bc

The Man From Her Book (Filipino)

book_age18+
938
FOLLOW
6.4K
READ
love-triangle
sex
opposites attract
badboy
goodgirl
doctor
bxg
mystery
city
virgin
like
intro-logo
Blurb

Si Stef ay dumanas ng napakatinding kabiguan sa pag-ibig nang isulat niya ang nobelang Sanely In Love With You. Dahil puno ng emosyon ang librong ito, hindi niya inakalang papatok ito nang todo sa masa.

Gayunman, kahit lumipas na ang tatlong taon simula nang maisulat niya ito ay tila hindi pa rin nakauusad ang kaniyang puso. Ang malala pa'y pati ang pangunahing karakter ng kaniyang libro na si Elijah Grey ay kinakausap niya at pinagpapantasyahan pa.

Samantala, nang umuwi ang kaniyang ninang na si Tamara galing sa ibang bansa, pinasalubungan siya ng isang librong may pamagat na Wunsken. Mukha itong ordinaryong libro lamang. Ngunit nang sumulat si Stef dito, natagpuan niya ang sariling naiipit sa totoong mundo at sa daigdig na gawa lamang ng kaniyang imahinasyon.

Nabuhay lang naman si Elijah— ang karakter sa kanyang nobelang Sanely In Love with You.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE: Sanely In Love with You
April 2013. Iginala ni Stef ang kanyang paningin sa buong kwarto. Labis ang kanyang panghihinayang nang mamataan sa sahig ang basag-basag na mga kagamitan; mula sa mga mamahaling figurine hanggang sa mga antigong vase. Bumaling naman siya sa life-sized mirror at muling nanginit ang kanyang mga mata nang mapansing suot-suot pa rin niya ang eleganteng wedding gown. Tunaw na rin ang mascara at nakakalat na sa pisngi ang kanyang lipstick. Kalahating araw na ang nakararaan ngunit hanggang ngayo'y hirap pa rin siyang tanggapin na hindi sumipot sa kasal ang lalaking pinakamamahal. "Why did you do this to me, Greg?" bulong niya sa pagitan ng kanyang mga paghikbi. Durog man ang puso't kaluluwa, sumagi sa isipan niya ang magsulat. Kaya binuksan niya ang laptop at taimtim na nagtipa habang maya't maya ang pagpupunas ng kanyang mga luha. Pagkatapos makasulat ng limang pahina'y binigyan niya ito ng pamagat na Sanely In Love with You. Alas-tres ng madaling araw nang makaramdam siya ng pagod kaya nakatulog siya sa mesa. Kinabukasan, dumating sa kaniyang bahay si Tamara, ang ninang niya at isang beteranang manunulat. "I feel sorry for what happened, Stef." Ilang sandali pa'y nahagilap ng kanyang paningin ang mga papel na nagkalat sa mesa habang ang ibang pahina'y nakasaksak pa sa printer. Isa-isa niya itong pinulot, pinagsunod-sunod, at masusing binasa. Pagkatapos nito'y napataas ang mga kilay niya at sapilitang ginising ang natutulog na inaanak. "What Ninang?" ani Stef na naghihikab pa at nakahawak sa masakit niyang ulo. "This is perfect, Stef. You have to pass this manuscript to OneWord Publishing House!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook