bc

The Heartless Jerk (Dangerous Man Series)

book_age16+
5.3K
FOLLOW
31.2K
READ
arrogant
drama
tragedy
twisted
bxb
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang ay ulila na si Mikko. Pagkatapos mabuntis ang ina ay iniwan ito ng kanyang amang Koreano. Siyam na taon ay namatay naman sa aksidente ang kanyang ina. Napunta siya sa isang pamilya na hindi niya kadugo na ang buhay ay isang kahig, isang tuka.

Sa murang isip at murang edad ay marami na siyang napagdaanan. Hindi niya nasubukan ang mamuhay ng normal bilang bata. Naging madamot sa kanya ang mundo. Ngunit sa kabila nito, nabiyayaan naman siya ng mapagmahal na mga tao na handa siyang alagaan at protektahan.

Pero ang buhay sa mundo ay parang isang malaking palaruan. Maglaro ka man ng patas o hindi, susubukin man kung hanggang saan ang kaya mo, kailangan mo pa ring maglaro upang manalo. Sa laro ng buhay ay bawal ang mga mahihina. Kapag pinairal mo ang iyong kahinaan, siguradong katapusan na para sayo.

Sinubukan man ni Mikko ang lumaban, sa huli, kahit anong gawin niya ay palagi siyang umuuwing talunan. Kahit ilang beses na siyang bumabangon, pagkadapa pa rin ang nagiging resulta ng lahat.

Pagkaitan man ng lahat, hindi nawawala para kay Mikko ang salitang katatagan. Kahit anong hamon ay kinakaya niyang harapin kahit halos sumuko na siya. Palagi niyang iniisip na kapag susuko siya, sa huli ay magiging talunan siya at ayaw niyang mangayari 'yon kahit patuloy siyang sirain ng isang instrumento na ginamit ng mundo upang subukin siya.

Siya si Yvo Rain Jontaciergo. Ang taong susubok sa katatagan niya. Ang taong walang konsensyang natitira sa katawan. The assh*le and the heartless jerk he ever met in his entire life.

chap-preview
Free preview
Prologue
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Tuluyan akong nagising dahil sa pinaghalong amoy ng mga dyaryo, mga plastik at mga sako na nanunuot sa ilong ko. Kinaumagahan ko na pala ang walang pahintulot na pagsakay ko rito sa dyip. Umupo ako at tumingin sa pintuan nito. Hindi pamilyar sa akin ang lugar pero sa tingin ko ay malayo na ito sa siyudad. Tila nabunutan ako ng tinik at nakahinga mula sa pagkakasakal. Kailangan kong tumakas dahil sa mga humahabol sa akin. Hindi ko alam kung bakit nila ako kailangang kunin. Simula nang mamatay si mommy ay marami ng gustong kumuha sa 'kin. Mayroon nang nakakuha sa akin noon ngunit nakatakas lang ako. Hindi ko alam kung ano ang totoong kailangan nila pero sa tingin ko ay masama ang kanilang intensyon. Inayos ko ang sarili at inihanda upang sa paghinto ng dyip ay makaalis agad ako. At iyon nga ang ginawa ko. Mabilis akong bumaba at tumakbo. Bitbit ang maliit na bag, palakad-lakad kong inikot ang lugar na hindi pamilyar sa akin. Sa tingin ko ay isa itong probinsya at malayung-malayo kung saan ako nagmula. Paikot-ikot ako sa sentro ng bayang ito. Isang palengke at sa 'di kalayuan ay isang parke. Pabalik-balik ako sa dalawang lugar na iyon araw-araw. Sa umaga ay nasa palengke ako at sa gabi naman ay sa parke at doon na rin natutulog. Nangunguha ako ng tapon na prutas upang may makain. Hindi iyon naging sapat para punan ang gutom na nararamdaman ko. Pero mas pipiliin ko na lang na kumalam ang sikmura kaysa makuha ng mga taong iyon. Bahala ng mamatay ako rito dahil alam kong magiging miserable rin ang buhay ko kapag nasa kamay nila ako. Noong buhay pa si mommy ay parati kaming tumatakbo. Palipat-lipat kami ng tirahan. Gusto kong magtanong sa kanya ngunit alam kong hindi rin naman niya ako sasagutin. Sa murang isip ay nakuha ko siyang intindihin dahil alam kong ginagawa naman niya ang lahat para protektahan ako, iyon ang nararamdaman ko. Nasa kalagitnaan ako ng isang malapad na espasyo nang makaramdam ako ng basa sa pisngi. Maya-maya ay dumami ito hanggang sa nabasa ako. Doon ko lang napansin na umuulan. Hindi ako kumilos at hinayaan na lamang ang sarili sa ilalim ng ulan. Ang mga tao sa paligid ay hindi magkamayaw sa paghahanap ng masisilungan. Tumingala ako at sinalubong ng aking mukha ang malakas na buhos nito. Madilim ang kalangitan at walang senyales na titila ito agad. Ganito ang direksyon ng buhay ko. Hindi ko na alam kung makakahanap pa ba ako ng liwanag mula sa kadilimang kinalalagyan ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagsakit ng puso ko. Sumunod ang pagyugyog ng balikat ko. Hindi ko nakayanan ang sakit at napaluhod ako. Unti-unti naging malabo ang aking paningin sunod ang pagkawala ng aking kamalayan. MASAKIT ang aking katawan nang idilat ko ang mga mata. Bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako? Sino ang nakakuha sa akin? Bigla akong kinutuban. Huwag naman sana... Inilibot ko ang tingin sa buong silid. Ang dingding ay gawa sa tinadtad na kawayan. Ganoon din ang kinahihigaan ko na dahilan din kung bakit sumakit ang likod ko. Maliban sa isang kabinet na gawa rin sa naturang kahoy, wala ng ibang gamit na makikita pa. Napakatahimik ng silid. Wala akong ibang naririnig kung 'di ang malakas na hampas ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na bintana. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng pintuan ay nakasalubong ko ang isang ginang. Nagulat ito at mabilis na inilapag ang basong hawak na may lamang tubig sa katabing mesa. "Hijo, bakit ka bumangon? Hindi ka pa magaling at baka mabinat ka niyan." Nag-aalalang tanong nito sabay sapo sa noo ko. "Okay na po ako." Unti-unting humupa ang kaba ko. Mukhang mabait naman ang ginang at walang bakas ng may masamang intensyon. "Ganoon ba? Mabuti na lang at gumaling ka na. Kahapon ka pa kasi tulog hijo. Napaano ka ba sa palengke? Saan ang mga magulang mo? Bakit nag-iisa ka lang?" Sunod-sunod na tanong nito. "Mabuti na lamang at nakuha ka naming mag-asawa noong napadaan kami sa palengke. Walang malay kang nakahiga sa semento. Ang taas din ng lagnat mo. Ipinagtanong ka namin sa bayan kahapon ngunit walang nakakakilala sayo kaya dinala ka na rin namin dito sa bahay upang maalagaan ng maayos." Bigla akong napaluha sa sinabi ng ginang. Sa unang pagkakataon ay may nagmalasakit sa akin ng ganito. Tinulungan ako na walang bahid na masamang intensyon. Nagulat ang ginang at nataranta sa pag-iyak ko. Mabilis ko namang hinawakan ang kamay nito. "Please po. Huwag niyo na po akong ibalik doon. Dito na lang po ako. Maawa po kayo sa 'kin." Pagmamakaawa ko. "Sige na po. Ayaw ko na sa amin. Dito na lang po ako..." Matagal bago ito sumagot. Pero kalaunan ay napabuntong-hininga ito. Tinanggap ako ni Nanay Linda---ang ginang at ang kanyang asawa na si Tatay Kardo. Tinuring nila akong tunay na anak. Ikinuwento ko rin sa kanila ang mga pinagdaanan ko at lubos nilang naunawaan kung bakit ayaw ko ng bumalik sa pinanggalingan ko. Wala na rin naman akong mauuwian pa. Nakasanayan ko ang mamuhay kasama sila. Hindi naging madali para sa akin ang buhay na kinalalagyan ko pero sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan. Ligtas sa may mga masasamang intensyon sa akin. Walang takot at pangamba. Hindi nagtatago at tumatakbo. Sa unang pagkakataon, naranasan ko ang maging isang normal na bata. Pinag-aral ako ng mag-asawa. Dahil magaling sa skul ay wala silang naging gastos sa akin. Ikinatuwa nila ang pagiging matalino ko. Hindi sila nagsisi na inampon nila ako dahil mabait din akong bata. Hindi ko sila binigyan ng sakit sa ulo. Kapag walang pasok ay tumutulong din ako sa tubuhan kung saan sila nagtatrabaho. "Alam mo mare, ang swerte mo riyan kay Iko. Magaling na nga sa pag-aaral, masipag pa sa pagtulong sa inyo maghanap-buhay." Anang kasama namin habang namumutol ng mga tubo. "Swerte talaga ako diyan sa anak ko mare kaya mahal na mahal ko iyan." Sa kabila ng init na nagmumula sa sikat ng araw ay hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa sinabing iyon ni nanay. Hindi man ako nagmula sa kanya ay tinuring niya ako--nila ni Tatay Kardo bilang tunay na anak. "Mahal na mahal din kita, Nay." Ganti ko kay nanay. Ginulo niya ang buhok ko at muling pinagpatuloy ang pamumutol ng mga tubo. "Linda, gusto mo ba ng trabaho? Nangangailangan ng tao sa mansyon dahil darating ang buong pamilya ni Don Julio sa makalawa." Hayag ni Aling Kora kay nanay habang nagpapahinga kami mula sa buong araw na pagtatrabaho. "Syempre naman Kora. Kailangan ko rin ng pera para sa susunod na pasukan ni Iko." Ang magiliw na saad ni nanay. "O sige. Itatanong kita kay Goria. Tamang-tama, magaling ka sa kusina." Nakuha nga si nanay bilang isa sa mga kusinera para sa welcome party ng pamilya ni Don Julio. Si Don Julio Jontaciergo ay anak ni Don Emilio Jontaciergo na siyang may-ari ng Hacienda de Jontaciergo kung saan kami nagtatrabaho. Ang asawa nito ay si Donya Helena at may tatlong anak---dalawang lalaki at isang babae. Ayon sa narinig ko sa mga trabahanteng kasama namin, madalang lang daw kung bumisita ang pamilya kaya isang magarbong handaan ang inihahanda para sa pagsalubong sa mga ito. Dumating ang araw na iyon. Hindi magkandaugaga ang lahat ng mga tao sa buong hacienda. Si nanay ay doon na natulog sa mansyon dahil maaga pa raw sila magluluto. Hindi pa ako nakakapasok sa mansyon at tanging natatanaw ko lang ito kapag inaakyat ko ang puno ng mangga sa 'di kalayuan nito. Mataas kasi ang pader na semento na nakapaligid. Parang urban legend kung maituturing ng taga-rito ang mansyon dahil kapag nakapasok ka raw rito ay para ka na ring nakatama sa lotto. Kaya gustong-gusto ko ang makapasok sa loob at makita kung gaano ito kaganda at karangya. "Hoy bata!" Muntik na akong malaglag sa punong kinaroroonan ko nang may sumigaw. Pagtingin ko sa baba, bumungad sa akin ang isang mataas na binatilyo. Nakatingala ito sa akin habang nakapamaywang. Napatanga ako dahil sa ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Gwapo at napakakinis ng balat. Sa tansya ko ay nasa labimpitong taong gulang hanggang labingwalong taon marahil ito. Sino ang lalaking ito? Parang ngayon ko lang siya nakita rito? "What are you doing up there? Balak mong magnakaw sa loob ng mansyon nu?" Pamimintang nito. Hindi agad ako nakapagsalita at tuluyang natameme. Nakapagsalita lamang ako ng batuhin ako ng lalaki. "Aray! Bakit mo ako binato?!" Daing ko. "You're not answering eh! Baka talaga magnanakaw ka!" "Hindi ako magnanakaw! Umakyat lang ako rito dahil gusto kong makita ang loob ng mansyon!" Paliwanag ko rito. Bumaba na rin ako. Ngunit nagkamali ako sa pag-apak ng sanga kaya nahulog ako. Unang bumagsak ang puwet ko dahilan upang napadaing ako sa matinding sakit. Ngunit agad napatigil nang marinig ang hagalpak na tawa ng lalaki. "Ang tanga!" Tawa siya ng tawa at napapahawak pa sa kanyang tiyan. Kumuha naman ako ng maliit na bato na nasa tabi ko at binato rin siya. Sapol siya sa noo. "Aray! Aba, gago ka ah! Why did you throw that pebble on me?!" Nagulat ako nang lapitan niya ako at kinuwelyuhan. "You wanna die?!" Mariing banta niya. Bakas din sa mukha niya ang matinding galit. Halos masakal ako mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa damit ko. Gumawa pa ito ng ingay na parang napupunit. Luma na kasi ito. "W-Wala ka man lang kasing konsiderasyon eh. Dapat ay tinutulungan mo akong makatayo kaysa sa tumawa ka diyan." Katwiran ko sa kanya. Mas napahigpit ang pagkakahawak niya at inilapit pa ang mukha sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bumaling sa ibang direksyon. Hindi naman nakaligtas sa akin ang mabangong amoy niya. Ano itong nararamdaman ko? Bakit nang-iinit ang pisngi ko at bumibilis ang t***k ng puso ko? "Sino ka para pagsabihan ako ng walang konsiderasyon? You're just an ordinary and a poor kid. Tingnan mo nga ang suot mo. Where did you buy this rag?" Hindi lang pala salbahe ang lalaking ito, matapobre pa. Masasabi ko nga na mayaman siya dahil na rin sa tindig at pananalita niya. Di kaya'y... "I will let you pass this time. Pasalamat ka at good mood ako ngayon. But you will still pay for what you've done to me so better hide because the moment I see you again, you're dead." Muling banta niya at malakas akong itinulak dahilan upang mahiga ako sa lupa. "Umalis ka na! Bawal dito ang kutong-lupa na katulad mo!" Nasaktan ako sa sinabi niya. Ngunit bilang pinalaki na may respeto sa kapwa ay hindi na ako umimik pa. Hawak ang puwet na masakit ay tumayo na ako. Paika-ikang naglakad paalis. "Go away!" Sigaw pa niya nang lingunin ko siya. Napailing na lang ako. Anak-mayaman nga at biniyayaan ng magandang mukha pero kabaligtaran naman ang pag-uugali. Wala ring konsiderasyon at higit sa lahat, "gago!" Naibigkas ko pala ang salitang iyon kaya nang mapalingon ako sa lalaki, nakita ko ang matalim na titig niya sa akin. Takbo na Mikko. **"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

NINONG II

read
618.2K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook