bc

Peaks And Valleys

book_age16+
345
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
second chance
dominant
submissive
goodgirl
sweet
lighthearted
slice of life
reckless
passionate
like
intro-logo
Blurb

LUMAKI si Liberty Villaruel na pagpipinta ang kinahihiligan. She loves art materials. She lives for the beautiful paintings she make. Pinangarap niyang maging isang kilalang artist. Kaya naman, ginusto niyang mas gumaling at mag-explore. Pinili niyang magbakasyon sa farm na pagmamay ari ng kaniyang Papa. She thought it might inspired her more if she'll go to a place that's new to her. Bagong environment. Bagong mga tanawin.

Pero imbis na simpleng inspirasyon ay ibang klaseng emosyon ang natagpuan niya.

She met Caliban Adhastre. Ang anak ng kanilang farm manager. Isang makisig na binata na talaga namang ibang-iba sa mga preskong lalaki sa syudad na kinalakihan niya.

Noong una, natutuwa lamang siya sa presensiya ng lalaki. Madalas silang nagkasama dahil ito ang sumasama sakanya sa pag-iikot sa farm. Pero hindi na lang pala basta "entertainment" ang nararamdaman niya. Mukhang.. nadadala na siya sa ngiti at kabaitan ni Caliban.

--

"Magkaibigan lang kami ni Caliban," sabi ko sa mga trabahador na patuloy akong tinutudyo kay Caliban. "Isa pa, baka may nobya siya..."

"Wala."

Halos lahat sila ay napalingon sa maagap na pagsagot nito. Pakiramdam ko'y nanigas ang leeg ko roon. I didn't want to look at him knowing he's looking at me. Parang may kung anong umiikot sa tiyan ko.

"Wala akong nobya, Liberty."

chap-preview
Free preview
Prelude
I REMAINED seated on my chair. Nanatiling malinis ang puting canvas sa harapan ko habang ang acrylic paint naman ay halos matuyo na sa wooden palette. Huminga ako nang malalim. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko mamadaliin pero heto ako’t naaatat na makagawa ng panibagong pinta. For a whole week I have been trying to figure out what’s wrong with me. Countless attempts to give colors and just like yesterday and the past days, I wasn’t able to create anything. It felt like everything that I could think of was in hues of black and white. It used to be so easy. Lahat ng emosyon ko ay nagagamit ko sa pagpipinta. Kapag masaya ay matitingkad na kulay, kapag malungkot naman ay madilim. Masaya sa pakiramdam na nagagawan kong bigyan ng buhay ang mga naiisip ko pero ngayon ay parang napaka-imposible na iyong gawin. Matagal pa akong tumitig sa malinis na canvas paper. Wala kahit isang guhit ang nakalagay roon pero ramdam ko na agad ang pagod sa mga kamay ko. I could feel it on my fingertips. I could feel it in my head. Isang tingin pa ang iginawad ko sa puting papel bago tumayo. It feels heavy, frustrating.. pressurizing. Anong problema? Why couldn’t I paint? Bakit hindi kung ganoong buo ang loob kong gumawa ng panibagong sining? I put down the paintbrush. Tinungo ko ang babasaging pintuan palabas sa balcony para papasukin ang hangin. With that, the wind blew, making the pale pink curtains dance. Kasabay noong hinangin ang laylayan ng bestidang suot ko. Naglakad ako palapit sa railings. Dahil nasa ikatlong palapag ang kwarto ko ay malawak ang natatanaw ko. Our homestead is big. Ngayon lang ako napunta rito kaya’t talagang wala pa akong alam sa pasiko’t sikot sa farm. My father told me there are a lot here. High School lamang ako nang bumili siya ng ilang ektarya rito, hanggang sa mas pinalaki pa niya iyon kalaunan. Other than this farm, we also have other businesses. Mayroong restaurant sa Ilocos at palayan sa Nueva Ecija. Kaya nga nang magkolehiyo ako ay inawitan niya akong kumuha ng kursong konektado sa pagbu-business. But I knew long before that I am not into enterprises, neither agriculture. Tiningala ko ang asul na langit. Ilang ibon na patungong kanluran ang namataan ko roon. The thin clouds were scattered beautifully, some took form in shapes. Lumukob ang pamilyar na emosyon sa dibdib ko. Dito. My heart is already set on doing creations. Paintbrush are for my hand to hold. Canvas are mine to give life. Kahit pa ngayong wala ako sa sarili at tila nawawala sa linya ay iyon pa rin ang paniniwala ko. “Liberty?” Sunod-sunod na katok mula sa pinto ang naka-agaw ng pansin ko. I automatically turned my head to gaze at the doorway. Nang bumukas iyon ay agad kong nakita si Manang Selly. Her eyes landed at the chair where I was sitting minutes ago. Kahoy na upuan iyon katabi ng maliit na lamesa kung saan nakapatong ang ilang kagamitan ko. Bumitaw ako sa railings ‘saka naglakad palapit sakanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Nagpipinta ka ba ngayon?” Nag-iling ako ng ulo. “Hindi po, Manang Selly.” Tumango siya sa akin. “May mga tao sa ibaba. Iyong isa yata ay ang katiwala ng Papa mo. Baka sinabihan na ni Mabini tungkol sa pagdating mo. Gusto mo bang mag-ikot-ikot sa farm?” “Opo sana, Manang Selly. Gusto kong maging pamilyar dito sa farm ni Papa.” Humawak ito sa braso ko. “Halika at sasamahan kita pababa. Gusto mo bang kumain muna bago umalis?” “Pag-uwi na lang po, Manang.” Ngumiti siya roon. Sabay kaming lumabas ng kwarto. Tahimik sa loob, dalawa lang naman kasi kami rito sa bahay. Kung hindi nga lang sumama si Manang Selly ay baka mag-isa lang ako rito, but that won’t be a problem since I was used being alone. Si Papa lang ang nagpumilit na magdala ako ng kasama, gusto pa nga nitong tawagan ko si Reevo para samahan ako. He was my cousin. Ayaw ko lang na mang-istorbo. It’s summer vacation, baka mamaya ay may plano na ito at maabala ko pa. Bukas na bukas din ay lalabas ako kasama si Manang Selly para mamili. Wala kasing stock dito sa bahay. Kapag bumbisita rito si Papa ay panandalian lang. Nananatili lang itong malinis dahil sa caretaker. Iyong farm manager naman ay may bahay rin na katabi nito kaya’t wala talagang natutulog dito. Kung maiisipan ay baka baguhin ko rin ang interior ng kwarto. I also might use one of the empty rooms in this house. I’d make it as my personal space, para sa ganoon ay hiwalay ang tulugan at ang lugar kung saan ako nagpipinta. Mahihirapan kasi akong maglinis, lalo na’t makalat talaga ako kapag gumagawa. I surely wouldn’t want the colors all over my sheet. Nang tuluyang makababa ay may narinig akong mga tawanan. Mga boses ng lalaki. Iyon na siguro ang nabanggit ni Manang Selly. My father’s workers, I suppose. Do they work daily or are their visits scheduled? Sa lawak ng farm ay paniguradong kulang ang bente o trentang trabahador. Saan sila kumakain? I stopped on the doorway. Their laughters ceased when they noticed my presence. Isa-isa kong binalingan ng tingin ang mga ito. Judging by their appearance, they must be on their early 30’s. Kung bibilangin ay sampo sila rito. No. Eleven, kasama iyong matangkad at maputing lalake sa harapan ko. Hindi tulad ng ibang trabahante ay mas casual ang suot nito. Is he the farm manager? Ang bata ng itsura nito. I was expecting someone as old as my Dad. Naglakad ito palapit sa akin. May pag-iingat sa paraan ng pagtingin niya. “Liberty Villaruel?” Tipid akong ngumiti. “Opo, are you the farm manager?” He shook his head. “No. The son.” Huminto siya sa tapat namin ni Manang Selly. “Ako muna ang papalit sakanya pansamantala.” My lips pursed. That.. I didn’t know. Hindi nabanggit ni Papa. I guess I’ll just call him to talk about that later. I offered my hand. “Nice to meet you…?” “Caliban.” He extended his arm to shake my hand. “Caliban Adhastre.” Kinamayan niya ako. Hindi na ako nagpakilala dahil kilala naman na ako nito. He mentioned my full name minutes ago. Nang bitawan nito ang kamay ko ay tumingin ako sa ilang matatandang lalaking nakapaligid. I was hesitant. Do I also need to remember their names? “Are these all the workers po?” tanong ko. Nilingon niya ang ilang trabahador bago umiling. “No. Some of them are in the tree house.” I c****d my head to the right. “Mayroon pong tree house rito sa farm?” He nodded and smiled. “Malapit sa poultry.” Napataas ang dalawang kilay ko. A tree house inside the poultry. Gusto ko tuloy puntahan. Siguro’y doon nagpapahinga ang ibang trabahador. That’s understandable given the distance. Nakakapagod nga naman kung magpupulong pa sila rito kung ang pahinga lamang ay ilang minuto. At least maybe some of them stays in a vacant place to rest every break. The tree house was one. “Is your father not here? Nabanggit na po ba ni Papa ang pagdating ko?” tanong ko. Anong nangyari at kailangan pa niyang palitan ang Ama niya? My brows creased. But if he is his father’s deputy then he probably knows how things work here. The position won’t be entrusted to him if he doesn’t know a thing. At least, I don’t think his father will appoint him just because there isn’t any person available. He must be responsible and fitted for the role. Sana lang ay may matutunan ako sa gawain dito sa farm. “No. Under important circumstances he won’t be able to work here for a while. Sa tingin ko naman ay sasabihin niya iyon sa Papa mo sa lalong madaling panahon.” He smiled gently. “But my father did tell me you’re coming. Gusto mo bang mag-ikot-ikot?” Nagkaroon ng diretsong linya ang mga labi ko. Ang boses at bawat pagtingin nito ay malumanay at kalmado. He seems.. nice. Sumilip ako kay Manang Selly. Nakatayo lamang ito sa pinto habang pinapanood ako. She nodded her head when she realized I was waiting for her response. I shifted my gaze back to the man in front of me. “Opo.. Sir.” I was hesitant. I didn’t know what to call him. He chuckled lightly. “You can call me Caliban.” Pagkasabi noon ay tumingin siya sa kanyang wrist watch. “You can also drop the honorofics. Halos magka-edad lang naman tayo.” Bahagyang kumunot ang noo ko roon. How does he know that? Alam niya ba ang edad ko? On the other hand, we do look like we’re on the same age. Hilaw akong ngumiti sakanya. He moved his head towards the front. Doon ay nakita ko ang isang puting golf cart. Now that’s cool. Hindi pa ako nakakasakay sa ganoon. Not like you can use that to a city full of cars and traffic. He returned his gaze to me before walking. Hindi na ako nagdala ng kahit ano pa at sumunod nalang sakanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook