bc

Wild Heart

book_age18+
732
FOLLOW
3.3K
READ
revenge
drama
comedy
sweet
bxg
city
small town
betrayal
prostitute
seductive
like
intro-logo
Blurb

Working in the darkness has always been the way of living for Candelaria. Dancing with heat and fire — making money by showing sultry steps. She’s not shy but afraid that her love will find out about the other part of her story. Focused about her work, never did she realized that her heart could make different beats. One that is known and the other still figuring out the unknown.

Learning more about the reality of relationships — fun, thrills, loneliness and acceptance, Candelaria found herself in the middle of deciding to commit.

But what if the other half isn’t ready and doesn’t want the thing she hopes she will have? Will she hold tight for the love of getting what she wants? Can she tame the wild heart?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Umindayog ang aking balakang kasabay ng tugtog ng musika. Hindi alintana ang mga ilaw na sumasayaw rin kasabay sa akin. Hinawakan ko ang aking buhok saka mas pinagbutihan ang pagbibigay aliw sa mga matang sabik na sabik sa akin. Sigawan ang sunod kong narinig nang umupo ako sa isang upuan na nasa gitna. Nakabukakang umupo doon saka nilabas ang dila at pinaikot-ikot ito sa aking labi. Ngumisi ako nang makitang nag-aagawan ang mga tao, babae man o lalaki, para makita ang sunod kong gawin. Nagkunwaring cowgirl. Kahit walang tao na nakaupo sa upuan maliban sa akin, nagtaas-baba pa rin ako. Uminit ang aking katawan dahil sa ginawa. Maraming pera na ang nasa stage, bigay nila para sa akin. Bayad kumbaga. Hinawakan ko ang strap ng suot na maiksing short. Parang panty na nga ito sa sobrang iksi. Naghiyawan sila. Akala na huhubarin ko. Natawa rin tuloy ako nang madismaya sila. Inayos ko lang ang strap, mga hangol! Inulit ko pa ng ilang beses ang pagsayaw nang mabagal bago ko tinapos ang performance. “As expected from our biggest and highest paid dancer!” Iyon ang huli kong narinig galing sa boses ng emcee dahil nasapawan na ito ng mga hiyaw at ibang tugtugin. Naglagay ako ng robe sa sarili bago ako pumasok sa backstage. “As usual, Candy. Ang galing mo pa rin gumiling,” bungad sa akin ng aking kasamahang bartender. “Nambobola ka na naman.” “Totoo ‘yon.” Binigay niya ang inumin sa babaeng nakaupo. “Here you go, Miss.” Bumalik siya sa ginawa para naman sa inumin ko. “Ewan ko sa‘yo, Bornok. Nakita mo ba si Sansa?” sa halip ay tanong ko. “Naghahatid ‘yon kanina ng order sa VIP. Hindi ko na napansin kung nakalabas na ba ‘yon. Alam mo na...” makahulugang sagot niya. Hindi ko na pinansin ang pilit niyang pinapahiwatig. Nanligaw si Bornok kay Sansa. Pero ang kaibigan ay laging sinasabing sa mayayaman lang siya dahil maganda siya. Kaya kapag naghahatid ng order sa mga VIPs, laging sumbat ni Bornok na baka nagpalaspag na ang kaibiga — which I deny. “Candy!” Hawak ang isang baso ng inumin ay nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Naririnig ko agad kasi malamyos na ulit ang musika na pinapatugtog at hindi na agresibo ang mga tao. “Magandang gabi, Ma’am Susan.” “Buti naabutan kita. Ang laki ng kita mo ngayon. Ayaw mo pa rin bang kunin ang sweldo mo?” sunod-sunod niyang tanong, hindi na napansin ang tinawag ko sa kaniya. Umiling ako bilang sagot. “Diyan po muna ‘yan. Alam niyo namang gustong-gusto kong may ipon tayo para sa pagpapaganda nitong bar na 'to.” Malungkot ang matang tumingin siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong walang dala na baso saka nginitian nang matamis. “Masaya ako na minahal mo itong bar, Candy. Pero sana huwag mo ito gawing balakid para hindi na maghanap pa ng ibang oportunidad. Mas marami ka pang maaabot na wala rito sa bar, Candy.” “Dito po ang buhay ko, Ma’am Susan. Dito po ako nabuhay. Kaya gusto kong ibalik sa inyo ‘yon.” “Hindi mo naman utang na loob ‘yon. Mahal ka namin kaya talagang aalagaan ka namin.” “Salamat po…” Tumaas ang kilay niya. Naghihintay sa idurugtong ko. “Mama Susan.” Kumurba ang sulok ng labi niya sa narinig. Satisfied na ‘yan? “Ang laki mo na talaga. Pero lagi mong nakakalimutang tawagin akong Mama. Kapag sa susunod na mangyari ‘yan, isusumbong talaga kita sa Lola mo!” banta pa niya gamit ang kaniyang nanlilisik na mata. Alam ko namang hindi niya ‘yon magagawa. Kapag sabihin niya ito kay Lola, baka tuluyan na akong maging ulila. Si Lola na lang ang natitirang pamilya ko. Masaya nga ako at dito sa bar na ito ang tahanan ko. Mga nagtatrabaho rito ay pamilya ko na rin. Kung ang iba ay skwelahan ang pangalawang tahanan, sa akin ay iba. Ang bar na ito ang saksi sa lahat ng dinanas ko sa buhay. Sa bar na ito ko unang nasilayan ang mundo. Ito ang tahanan ko. “May gustong kumausap sa‘yo sa Table 3,” salubong na sambit ni Sansa pagkalagay ng tray sa harap ni Bornok. Hindi man lang ito tinapunan ng tingin. “Okay.” Naghanda na ako para magpunta roon sa sinabi niya. Bago makalakad ay hinawakan ni Sansa ang braso ko. “Huwag mo na ulit samahan sa CR kapag sumuka ha?” paalala pa nito bago ako tinalikuran. Natawa na lamang ako. Noong isang araw kasi ay sapilitan akong hinalikan no‘ng sumuka. Sinamahan ko dahil kahit na dancer ako ay costumer sila. Kailangang tulungan. Mabuti na lang at may pumasok na bouncer para sa pagtitingin ng mga nangyayari. Kaya galit si Sansa pati na nga yata si Mama Susan sa nangyari. Isa sa gusto ko rito sa bar na ito ay ang mahigpit na batas. Lalo na sa mga nagtatrabaho. Kaya naiintindihan ko ang higpit minsan ni Mama Susan sa akin kapag may mag-re-request sa akin sa Table. Tumango ako kay Sansa at Mama Susan bilang paalam. Habang naglalakad sa mesa ay ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Maglaway kayo! “Good evening, gentlemen,” malaswang ani ko. Kailangang gamitin ko ang ganitong klase ng boses para makahatak ng pera. Ngumusi iyong panot saka ako pinaupo sa tabi niya. “So sweet,” anito. Nginitian ko ang lalaki saka bumaling sa inumin na nasa mesa. Bilang pinakamatagal nang nagtatrabaho rito, gamay ko na ang kung paano pakisamahan ang ganitong klaseng tao. May panahon na hindi nakokontrol pero sa nakikita ko ngayon, okay naman ang panot. Kaya ko ‘to. “Do you want some drinks?” tanong naman ng kasama ni panot. Medyo bata ito pero siguro dahil sa suot na suit ay nagmukhang matanda. Dagdag pa ang malaking tiyan at ang glasses. “No, thanks. I’m just gonna be with you tonight. You want to talk about something right?” Nagliwanag ang mukha ng panot. “Muntik ko na makalimutan,” natatawang aniya. Dahil kami ang magkatabi, naramdaman ko ang kaniyang braso na namahinga sa aking balikat. Nanindig ang balahibo ko roon. Kailan pa kaya ako masasanay sa ganitong biglaang paghawak? “I have some offer for you,” panimula niya. Tumikhim ako saka pasimpleng gumalaw para makalayo sa hawak niya. Hindi niya napansin ‘yon dahil naka-focus sa aking mukha ang atensyon niya. Tahimik lang rin sa gilid ang isang kasamahan. “What offer is that, Mr.?” “Mr. Ponce, sweety.” “Mr. Ponce. Ano’ng offer po iyon?” ulit kong tanong. “I need some massager in my company. Would you like to apply?” diretsahang alok niya. Kinalma ang inis na unti-unting naramdaman, ngumiti ako kay Mr. Ponce. Masahista? Talaga lang ha? Sige, sakyan natin ‘yan. Pinigilan ko ang ngumisi saka nag-isip ng sasabihin. “I am not a professional.” “Oh you don’t need to be professional with that sweety. All you need to do is to massage my manhood — everyday,” ngising aso niyong sagot. Dahil sa pananahimik ko mas lumaki ang ngisi niya sinabayan pa ng halakhak galing sa kaniyang kasama. “I would pay you double if you eat it,” gatong pa niya na akala mo ay papayag ako kapag talagang usapang pera na. Mukhang pera ako, oo. Pero ayoko nang ganoon. Ayokong darating sa puntong sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. At mas lalong ayoko makahawak ng nanghihinang espada. Baka maputol ko lang 'yon. At saka, expired na siguro ang hotdog niya na pinagmamalaki. “Time’s up! Table 3, thank you so much for talking to our beloved dancer. Your payment please.” Iyon na yata ang pinakagusto kong pagsingit ni Mama Susan sa akin. Hindi kasi siya gano’n lalo na kapag nakikita niyang komportable ako sa kasama. Siguro nakita niya ang paglayo ko kanina sa hawak ng panot kaya dinisturbo niya kami. Tumayo ako saka nginitian ang dalawang hangol. Lumayo ako sa kanila. Mabilis naman akong hinawakan ni Mama Susan sa kamay kaya lumapit ako sa kaniya. “Salamat po, Mama Susan.” Naghintay pa si Mama sa bayad bago ako hinatak palayo sa mesa. “Ang lakas ng loob hawakan ka tapos ang liit ng bayad. Overtime pa nga ‘yon ha! Ang kapal ng mukha!” “Mama Susan, hu—” “Naku kapag talaga babalik ‘yon, sisingilin ko ulit. Makikita niya!” Paano ba ‘to? Hindi ko na yata mapipigilan si Ma Susan sa ganitong mga rant niya. “Mama...” “Oh?! Kanina ka pa Mama nang Mama diyan.” “Ayos na po. Umalis naman na sila. Dagdag mo na rin ‘yong bayad sa savings ko,” banayad kong sabi. Mas ginalit ko yata siya sa sinabi ko. “Ewan ko sa‘yong bata ka.” Ngumiti ako. Ayaw pa rin talaga niya hawakan pera ko. “Huwag kang ma-li-late bukas, ha? May biglaang VIP guests tayo.” Napahinto ako agad. Biglaan? Bago yata iyon sa pandinig ko. “Pumayag po kayo?" tanong ko. Kailanman ay hindi pumapayag sa mga biglaang reservation si Ma Susan. Dapat a week before ay nakapag-reserve na. Lalo at kailangan ng preparation sa aming mga dancer. Nagkibit-balikat si Mama saka ininom ang alak niya na hawak kanina pa. “Eh ang laki ng bayad kaya pumayag na lang ako. Bakit? Hindi ka ba makakapunta?” Anniversary namin bukas. Plano ko pa sanang mag-dinner kami. Lunch date na lang kaya? Gabi naman ang event. Pero baka rin kailangan namin mag-practice. “Susubukan ko po,” sa halip ay sagot ko. Hindi ako sigurado kung ano ang paliwanag ko pero sana makasali nga ako lalo at VIP pala. Nag-aayos na ako ng mga gamit para makauwi nang mag-ring ang lumang cellphone ko. Kaagad lumawak ang ngisi sa aking labi nang makita ang caller. “Hi, babe!” Nangunot ang noo ko nang mga tawanan ang narinig. Malakas din ang tugtog sa background. “Hi, Candy. Wait. Sorry about that,” sagot ng nasa kabilang linya. Kumunto ang noo ko. “Nag-inuman kayo, Sandro?” Tumawa siya. “Oo, pasensya na hindi ko nasabi sa'yo.” “Akala ko may lagnat ka?” “Lagnat? Kailan ko sinabi ‘yan?” Kagabi. Gusto ko sana siyang pagsabihan pero pinili kong huwag na palakihin. Baka magkagalit pa kami sa anniversary namin. Ayoko pa naman mag-away kami. “Ah wala. Nalito lang siguro ako. Sino mga kasama mo? Gano’n pa rin?” Pinagpatuloy ko ang pag-aayos habang kausap siya. “Yeah. I just called to tell you I can’t meet with you tomorrow. I have some important event that's unplanned. Sorry, babe.” Wala siya sa anniversary. Nakalimutan niya ba? Wait, baka surprise? Pero sa mga buwan na may ganito hindi naman niya nagagawa ‘yon. “O-o sige. Sasabay ako kay Mama Susan bukas. Mag-ingat ka ha? I love you.” “Sige. Goodnight, babe. Ingat din.” Naputol ang linya na hindi ko narinig ang salitang hinintay ko. “Oh? Pagod ka?” Nilingon ko si Sansa na ngayon ay nakahalukipkip na tumitingin sa akin. Nakaupo sa malaking couch dito sa room naming mga trabahante. Pagod akong umiling sa tanong niya. Hindi ako pagod sa trabaho. Sanay na sanay nga katawan ko do’n eh. Pero no’ng natapos ang usapan namin ni Sandro, nanghihina ang katawan ko. Mas pagod pa nga yata ako sa usapan namin kaysa sa pagsasayaw ko kanina. “Hindi.” “Kung hindi sa trabaho...” Nanliit ang matang tumitig siya sa akin. “Aminin mo nga, Candy. Binigay mo na ba ang p********e mo sa pangit na mayaman na ‘yon?” Ngumiwi ako sa sinabi ni Sansa. “Ano’ng pangit?” “Ano’ng pangit?” panggagaya niya sa akin. “Lahat ng parte niya ay pangit. Ang maganda lang yata don sa hinayupak na ‘yon ay ang pagiging mayaman niya. Antipatiko pa. Pwe!” Napahilot ako sa aking sentido dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Sansa...” “Oo na mahal mo ‘yon pero... bakit kasi siya, Candy? Wala na bang iba? Bahala na kahit hindi masyadong mayaman basta pogi naman at kaya kang paglaanan ng oras 'no?” “Hindi ko naman minahal si Sandro dahil mayaman siya.” Inirapan lang ako ng kaibigan. Lumabi ako saka siya tinabihan. “Huwag kang magagalit ha?” Malalaking nga mata at laglag na panga siyang bumaling sa akin. “Jusko mahabagin, Candy! Bakit ka bumigay sa asong ‘yon?!” Kasasabi ko lang huwag magalit pero heto na naman siya para ng sasabog. Hindi ko alam kung bakit mas ginanahan akong inisin pa siya lalo. Alam ko namang iniisip na niya na binigay ko ang virginity kay Sandro. “Sansa, may sasabihin nga ako.” “Sabihin mo nga, gaga ka!” “Wow! Makakapagsalita pa ba ako sa sobrang dami mong talak?” Humugot siya ng malalim na hininga bago ako hinawakan sa braso. “Okay... Kalmado na ako.” Bigla akong nagseryoso nang maalala ang dahilan kung bakit ko biglang natamlay. “Walang celebration ang anniversary namin bukas.” Akala ko magagalit siya o magugulat. Pero iba ang nangyari. “Ano? Paki mo naman kung wala?” Bumuntong hininga na lang ako sa sagot ng kaibigan. Kaya talaga hindi sila nagkakasundo ni Bornok dahil sa bunganga niyang ‘to eh. “Espesyal na araw ‘yon! Dapat magkasama kami para i-celebrate. Pero sabi niya may gagawin siya.” Umismid si Sansa. “Naniwala ka naman? Baka nambabae na ‘yan?” “Hindi niya gagawin ‘yon,” siguradong ani ko. “Tiwalang-tiwala ka ah? Paano kapag tama ako? Huwag ka talagang magpakita sa aking umiiyak. Mapuputol ko ang maliit na itlog ng lalaking ‘yon.” “Hindi ‘yan...” sabi ko sa kaniya na parang mas kinukumbinse pa ang sarili na hindi magagawa ‘yon ng jowa. Kilala ko si Sandro at alam kong hindi niya magagawa iyon sa’kin. “Mabuti na lang pala at hindi kayo magkikita eh. Sabi ni Ma’am Susan may VIP tayo bukas?” Yun pa pala. “Oo. Siguro sasama ako sa magsasayaw,” mahinang ani ko. Walang choice eh. Kaysa naman magmumukmok ako sa bahay, mas magandang isayaw ko na lang. Magkakapera pa. Saka ko na lang problemahin si Sandro kapag tapos na ng trabaho ko at hindi na siya busy. Napapalakpak si Sansa sa tinuran ko. “Ayan! Iyan ang kaibigan ko!” “Tse! Bakit kasi hindi ka nag-dancer. Masaya kaya.” “Alam mo namang hindi nga ako sanay sumayaw nang nakakaakit. Hanggang hip-hop lang. Buti nga pinapasok ako bilang waitress dito eh. Kung hindi lang kita kaibigan naku baka nasa lansangan pa rin ako ngayon.” “Huwag ka nga magsabi nang ganyan. Nakapasok ka rito kasi magaling kang waitress.” Sinaway ko agad siya. Lagi na lang niya kasi minamaliit sarili niya. Yumakap si Sansa sa braso ko. “Hindi ko yata kayang iwan itong bar na ‘to. Kaya kahit yumaman ka na, huwag mo rin akong iwan ha? Kahit gawin mo pa akong alalay sa'yo.” Pinalo ko ang kandungan niya nang pabiro. “Huwag mo rin akong iwan kapag makahanap ka ng mayamang papasok sa standard mo.” Nagtawanan kami saka sabay na nagbuntong hininga. Kung saan man kami dadalhin ng buhay, hinding-hindi ko iiwan si Sansa. Dahil gaya ko na si Lola ang natitirang pamilya ko sa dugo, alam kong ako lamang ang nag-iisang tinuring na pamilya ni Sansa. Hindi ko siya bibiguin sa parteng iyon. “LOLA, bakit gising pa po kayo?” Kakabukas ko pa lang sa pinto ng bahay nang sumalubong sa akin si Lola na nakaupong nanonood ng pelikula. “N-nandito ka na pala,” mahinang sabi niya. Nagmano ako rito bago siya tinabihan. “Lola, pahinga ka na po. Gabing-gabi na.” “Candelaria... lagi kong napapansin na hating gabi ka na umuuwi. Nagpapa-gabi ka ba para sa akin?” Umiling ako agad sa takot. “Feeling mo naman, La. Hindi ‘no! Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Nagkunwari pa akong nagalit sa bintang niya pero hindi yata umobra sa ngayon. “Pasensya ka na apo at hindi na kita natutulungan. Naging pabigat pa ako.” “Lola hindi ka po pabigat. At saka ang gaan niyo nga. Hindi naman kita nili-limit sa pagkain ah? Baka akala ng kapitbahay natin inaabuso kita.” Ngumit siya. “Manang-mana ka talaga sa ama mo. Laging sinasabing hindi pabigat. Pero iba na pala ang pinapahiwatig.” Kinagat ko ang aking labi nang maalala si Papa. Tuwing nagpag-usapan siya, bumabalik sa akin ang alaala noong nakita ko siyang ngumiti sa akin. Huling ngiti niya sa akin. Huling hawak niya sa akin. “Apo, kapag pagod ka na, magsabi ka kay Lola ha? Huwag kang matakot. Hindi naman magagalit si Lola. Basta huwag mo lang itago ang nararamdaman mong tunay. Huwag kang gumaya sa Papa mong kinimkim at dinala hanggang sa kamatayan ang sariling pagod.” Hindi ko namalayang lumuluha na pala ang mata ko. Kung hindi pa bumagsak ang luha sa kamay namin na magkahawak ay baka hindi ko na nga ito mapansin pa. Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisngi — gano'n rin sa pisngi ni Lola. Kitang-kita ko ang sakit sa kaniyang mata. Kita ko ‘yon pero ayoko na lang magsalita pa tungkol doon. Sa halip ay iniba ko ang usapan. “Tulog na po tayo, Lola. Para hindi na tayo mapagod.” Ngumiti si Lola saka tumayo. Inayos ko ang suot niyang bestida na bulaklakin ang disenyo. Dahil mahina na ang tuhod, inalalayan ko siya hanggang makapasok sa kwarto naming dalawa. Ayokong magkahiwalay kami lalo na at matanda na siya. Bumalik ako sa sala para patayin ang telebisyon. Inayos ko na rin ang pinagkainan ni Lola. Matapos ang lahat ay pumasok ako sa kwarto para magbihis. “Sana nandito ka pa, Papa.” Hinawakan ko ang kwintas na tanging bagay na binigay niya sa akin. Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin ng banyo. Ang mata na tanging namana ko kay Papa. Ito ang dahilan kung bakit tuwing nagsasalita ako ay sa mata ko nakatingin si Lola. Marahil ay naaalala at nakikita niya sa akin si Papa. Hinigpitan ko ang hawak sa kwintas nang maglandas muli ang mga luha sa pisngi ko. Sa sobrang saya niya na nakapasa ako sa unibersidad na pinag-apply-an ay niregaluhan niya ako nito. Una at huling regalo niya sakin. Isang diamond necklace na may hourglass sa gitna. Pinikit ko ang mata habang inaalala ang panahong nakasama ko siya. “Anak, masaya akong makakamit mo na ang matagal mong pinapangarap. Nandito lang ako sa tabi mo. Kahit maubos man ang buhangin sa kwintas na ito, lagi akong nasa tabi mo. Kumakapit ako, anak. Para sa‘yo — dahil rin sa‘yo.” Papa... bakit hindi mo man lang ako pinatapos? Akala ko kumakapit ka pa. Masakit isiping ako ang dahilan kung bakit ka kumakapit at ako rin ang dahilan kung bakit ka bumitaw. Napuno ng hikbi ang banyo sa kahit ano’ng pigil ko nito. Ang sakit na pilit kong tinatago ay hindi na nakayanan at lumabas. Kung maibabalik lang talaga ang panahon, babalik-balikan ko ang alaalang kasama kita, Pa. Iyon ang isa sa pinakamagandang nangyari sa tanang buhay ko. Ang daya nga eh. Matagal kitang hinintay pero ang bilis naman nilang kunin ka sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.1K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook