bc

Red: The Werewolf Hunter

book_age16+
265
FOLLOW
1.0K
READ
dark
possessive
shifter
dominant
powerful
self-improved
bxg
mystery
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sa isang malayong nayon sa gawing kanluran na pinamumunuan ng takot, kaguluhan at madalas na pag danak ng dugo dulot ng mga nilalang na nagtatago at naghahari sa kagubatan.

Werewolves

Ang mga halimaw na may nagning-ning na pulang mata, walang awang pumapatay at nagdudulot ng kaguluhan sa lugar na iyon.

Tinangka nang labanan ito ng mga taga nayon pero hindi sila nagtagumpay. Dahil sa takot at pangamba ay nag kaisa ang matatandang namumuno na makipag kasundo sa mga halimaw na ito.

Kada taon ay nangangailangan na maghandog ng isang babaeng magiging sakripisyo para sa kapayapaan at katahimikan ng nayon, ganun din para sa mga katabing lugar.

Sa paglipas ng maraming siglo nang mamatay na ang mga nakatatanda at hindi na muli nagpakita ang mga halimaw na iyon ay unti-unti na ring napaglipasan ng panahon ang nasabing ritual.

Pero paano kung isang gabi, sa ika-sandaang taon, muling nagkulay dugo ang buwan at bumalik ang mga halimaw na matagal nang ibinaon ng mga tao sa limot?

Handa kaya sila para sa susunod na mga mangyayari?

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU!]

@2021Cutiecane23

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3RD PERSON POV Nung unang panahon sa isang malayong kontinente ay matatagpuan ang magkakatabing nayon ng Lunen, Thure at Isvet. Tahimik, payapa at masagana ang lugar na ito, bawat nayon at may kanya kanyang ipinagmamalaking yaman. Ang unang nayon ng Lunen ay para sa masaganang paghahayupan ng mga ito, ang sunod naman ay ang thure na kilala sa pagsasaka at ang huli naman ay ang Isvet na dinadayo ng mga tao para sa sariwa nitong mga isda at lamang dagat. Ilang taon na ang nakalipas matapos ang madugo at nakapangingilabot na panahon ng dilim at pananakot ng mga halimaw na naninirahan sa kagubatan. "Mula ng isakripisyo ng mga taga nayon ang babaeng berhen na may kakayanang magpagaling noon ay hindi na muli nagpakita at bumalik ang mga halinaw para humingi ng sunod na alay." "Talaga po ate? Bakit po kaya?" Napatigil si Red sa pagbabasa dahil sa katanungan ng kanyang nakababatang kapatid na si Lila. Nakaupo ito sa baba ng kanyang higaan habang nakikinig sa kanyang kwento. "Walang kahit sinong nakaka-alam ng dahilan, Lila. Bukod pa roon ay di nga natin sigurado kung totoo ba ang kwentong ito," sagot niya, sabay hawi sa mahabang buhok. "Oo nga po ate, parang impossible ngang mangyari yan. Wala naman talagang mga tunay na halimaw di ba?" napapatangong anito pa. Napangiti naman siya at mabilis na humarap dito habang hawak ang isang lampara ng ilaw. "ARRGHHH !!!" panggugulat pa niya. Napasigaw naman sa takot ang kanyang kapatid kaya napatawa siya ng malakas. Dahil sa kanyang ginawa ay inis at paiyak na napalingon sa kanya si Lila. "Ate talaga oh-- pag ako di nakatulo--" "WAG NA KAYONG MAINGAY, KUNG AYAW NYONG MATULOG SA KORAL NG BABOY!!!" napatahimik silang dalawa dahil sa sigaw ng kanilang madrasta. "O-Opo tiya, matutulog na po kami," sagot pa niya, pabalik dito. Inalalayan niya si Lila patungo sa maliit na higaan nito. Kinumutan niya ito bago halikan sa noo. "Good night, Lila." "Good night din, ate Red," saad naman nito, sabay hikab pa. Nang makahinga ay hindi agad siya dinalaw ng antok, ang kwentong kanyang binasa kay Lila ay iniwang pamana ng kanilang yumaong ama. Bata pa sila ng umalis ito para sumama sa pangingibang lugar. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakabalik pa. Ang kanilang madrasta na lang at dalawang step- sister ang naiwan na kasama nila. Hindi man niya alam kung totoo ang nasa kwento o hindi. May kakaiba naman siyang pakiramdam na maaaring magkatotoo ito. 'Hays, antok lang to, sabi nga ni Lila imposible talagang mangyari ang nasa kwento,' saad niya sa isipan, habang unti-unting ipinipikit ang mga mata. Malalim na ang gabi, nagising si Red dahil sa tahol na ginagawa ng mga bantay na aso sa labas ng bahay. Dahil trabaho niya ang bantayan at pangalagaan ang kanilang mga alagang tupa, kambing at baboy. Bumaba siya bitbit ang isang kutsilyo na nakalagay sa kanyang bewang at ang matalim na espada na hawak naman niya. Karaniwan kasi ay may umaatakeng mga lobo galing sa gubat para kainin at patayin ang kanilang mga alaga. Walang takot na lumabas siya sa likod bahay para silipin at alamin kung anong nangyayari. Dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan ay kitang kita niya ang isang pigura. Malaki, mataas at kakaiba ito. Hindi ito hawig sa katawan ng isang tao, nang humarap at nakita niya ang tunay na itsura nito ay hindi niya napigilang manigas at di makagalaw sa takot. Ang kanyang paghinga ay naging mabagal habang ang nagwawala ang t***k ng kanyang puso sa loob ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang bagay na nakikita lamang niya sa libro ay nasa kanyang harapan na ngayon. Ang isang nilalang na may itim na balahibo, mapupulang kulay ng mata at ang malalatim at nakapangingilabot nitong mga pangil. Nakatayo ito habang hawak-hawak ang isang wala nang buhay na tupa, ang bibig nito ay puno ng dugo galing sa kawawang nilalang na kinain nito. Napabalik ang kanyang ulirat ng marinig niya ang pagbagsak sa lupa ng patay na tupa. Humarap sa kanya ang halimaw, walang sabi-sabi at mabilis itong tumakbo patungo sa kanyang dereksyon. Bago pa siya makatakbo ay huli na ang lahat nang makita niya ang pula nitong mata na halos ilang pulgada na lamang ang layo sa kanyang mukha at ang mainit na likidong tumatagas mula sa kanyang dibdib kung saan nakabaon ang mahahabang kuko nito. "--- te Red!!!" "Ate Red!!! Gising po!" Humahangos na napaupo siya habang nakatingin sa kanyang kapatid na si Lila. Napalinga siya paligid at nang masiguro na panaginip lamang ang lahat ay nakahinga siya ng maluwag. "Okay ka lang ate?" tanong pa nito. "Oo naman, mukhang nakatulog ako ng mahaba. Pasensya ka na Lila baka mapagalitan na naman tayo." "Wala yun ate, halika na at magsimula na tayo sa araw na ito." Napatango na lamang siya at susunod na sana palabas ng kwarto nang mapasilay muli siya sa librong nakapatong sa gilid ng kanyang higaan. 'Mukhang nasubrahan na ata ako sa pagbabasa ng kwentong iyon kaya napapanaginipan ko na,' napapailing na aniya sa isipan. Inalalayan muli niya ang kapatid pababa sa hagdan para di mapahamak ito. Nang makarating sa ibabang floor ng bahay ay nakasalubong nila ang isa sa kanilang mga step sister na si Hilda. Wala naman silang ginagawang masama dito pero laging kay init ng dugo nito sa kanila. Alam na nitong hirap makakita dulot ng pagkabulag ng isang mata si Lila pero walang awa pa ring binagga ang balikat nito. Kung wala siya sa likodan ni Lila ay hindi niya ito masasalo at tuluyan nang mapapasalampak sa sahig. "Tabi mga hampas lupa. Panira kayo ng umaga," inis na saad pa nito, sabay irap sa kanila. Hindi na lamang siya umimik at tinulungan ang kapatid. Mula ng mamatay ang kanilang ama ay nagreyna na ang mga ito kasama ang madrasta nila, hindi lang sa kanilang bahay kung hindi sa lahat ng kanilang ari-arian. Alam niyang palalayasin sila sa sarili nilang pamamahay kung lalaban sila kaya naman pinipili na lamang nilang dalawa ni Lila na pakisamahan ang mga ito kahit na halos hindi na tao ang turing ng mga ito sa kanila. Bago pa makarating sa kusina ay hindi inaasahang nakasalubong nila ang madrasta doon. Ang manipis nitong kilay ay magkasalubong na dahil sa inis, at ang matalas nitong mga mata ay parang pinapatay na sila sa galit. "Tanghali na pero wala pa rin kayong niluto!!!" bulyaw pa nito, gamit ang pagkalakas-lakas nitong boses. "Mga wala talaga kayong kwenta!!! Sana napasama na kayo ng mamatay ang ama nyo!!!" anito pa, sabay hampas sa kanila ng malaki at mahaba nitong pamaypay na gawa sa kahoy. Masakit iyon sa balat kaya naman hinarangan na lamang niya ang kapatid para di ito masaktan. Hinihingal at umuusok pa rin ang ilong nito sa galit, hindi na lamang sila sumagot pa dahil alam nilang mas mag eeskandalo lamang ito. Nagdadabog pa itong naglakad palabas ng kusina, at patuloy na nagbabanta sa kanila. "Dahil sa katamaran nyo, wala kayong pagkain sa buong araw!!!" "Ate, ayos ka lang po ba?" naluluha na tanong ni Lila sa kanya. Tumango naman siya para di na ito mag alala pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook