bc

Billionaire’s Ex Fiance

book_age4+
12.1K
FOLLOW
79.3K
READ
possessive
sex
contract marriage
age gap
pregnant
arranged marriage
playboy
dominant
badboy
bxg
like
intro-logo
Blurb

After Multibillionaire and corporate professional photographer Alexander Cielo 'Cielo' Castro cancelled his engagement with the billionaire's daughter Dashiel 'Dasha' Villion ay ikinawarak iyon ng puso ng dalaga.

Dashiel 'Dasha' Villion had always loved Alexander Cielo 'Cielo' Castro. At nang malaman niyang ikakasal siya nito sa lalaking mahal niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa. Ngunit nang dumating ang araw na akala ni Dasha ay mahal siya ni Cielo ay doon nawasak ang puso niya nang i-cancel ni Cielo ang kasal.

Ngunit sa ilang taon na ang lumipas ay bakit pinagtatagpo pa rin sila ng tadhana? May tyansa pa nga bang matuloy ang kanilang naudlot na kasal?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Nice shot!” mas nagpa-sexy pa ako lalo sa aking pose. “Bravo, Dasha! Bravo!” palakpak ng iba pang mga staff sa loob. “Chin up! Yes! Yes!” ginagawa ko kung ano ang sinasabi ng photographer sa harap ko. Ang theme ko ngayon ay isang basketball player ngunit pang sexy ang suot. “You’re so gorgeous!” inalis nito ang kaniyang camera sa mata nito at ibinaba. May pumunta sa akin para bigyan ako ng pantaklob saka tubig. “Ang galing niyo, Ma’am!” tinaas ko lang ang kamay ko sa kaniya at hindi na nagsalita. Narito pa rin ako sa France, pero this time? Hindi na ako ang Dasha lamang na nakilala noon. This time… mas confident na ako sa aking sarili. “Vicky,” tawag ko sa aking personal assistant. Mas matanda ako sa kaniya at nakuha lamang siya ni Mommy sa Pinas. Okay lang rin naman sa akin na Pinay ang personal assistant ko para hindi na ako masyadong hirap sa pakikipagkumunikasyon. “Yes po?” “May tawag na ba si Mommy?” Pinagmasdan niya ang telepono nito at umiling. Sa kaniya kasi ito natawag at hindi sa akin. Masyadong hectic ang oras ko, kaya kapag may pahinga ako ay ayokong naiistorbo. Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag nagising na ay nahihirapan nang matulog. “That’s odd…” kibit balikat ko saka sumipsip muli sa straw ng aking tubig. “Tinatawagan niya naman ako every Friday, pero ngayon ay hindi?” nguso ko pa at ibinigay sa kaniya ang tubig ko. “Baka busy lamang po, Ma’am.” “Dasha! My dear!” lapit sa akin ni Jackson. Ang photographer ng PIP FRANCE. Tumayo ako at sinalubong ito. Lagi siyang galak na galak sa tuwing mayroong photoshoot at ako ang kaniyang model. “This will be the best selling sports magazine again!” gusto kong mahiya, pero hindi na ako tinatablan no’n. “Thank you for trusting me, Jack.” “Don’t thank me, Dear! It should be me!” marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa mga maari pa naming concept. Marami naman ang kumukuha sa akin, pero gusto ko ay iyong puro at worth it ang pagpapaskilan ng mukha ko. “Napagod po ba kayo, Ma’am?” nasa van na kami ngayon ni Vicky. “Satingin mo?” humalakhak lamang ito sa pilosopo kong tanong sa kaniya. Ikaw kaya tumayo magdamag at mag-pose. Pinagmamasdan ko ang makulimlim na langit, habang ang maninipis na patak ng ulan na tumatama sa lupa at sa aking bintana. Sa tuwing naulan rito ay nalulungkot ako. Parang napupuno ng kalungkutan ang lugar na ito sa tuwing naulan. “Ma’am?” “Ano?” wala sa wisyo kong tanong na sagot na rin kay Vicky. “Next week po ay ire-ready ko na ang mga gamit niyo po.” another shoot nanaman ito. “Okay.” “Naka-ready na rin po ang plane ticket po-” “H-ha?!!” p-plane ticket? Bakit? Saang bansa ba ang shoot? “Hindi po ba nasabi sa inyo? Ay! Hindi ko po pala nasabi sa inyo! Napagod na po kasi kayo at habang sinasabi ko po kung saan ay nakatulog na pala kayo…” para siyang bata na nagkekwento sa akin dito sa tabi ko. Napasinghap na lamang ako. “Saang bansa ba ‘to? Saka sana ay sinabi mo sa akin nang magising ako.” siya ang humahawak ng schedule ko, pero ang ginagawa ko lang ay magtrabaho at matulog. Ni hindi nga ako sumasama sa mga co-models ko para makipagsaya. Nagawa ko na lang mag-isa ng dalawang taon nang hindi umuuwi sa Pinas, kahit isang beses lang. Simula nang umalis si Archie at Marie rito sa France nang dalawin nila ako at sabihin sa akin ang balita ay napagdesisyunan ko na hindi na bumalik ng Pinas. “Nasabi ko naman po sa inyo. Kaso tulog po kayo…” para talaga akong nilalagari ng buhay sa tuwing kasama ko siya. “Sabihin mo na lang ‘yung details, Vicky.” “Summer theme, Veronica Lies.” “Veronica Lies…” mahinang sambit ko sa isa sa pinakita sikat na underwear garments sa buong mundo. “Summer theme? Kaya pala hindi nila gusto rito mag-shoot, dahil maulan? So, saang bansa naman?” palagay ko ay Dubai ito. “Philippines po.” Halos mauntog ko ang aking ulo sa hawakan ng kamay sa itaas ng van ko, dahil sa aking mabilisang pag-angat. “Saan!?” malakas ko pang sigaw. “Next week po ay babalik na po tayo ng Pilipinas, Ma’am.” ngumiti pa siya sa akin. “Bawal po i-cancel at nakapirma ka po sa contract, Ma’am. Hindi niyo po kasi tinitignan bago pirmahan.” pinagsabihan niya pa ako! “Oh, no! Oh, no!” paulit-ulit ko pang bulong sa sarili ko. Mababaliw ako kakaisip! Dalawang taon akong nagtatago rito at hindi na gustong bumalik ng Pinas, tapos ngayon ay photoshoot lang pala sa Pinas ang makakapagpaalis sa akin sa bansang ito?! “Welcome back, Dash!” bati sa akin ni Mommy nang makababa ako sa airplane. May ilang paparazzi akong nakita agad, dahil sa pagkuha nito sa akin ng litrato. Naka New York style outfit ako, kahit mainit rito sa Pinas. Nakakaganda kasi ng picture ‘yon. Knowing Philippines? Maraming Marites. “Hindi ka tumawag sa akin.” suot-suot ang aking sunglasses na itim para hindi masilaw sa mga flash ng camera. “Kinda busy this past week. Pasensiya na, Anak. Biglain rin ang pagsabi sa akin ni Vicky, pero kalat na kalat na pala sa internet at nabalita na rin sa television ang pagbalik mo rito sa Pinas.” “Pathetic…” bulaslas ko. “Para saan pa at kailangan pa nilang ibalita sa kung saan? Para namang noon ay hindi ako nababalita sa ganiyan,” sunod ko pang sabi. “PH pride raw, Ma’am.” mas lalo akong natawa. “Kapag may narating at sikat, Pilipino Pride? Pero kapag ang mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa? Hindi na nila bibigyan ng pansin?” “Magkaiba naman iyon, Anak. Sikat na model ka na at napakaraming Brand Ambassador. ‘Wag mo ikumpara ang sarili mo sa mga OFW-” “Parehas lang po iyon, Mommy. Napapagod rin po kami sa pagtatrabaho.” natahimik ang ina ko. “Pagpasensiyahan niyo na po, Ma’am Daisy. Kasi naman po si Ma’am Dasha, hindi po natulog kagabi sa sobrang excited po ata umuwi or kakaisip na uuwi siya ng Pinas.” naririnig ko ang usapan nila. Hindi na lamang ako kumibo. Hanggang ngayon kasi ay natatakot ang puso ko. Natatakot na baka makita ko siya at masaktan nanaman ang puso ko. Dalawang taon na ang nakalipas, hindi pa rin ako maayos. Hindi pa rin ako nakalimot, gano’n ata kahirap limutin ang isang taong minahal mo at hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso mo. Umawang ang labi ko nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng CFitness! “Bakit huminto? Bakit tayo narito?! Ma!” nababaliw na talaga ako! “Manong! Umalis na po tayo!” “Dasha!” suway ni mommy sa akin. “Manahimik ka nga d’yan! Pinapasundo ni Ate Sasha mo si Saidee at may swimming class siya rito.” sa lahat ng pwedeng pag-take-an ng class! Dito pa talaga sa CFitness! “Tata!” nang makita ko ang aking pamangkin na malaki na! “Saidee!” naluluha ko itong yakapin kahit amoy chlorine siya. Amoy swimming pool siya. “May pasalubong ba ako? Hindi ka pumunta nu’ng birthday ko.” tumaray ito sa akin. “Pasensiya ka na, Saidee. Busy lang talaga si Tata sa France.” “Kahit si Cole ay naiinis, dahil hindi ka pumunta sa birthday niya.” “Kailan pa nagkaroon ng pakialam si Cole, kung hindi ako pumunta sa birthday niya, Saidee?” natatawa ko pang tanong sa kaniya. “Ah! Basta! Hindi ka aalis!” nag-sealed ang kaniyang braso sa braso ko. Kapit na kapit sa akin at ayaw akong paalisin. “Ano ang sabi sa ‘yo ng Uncle mo? Very good ka ba?” sinong uncle? Uncle Pivo niya? Uncle Dell? May iba pa ba siyang uncle? “Wala po si Uncle Cielo po d’yan. Hindi ba po busy na po siya? Ang sabi niya po kasi sa akin ay uuwi na raw po ang fiancè niya,” wika ni Saidee na halos ikagulat kong muli. Hindi pa talaga ako handa para sa ganito pero bakit hindi ako nilalayuan ng mga ganitong pagkakataon? Uuwi na ang fiancè niya… Mapait akong napangiti, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ikinakasal sa fiancè niya? Ano ba ang inaantay niya? Hindi pa rin niya isakal sa Cindy sa leeg niya. “Gano’n ba? Busy talaga ‘yang Uncle Cielo mo, ano? Always…” nagpaparinig ba sila? “Pero ayos lang naman po! Nand’yan na po iyong nagtuturo po sa akin!” masaya pa nitong pagkwento. Gusto kong maiyak nang makita ko ang gate ng bahay namin. Nakaka-miss naman na makabalik pala sa lugar na kung saan ako lumaki. Bumaba na sila at gano’n na rin ako. Marami ang nagbago, dahil ata iyon sa mga bagong halaman na mas pinarami. “Ang gaganda ng mga halaman ko, Anak! Ano? Binibenta ko iyan sa mga kumare ko ng mahal!” saka pa ito tumawa sa akin. “Ma’am Daisy! Narito na rin po ang mga bisita sa loob po…” “May bisita?!” ayoko na nga nang maraming tao, dahil ako rin na makipag-plastikan. Hindi ako masayang umuwi rito! Ang gusto ko lang makita ay ang mga pamilya ko! “Si Ate Sasha mo ang naghanda ng party para sa ‘yo at itong si Saidee! Hindi mo ba nagustuhan?” napaurong ako sa paliwanag ni mommy. Alam niya kasi kung sino ang kahinaan ko. Si Ate Sasha at Saidee… “Ginawan mo ba talaga ako ng surprise party?” “Not anymore… sinabi na nila na nariyan na ang mga bisita.” ngisi nanaman niyang muli. Manang-mana sa kaniyang ama. “Pumasok na tayo sa loob at baka naghihintay na sila.” hawak-hawak ko ang maliit na kamay ni Saidee papasok sa bahay. Pansin ko kaagad na maliwanag ang bahay. “Welcome home, Dasha!” ilang confetti ang sumabog sa harap ko at napunta naman iyon sa ulo ko at sahig. Nagkalat lang sila… “T-thank you…” pekeng ngiti ang naibayad ko. Narito ang ilang classmates ko at doon ako napangiti nang makita ko si Archie at Marie sa gilid. Narito sina Ate Sasha, pero wala ang asawa niya. On site raw ang trabaho sa Davao, kaya wala naman akong pakialam. Mga ninang ko rin ay narito at ibang kaibigan ni mommy. “Hindi rin kami magtatagal, ha? May pasok rin kasi kaming dalawa ni Archie. Talagang biglaan lang talaga, dahil wala ka naman pasabi. Hindi kami nakapag-file ng leave.” umiling lang ako. “Ano ka ba?! Sa day off niyo na lang! Biglaan rin ang pagpunta ko rito sa Pinas, kaya hindi ko na rin nasabi.” naniwala naman sila at nagpaalam na rin na aalis. Maaring masaya sila ngayon, pero ako? Napupuno pa rin ng kalungkutan ang katawan ko. Hinatid ko na sila Archie at Marie sa labas, saka ko pinagmasdan ang pwesto sa kung huling nakita ko si Cielo. Tulad noon na nakasandal siya sa kaniyang kotse. Hayop na pusong ito… Tumalikod na ako para pumasok muli sa loob. Sa sobra ko atang pagka-miss sa kaniya ay nakikita ko pa rin ang huling pose niya bago niya ibigay sa akin ang papel. “Nariyan lang pala kayo, Ma’am Dasha!” bagong kasambahay ba ito? “Papasok na rin ako sa loo-” “S-sir. Cielo! Bakit nariyan pa kayo?! Pumasok na po kayo sa loob!” hindi ko natuloy ako sasabihin ko nang isigaw naman ng bagong kasambahay namin ang pangalan ni Cielo. Unti-unti akong napalingon. Hindi ko guni-guni ang nakikita ko kanina! Totoong si Cielo ang narito sa harap ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook