bc

Fract (Aparuah's Wrath)

book_age16+
248
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
reincarnation/transmigration
powerful
male lead
another world
superpower
school
punishment
naive
like
intro-logo
Blurb

•RISE FROM THE ASHES: KING FROM NOBODY contest entry•

When Ruza Hidzoe died, his powerful soul went directly into the abyss. It broke the barrier, causing some souls to lose. The Keeper of abyss said that the only way to save the Infelicis and Felix is through the two men with the mighty and mortal souls.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
BAGOT na bagot si Zeuter habang hinihintay na matapos ang lesson nila sa history. Halos magdadalawang buwan na rin ang nakalipas nang magsimula ang unang semester. Noong marso lang nang tumungtong siya sa legal na edad. At sa mga nagdaang araw ay kung anu-ano na ang napapanaginipan niyang hindi niya maintindihan. Hindi na nga lang niya masyadong sineseryoso dahil panaginip lang naman iyon. Kahit feeling niya’y totoo ay hinahayaan na lang niya. “Baliw na yata ako,” mahinang bulong niya sa kaniyang katabi. “Ay ngayon mo lang nalaman?” Biro naman nito habang nagsusulat sa kaniyang notebook. “Funny ka na niyan, Marites,” pagsusungit ng binata. Hindi naman iyon ang tunay na pangalan ng dalaga pero dahil isa siya sa mga dakilang tsismosa sa school na pinapasukan nila ay iyon ang binansag sa kaniya. "Mr. Visler and Ms. Sison, stop talking with each other, or else you two will have a presentation about chapter 10!" Naitikom nilang pareho ang kanilang mga bibig namin. Walang gustong mag-report sa History dahil sa pagkahaba-haba ng lesson doon. Kahit sabihin pang matalino silang pareho ay nakakatamad pa ring magbasa ng napakaraming libro. “Sorry, Ma’am,” sabay nilang sabi. Nagsisikuhan ang dalawa habang nagpatuloy naman sa pagtuturo ang masungit nilang guro. Nagtiis silang hindi mag-asaran dahil kaunting minuto na lang naman ay matatapos na ang klase. Panghuling subject na nila sa araw na iyon kaya atat na atat na silang umuwi. "That's all for today. Review chapter 9 because we will have a long quiz tomorrow. Bye, students!" "Thank you, and goodbye, Ma'am!" Kaniya-kaniyang ayos ng gamit ang lahat ng estudyante. Ang dalawang nasa likod naman ay nagbatukan pa bago ligpitin ang sariling mga gamit. “Aswangin ka sana mamaya, Zeuter!” Natatawang ani Vienna at tumakbo na palabas ng silid. Umiling na lang ang binata at sumunod na sa kaniyang kaibigan. Lahat ng napapanaginipan ni Zeuter ay naikukwento niya kay Vienna pero lagi lang siya nitong pinagtatawanan. “Kaka-cellphone mo ‘yan, Zeu!” Kantiyaw pa ng dalaga. “Tanga, hindi naman ako nag-ce-cellphone kapag matutulog na,” gatol naman ni Zeuter. Malapit lang ang school sa bahay ng dalawa kaya naglalakad na lang sila ng sabay. Marami naman silang kasabayan pero sila lang ang nag-uusap. Kay Vienna lang siya kumportableng magkwento dahil simula pagkabata’y sila na ang magkasama. “Nonsense naman kasi ng mga napapanaginipan mo. Parrarel world amputek, ano ka nasa pelikula?” “Malay nga lang natin, Vienna. Hirap mo naman kausap!” Ilang beses pa silang nagtalo nang may itim na van ang huminto sa gilid nila. Namukhaan ni Zeuter ang isa sa lumabas na bodyguard kaya huminto siya nang lapitan siya nito. “Good afternoon, Young Master,” bahagyang yumuko ang bodyguard sa kaniya. “Una na ako, Zeuter,” paalam ni Vienna at nauna nang naglakad. Kakamot-kamot sa ulong tumango si Zeuter at binalingan ang makisig na lalaki sa kaniyang harapan. “Pagagalitan ako ni Mama, Cheetah,” buntong-hiningang tugon ng binata. “Nakausap ko na si Madame Zeria at pumayag naman siyang makita mo ang iyong ama.” Nanliit ang mga mata ni Zeuter sa lalaking kausap. Ngayon lang pumayag ang kaniyang ina na makipagkita siya sa kaniyang ama. Halos limang taon na rin nang makita niya ito kaya medyo nanabik ang kaniyang pakiramdam. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang nang malaman ng kaniyang ina na isa palang Mafia Boss ang hinahangaan niya. Tinanggap niya iyon dahil gusto niya ring maging katulad ng ama niya. Ayaw lang talaga ng kaniyang ina kaya wala siyang nagawa kundi ang sumama sa kaniya. “Sige po,” sagot ni Zeuter at sumakay na sa van. Nang makarating sa isang malaking mansion ay iginaya siya ng kaninang nakausap. Hindi ito ang tinitirhan nila noong buo pa ang pamilya nila. Mas magara at halatang ilang taon nang nakatayo sa isang pribadong nayon. “Pumasok ka na,” saad ng lalaki at sinunod naman agad ni Zeuter. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang makita ang ama na nakahiga sa kama. Maraming aparatu ang nakakabit sa katawan nito at kitang-kita sa pangangatawan ang bagsak ng timbang. “Pa,” mahinang ani Zeuter. “Zeuter Phire, anak,” namamaos at nanghihinang bigkas ng kaniyang ama. Lumapit si Zeuter at pinagmasdan ang pagbabago sa kaniyang ama. Mula sa maayos nitong pangangatawan ay bumagsak na lang na halos makita na ang buto sa katawan. Nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata at may oxygen mask pang nakalagay sa mukha. "What happened to you, 'Pa?" Tinanggal muna ng matanda ang nakaharang sa bibig niya at tinignan ang kaniyang anak. “I want you to inherits the Mafia Group, anak. Ikaw na lang ang pag-asa no’n.” “Po?” litong tanong ni Zeuter. Hindi iyon ang inaasahan ni Zeuter na itutugon ng kaniyang ama. Yes, he wants it but Zeuter has no knowledge about Mafia. Baka lalo lang itong bumagsak kung siya ang mamamahala. “Please, Anak. Cheetah will guide you. At habang nabubuhay ako ay sasabihin ko sa’yo ang lahat ng gagawin mo. They need a strong ruler and it is you, Zeuter.” Lalong naguluhan sa gagawin ang binata. Mahina at wala siyang alam. Paano niya matutugunan ang gusto ng kaniyang ama kung umaasa lang din siya sa bodyguard na umaaligid sa kaniya minsan. Hindi niya kaya pero mas lalong hindi kakayanin ng konsensiya niya kung babagsak na lang ang matagal nang pinaghirapan ng kaniyang ama. It’s not illegal to do such a thing. Kung iisipin nga ay mayroon pang masasamang tao sa mundong ginagalawan nila. Hindi lang talaga handa si Zeuter. “Ano’ng gagawin ko?” iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. If that’s what his father wants, then maybe, he can obey it. Iyon lang ang tanging kahilingan ng papa niya sa limang taon nilang hindi pagkikita. "Payag ka?" “Yes, ‘Pa, but I’m scared! Ni hindi po ako marunong makipaglaban.” “That is okay for now. Cheetah will train you after your classes. Araw-araw ka nilang susunduin at aasahan kong isang buwan lang ay marunong ka na.” Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang ama ay inihatid na siya sa kanilang bahay. Nag-aabang ang Mama niya sa sala. Hindi tuloy niya malaman kung babatiin ba ito o didiretso na lang sa kwarto. “Come here, Phire,” napanguso siya nang marinig ang seryosong tono ng ina. Nakayukong lumapit siya kay Zeria at hinalikan ang ina sa noo. “Ma…” “Hanggang kailan mo itatago sa akin ang napapanaginipan mo?” Tuluyan nang bumaling si Zeuter sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit big deal iyon. Panaginip lang naman kaya bakit ganoon ang tono ni Zeria. “I told you, kapag nag-eighteen ka na ay magsasabi ka sa akin kung ano ang nangyayari sa’yo!” Mas lalong nagulat si Zeuter sa biglaang pagtaas ni Zeria ng tono. "Ma…" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang hawiin ni Zeria ang kaniyang uniporme. Nasira ang butones no’n sa dibdib kaya lumantad ang matagal na niyang tinatago. “Hanggang kailan mo itatago sa akin ang marka sa dibdib mo, Anak?!” A/N: (Please remember the words below for you not to be confused.) REYASH ay may abilidad na makita ang hinaharap. NOITA (no-i-ta) ay may abilidad na manumpa. TSIM (shim) may kakayahang gumawa ng bagay gamit ang metal. Kadalasan ay sila ang gumagawa ng armas na ginagamit ng mga kawal. REREC may abilidad na gumagamit ng iba’t-ibang mahika. ARELID ang pinakamalakas na kapangyarihan na tanging sina Ruza at Zeuter lang ang nakakuha. APARUAH – isang malaking bulalakaw. FELIX – ang tawag sa mundo ng mortal na tao. INFELICIS – ang tawag sa mundo ng mga may mahikang tao. ERAS – mundo kung saan napupunta ang immortal at mortal na kaluluwa. YXAL (ik-sal) – galaxy kung tawagin ng mga taga Felix. Dito nanggagaling ang mga bulalakaw na bumabagsak sa Infelicis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook