bc

Silenced

book_age16+
3.7K
FOLLOW
28.0K
READ
opposites attract
drama
tragedy
comedy
twisted
bxg
betrayal
disappearance
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sanay sa atensyon si Vanessa Ray Alonzo. Galing siya sa kilalang pamilya at hindi rin naman papahuli ang mga magagandang katangian niya na talaga namang agaw pansin para sa mga kalalakihan sa edad niya. Kaya naman ganoon na lang ang pangungulit niya kay Zandrick Villafuerte nang masungitan siya nito ng ilang beses. Labis itong nakuryoso sa lalaki dahil sa kawalan nito ng kakayahan sa pagsasalita kaya naman tinatak niya sa kanyang sarili na kahit anong mangyari, makikipaglapit siya sa lalaki.

Can you love someone who can’t even say how much he loves you? Are you willing to take risks for someone who’s incapable of expressing himself to you? Will you accept him when communication has a big hindrance between your relationship? Should you continue when his love for you is silenced?

****

This is one of the books from the Imperfect Men Series.

Second book: Blinded

Third book: Crippled

chap-preview
Free preview
Simula
Apat na taon ang mabilis na lumipas mula ng mangyari ang lahat ng iyon. Tulala ako sa aking opisina nang makitang pumasok mula sa pinto and aking matalik na kaibigan at ang boyfriend nito. “Here.” I looked on the card she gave me. Hindi ko napigilan and pag-irap sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa kanila pero nakakairita na makita kung gaano sila ka-clingy sa isa’t-isa. At talagang pinapakita nila iyon sa akin. Hindi ko alam kung nanadya ba sila o ganyan talaga sila kasweet kahit pa sa publikong lugar. “Walang forever.” Humalakhak ang boyfriend ni Karen na si Clark. Who would have thought that Karen can make this guy straight again? At ngayon, kitang-kita ko ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Hindi ko kailanman naisip na ang malambot at bakla kong kaibigan dati ay mapapatino ng matalik kong kaibigan. Love really changes people. It’s either for the better or worse. Napansin ko ang pag-irap sa akin ni Karen dahil sa sinabi ko at mas malanding yumakap kay Clark. Hindi ko naitago ang pandidiri sa aking mukha habang pinagmamasdan sila. “Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, Karen. Ang sakit ninyong dalawa sa mata. Okay na, pupunta ako sa kasal niyo. Pwede na kayong lumayas sa harapan ko.” Masungit kong sabi sa kanila ngunit hindi manlang sila umalis at talagang naupo pa sa aking sofa. Naiinis akong tumingin sa kanila. Umiling si Karen at malungkot na tumingin sa akin. Lalong nag-alab ang kairitahan sa aking pagkatao. I don’t need their pity! Hindi ko kailangan makita sa kanila na nalulungkot sila para sa akin. I am strong enough to fight my own battles. “I remembered, four years ago, ako ang nagsabi sayo niyan. But look at me now, I am getting married with Clark. You just need to move on, Vans. Stop pushing away every person who wants to help you. Kung nahihirapan kang gawin iyon, then don’t direct your anger to those who loves you.” Matalim ko siyang tinignan. Walang siyang karapatan na sabihin sa akin iyon. How dare her lecture me of what should I feel when in fact, she didn’t experience what I have gone through for the past years! Saka niya ako pagsabihan kung naranasan niya ang sakit na pinagdaanan ko. Nakita ko ang paglapit sa akin ni Clerk, ang kambal na kapatid ni Clark. Halos nawala na siya sa isip ko. Nandito lang siya sa loob ng aking office mula pa kanina at kahit hindi ko siya binibigyan ng pansin ay hindi parin siya umalis. Tinapik ko ng malakas ang kamay niyang akmang hahawak sa aking balikat. Seryoso ang kanyang mukha sa akin. “Lumabas na kayo.” Pinilit kong maging kalmado habang sinasabi iyon ngunit alam kong ramdam pa rin ang inis sa boses ko. Nagkatinginan si Karen at Clark saka nagpaalam na umalis. Lumipat ang aking tingin kay Clerk at hinintay siyang sumunod sa dalawa ngunit hindi manlang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. “What are you still doing here?” Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. He’s been here since morning, annoying the hell out of me. Can’t I just have my own time? Bakit kailangang may mga gumugulo sa akin? “Why can’t you give me my chance? Palagi naman akong nasa tabi mo kahit pilit mo akong pinagtatabuyan palayo. I will do my best to replace him in your heart. I know, you and Vane will need me…” Galit akong tumingin sa kanya. I told everyone to never mention him again. Saka bakit niya sinasali sa aming usapan si Vane?!   “If I were you, I will stop talking and get my ass out of this office.” “Why? Totoo naman diba, Zandrick is such a bastard for doing that to you!” That’s the final straw. Naglakas loob talaga siya na sabihin ang pangalan ng lalaking iyon! “I told you to stop! Damn, you really can’t keep your mouth shut? Sinabi ko na sayo na ayoko ng marinig muli ang pangalan ng lalaking iyon but you still keep on doing it every f*****g time! Lalo lang akong naiinis sayo dahil sa ginagawa mong iyon. Stop asking for chance because I will never give that to you! I dumped you countless times and accept it already! Ilang beses ko ba dapat na sabihin sayo na hindi kita mahal, at hinding hindi kita mamahalin? Bear that in mind!” Hindi ko pinansin ang pagdaan ng matinding sakit sa kanyang mukha. Wala akong pakialam kung nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. It was his fault. He pushed me on my limits. Masyado na siyang nagpapakatanga sa akin and it is not healthy anymore. Kinuha ko ang aking gamit at umalis. Great, I left my own office. Ako talaga ang nag-aadjust. Kinabukasan, maaga akong umalis para pumunta sa office. I am now a successful Civil Engineer. Sa Canada na ako nakapagtake ng board exam at doon na din pumasa. I took a one year break before working for some reasons and after that, I worked for Clerk and Clark's family to gain experience. Bumalik ako sa Pilipinas para magkaroon ng sariling kompanya. I worked hard for another year and now, VANE Realty is very well known in the country and in the construction industry. Ang company na iniwan ni Dad ay kay Kuya Vaniel napunta while Mom, is now resting. Together with Dad. It's been a tough situation for me and Kuya Vaniel. Halos kinagabihan nang mamatay si Daddy ay namatay din si Mommy. They share the same date of death. How ironic. Till death do us part talaga. Napangisi ako. Wala namang forever. Well, I do believe four years ago but now? Hindi na. "Good morning, Ma'am." I nodded on my employees as they greeted me. I walked with authority. I never greeted them back. I reached my office in no time and my secretary faced me. "Ma'am Ray, marami pong nakalagay na papeles sa table niyo…" I cut her. Naiinis akong tumingin sa kaniya. "Alam ko. Ginagawa mo ba kong tanga? Nakikita ko naman na maraming papel diyan. Do you want me to fire you?" Tinakot ko ang bago kong secretary na mawawala na rin maya-maya. I saw her eyes widened. "N-no, Ma'am Ray sorry po. Hindi na po mauulit." Nakayuko niyang sabi. Ngumisi ako. "Talagang hindi na mauulit. Pack up your things." Nagtaas siya ng tingin at pansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata.  "You are fired." Sabi ko saka ko siya tinalikuran. Naupo ako sa aking swivel chair at tumawag sa HR Department. Wala na talagang tumatagal sa akin na secretary. Kung hindi mga tanga, ang babagal naman kumilos at minsan ay mali pa ang mga trabaho. "Get me a new secretary. Please lang, ang dalhin niyo sa akin ay may common sense at hindi tatanga-tanga kung ayaw niyong pati kayo ay mawalan ng trabaho." I dropped the call. Bumaling ang aking tingin sa mga papel na nakatambak sa aking lamesa. Kasalanan ito ni Clerk. Kung hindi niya ako ininis kahapon ay sana natapos ko ang trabaho ko. Ang dami ko pa namang mga contracts na kailangang mabasa at mapirmahan para masimulan na ang construction. Hindi ko pa naman basta-basta pwedeng pirmahan ang mga ito. The credibility of my company is at stake. Kailangan kong pag-aralan ng mabuti ang lahat para masigurong maayos ang relationship namin sa clients. Sa buong araw ay iyon ang ginawa ko. Binasa ko ang lahat ng mga contracts na nakahanda sa aking lamesa. Pinipirmahan ko ang mga kontrata na pasok sa standards at magaganda ang designs. From time to time, I make calls and then I’ll resume to work. Napaangat ang tingin ko nang pabagsak na bumukas ang aking pintuan. Nanliit ang aking mata nang makita si Kuya Vaniel na galit na galit sa akin. "What is this Vans? You just fired your secretary again?! Hindi ba’t last week lang iyon nagsimula dito?" Binagsak niya ang kanyang kamay sa aking lamesa ngunit hindi ako nasindak doon. Dati ay natatakot ako sa tuwing nagagalit siya sa akin, ngunit ngayon ay parang wala na akong nararamdaman. "Bakit ka nandito? Diba dapat nasa Canada ka? Nagpapayaman? And who is Vans?" I asked him sarcastically. Nakakasanayan ko na siyang sagutin ng ganito. I don’t know pero ayoko lang talaga na may nangingialam sa akin ngayon. Bakit ba hindi na lamang nila ako hayaan na gawin ang gusto ko? Magiging maayos ako kung kailan ko gugustuhin at kaya ko iyong gawin ng hindi nangangailangan ng tulong ng kahit na sino. "f**k it Vanessa Ray! Kailan ka ba babalik sa dati? Why did you let yourself be like this?" I looked at him. "Vanessa died four years ago so she won't come back. Never. So what are you doing here?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Since our parents died, nagkaroon ng malaking gap sa amin. I changed. He too. "Why did you fire your secretary this time?” Medyo mahinahon na niyang sabi. Like I care kung galit siya or what. "Ano bang pakialam mo? May sarili kang kumpanya. Iyon and pakialaman mo." He looked at me with anger. "Why don't you let yourself be free from the past. That's what you need. Ikinulong mo ang sarili mo sa sakit. You pushed everyone away, including me, your brother and it hurts like hell. I don't see my sister in you anymore." He looked at me again one last time, with pain and disappointment before leaving the room. As the door closed, tears fell down. Why do I have to suffer like this? I haven't done anything wrong before my father died, pero nang mangyari iyon four years ago, sunod sunod na kamalasan ang nangyari sa akin. If there is only good thing happened to me, that  is Vane. I need to see him. When I'm with him, I can feel myself again. I can be me. The Vanessa who died four years ago.   Lumingon ako sa paligid. Ilang tao na lamang ang nakikita ko sa daan dahil halos lumalalim na ang gabi. Maingat akong naglakad papasok ng isang convenience store. Nagtungo ako sa isang stand kung saan nakalagay ang mga napkin. Kapag minamalas nga naman, kung kailan gabi na, saka pa ako dinatnan. At nagkataon pa na wala na akong extra sa bahay. Nakakahiya naman kasi kung magpapautos pa ako sa mga kasambahay. Disoras na ng gabi at gagambalain ko pa sila sa kanilang pagpapahinga. Pagkatapos makakuha ng dalawang pack ay dumiretso ako sa counter at nagbayad. “Thank you po, Ma’am. Come again!” Tipid akong ngumiti sa lalaki na nagbabantay sa cashier saka tuluyan ng umalis. Tutal ay hindi naman kalayuan sa aming bahay ang convenience store na iyon ay naglakad na lamang ako pauwi. Hindi ko alintana ang panganib na maaaring mangyari sa akin sa paglalakad ng mag-isa sa daan ng ganitong oras. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng takot dahil may tiwala ako sa seguridad ng village dito. Marami ang nagroronda dito tuwing gabi kaya naman hindi talaga nakakapuslit and mga masasamang loob. Natanaw ko na ang aming bahay. Hindi ko magawang bilisan ang aking paglakad dahil nararamdaman ko ang pagsakit ng aking puson. Huminga ako ng malalim. Ang tagal ko ng nararanasan ito pero hindi pa rin talaga ako masanay. Nabigla ako nang may kung sinong humawak sa aking braso saka seryosong tumingin sa akin. Nanliit ang aking mata dahil hindi ko gaanong matanaw ang mukha niya. Nakasuot ito ng sombrero ngunit disente naman ang suot na damit. Saglit kong pinagmasdan ang kanyang katawan para makita kung may armas ba siyang dala. Mahirap na, baka mamaya may nakatakas sa pagroronda ng mga security guards dito. “Ano pong kailangan niyo?” Hinintay ko siya na makapagsalita ngunit wala akong natanggap mula sa kanya. Kumunot ang aking noo. Binitawan niya ang aking braso saka may itinuro sa aking likod. Sinilip ko iyon at nanlaki ang aking mata nang makita ang malaking bahagi ng aking shorts na may tagos. Nakakahiya! Nang mapansin na nakita ko na ang itinuturo niya ay umalis din siya kaagad. Hindi ko na nagawang habulin siya para makapagpasalamat dahil nagmamadali na akong naglakad papasok ng bahay. Matapos kong maglinis at mag-ayos ng katawan ay natulog na ako. Unang araw pa naman ng pasukan bukas. Nagising ako sa aking alarm. Niyakap ko ang unan na nakadiin sa aking puson at pinag-isipan kung kaya ko ba na pumasok ngayong araw. Nagpahinga muna ako saglit at pinalipas ang cramps bago tuluyang tumayo at naligo. Ito na ang ikahuling semester ko sa kolehiyo. Ilang buwan na lang ay matatapos na ako sa aking kursong Civil Engineering. Malapit na rin akong magreview para sa aking board exam. Nakakaba ngunit nakakaexcite dahil sa wakas, pagkatapos ng limang taon na pag-aaral ay matatawag na akong Engineer. Nagmaneho ako papunta sa aking university. Habang naglalakad ako papasok ay nakakasalubong ko ang iba kong mga ka-block noong first year pa lang ako. It’s been a long journey for us. Noong mga unang taon namin ay kung sino-sino pang mga taga-ibang course ang nakakasalamuha namin. Hanggang sa paangat na ng paangat ang level namin ay pakunti na lang din kami ng pakunti dahil ang iba ay nagiging irregular, ang iba naman ay humihinto dahil hindi na kayang matustusan ang pag-aaral, merong iba, maagang nagkapamilya at karamihan sa kanila ay nagshift na at tuluyang sinukuan ang Engineering. Napailing ako. Kung talagang pangarap ng isang tao ang maging inhinyero, dapat ay sisikapin niyang matupad iyon at kahit kailan ay hindi niya susukuan iyon. Kahit bumagsak man sa mga major subjects, dapat ay natututo tayong bumangon. Ang mahalaga ay nalalaman at natutunan natin ang mga pagkakamali natin. Totoo ngang mahirap ang Engineering. Limang taon kang papahirapan ng mga major subjects mo sa paggawa ng designs, sa pagcompute ng mga kumplikadong problems, at minsan, dadagdag pa ang mga minor subjects na nagbibigay ng mga sandamakmak na mga gawain. Ngunit wala namang mahirap sa taong masipag at matiyaga. Kung puro reklamo lang ang gagawin mo ay talagang hindi ka matututo. Kung mabilis kang susuko sa mga simpleng problema na ibinibigay saiyo, palagay ko ay hindi ka dapat na tawaging Engineer. Pumasok ako sa una kong klase. Sinilip ko ang oras at masyado pa akong maaga. Hindi naman na ako magtataka, dahil mga fifth year na kami ay wala na kaming takot sa mga ganitong bagay lalo pa at first day. Kung noong first year ay takot pa ang lahat na mahuli sa klase kahit na first day, ngayon ay patibayan na lang talaga ng loob. Ika nga nila, lalabas ang sungay ng estudyante kapag matagal na ang mga ito sa university. Mga wala ng kinakatakutan. Nasubok na ng panahon kaya matatag na. Napagdesisyunan kong matulog na muna. Nararamdaman ko parin ang sakit ng aking puson. Mas maginhawa kung itutulog ko na muna. Hindi ko namalayan na malalim ang aking naging tulog. Nagulat na lang ako nang may malakas na humampas sa aking ulo. Nabigla ako at napabangon. Sobrang sakit! Nakita ko si Karen Cruz. Ang matalik kong kaibigan na malaki ang ngisi habang nakatingin sa akin. Maling mali na ginawa niya iyon. Hindi pa naman maganda ang timpla ko ngayon dahil masakit ang aking katawan tapos dinagdagan niya pa? “Are you aware that I’m on my period today?!” Humalakhak siya at umambang kukurutin ako ngunit mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. “Malamang, hindi! Sarili ko ngang period, hindi ko alam kung kailan dadating, yung sayo pa kaya?” Sarkastiko niyang sabi sa akin. Nanggigigil ako sa kaniya ngayon. Gusto ko siyang sabunutan at ingudngod sa pader. Pasalamat talaga ang babaeng ito at kaibigan ko siya eh. “Bakit ka ba kasi nanghahampas ng ulo riyan?!” “Nakita ko kasing masarap ang tulog mo. Kaya naisipan kong guluhin ka." Hindi ako nakapagpigil at sinabunutan ko ang kanyang kulot na buhok. Nakakagigil! "Pwede ba? Tumigil ka muna sa p*******t dahil baka hindi kita matantya. Parang awa… ang sakit talaga ng katawan ko." Kung hindi ako magmamakaawa sa kanya ay hindi siya titigil. Hindi ko kayang makisabay ngayon dahil masakit talaga puson ko. “Ayoko nga.” Nakangisi niyang sabi sa akin. Hinila ko ng mas malakas ang kanyang buhok ngayon. Sinasagad talaga niya ang pasensya ko. “Karen!” Malakas siyang tumawa. Nakita ko ang mga kaklase namin na naunuod sa aming pag-aasaran. Kilala naman namin ang halos lahat ng nandito at ganoon din sila sa akin kaya alam kong sanay na sila. “Oo na! Sungit naman. Masaya lang naman ako na magkaklase tayo sa huling sem natin. Pakopyahin mo ko ha, alam mo na iyon.” Inirapan ko siya at tumingin na sa harap dahil nakita ko na ang pagpasok ng aming professor. "I am your professor for Civil Engineering Laws, Contracts, Specifications and Ethics. Ang subject ko ay 3 units. I am looking forward na maging maayos ang semester na ito para sa inyo. I wish na lahat kayo ay makagraduate na kaya hindi ko na kayo pahihirapan dito dahil minor lang naman ito." Napailing ako. Sa pagkakaalam ko ay puro memorizations and reporting ang subject na ito. Nakakainis. Mas gusto ko pa iyong may mga problem solving kaysa sa ganito. Nakakabagot at nakakaantok. First subject pa mandin! Mabilis na lumipas ang mga oras. Pareho lang naman ang nangyayari bawat subject dahil first day pa lang naman. Marami pa ang mga estudyante na nag-aasikaso ngayon kaya naman hindi pa nagsisimula ang mga professor. Nakaramdam ako ng pressure dahil iisa lang ang mga sinasabi nila. Ito ay tungkol sa nalalapit naming graduation at siyempre, ang board exam. Ineexpect nila na papasa kaming lahat ng isang take lang para maging maganda ang passing percentage ng aming University. Habang nagmamaneho ako pauwi ay naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Talagang nakikisabay pa iyon sa sakit ng aking puson. Minsan talaga, ayoko nalang maging babae! Tumigil ako sa playground at park ng aming village. I’ll just rest here for a while. Masyado kasing peaceful doon, lalo pa ngayon na wala na gaanong tao. Mayroong maliit na lake doon sa park at napapaligiran iyon ng puno. Sa dulong bahagi ay may kagubutan ngunit sa pagkakaalam ko ay may mga sign boards doon para sa mga taong nais mag-ikot. Para makarating doon, kailangang sumakay muna sa mga mini boat na umiikot sa lawa. Mga ilang minutong pagsakay lamang iyon at makakarating na agad doon sa gubat. Ang iba naman ay ginagawang romantic date ang pagsakay sa mini boat. Lumapit ako sa swing at naupo. Nakakawalang gana na umuwi sa isang bahay na puro kasambahay lang ang kasama. Palagi akong mag-isa sa bahay namin. My parents are busy with the different branches of our company outside the country as well as my brother. Kuya Vaniel is two years ahead from me and he is currently helping my parents in our business. Since I turned 18, hinayaan na nila akong mag-isa dito sa Pilipinas. Naiwan lang ng ilang taon si Kuya para makapagtapos ng pag-aaral at nang makagraduate ay sumunod na rin siya agad doon. Hindi rin naman ako makapalag dahil nag-aaral pa ako. Ayoko namang mahinto. Mabuti na nga na hinayaan nila akong sundin ang gusto ko kaysa imanage ang aming kumpanya. Matagal ko ng sinasabi sa kanila na magiging matagumpay ako sa field kong ito. Hindi lang sa larangan ng business makikilala ang mga Alonzo. Itatatak ko din sa industriya ng construction ang aming pangalan bilang isa sa magagaling na contractor dito sa bansa. Sinilip ko ang oras at napansin na malapit na ang 5 pm. Hinintay ko ang paglubog ng araw. Pinagmasdan ko ang magandang tanawin habang nagaganap iyon. Nang balutin na ng kadiliman ang paligid, nagpasya na akong bumalik sa aking sasakyan at umuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.0K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.2K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.9K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.1K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook