bc

Twisted Bastard's Doll

book_age18+
3.0K
FOLLOW
16.4K
READ
billionaire
possessive
sex
one-night stand
dominant
boss
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Kahit kinalagan kita, nakatali ka pa rin sa 'kin, Innah. Naiintindihan mo ba?" - Nolan Angelo Rosalez

______

Naniniwala si Innah na hindi dapat pinagsasabay ang pag-ibig at career. Nag-umpisa iyon nang masaksihan niyang nagtataksil ang kanyang nobyo.

As wild as it seemed, sa gitna ng pagdadalamhati ay makakatagpo siya ng isang malalim na affection— a kind of thorough pleasure that instantly wiped away her agony. Ito ay sa katauhan ni Nolan, ang magandang nilalang na aksidenteng nasakyan niya nang gabing iyon.

Gayunman, nang matauhan kinabukasan ay agad siyang lumayo sa lalaki. Iyon nga lang, nang mga sumunod na araw ay bigla itong bumulaga sa opisina niya bilang aplikante.

Akala niya'y sa napakasarap na one-night stand nagtapos ang kanilang ugnayan. Lingid sa kaalaman niya, ang makisig na estranghero ay nakatakda palang angkinin ang kaniyang puso. Gayunman, nakatakda rin itong guluhin ang kaniyang buhay.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1. Slapped by the Truth
Kapag suwerte sa career, malas daw sa lovelife. Noong una, hindi ako naniniwala diyan. Pero simula nang ako mismo ang nakaranas, tila gusto ko na ring maging number one fan ng kasabihan na iyan. Career and love would never come to me at the same time. Sumpa na yata sa ' kin iyon. "Congratulations, ma'am. Wala bang pakain diyan?" Tila musika sa pandinig ko ang papuri at kantiyaw. Sabayan pa ito ng kaliwa't kanang palakpakan mula sa mga kapwa ko empleyado. Finally, after eight loyal years of working in FlexiRadix IT, nakamit ko rin ang inaasam-asam na promotion. Mula sa pagiging assistant, ngayon sa edad na bente-otso ay ako na ang head ng Technical Sales Department. "Fine! Ililibre ko kayong lahat!" Tumayo ako mula sa swivel chair at nag-anunsyo. "Pero simula bukas, seryoso na sa trabaho, okay? Wala nang kaibi-kaibigan dahil ako na ang boss ninyo." "Yes, madam!" Napasinghap na lamang ako nang magsitayuan at maghiyawan sila. I shook my head, scanning the room. Akala naman ng mga ito sa DisneyLand ko sila dadalhin. Kung magsipugay, daig pa ang mga batang nakarinig ng bell. Anyway, it's okay to be wild sometimes after a strenuous day at work. Saka alas- otso na ng gabi. Wala na ang mga mahal naming boss sa mga opisina nila at nakapatay na ang mga ilaw sa labas ng conference room. Sa isang nightclub sa Makati kami napadpad dahil malapit lang ito sa building namin. Mabuti na lang at walang minor sa mga tao ko, kung hindi lagot ako sa mga magulang nito. Gustuhin ko mang pigilan sila sa sobrang pagwawala sa dance floor, mas pinili ko na lang maupo sa tapat ng bar katabi ang matalik kong kaibigan na si Betty. Call Center Agent siya at nagtatrabaho sa BPO company na nasa ibaba lang na floor ng kumpanya namin. Matapos ang isang oras, nagpaalam na ang mga kasamahan ko dahil namumula na sa kalasingan. Ang natira na lang ay kami ni Betty. Tahimik kaming nakikinig sa malamyos na musika nang mapasinghap ako dahil binagsak niya ang iniinumang wine glass sa counter. "Ang mga walang utang na loob!" Nagtaas ng isang kilay si Betty sabay lagok sa iniinom na bote. "Matapos mong mahalin at pagkatiwalaan, ito ang igaganti nila? Mga walang utang na loob! Mga walang delikadesa!" Napapailing na lang ako habang tinatapik ko siya sa balikat. "Hoy, grabe ka 'te! Nilibre ko lang sila ng beer at pulutan, anong dina-drama mo diyan? Mabuti pa umuwi ka na rin dahil mukhang mas lasing ka pa sa kanila." "Nagkakamali ka, girl." Namumungay ang mga mata na tumitig si Betty sa 'kin. "Hindi naman ang mga katrabaho mo ang tinutukoy ko. Sila!" Tumulis ang nguso ni Betty sa kaniyang kaliwa at sinundan ko ito ng paningin ko. Mangilang beses pa akong kumurap dahil halos sa kadiliman na ako nakatanaw. Mayamaya'y naaninag ko ang isang pamilyar na pigura at habang kumukurap ako ay umiinit ang mga mata at pisngi ko. "Sid?" "Tama ka, girl. At kasama pa ang haliparot mong pinsan." Napahilamos ako ng mukha at muling kumurap. My denial self told me that the man might not be Sid. Baka kamukha lang iyon ng fiancé ko. Baka kamukha lang iyon ng pinsan ko na batid kong may pagnanasa sa boyfriend ko. Kahit na suot pa ng lalaki ang eksaktong relos at navy blue na button up shirt na iniregalo ko noong kaarawan niya. Imposible, hindi ba? "Mga walang-hiya." I realized that the cracked voice belonged to me. Nang muli akong kumurap, tumutulo na ang mga luha ko. "Mga manloloko, magbabayad kayo!" I could imagine myself with the look of bitterness sweeping across my face as I raised from the barstool. Padabog akong naglakad patungo sa dulong bahagi ng bar. Wala akong pakialam kung may nasasagi ako o may natatapakan pa! "Ang saya naman ninyo!" Tinitigan ko sila nang matalim. Aksidenteng napalingon sa 'kin ang walang-hiya na si Sid. His eyes widened as if he had seen a ghost. Biglang niyang inalis ang pagkakaakbay sa katabing bruha. "Innah?" I grimaced. Alam pa rin pala niya ang pangalan ko kahit may nilalandi siyang ibang babae. Too bad I didn't want my beautiful name to be chanted by his filthy liar mouth. Wala siyang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko! Pairap na ibinaling ko ang paningin sa babae at eksaktong nagtama ang mga mata namin. Pero ang reaksyon niya ay kabaligtaran kay Sid. "Oh, hi pinsan!" Mabigat ang mga mata niya na parang hinihila pababa. At kaunting pitik na lang ay matutumba na siya sa pagkakaupo sa barstool. "Sandali, anong ginagawa mo rito? May ka-date ka rin ba?" Sumikip bigla ang dibdib ko sa tanong niya. Lasing man o hindi, wala talagang kasing kapal ang pagmumukha ng bruhang ito! Walang-wala ang kapal ng makeup niyang galing sa bangketa! Sasagot na sana ako nang dumating ang waiter at ipinatong sa bar counter ang mga baso pati ang bote ng whiskey. Doon sumipa sa isip ko ang nais gawin. "Anong ginagawa ko rito?" sabi ko at inagaw sa kamay ng malandi kong pinsan ang baso. While staring at her, I drank the whiskey bottoms up. "What the eff! Wala ka bang pambili ng sarili mong drinks!" nagtititiling sigaw ng bruha. Doon ko siya sinagot. "At ikaw naman, wala ka bang sariling boyfriend? Huwag kang mag-alala. Marami akong pambayad dahil may maayos akong trabaho, hindi tulad mo. At huwag mo na rin problemahin ang mga alak ninyo dahil ako na ang magbabayad." Nanliit ang mga mata ni Tisha. Gusto niyang tumayo ngunit pinigilan siya ng walang-hiyang si Sid na nakayuko na lang. "Kahit kailan talaga, napakasama ng ugali mo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi tayo nagkakasundo, witch!" Nakuha ko pang tumawa kahit kumukulo na ang dugo ko. "Witch pala ha? O siya! Heto ang sa 'yo!" Habang pinandidilatan ko siya ng mga mata, inagaw ko ang bote ng Jack Daniel's sa isang kamay ni Sid at ibinuhos sa ulo ng malandi kong pinsan. Biglang natuod sa upuan si Tisha nang buhusan ko siya ng alak. She swept of the excess liquor on her face and glared at me. "Walang hiya kang—" Naputol ang pagsigaw niya nang biglang lumipad ang palad ko sa nanlilimahid niyang mukha. "Para 'yan sa pambu-bully mo sa 'kin no'ng nasa kolehiyo pa tayo." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makaganti at binigyan ko pa siya ng dagdag na sampal sa kaliwang pisngi naman, dahilan para pumihit sa amin ang atensyon ng mga lasing na customers. "At 'yan ay para sa hayag-hayagan mong pang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako pumupulot ng binasura ko na. Sa 'yo na siya. Isaksak mo pa sa baga mo at kung saan mo pa balak magpasaksak!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Payment of Debt

read
87.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook