bc

A Kiss from stranger (Tagalog) LS Series #3

book_age16+
709
FOLLOW
4.8K
READ
spy/agent
second chance
playboy
goodgirl
drama
comedy
bxg
realistic earth
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Simple at preserved na maituturing ni Beatrize Gay Rodriguez ang sarili para sa mapapangasawa. Hanggang dumating si William Kyle Lozano na siya ang unang magkakanakaw sa unang halik ng dalaga na kinagalit nito sakanya. Mapipigilan pa ba ng dalagang hanapin ang unang halik niya kung mismong ang panahon at lugar ay sumasang ayon din sa pa ulit ulit na pagkikita nila?

Kaya ba nila iwasan ang isa't isa kung sa sarili nila ay alam na nilang hulog na sila sa isa't isa?

William Kyle Lozano & Beatrize Gay Rodriguez

chap-preview
Free preview
Prologue
Betty POV "Bilisan mo Betty!" Mahinang tawag ni Diana sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-akyat at pagtawid sa mataas na pader ng gate namin pero hindi ko talaga kaya. "Saglit lang. Ang hirap kayang umakyat dito para makalabas lang no." Reklamo ko. Naghanap ako ng pwede kong gamitin para makatawid hanggang sa nakita ko ang isang hagdanan na stainless na ginagamit ni Mang Rene sa pagtritrim ng mga malalaking halaman namin dito sa bakuran. Maingat akong tumakbo papunta roon at kinuha ito. Pinuwesto ko sa may pader ang hagdanan at agad kong naakyat ang tuktok nito. "Whoa! Ang taas!" Lula ko. Lumunok at napapikit at napailing pa ako dahil bigla akong nahilo ng makita ko ang baba. Dahan dahan akong umupo dahil biglang nanginig ang tuhod ko at napakapit sa magkabilang gilid ng inaapakan ko. Naiiyak na ako. Takot ako sa matataas. "Diana.. " naiiyak kong sabi. "Baba na ako. Kayo nalang pupunta." Suko ko. Hindi parin ako dumidilat at nanginginig na ako. "Betty naman eh, nandiyan ka na! Baba ka na!" Tawag nito. "Saluhin ka nalang namin! Dali!" Suhestiyon ni Hilda. Umiling ako. "Ayoko!" Naiiyak kong sabi. "Kung hindi ka tatalon hihilain ko iyang paa mo." Panakot niya sa akin at agad naman akong dumilat. "Gusto mo ba akong madisgrasya dito? Saglit lang." Kaba ko at inaayos ang position ko. Kahit na kaba at takot ang nararamdaman ko ay nilakasan ko parin ang loob kong bumaba. Babalik man ako sa bahay o sasama sakanila ay parehas parin na mapapagalitan ako kapag nahuli nila akong tumakas. "Konti nalang Betty! Nasa heaven ka na!" Tudyo ni Hilda. "Baliw!" Singhal ni Diana at inalalayan na niya ako sa pagbaba ng maabot na niya ako. "Kumakain ka pa ba Betty?" Tanong ni Diana nang makababa na ako. "Oo naman. Bakit?" Takang tanong ko at sinugbit ang dala kong shoulder bag. "Bakit parang nagbuhat ako ng 13 year old na batang babae?" Pang-aasar niya na kinatawa naman ni Hilda na agad kong tinakpan ang bunganga niya. "Gusto niyo ba akong mapabalik sa bahay?" Inis kong tanong dito. Umiling naman siya saka ko tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya. "Kumain ka ng kumain ha? Kaya ka napagkakamalang elementary eh, pati katawan mo nakibagay sa height mo." Tuloy niya na kinasama ko ng tingin kay Diana. "Kulang lang yan sa boyfriend no. Magboyfriend ka na para may nagpapakain parati sayo." Tudyo din ni Hilda na kinatawa pa nito sunod. Nameywang ako sa harapan nila at pinanliitan sila ng mata. "Minsan naiisip ko kung kaibigan ko ba talaga kayo o ampon lang ako sa barkada." At tinaasan ko sila ng isang kilay. "Wala sa choices. Under age ka pa bata." At tinapik tapik ni Diana ang ulo ko saka tumungo sa tapat ng driver seat ng sasakyan niya at pumasok ito. Agad namang pumasok si Hilda sa passenger at ako naman sa back seat. "Maraming mga gwapong boys sa bar Betty. Pwede ka nang magwindow shopping doon mamaya." Tawa ni Hilda habang kinakabit ang seat belt. "Bar?" Gulat kong tanong. "Oo. Doon gaganapin iyong birthday party ni Riu. Kaya siguraduhin mong dala mo ang ID mo para papasukin ka." Tudyo niya ulit. "Whatever." Naasar kong sagot sakanila. Narinig ko lang silang tumawa saka niya pinaandar ang sasakyan at nagmaneho na ito. Nang makarating kami roon ay napakarami nang tao. Umaalingawngaw ang tunog ng musikang pinapatugtog at masyadong madilim ang ilaw habang may pumapaikot na mga iba't ibang kulay ng ilaw. Christmas light? Nilibot ko ang paligid at napakaraming tao na halos hindi ko masukat akalain na halos kulangin sa tela ang mga suot ng mga babae. Tiningnan ko ang suot ko na jeans at floral blouse na pinaresan ko ng white sneakers ko. Bakit parang hindi ako belong dito? "Halika. Doon tayo." Hila sa akin ni Diana at sumunod naman si Hilda sa likod habang sumasabay naman sa tugtugin. Napansin ko rin ang iba na parang baliw sa pagsasayaw sa dance floor. Sana okay lang sila. "Oh Betty! Mabuti at nakadalo ka sa birthday party ni Riu." Salubong sa akin ni Dan. "Pinilit lang namin yan." Sabat ni Hilda na may hawak na ngayong baso na mukhang alak ang laman. "Oh Kurt!" Tawag ni Dan sa likod ko. Bigla akong kinabahan. Tiningnan ko si Diana na parehas kong gulat din sa narinig na tinawag na pangalan. "Ang sabi mo hindi siya dadalo." Bulong ko. "Iyon ang sabi niya kanina. Malay ko ba." Sagot niya rin. Agad kong iniharang ang bag ko sa mukha ko para itago ito. Iniwan ako ni Diana at hinarap si Kurt habang ako naman ay pumagilid sa may bandang dilim. "Oh Kurt! Akala ko hindi ka pupunta." Tanong ni Diana. "Hindi talaga ako pupunta kung hindi niyo siya sinama." Saka tiningnan ako. "A-alam mo?" Utal na tanong ni Diana pero tiningnan lang siya ng masama ni Kurt. "Hey Kurt! Hayaan mo muna si Betty na dumalo dito. Birthday kaya ni Riu. Pagbigyan mo naman siya!" Singit ni Dan. Tiningnan ni Kurt ang paligid at nakita ko ang disgusto nito sa mga nakikita hanggang sa maabot ako ng mga mata niya. Agad akong umiwas. Tiningnan ko siya ng hindi ginagalaw ang ulo at napansin kong tumingin siya sa relo niya. "Susunduin ko siya after 30 mins." Huli niyang sinabi saka tinalikuran sila. "Saglit! 30 minutes? Mabilis lang yung 30 minutes." Reklamo ni Dan. "Kung ayaw niyo, 15 minutes nalang. O baka gusto niyong ang daddy niya nalang ang sumundo sakanya dito." Panakot niya sa mga ito at tiningnan ako. "O-okay na yung 30 minutes Kurt. Kami ng bahala kay Betty." Sagot ni Diana. "Good." Sagot niya saka tumalikod ito palabas. Bumuga ako ng hangin ng maramdaman kong makakahinga na ako ng maayos pero napaubo ako nga makalanghap ako ng amoy ng sigarilyo. "Sobrang protective sayo ng pinsan mo. Kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa mapagkakamalan ko kayong magjowa eh." Saad ni Hilda. "Kaya nga hindi pa ako nagkakaboyfriend dahil diyan sa pinsan kong iyan eh." Reklamo ko. "Edi maganda. 3 in 1. Pinsan, kuya at jowa." Saad niya. Bigla akong kinilabutan sa panglalarawan niya. "Issue ka bhe?" Inis ko. "Ireto mo nalang ako sakanya." Malandi niyang saad. "Ngayon palang binabalaan na kita. Kung gusto mong lumigaya sa lovelife mo, huwag siya ang piliin mo."babala ko sakanya. "Nangangagat ba siya?" Malandi niyang tanong pero pinalo ko lang siya sa braso at natatawang tiningnan lang niya ako. "CR lang ako." Paalam ko. Nang makarating ako sa CR ay agad kong tiningnan ang itsura ko saka pumasok sa isa sa mga cubicle. Nang maayos ko ang itsura ko sa salamin ay tiningnan ko ang orasan ko. May 24 minutes pa ako. Feeling ko bilang nalang ang oras ko sa mundong ito dahil sa nalalabing oras ko. Huminga ako ng malalim. Bibilisan nalang natin Beatriz. Lumabas ako sa CR at napansin ko rin ang isang grupo ng mga lalake at babae na mukhang masayang masaya rin sa mga ginagawa nila. Naglalaro ba sila? Napangiti ako. Akala ko nalalaos na ang ganyang laro. Nang makarating ako sa pwesto namin ay wala na akong maupuan kaya pinili ko nalang na tumayo muna at kumuha ng juice para mabasa ang natutuyo kong lalamunan. "Betty!" Tawag at kaway ni Diana sa kabilang table. Agad akong pumunta hawak ang juice nang may nabangga akong tao. Dahil sa dami ng tao ay hindi ko nakita ang mukha at hindi ko narin inabalang lingunin at magsorry. Nang makarating ako sa pwesto nila Diana ay agad akong umupo dahil nangangawit narin ang paa ko. Sasandal palang sana ako ng may biglang humila sa akin sa pagkakaupo at laking gulat ko nang halikan pa niya ako. Naestatwa ako sa ginawa niya. Pero bigla akong natauhan na maalala ko ang kinaiingatan ko. Ang first kiss ko na dapat sa magiging asawa ko ibibigay ay ninakaw ng walang hiyang lalakeng ito. Pwersa ko siyang tinulak at malakas na sinampal sa mukha. Halos gulat ang taong nakakita sa amin maski ang mga kaibigan ko. Tinakpan ko ang mukha ko para pigilan ang namumuong luha ko at bago pa ako lapitan nila Diana ay tumakbo na akong lumabas sa bar. Pagkarating ko sa labas ay agad akong napaupo at niyukong binaon ang mukha ko sa tuhod ko. "Ninakaw niya ang first kiss ko!!!" Inis kong sigaw sabay ang paghagulgol ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook