bc

Love Refill

book_age18+
9.0K
FOLLOW
33.3K
READ
second chance
pregnant
single mother
drama
serious
betrayal
first love
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Lumaking may tinatanim na galit si Zemira Leigh sa kaniyang Mama dahil sa pangangaliwa at panloloko nito sa kaniyang Papa. Dahil sa takot at pangamba na baka mangyari rin ang kasawian sa kaniya ay nangako siyang gugwardihan ang kaniyang puso upang tumakas sa sakit na nasaksihan niyang natamo ng kaniyang ama.

Ngunit nabigo siya nang dumating si Kiryu Hensen Dela Riva sa kaniyang buhay. Sinira nito ang mataas na pader na iniharang niya laban sa pag-ibig. Naging perpekto ang kanilang relasyon at pinangakuan pa siya nito ng kasal, subalit hindi niya inasahan na ang kasintahan niya na sumumpang hindi siya sasaktan ay nakagawa ng isang pagkakamali na parehong dumurog sa kanilang pagkatao.

May lugar pa kaya ang pagpapatawad at pangalawang pagkakataon, gayong galit na galit si Zemira sa mga manloloko?

Can love be really refilled?

Love Series 2: Love Refill

Kiryu Hensen Dela Riva

Maligaya©May2022

chap-preview
Free preview
Simula
Zemira Leigh Quijano Villamayor's POV “PUMPKIN, huwag ganito, walang hiwalay. Daisuki. Daisuki desu,” paulit-ulit niyang salaysay matapos kong malaman na may ikinama siya sa Japan. Is this a nightmare? Sana nga’y panaginip lamang ang lahat ng ito, ngunit hindi dahil totoong nagloko siya. “Watashi no ai. Ikanaide kudasai.” Magsiklop ang kaniyang mga palad, lumuluha at nagmamakaawa, ngunit para akong nabingi dahil sa bombang pinasabog niya sa harap ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na sinabi niya ang bagay na iyon o hindi, dahil sobrang sakit para sa akin. Habang masaya akong naghihintay sa kaniya rito sa Pilipinas, hindi na pala trabaho lang ang ginagawa niya sa ibang bansa. Parang sirang-plaka na umaalingaw-ngaw ang mga katagang binanggit niya kanina na siyang nagpaguho ng aking mundo. I bedded a woman. I’m sorry. I was betrayed. Masisiraan ako ng bait. Hindi ko alam ang gagawin. Tumitibok ang aking puso ng mahapdi at unti-unting dumilim at pumait ang paligid ko. It was all darkness. Wala siyang tigil sa paghingi ng paumanhin subalit dahil sa kaniyang kataksilan ay hindi ko siya pinakinggan. Kung ano-anong tanong rin ang naglaro sa aking isip. Ano’ng nakita niya sa iba na wala ako? Ano’ng pagkakamali ang nagawa ko para gawin niya sa akin ‘to. “W-why?” I asked as I controlled myself not to burst. Ang dami-daming tanong pero isang salita lamang ang lumabas sa aking mga labi. Bakit? Bakit niya nagawa sa iyon? Si Kiryu siya, e. Si Kiryu siya! ‘Yong ganoong bagay ay malabong gawin ng lalaking mahal ko. Ang sabi nga ng mga kakilala namin ay ako pa raw ang may posibilidad na palitan siya dahil wala sa itsura at wala sa personalidad niyang magloko. Pero ano’ng nangyari? Dahil ba malayo kami sa isa’t-isa kaya naghanap siya ng kalinga ng iba o dahil. . . h-hindi niya na ako mahal? Kasalanan ko ba kasi masyado akong nakumpyasa na hindi siya titingin sa iba? “Bakit?” pag-uulit ko sa tanong bago huminga ng malalim para pigilin ang luhang nagbabadyang dumausdos sa aking mga pisngi. I was expecting his answer but he stayed silent. Hindi niya masabi ang dahilan kaya matalim ko siyang inirapan. I remained composed and steadfast. I remained the high and mighty Zemira Leigh Villamayor, even if my heart was dying because of this undescribable pain. Bumuga ako ng malakas na hangin at kinagat ang aking pang-ibabang labi. Sumasakit ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil, ngunit wala iyon kung ikukumpara sa nadarama ng aking puso na kanina pa naghuhimiyaw sa pagtutol. Everyone of them thought that I am a stone; hard and rough. Kaya naman pinilit kong huwag ipakita na nadudurog na ako, dahil hindi ganoon ang pagkakakilala sa akin. Hindi ako madaling matibag, hindi ako madaling mabasag. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng ipinatayo naming bahay, mula rito sa living room hanggang sa kitchen. Dito sana kami bubuo ng pamilya at dito sana kami tatanda ng magkasama ngunit nawala lang iyon na parang bula. I blinked slowly as I remembered all his promises. Lahat ng pinangako niya’y pinaniwalaan ko at ang lahat ng iyon ay nakatatak pa rin sa isip ko. Napailing ako at napangiti ng mapakla. Paano ko nga naman makakalimutan ‘yong oras na pinangakuan niya ako ng habambuhay? Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong magwala, pero hindi ko ma-igalaw ang ang katawan ko. Tila naging tuod ako sa kaniyang harapan habang unti-unting bumabaon sa aking dibdib ang milyon-milyong sandata na siya mismo ang sumaksak sa akin. “Ryu, may mali ba sa akin?” Sinalubong ko ang kaniyang tingin na kaniya namang ikinagulat. Hindi maayos ang istilo ng kaniyang buhok at mugtong-mugto na rin ang kaniyang mga mata. Kung tutuusin nga’y hindi na siya parang hindi na siya makamulat dahil sa singkit siya. “H-hindi mo na ako mahal?” lakas-loob kong pag-uusisa habang nanginginig ang aking mga labi sa galit at sa kirot na lumulukob sa aking pagkatao. “Mahal kita—” “Then, why?! Bakit napakadali mong ipagpalit ang anim na taon?” Nagsimulang lumagablab ang apoy sa aking dibdib. Mula sa pagkagulat at sakit ay nilukob ako ng matinding pagkamuhi sa kaniya. “Alam ko na.” Sandali akong tumigil bago nagpatango-tango. “Dahil hindi ko ibinibigay ang sarili ko sa’yo ay tumikim ka ng iba.” “No! Napag-usapan na natin iyan. Mataas ang respeto ko sa’yo. Pumpkin, I promised we’ll be each others’ first after we got married,” may paglalambing sa tono ng kaniyang boses subalit lalo lang niyon na pinalala ang galit ko sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos ay humalukipkip. “Will I still be your first?” I asked in sarcasm, that’s why he mouthed the word ‘I am sorry’ again and again. I am aware that he was hurting, too. Kitang-kita ko sa kaniyang mga kilos na nahihirapan din siya, na nasasaktan din siya, ngunit kahit gustuhin ko man ay hindi ko siya maiintindihan. “Six years! Ryu, six years pero ibinasura mo lang ang lahat ng iyon.” Malakas akong bumuntonghininga at nagsimula akong sumbatan siya. “Hinahangaan ka ng lahat. Si Ryu Dela Riva ay matino, hindi niya kayang lokohin si Zemira,” panggagaya ko sa mga sinasabi ng mga tao sa kaniya at sa relasyon namin. Sino nga ba ang magdududa sa kaniya kung noon pa lang ay ipinaglandakan niya na sa lahat na ako lang ang babaeng gusto niyang makasama hanggang pagtanda. “I-I’m sorry. Mahal na mahal kita.” My heart crampled and broke into millions after I heard him said that he loves me. “No,” mabilis kong sagot bago siya sinimangutan. “Sinungaling ka,” I spoke before I exploded silently. Nalaglag ang aking balikat kasunod ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Dinurog niya ang tiwala ko. Hindi niya na kayang ibalik pa iyon. Tears of heartache filled my cheeks, making him quickly moved closer to me. Kaagad naman akong umatras papalayo habang umiiling. “You don’t love me enough. If you do! If you do, we’ll never be in this kind of situation.” Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin at nang mahawakan niya ang aking magkabilang braso ay roon niya na ako nayakap ng mahigpit. “Pumpkin,” he called me while we were both crying. Pumikit muna ako at dinama ang kaniyang huling yakap bago namin tapusin ang lahat. “Lumayo ka sa akin, Ryu. Nakakadiri ka,” mahina ngunit sapat na upang marinig niya. Naramdaman kong nanigas siya sa pagkakatayo at iyon ang naging dahilan para makawala ako sa kaniyang pagkakayakap. Nakita ko ang paglamlam ng kaniyang mga singkit na mata pati na rin ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin kaya napatawa ako at napailing. Those six years of planning our life together went on nothing. Kasalanan niya, sinira niyang lahat ang mga plano naming dalawa. “Please forgive me,” pagsusumamo niya habang sinusubukang abutin ang aking kamay. “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, Zemira. I am not me without you.” Umiling ako at pinahid ang aking mga luha. “Hindi totoo iyan! “You know how much I suffered when my mom cheated on my father. You know how much I cried; you know. . . because you were there!” He promised me that he will never cheat. Pinangako niyang hindi niya ipararanas sa akin ang ipagpalit sa iba. Iyon lang din ang tangi kong hiniling sa kaniya. Huwag akong saktan dahil hindi ko kakayanin. “S-she’s nothing. There’s nothing special abou —” Hindi niya natapos ang kaniyang linya dahil mabilis na dumapo sa kaniyang kaliwang pisngi ang aking palad. My heart and my mind are already closed. Gumawa ako ng desisyon na alam kong tama para sa aming dalawa. “Maghiwalay na tayo, Dela Riva.” My voice was full of coldness and authority. Hangga't maaga pa ay ililigtas ko na ang sarili ko. Ayaw kong matulad sa aking ama na paulit-ulit na nagpatawad at niloko ng aking ina. “No! Hindi ako papayag. Pumpkin, we’re getting married.” “Are you still expecting me to marry you after what you’ve done?” “Lasing ako! I missed you and I thought that she was you!” Parang binudburan ng asin ang loob ng aking dibdib nang dahil sa narinig kaya nabigyan ko siya ng malakas na mag-asawang sampal. “That’s bullshit! Huwag mo akong gawing tanga.” I slapped him again before I pushed him hard. “Na-mi-miss din kita pero kahit kailan ay hindi ko napagkalaman ang ibang lalaki bilang ikaw!” “Please don’t leave me. I can’t live, pumpkin. Watashinosubite.” Malakas ang kaniyang paghagulhol kasunod ng pagluhod niya sa aking harapan at pagyakap sa kaniyang baywang. Ngunit namanhid na ng tuluyan ang aking puso. Wala na akong maramdaman sa kaniya kundi galit. “It’s just a mistake. Please forgive me,” he wept as he embraced me tighter. I whimpered for the last time because this is the day that I lost him, my bestfriend and my lover. Masaya kaming dalawa sa piling ng isa’t-isa noon. Wala naman kaming nagiging problema dahil palagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay. I reminisced our past until memories became vivid that brought me in vain. Masakit isipin na ang nakaraan namin ay mananatili na lamang sa nakaraan. “VILLAMAYOR,” biglang tawag ng isang lalaking nasa likuran ko. Nang lumingon ako upang tingnan kung sino ang nangahas na tumawag sa akin ay nakita ko si Dela Riva, ang feeling close kong kinakapatid na best friend ni Zadkiel Vallejo. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at nang natuod siya sa kaniyang pwesto ay muli akong nagpatuloy sa paglalakad. “Nakita mo ba si Adi?” bigla niyang tanong kaya napatigil ako. Mabilis siyang lumapit sa aking tabi bago kumurba ang kaniyang mga labi. Muntik na akong madala sa kaniyang ngiti kaya naman mabilis ko siyang inismiran. Nakamot ko na lamang ang aking ulo dahil sa tuwing makikita niya na ako ay si Adi ang hinahanap niya. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang kaibigan? “Maybe she's following your friend again,” seryoso kong pahayag pagkatapos ay naglakad na muli. Hindi ko na siya pinansin kahit na may sinasabi pa siya sa akin. I just put earphones on my ears, even if I didn’t turn on the music. Nagkunwari lang akong nakikinig dahil ayaw ko siyang makausap. Bukod kasi sa feeling close siya ay nag-iiba rin ang pagkabog ng puso. Palagi itong nagdadabog sa tuwing nagkakalapit kami. Ang akala ko’y tapos na siya sa pagtatanong, ngunit sinabayan niya pa ako sa paglalakad kaya napatigil akong muli. “May kailangan ka pa ba, Dela Riva?” I coldly asked before I raised my eyebrow. “P-pauwi na rin ako, sabay na tayo, tutal magkapitbahay lang din naman tayo,” salaysay niya habang nakangiti, para tuloy siyang nakapikit dahil singkit ang kaniyang mga mata. “Balita ko nahihirapan daw kayo ni Adi sa Math? I can teach you for free, kinakapatid naman kita,” he told me, that's why I wrinkled my forehead. Saan niya naman nakuha ang balita na iyon? “Isama na rin natin si Adi, kung gusto mo,” dugtong niya kaya napangisi ako. “May gusto ka ba kaibigan ko?” prangka kong tanong bago inalis ang earphone sa tainga ko. Itinabi ko ito at itinago sa aking bulsa bago ko siya hinarap. “H-ha? Paano mo naman nasabi na gusto ko si Adi?” nauutal niyang tanong, tila matutumba rin siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang nalaman ko ang pinakaiingat-ingatan niyang sikreto. “Siya ang palagi mong bukambibig sa akin, Dela Riva,” I answered before my smirked grew bigger. Nilapitan ko siya at pinagpag ang kaniyang kwelyo nang maisip kong biruin siya. “I thought you’re a good friend. May plano ka pa lang agawin siya kay Vallejo?” I asked but he didn’t answer. Mukha siyang tensyonado dahil hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto. “Don't worry, gusto mo tulungan pa kita,” mabilis kong pahayag kaya nanlaki ang kaniyang mga singkit na mata at umawang din ang kaniyang mga labi. I concluded that he was just shocked. Kitang-kita sa kaniyang mga mata na masaya siyang may tutulong na sa kaniya. “Tutulungan kita sa kaibigan ko kung ititikom mo iyang bibig mo,” I commented as I pointed his mouth. Kaagad niya namang itinikom ang kaniyang bibig at tinakpan ito ng kaniyang kanang kamay. “Kung makakasama kita palagi,” pabitin niyang sagot pagkatapos ay ngumiti siya nang malapad, tila may ibang iniisip. “Oo, sige, may gusto ako kay Adi,” he confessed like he won a jackpot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook