Bibili sana ako ng bagong pants,” anito, saka tumabi ng upo sa kanya.       “Ayaw kang bigyan ni Mommy, `no?”       “Pinagalitan nga ako, eh. Si Daddy naman, sabi, na kay Mommy raw ang pera,” reklamo nito.       “Magastos ka naman kasi.” Inabot niya ang kanyang bag, saka kinuha mula roon ang kanyang pitaka. “At saka tigilan mo iyang barkada. Kailangang pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil expected nina Daddy na ga-graduate ka na this year,” pangaral pa niya rito bago iabot ang pera.       “Ang Ate talaga... Kaya tumatanda kang dalaga, eh,” biro pa nito, saka mabilis na siyang iniwan nang matanggap ang ibinigay niya.       Nang maiwang mag-isa ay muli siyang sumandal sa pagkakaupo at ipinikit ang kanyang mga mata. Minsan pa ay iginuhit niya sa kanyang imahinasyon ang guwapong mukha ni Matthew.       Gusto niyang matawa sa sarili dahil para siyang teenager na nagkaka-crush at hindi malaman kung paano magpapapansin.       Matanda na siya at nakakahiyang magpa-sweet pa. Pero paano ba siya mabibigyan ng pansin ni Matthew? Oo nga at friendly ito sa kanya, pero alam niyang hanggang doon lamang iyon. Wala siyang makitang indikasyon na napapansin nito ang ganda niya. Ang kailangan niya ngayon ay pag-isipan kung paano niya ito mapabibighani sa kanya.       Naalala tuloy niya ang kasamahan niyang si Aileen nang abutan siya nito ng wedding invitation. Ikakasal na kasi ito sa nobyo nitong seaman.       “Mabuti ka pa,” malungkot niyang sabi rito.       “Ikaw naman kasi, hindi pa mag-asawa. Mayroon namang nanliligaw sa iyo, ah?” natatawang sabi nito at sumunod sa kanya sa nurses’ station.       Napabuntong-hininga siya. “Hindi naman basta ganoon lang iyon. At least, kayo ni Fredy, matagal na.”       Nagkibit ito ng mga balikat at nagsuot na ng cap. Ito ang kahalinhinan niya sa duty. “Darating din ang prince charming mo...” Natigilan ito at napatingin sa pasilyo. “I think, padating na nga ang prince mo,” tukso nito.       Nang sundan niya ang tinitingnan nito ay nadiskubre niyang si Matthew ang tinutukoy nito.       Kaagad naman siyang napangiti.       “Magpapalit iyan ng dressing and I’m giving you the opportunity to assist him,” nagbibirong bulong pa nito sa kanya.       “Aileen, marinig ka,” mahinang saway naman niya rito at buong-sigla na niyang kinuha ang dressing tray. Lihim pang kumindat sa kanya si Aileen nang sumunod na siya kay Matthew.       Kahit paano ay hindi niya maiwasang makadama ng inggit kay Aileen. Mas bata ito sa kanya nang dalawang taon pero lalagay na ito sa tahimik. Samantalang siya na dapat ay mag-asawa na ay hindi pa sigurado kung sino ang lalaking para sa kanya.       Ang dalawa niyang kapatid na babae na sumunod sa kanya ay may mga anak na. Kung minsan nga ay itinatanong niya sa sarili kung ano ba talaga ang hinahanap niya sa isang lalaki.       Hindi niya gustong isiping masyado nang mataas ang standard niya pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin. Mas gusto niyang paniwalaang wala lang talaga siyang maramdamang espesyal sa mga lalaking nanliligaw sa kanya.       Sa palagay niya ay ngayon lang niya nakita ang lalaking gusto niya. Ang problema, waring hindi lalagpas sa pakikipagkaibigan ang pagtinging inuukol nito sa kanya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

My Godfather My husband

read
269.2K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
407.9K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook