bc

The Sudden Heiress (Cara Minerva's Vengeance)

book_age18+
21
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
second chance
independent
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

In your world full of lies and secrets, one thing is for sure that this heart of mine is beating your name Cara Minerva.

-Jin Aximus

chap-preview
Free preview
Prologue
"The wedding is off." Malungkot na ibinaba ni Cara Minerva Clemente ang telepono matapos ipaalam sa kan'yang wedding planner na hindi na tuloy ang kasal niya sa pitong buwan na kasintahang si Jin Aximus Guevarra o kilala bilang Jax. Isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa kan'ya si Jax. Nakakailang tawag na siya sa lalake ngunit wala siyang natanggap na sagot. Pinuntahan niya na ito sa kanilang bahay pero ayon sa mga kapitbahay lumipat na daw ito. Hindi niya alam kung saan at kanino ito hahanapin dahil sa loob ng pitong buwan tanging mga magulang at kapatid lamang nito ang nakilala niya. A's Construction Supplies ang pangalan ng maliit na negosyong nag ugnay sa kanilang dalawa. Isang taon nang nagsusupply ng materyales ang hardware ng pamilya nina Jax para sa mga ipinapatayo niyang gusali sa loob ng Polar sea side. Ito ang pag aaring ipinamana sa kanya ng yumaong ate Polina niya at kasintahan nitong si Arman. "Magpahinga ka muna Cara." Inalalayan siyang humiga sa kama ni Ashley, ang kan'yang sekretarya at kaibigan. Pagod na pagod ang katawan niya maging ang kan'yang isipan. Hindi niya lubos maisip na hindi na matutuloy ang kasal na pinapangarap niya. Kahit na umaasang darating pa din si Jax bukas sa kanilang kasal ay kinansela pa din niya ito. Hindi niya nanaisin na mabahiran ng masamang alaala ang araw na dapat ay masaya siya. "Iwan mo na ako Ash." Kahit nag aalangan ay lumabas pa din ng silid si Ashley. Alam niyang gustong mapag-isa ng kaibigan. Ang kaninang pinipigil niyang mga luha ay sunod sunod na umagos sa kan'yang pisngi. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at dumiretso sa terasa ng kan'yang kwarto. Doon ay malaya niyang pinagmasdan ang buwan, umaasang bago iyon mapalitan ng araw ay darating si Jax para hintayin siya sa harap ng altar. Kinuha niya ang kan'yang cellphone at muling binasa ang huling mensaheng ipinadala ng nobyo kaninang umaga. 'Sorry Cara, sana mapatawad mo ako.' Masama ang loob niya na tanging paghingi lamang ng tawad ang sinabi ni Jax. Naniniwala siyang may malalim itong dahilan at gusto niya itong malaman. Sigurado siyang sa loob ng maikling panahon naramdaman niyang tunay ang pagmamahal na ipinakita sa kan'ya ng nobyo. Piniling hindi matulog ni Cara. Nagbabakasakaling susulpot si Jax sa bahay nila anumang oras. Handa niya itong patawarin magpakita lang itong muli. "Cara, you should see this," ani Atty Brandon Agapor ang abogado niya. Siya ang tumulong sa kan'ya upang maayos na mapalakad ang negosyong ipinamana sa kan'ya. Kinuha ni Cara ang cellphone ni Brandon upang tingnan iyon. Mga larawan ni Jax kasama ang isang babae. Masaya itong nag uusap habang kumakain sa isang karinderia. Muling nakaramdam ng kirot sa puso si Cara. Ang kakarampot na pag asang babalik sa buhay niya ang binata ay biglang naglaho. Miserable ang mga nagdaang araw para sa kan'ya. Hindi niya alam kung paano mawawaksi sa puso't isip ang pagmamahal niya para kay Jax at ang sakit na idinulot nito sa kan'ya. Pinigil niya ang luhang nagbabadya sa kan'yang mga mata at ibinalik ang telepono kay Brandon. Dumoble ang sakit na nararamdaman niya, paanong nagagawang maging masaya ni Jax samantalang siya'y hindi. "This was sent to me by Mang Tony, our company driver. Nakita niya daw sila sa probinsya. Gusto mo bang puntahan natin siya?" tanong ni Brandon. Umiling siya bilang tugon kahit sa totoo lang ay gusto niyang puntahan ang dating nobyo. Nais niyang malaman ang katotohanan. Ayaw niyang maniwala sa mga larawan lamang. Sigurado siyang may kwento sa likod nito pero natatakot siyang malaman iyon. Ayaw niyang mas matinding sakit pa ang matamasa niya kapag nagkita sila. "Tama na nga yan. Kumain na lang tayo." Pinandilatan ni Ashley ng mata si Brandon. Sa totoo lang ay ayaw niya na sana iyong ipaalam sa kaibigan dahil nahihirapan na din siyang makita itong masaktan kahit hindi nito sabihin sa kanila. "Fixed yourself Cara." Seryosong saad ni Brandon. "Maayos naman ako di ba?" Isinubsob niya ang sarili sa pagtratrabaho nitong mga nakaraang araw upang huwag maalala si Jax. "Really? Then why are we not hiring a new supplier? Bakit hinihintay mo pa din ang A's hardware? Delay na ang mga ipinapatayo nating gusali sa sea side." Iyon na lang ang pag asa ni Cara na muling magkausap sila ni Jax kaya hindi niya iyon mabitiwan. "Ipinapaalala ko lang sa'yo Cara, lahat ng ito ay ipinagkatiwala saiyo ng yumao kong kaibigan na si Arman. Sana'y huwag itong madamay sa mga pinagdadaanan mo ngayon. Kung kailangan mo ng kaibigan nandito naman kami ni Ashley." Parang kuya na ang turing niya kay Brandon. Ito ang umalalay sa kan'ya simula ng mawala ang ate niya hanggang sa maging CEO siya ng Polar Group of Companies. Galing siya sa mahirap na pamilya. Nagtratrabaho sa club ang kan'yang ina at nagtutulak naman ng droga ang kan'yang ama. Sa tulong ng ipinamanang negosyo sa kanya ay nakapag-aral siya ng kolehiyo. Nahimasmasan siya. Kailangan niyang maging maayos at alagaan ang kompanya para kahit papaano ay maibsan ang konsyensyang nararamdaman niya sa pagkawal ng kan'yang kapatidm Unti-unti niyang kinalimutan si Jax sa pamamagitan ng pagtratrabaho. Ipinagpasalamat niya na marami siyang ginagawa at wala ng oras para isipin ang dating nobyo. "Congratulations, Ms. Clemente in a few weeks magbubukas na ang Polar Mall." Nakangiting bati sa kan'ya ni Mr. Benitez ang isa sa mga investors ng kompanya nila. Nasa ground floor sila ng Polar Mall para sa huling site visit. Kaunting pag aayos na lamang ay tapos na ito. Sa katunayan ay may ilan ng mga tenants ang nag aayos ng kanilang mga gamit. Mula sa kinatatayuan ay tanaw ang magandang karagatan. Dati rati ay hindi niya kayang makita ang ganda ang dagat sa harapan niya dahil doon sumabog ang banka na sinasakyan ng ate niya at nobyo nito na kumitil sa buhay ng dalawa. Subalit dahil kay Jax ay unti unting napalitan ng maganda ang ala ala na iyon. Tuwing pagmamasdan niya ang karagatan nararamdaman niyang andoon lang ang ate niya at ginagabayan siya. Iyon ang ipinaniwala sa kan'ya ni Jax na hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan. Matapos ang paglilibot ay bumalik na siya sa opisina upang pirmahan ang ilang papeles na kanina pa nakatambak sa kan'yang mesa. "Ash, where are the contracts?" tawag niya kay Ashley mula sa intercom. Nasa kabilang bahagi ng opisina niya ang sekretarya ngunit dahil soundproof ang glass wall na pumapagitna sa kanila ay kailangan niyang gumamit ng intercom. Kaagad na pumasok ng opisina niya si Ashley bitbit ang ilang dokumento. Inilapag iyon sa mesa niya. "Maraming negosyante pa ang gustong magtayo ng restaurant at bar sa sea side. Andito na yung ilang mga kontrata. I also inform them for a meeting next week," ani Ashley. "Okay. I will review it later." Tumayo siya at nagtungo sa vault na nasa likod niya. Doon niya itinatago ang ilang mahahalagang papeles ng opisina. "Minerva, dinalhan kita ng lunch." Masayang pumasok ng opisina niya si Grace, ang kinakasama ng kan'yang ama. Matapos mawala ng kan'yang ate Polina ay labis na kalungkutan ang naramdaman ng kan'yang ina hanggang sa nagkasakit ito at namatay. Di naglaon ay nagkaroon ng batang nobya ang ama na halos limang taon lang ang agwat sa kan'ya. "Balik na ako sa table ko." Paalam sa kanila ni Ashley. Naiwan silang dalawa ng madrasta niya na panay ang pagmamasid sa loob ng kan'yang opisina. Tila manghang mangha pa din siya sa nakikita kahit na ilang ulit na siyang nakapasok sa opisina ni Cara. "Anong kailangan mo?" tanong niya dito. Saka lang nito ibinaba ang pagkain sa mesa sa kanyang receiving area. "Ipinagluto kita ng paborito mo." Nakangiti itong nakatingin sa kan'ya. Ngiting pilit. "Talaga ba?" Sarkastiko siyang natawa. Kilalang kilala niya na ang madrasta, mabait lang ito sa kan'ya dahil may pera siya. Alam niyang pera lang ang habol nito sa ama. "Hihingi ka ba ulit ng pera? Inutusan ka ba ni papa?" Noong isang araw lang ay naglayas ang kanyang ama sa bahay dahil hindi niya napagbigyan ang kahilingan nito. Nangungutang ito ng malaking halaga ng pera. "Hindi ba pwedeng gusto lang kita makita? Pinilit ko ng umuwi ang papa mo dahil alam kong nag- aalala na siya at miss ka na niya." Pagpapaawa ng madrasta. "Grace just stop it. I know you. Kung mahal mo ang papa ko hindi mo siya hahayaang malulong sa sugal na yan." Gigil na saad ni Cara. Hindi na gumagamit ng droga ang kan'yang ama ngunit alam niyang nalulong naman ito sa sugal. Minsan ay binibigyan niya ito dahil natatakot siyang gumamit muli ito ng droga ngunit ngayon ay milyones na ang perang hinihingi nito. "Marami ka namang pera, ano ba naman yung dalawang milyon?" Napataas na ang boses ng madrasta sa kan'ya. Hindi niya masabing pera niya iyon dahil kaunti pa lang naman ang napaghihirapan niya sa kompanya. Halos lahat ng kinikita ng negosyo ay itinutulong niya sa mga charity ayon na din sa last will and testament ng kan'yang kuya Arman. "Umalis ka na wala kang aasahan sa akin." Malumanay na pagpapaalis niya sa madrasta. Padabog na tumayo si Grace at tiningnan siya ng masama. Bago ito lumabas ay binawi niya ang mga pagkain na dala niya para kay Cara. "Nacheck niyo na ba yung cctv?" tanong ni Cara. May nanloob sa opisina niya at nawawala ang ilang mahahalagang dokumento na isinilid niya sa vault. "We have already called the police they're on their way," sabi naman ni Brandon habang iniisa isang tingnan ang mga papeles. Magulo ang kanyang opisina. Hindi niya alam kung ano ang mga nawawalang dokumento. Hindi siya mapakali sa nangyari. Panay ang buntong hininga niya para pakalmahin ang sarili. "Cara" Mula sa pinto ay bumungad ang nag aalalang mukha ng kan'yang sekretarya. "Ashley? Andyan na ba ang mga police?" tanong niya. Umiling ito at lumingon sa may katandaang babae at lalaki na nakasunod sa likod niya. Umawang ang labi ni Cara sa pagkakita sa dalawa. "Gusto kong mas palakihan pa ang opisinang ito? I also think white and maroon color suits this room. Right hon?" Kaswal na sabi ng babae sa kan'yang asawa na para bang sila lang ang nasa loob ng opisina. "Don Victorino. Doña Imelda." Gulat na saad ni Brandon. "Oh, nice seeing you again our former lawyer, attorney Brandon." Sarkastikong bati naman ni Doña Imelda. Ito ang mga magulang ng kasintahan ng kan'yang ate, si Arman. Ito din ang nagtanim ng bomba sa bankang sinakyan ng magkasintahan. "Anong ginagawa niyo dito?" Galit na saad ni Cara. Ang alam niya ay nasa kulungan na ang dalawa katulad ng sinabi ng kan'yang ama. Ibang abogado ang kinuha nila para humawak ng kaso kaya ipinaubaya niya na lamang ito sa kan'yang ama. "Hindi ba't limang daang libo lamang ang katumbas ng buhay ng iyong ate Polina?" Nang aasar na ngiti ang ibinigay sa kan'ya ni Don Victorino matapos nitong sagutin ang tanong niya. Nagtaka siya sa sagot nito. "Why don't you ask you father?" Nakangiting sagot ni Doña Imelda habang prenteng umupo sa upuan niya. "And also tell him thank you for giving us back our company." Nangunot ang noo niya sa tinuran ng ginang. Paanong nadamay dito ang kan'yang ama? At bakit ito nagpapasalamat? Nasa ganoon siyang pag iisip ng iabot ng kasama nitong abogado kay Brandon ang isang papel. Kunot noo itong binasa ni Brandon. Hindi siya makapaniwala sa nakasaad doon. Alam niyang lehitimo iyon. "Nasa pangalan na nila ang shares mo dito sa kompanya," sabi nito kay Cara. Agad na hinablot ni Cara mula sa kan'ya ang papel at muli itong binasa. May pirma doon ang kan'yang ama. "Tapos na ang maliligaya mong araw sa nakaw mong kayamanan Cara Minerva. Amin na muli ang kompanya. Wala ka nang lugar dito." Nang aasar na saad ng ginang. "Mga magnanakaw kayo! Kayo ang nanghalughog dito sa loob ng opisina ko!" Nangangalaiti na siya sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. "Umalis na kayo bago pa namin kayo ipakaladkad palabas," saad ni Don Victorino na masama ang tingin sa kan'ya. Dali dali siyang umalis ng opisina para umuwi. Kailangan niyang makausap ang ama upang mas malinawan siya. Iniwan niya doon sina Ashley at Brandon para kausapin ang mga empleyadong nag aalala sa sitwasyon. "Papa, bakit hindi nakakulong si Don Victorino? Di ba po sabi niyo tapos na ang kaso at nakabilanggo na siya." Pilit niyang tinatatagan ang sarili sa mga isasagot sa kan'ya ng ama. "Anak, inatras na natin ang kaso." Bakas sa mukha nito ang kaba sa pagsagot sa kan'ya. "Inatras? Dahil ba pumayag kayong makipag areglo?" Tumango ito. Tuluyan ng tumulo ang luha niya dahil sa frustrations. "Pa si ate yun. Pinatay nila si Ate, yung anak niyo." Hindi niya matanggap na tumanggap ng pera ang ama kapalit ng hustisya para sa kapatid. "Kasalanan mo naman, kasi hindi mo ako binibigyan ng malaking halaga ng pera kahit na kaya mo naman." Paninisi ng kan'yang ama. "Kayo po ba ang kumuha ng mga papeles sa opisina ko?" Pinipigil niya ang galit na namumuo sa puso niya. Hindi niya matanggap na maaaring ang kan'yang ama nga ang salarin sa lahat ng ito. Binigyan niya ng karapatan ang ama sa kompanya. May tiwala pa din siya dito kahit papaano ngunit ngayon ay wala na. "Oo! Kami. Pinambayad namin ng utang kay Don Victorino ang shares mo sa kompanya. Tutal sa kanila naman talaga yun. Ibinabalik lang namin." Sabat ni Grace sa kanilang dalawa. Hindi niya napigilang padapuin ang kan'yang palad sa mukha ng babae. "G*g* ka ba?! Bakit ka nananampal? Kung sana pinapahiram mo ng pera ang papa mo hindi namin yun gagawin." Akmang sasabunutan sana siya ni Grace buti na lang ay umawat na ang ilan nilang kasambahay. "Bakit pa kasi kayo nagsusugal pa? Wala na tayong kompanya. Wala na. Mahirap na ulit tayo. Kawawa naman yung mga taong naninilbihan sa atin." Umiiyak na saad ni Cara bago umakyat sa kan'yang silid. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap wala na sa kan'ya ang kompanya. Ang kompanyang ipinagkatiwala sa kan'ya ng nobyo ng kan'yang kapatid. Paano niya na ngayon isasakatuparan ang lahat ng huling kahilingan nito? Paano na ang mga taong pinangakuan niyang tutulungan? Paano na siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.4K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

A Billionaire In Disguise

read
652.9K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.3K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook