bc

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella

book_age0+
8.2K
FOLLOW
85.0K
READ
billionaire
arrogant
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella.

Keira knew she had found her safe haven in Hacienda Fabella. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya.

Tutol si Jeremy sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayuman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Keira na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Jeremy sa kanya.

Pero isang gabi, natagpuan ni Keira ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi.

Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Keira ang sarili kay Jeremy – hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim...

chap-preview
Free preview
Episode 1
WALA na siyang pakialam kung magkasugat-sugat man ang binti niya sa mga bali-baling sanga ng puno at malalaki nitong ugat pati na rin sa matatalas na damo sa kanyang dinaraanan. Kailangan niya lang makalayo sa kinamumuhian niyang tao na ngayon ay humahabol sa kanya. “No,” pahikbi niyang sabi habang patuloy ang walang patutunguhang pagtakbo. “God, please help me… please… I don’t want to go back in that hell!” Alam niyang hindi niya na kakayaning tumakbo pa ng malayo pero kailangan niyang magpatuloy, kailangan niyang mabuhay, kailangan din niyang iligtas ang nag-iisang tao na pinaka-pinahahalagahan niya sa mundo pagkatapos mamatay ng mga magulang niya sa isang aksidente, kung aksidente nga bang matatawag iyon. “Akala mo ba makakalayo ka?!” narinig niyang sigaw ng lalaking tinatakasan niya. “Maghiwa-hiwalay kayo, nandiyan lang ‘yan. Hindi iyan makakalayo!” patuloy nitong utos sa mga tauhan. Madilim na madilim ang gabi, mukhang nakikisama sa kanya ang panahon dahil bigla na lang nawala ang liwanag ng mga bituin at buwan, at bumuhos ang malakas na ulan. Naghanap siya ng mapagtataguan subalit maliban sa isang malaking puno ay natataniman na ang buong paligid nang nagtatayugang mga tubo. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang tahakin ang tubuhang iyon at tiisin ang hapdi ng mga dahon nito, pero wala na siyang mapag-pipilian. “Wala ka ng mapag-tataguan!” papalapit na sigaw ng lalaki. “Kaya mabuti pang lumabas ka na… alam mo namang hindi kita sasaktan!” Narinig niya ang kaluskos ng mga damo papalapit kaya hindi na siya nagdalawang-isip at pikit-matang tinakbo ang tubuhan. “I’d rather die here than in your hands, bastard,” bulong niya sa sarili at hindi ininda ang talim ng mga dahon na sumusugat sa kanyang buong katawan at unti-unting sumisira sa damit pantulog niya. Hindi niya alam kung hanggang saan siya umabot, bigla niya na lang naramdaman ang panghihina ng katawan at tuluyang nawalan ng malay sa kung saan mang parte ng tubuhang iyon. “BOSS, wala talaga siya sa paligid, nahalughog na namin lahat,” sabi ng isa sa mga tauhan niya. Hindi maaaring makatakas ang babaeng iyon. Matagal na niyang pinlano ang lahat, hindi niya papayagang masira iyon ng basta-basta. Kung bakit pa kasi niya pinanatiling buhay ang babaeng iyon, gayong napakatagal na panahon niya na dapat itong pinatay. At ngayon nga, narito siya at pinaghihirapang hanapin ito sa gitna ng kadilimang bumabalot sa lupaing ninakaw niya sa pamilya nito. “Imposible namang pumasok siya sa loob ng tubuhan. Bukod sa hindi siya makakalayo dahil sa putik, tiyak na hindi noon kakayanin ang talim ng mga dahon niyan.” Tiningnan niya nang masama ang tauhang nagsalita. “Kahit gaano pa kapanganib ang lugar na yan, susuungin pa rin niya iyon magawa lang niyang makatakas,” sigaw niya sa mga ito. Yumuko ang lalaking nagsalita. Isa-isa niyang dinuro ang mga ito. “Sa susunod, huwag kayong tatanga-tanga! Binabayaran ko kayo! Kung hindi dahil sa katangahan niyo, hindi siya makakatakas sa mansiyon. Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa kanya, kung kinakailangang hanapin niyo siya sa iba pang mga hacienda, gawin ninyo. Magpakalat din kayo ng mga tao sa bayan, sigurado akong hindi pa siya nakakalayo. Bilisan niyo!” utos niya sa mga ito. Agad namang nagsunuran ang mga tauhan niya. Hindi ka makakatakas sa akin. Mahanap lang kita, ilalayo na talaga kita. Hindi ko mapapayagang sirain mo ang mga pangarap ko. Ang pagmamahal ko sa’yo ang pumigil sa akin noon na tapusin ka, binigyan kita ng napakaraming pagkakataon na mahalin din ako, pero tinakasan mo lang ako. NAPAMULAT siya sa matinding liwanag na tumatama sa mukha niya. Nagulat pa siya dahil nasa kung saang parte siya ng tubuhan at mataas na ang sikat nang araw. Pinilit niyang umupo at napangiwi sa sakit ng buong katawan, at hindi lang ‘yon, punong-puno pa siya ng putik. Tiningnan niya ang katawan na puro sugat lalo na ang mga paa. Muling tumulo ang kanyang mga luha sa pagkaalala ng lahat ng sakit na pinagdaanan. Pinilit niyang tumayo subalit natigil siya nang makarinig ng kaluskos sa paligid. Pinigil ng kamay niya ang pagsinghap. Hindi, sinusundan pa rin nila ako… Dahan-dahan niyang itinuloy ang pagtayo at muling tumakbo. Patuloy lang ang pagtakbo niya nang walang patutunguhan hanggang sa matanaw na niya ang pinakadulo ng tubuhan. There! Once I get there… my life will change. I’m free… Thank God! Itinuloy niya ang pagtakbo kahit hirap na hirap na ang katawan niya. NAKAHIGA si Jeremy sa ilalim ng isang malaking puno nang biglang tumunog ang cell phone niya. Tinatamad niya iyong kinuha sa bulsa ng pantalon at sinagot. “Ano na naman ba ‘yan pare?” bungad na tanong niya sa tumawag. “Easy, dude. Gusto lang naman kitang kumustahin dahil ilang linggo ka ring hindi nagpaparamdam sa amin,” sagot ng kaibigan at pinsan niyang si Vincent Fabella, CEO ng kumpanya nila, ang The Fabella Group of Companies, na ipinamana pa ng yumaong ama at tito niya. Magkasabay ang mga itong namatay sa isang plane crash habang patungo sa isang conference meeting sa Singapore noong fifteen pa lang siya at seventeen naman si Vincent. Pagka-graduate nila ay si Vincent na ang humawak ng kumpanya dahil Management and Finance ang tinapos nitong kurso samantalang siya ay Agriculture. Mas gusto kasi niya ang buhay sa hacienda, at ito naman ay maka-lungsod. May hawak pa rin naman siyang twenty percent shares sa kumpanya samantalang ito ang humahawak ng majority shares na forty percent. Ten percent ang sa kapatid niya at ang natitira ay pinaghahatian na ng iba’t ibang board members. Siya mismo ang nagbigay ng karapatan ditong humawak ng mas malaking shares dahil ito naman ang nagpapatakbo. Bale-wala na iyon sa kanya dahil sobra-sobra na ang kinikita niya sa farm. Kahit magkalayo silang magpinsan ay hindi naman nawala ang closeness nila simula pa noong pagkabata. Wala siyang matandaang pagkakataon na nagalit siya dito, and vice versa. At heto nga ito ngayon at mukhang balak na namang mang-abala sa pamamahinga niya. “Pare, alam mo namang maraming gawain dito sa farm. Wala na akong oras para makaluwas pa diyan sa Maynila.” “Pinsan, alam ko namang bored na bored ka na rin diyan sa hacienda mo. Ginagawa mo lang na dahilan ang pagiging busy para hindi ka pumunta dito, napakarami ng okasyon ang hindi mo nadadaluhan dito, ah. Gusto mo bang ipakilala kita sa mga chicks dito, kakaiba ang mga bagong kakilala ko ngayon,” sabi nito na dinugtungan pa ng nakalolokong tawa. “Alam mong hindi ko kailangan ng kakaiba,” bored na sagot niya. “Dahil ano? Ang gusto mo lang ay si Jackie? Pare, ipinagpalit ka na niya sa iba, dapat mag-move on ka na.” Hindi niya ito sinagot. Marinig lang niya ang pangalan ng ex-girlfriend niyang si Jackie ay nawawala na agad siya sa mood makipag-usap. Hindi dahil nasasaktan pa siya kundi dahil naiinis siya na nagawa nitong iwanan siya at ipahiya sa ibang tao. Ang pinaka-ayaw niya sa tao ay ang pagsi-sinungalingan siya at pagmumukhain siyang kawawa. Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. “Nabanggit ko lang ang pangalan niya natahimik ka na. Ano na? Hanggang kailan ka pa magmu-mukmok diyan sa hacienda mo?” “Sige, susubukan kong lumuwas diyan para makilala ko iyang mga sinasabi mo,” pagsuko niya. “That’s it! Sa wakas natauhan ka na rin. Dapat lang na magsimula ka na ulit mag-date, alam mo namang kapag nag-seryoso ka sa relasyon ay masasaktan ka lang.” Napangiti na lang siya at napa-iling. Alam niya iyon at ni minsan naman ay hindi niya sine-seryoso ang mga babae sa buhay niya. Pagkatapos mag-paalam dito ay muli niyang ibinalik ang cell phone sa bulsa at itinakip ang kanang braso sa mata. He needed to rest first. BIGLANG napamulat ng mga mata si Jeremy nang makarinig ng kaluskos na nanggagaling sa loob ng tubuhan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit nang bigla siyang mapaatras sa pagsulpot ng isang babaeng naka-damit ng puti na hanggang talampakan ang haba subalit punong-puno ng putik at halos masira na. Puno din ng sugat at putik ang mukha at katawan nito at ang mahaba at tuwid nitong buhok ay basa at nakaharang sa mukha nito. Nang una niya itong makita ay muntik na siyang mapatakbo pero nang makita niya ang mga sugat nito ay agad siyang napalapit dito. Nahihirapang tumingin sa kanya ang babae pero hindi niya pa rin makita ang buong mukha nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya. Kahit halos matakluban na ng putik ang buong mukha nito ay alam niyang maganda ito. Napatingin siya sa basa at sira nitong damit na nakahapit na sa maganda nitong katawan. Sexy, agad na pumasok sa isip niya. Agad niyang inalis sa isipan ang bagay na iyon. “Miss, are—” napatigil siya sa pagsasalita nang bigla na lang nawalan ng malay ang babaeng kaharap niya. Agad niya itong sinalo kahit napa-upo na siya sa damuhan. “Miss!” tinapik niya ang pisngi nito. “Are you okay? Miss, come on!” napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa kaba. “Damn! What the hell!” Pinangko niya ito at patakbong isinugod sa mansiyon. “KUMUSTA na siya, Ma?” Tumingin sa kanya ang pinakamamahal niyang ina, lahat ay gagawin niya para lang maibigay ang lahat ng makakapagpa-saya dito simula ng mamatay ang kanyang ama sa aksidente. Naging malulungkutin na kasi ito simula noon na naging dahilan kaya humina ang resistensiya nito at magkaroon ng sakit sa puso sa edad lamang na fifty-six, pero hindi naman siya nito pinababayaan dahil siya na lang at ang kapatid niyang nasa Amerika ang naiwan dito. Lahat ng hinihiling nito ay kaagad niyang ibinibigay basta kaya niya, maliban nga lamang sa isang kahilingan nito na mag-asawa na siya at bigyan ito ng maraming apo, especially mga babaeng apo. Matagal na kasi nitong gustong magkaroon ng anak na babae, pero dahil nga sa nangyari sa ama niya ay nawalan na ito ng pag-asa. “Natutulog pa rin siya,” sagot ng ina niya at muling tumingin sa babaeng natutulog sa kama niya, kumikislap ang mga mata nito sa pagkakatitig dito. “Hindi naman malalim ang mga sugat sa katawan niya, ilang araw lang ay gagaling na ang mga ito at babalik na ulit ang dati niyang kutis. Mukhang kailangan lang ng babaeng ito ng mahabang pahinga, halatang napakahirap ng pinagdaanan niya bago mo siya nakita sa may tubuhan. Kawawa naman siya.” Lumapit ito sa babaeng ngayon ay napalitan na ng maayos na damit, naalisan na rin ng putik sa buong katawan at napahiran na ng gamot sa bawat sugat na lahat ay ginawa ng kanyang ina. Hinaplos nito ang mahabang buhok ng babae. “Napakagandang bata, ano kaya ang nangyari sa kanya?” “Iyon nga din po ang gusto kong malaman, bigla na lang siya sumulpot sa may tubuhan na ganoon ang ayos. Hindi ko na naman siya nagawang kausapin dahil bigla na lang siyang nawalan ng malay. Bakit hindi na lang natin siya dalhin sa ospital sa bayan?” “No need. Pahinga lang ang kailangan niya. Ako na ang bahala sa kanya. Sige na, bumalik ka na sa farm, doon ka na rin muna matulog sa guest room.” “What?” Tumingin ito sa kanya. “Bakit? Isang gabi ka lang namang hindi muna matutulog sa kwarto mo, ah. Hindi natin puwedeng abalahin ang tulog niya.” Bumuntong-hininga siya. “Fine, I’ll be back around six. Huwag ka masyadong magpaka-pagod.” Hinalikan niya ito sa pisngi bago lumabas ng kuwarto. Pagkalabas niya ng mansiyon ay agad siyang sumakay kay LostAir, ang pinaka-paborito niyang stallion. Mabilis niya iyong pinatakbo habang ang isip ay nasa babaeng iniligtas. Who’s she? What happened to her? PAST six na nang makabalik siya sa mansiyon dahil sa dami ng nakatambak na gawain sa farm. Pagkapasok niya ay agad niyang tinawag ang isa sa mga katulong. “Nasaan si Mama?” “Sir, nasa bayan po si Donya Isabel,” sagot nito. “Sa bayan? Anong ginagawa niya doon?” “May bibilhin daw po para doon sa babaeng nakita niyo kanina. Kasama niya naman po si Mang Agustin.” Personal driver nila si Mang Agustin at matagal na itong naninilbihan sa kanila. “Kakain na po ba kayo? Handa na po ang hapunan,” tanong nito sa kanya. “Mamaya na, sasabay na ako kay Mama. Kapag hinanap niya ako, sabihin mo lang na nasa kuwarto ako,” pagkasabi noon ay umakyat na siya sa itaas at tumuloy sa sariling kuwarto. Pagkapasok ay agad niyang nakita ang babaeng nakahiga sa kama. Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng kama para matitigan ito. Kakaiba pala ang ganda nito lalo na sa malapitan. Maamong mukha, mga matang napapalibutan ng malalantik na pilik at matangos na ilong. Maganda pa rin ito kahit may mga gasgas sa mukha at magulo ang mahaba nitong buhok. Napatitig siya sa labi nito, she had sexy lips that was now pale in color, dahil siguro iyon sa pagod na pinagdaanan nito. Nahigit niya ang hininga nang bahagyang gumalaw ang mga labi nito, marahan niyang hinaplos ang parte ng labi nitong may sugat. Beautiful, exotic, napatingin siya sa katawan nito. Sexy. Napalunok siya pero agad ding napatayo nang gumalaw ito at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Iginala ng babae ang paningin nito hanggang sa makita siya at biglang bumalikwas ng bangon. Nagsumiksik ito sa headboard ng kama. Muli siyang umupo sa gilid ng kama at hinawakan ito sa balikat. “Huwag ka munang masyadong gumalaw, baka—” hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla nitong tabigin ang kamay niya. “Don’t touch me! Sino ka? Isa ka rin sa mga tauhan niya?” paiyak nitong tanong. “It’s okay, hindi ako masamang tao. Walang mananakit sa’yo dito. I’m Jeremy Fabella, nakita kita kanina sa tubuhan ko. Hindi mo maalala?” Umiling ito. “Fa-Fabella?” “Yeah, why?” “Where am I?” tanong nito. “Nasa Hacienda Fabella ka, may masakit pa ba sa’yo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital sa bayan o kontakin ko ang pamilya mo?” Marahas ang naging pag-iling nito. “No! I’m fine.” Tinitigan niya ito. “You’re badly hurt, what happened?” Tumingin ito sa kanya at nangilid ang mga luha sa mata nito. “Someone’s after me. He wants to…” yumuko ito at bumuntong-hininga. “To kill me.” Nagulat siya sa sinabi nito. May gustong pumatay sa babaeng ito? “Bakit? Gusto mo bang pumunta sa mga pulis, sabihin mo kung—” “Hindi makakatulong ‘yon,” putol nito sa sinasabi niya. “Your family must know you’re here. That you are safe, for sure nag-aalala na sila sa’yo. Let me contact them at ako na ang bahalang magpadala sa’yo sa kanila. Don’t worry, you’ll be safe with me.” Tumingin ulit ito sa kanya na nasa mata ang pagkamangha, saka muling yumuko. “Can I use your bathroom?” “Sure,” inalalayan niya ito. “Here, let me help you.” Sumama ito sa kanya papunta sa isa pang pinto sa loob ng kuwarto niya. Hinayaan niya na itong pumasok sa loob mag-isa at nag-hintay sa labas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
46.2K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.1K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook